nuffnang

Monday, July 23, 2012

Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER...



"Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER (ng buhay)"


Naiposte ko na ito sa facebook ko at sa tumblr ko, at siyempre dapat maiposte ko din 'yan dito sa akin kaharian. Dito ko sana unang ipoposte kaso tinatamad me, busy ako.

Uniform namin 'yan ni Heaven, para lalong gumanda ang team work play namin sa kung anoman iisipin mo para masaya. LOL

"Tambalan babangga at gigiba sa lahat ng PADER (ng buhay)"

Dito sa buhay natin, kailangan natin ng partner na makakasama sa pagbangga at paggiba sa mga pader (pagsubok) ng buhay na haharangan sa atin daan, mahabang laro ang buhay, kaya kailangan natin ng partner para maging gabay ang isa't isa. Kailangan natin ng partner na hindi lang basta partner kundi 'yung tao na masasabayan ka at maiitindihan ang bawat galaw mo, at siyempre ganun ka din sa kanya. Alam ko bihira lang makahanap ng partner na pareho ang lakad ninyong dalawa, 'yung sabay ang mga steps ninyo, hindi kayo nagkakabanggaan at kung magkaganoon man ay nagkakaintindihan kayo.

Nasa team work lahat yan, hindi ito pinuputok ng butchi ko dahil sa maganda ang team work namin ng anak ng biyanan ko. 2 years palang kami, kaya drum-drum na ice tea pa ang iinumin namin para malaman ang sekreto ng pagkakaroon ng team work sa isang relasyon. Nasa stage pa kami ng pagpapractice at pag-aadjust para malaman namin na "We are meant to be".

Oo, hindi pa masabi na "we are meant to be" dahil bata pa kami, hehehe, pagtanda namin, pagpumuti na buhok namin, at masaya kaming magkaholding hands, doon, doon mga parekoy at mga marekoy puwedi na natin sabihin na "we are meant to be". Parang ang labo lang noh? Sige lang, kunwari may sense mga pinagsasabi ko at kunwari nagets mo, para masaya.

dafuq did I say?

Balik tayo sa litrato....

Mayroon natuwa sa nakakita dahil ang cool daw, lalo na daw ako dahil naisip ko pa daw mga ganyan shit. Mayroon din naman nabastosan dahil sa numero, well, nagtaka pa kayo, kailan ba hindi nahaloan ng kabastosan ang utak ko sa mga ginagawa ko?

Kung pilyo ang meaning sa'yo niyan, natutuwa ako dahil effective ang plano ko, dahil plano ko talagang maging pilyo ang dating niya sa mga makakakita. Mas magiging pilyo siguro lalo na kapag magkasama kaming suot namin pareho 'yan. Haaayyy, imagine this guys, ang sarap maghabulan sa loob ng kwarto habang yang lang ang suot ninyo, ang galing ng team work, 69.

Pero may ibang meaning din naman sa akin yan, hindi lang kapilyohan. June 9 yan, birthday ko. Pero aminin ninyo, mas maganda ang pilyong meaning, diba?

Mas sumasaya ang buhay kapag may kapilyohan sa mga utak natin, 'wag na tayo magpakabanal masyado dahil baka tumae lang tayo ng holy shit, at magkaroon ng alagang holy cow.


Nyeeeeeeeeeee............






8 comments:

  1. Kampay sa tagumpay ng iyong adhikain! Parang gusto ko ring magpagawa para sa ka-team mate ko!

    ReplyDelete
  2. papagawa ako niyan para sa future wife ko hehehe

    ReplyDelete
  3. Fap..fap...fap all the way brotha!!!

    hahanap din me ng teammate para pagawa din kami nyan..wehehe

    ReplyDelete
  4. Natuwa ako sa post na toh.. natuwa ako sa sinabi mo kuya na meant to be nga naman malalaman lang yun pag matanda na kayo.. wala lang.. kinilig ako..

    ReplyDelete
  5. shoot lang shoot dahil panigurado walang mintis.

    ReplyDelete
  6. ahehehehe...kulet lang...gusto ko din nyan...:D

    ReplyDelete
  7. hekhek!! ang ganda ng uniform .. nakaktuwa .. nainspire din ako magpagawa ng ganyan .. nyahaha .. joke .. lalo tuloy ako nainlababo sa jowa ko .. *kilig* pero hindi pambasketball ang magiging uniform namin .. sa pagakyat ng bundok .. yun kasi ang sports nya na nais nyang ibahagi sakin .. basta ipapakita ko rin siguro sa blog ko .. soon .. pagakyat ng bundok .. parang pag-akyat at paglalakbay ng buhay :)

    ReplyDelete