Ang dami kong antok ngayon, sa
sobrang dami, nagtimpla ako ng mainit na mainit na kape at gusto ko sana ibuhos
sa katawan ko para magising ako, pero dahil magkakalat lang ako dito sa office
hindi ko na sinubukan.
Magsusulat nalang ako, pero gaya
ng dati walang topic, freestyle ika nga. Sunod daloy sa anuman papasok sa utak kong
masikip, utak kong mabaho, utak kong madumi, utak kong maputik, diamond star?
Teka, sumasarap ang kape ko,
higop muna ako ng tatlong beses….
*Cursor blinks*
Hindi ko na nahigop ang kape ko,
tumawag bigla kasi ang asawa ng nanay ko. Reply niya sa text ko kaninang umaga,
ganun ang asawa ng nanay ko, hindi yun nagrereply ng text, tatawag nalang sayo,
feeling mayaman? Long distance pa naman.
Nagtext ako sa kanya kaninang
umaga, kinakamusta ko kung nagpunta ba siya sa doctor niya. Last year ng September
kasi ay na-operahan siya dahil nagkaroon ng butas ang stomach (sa loob) niya, kaya
dalawang tahi siya, isa sa loob ng tiyan niya at isa sa labas. Medyo may
katigasan din ng ulo ang asawa ng nanay ko, hindi daw nagpunta dahil sabi daw
ng doctor niya, hindi makita ang sugat/tahi/whatever sa loob ng tiyan niya sa
pamamagitan ng x-ray, ultra sound at ultra-gay?, ang paraan lang daw ay papadaanin
sa kanyang bibig padiretso sa loob ng tiyan niya ang cam (?) o whatever na
tawag don, ouch!
Natakot ang anak ng lola ko,
ramdam ko ‘yun. Nakita ko kasi kung gaano siya nasaktan nung sa hospital kami,
nung lagyan siya ng kateter (tama ba, mga nurse?) sa itits niya, naihian nga niya
ang doctor, gusto ko sana maglaugh trip sa mga oras na ‘yun kaso nahiya ako sa
nurse na maganda. Saka nung lagyan din siya ng hose na pinadaan mula sa ilong papunta sa stomach (ata, wala ako alam dito) ilang oras before siya operahanan, ewan para ata e-drained daw tiyan niya, tangina nila, parang gusto
ko e roundhouse kick at e-kamehameha wave ang doctor dahil naiyak ang tatay ko,
oo tatay ko siya. Ang tatay ko for the second time nakita kong naiyak, first
time ko naakita nung mamatay nanay niya, at first time ko din nun makita ang
itits niya and I was like, ewww!
Kaya hindi ko na siya pinilit na magpatingin
sa doctor niya, sabi ko nalang, ikaw ang bahala, katawan mo ‘yan, ikaw ang
tunay na nakakaramdam. Sabi niya, bahala na daw ang Diyos sa kanya, tanging
diyos lang naman daw ang magpapagaling sa kanya. Doon na naman ako napakontra
sa kanya, sabi ko, ‘tay, alam ko Diyos ang nagpapagaling sa atin, pero ‘tay
hindi diretso magmamagic ang diyos para pagalingin ka. May paraan siya para
gumaling ka, yun ang gagawan mo ng effort, hanapin mo ang paraan na ‘yun. Eh malay
mo ‘yung paraan pala ay nasa doctor mo, edi hindi mo makukuha kung maghihintay ka
lang dyan na gumaling.
Pero, idol talaga ng tatay ko si
batman….!
Kaya nga may kasabihan na “Nasa
Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” at "Bahala na si Batman"
lol. nakita mo na pala kung san ka talaga unang nang galing. u was like eeew? hehe
ReplyDeleteyeah, at parang gusto kong tanongin si yaya ng "Yaya, what's that?"
Deletemedyo may humor tong post mo ha. LOL xD
ReplyDeletewat..... di ko alam na ganun pala ang ginagawa sa kateter. may gas. parang mas masakit yun kesa sa movie na SAW!
ReplyDeleteKung papaano mo pagsabihan ang asawa ng nanay mo, Kabilibbilib. Minsan kaugali ko asawa ng nanay mo "idol na idol ko rin si batman" teka this week may pipilahan nanaman sa takilya!
ReplyDelete