nuffnang

Sunday, September 25, 2011

Kaadikan


Kanina bago me pumunta sa Cafeteria para magpaparlor eh dumaan muna ako sa Clinic namin para kumain. Nagpatimbang ako ng sarili ko pero hindi kulang, sobra pa nga eh, 69.5 kilos na ako, mga 154 lbs ata ‘yan, kumbaga sa boksing eh, pang light middleweight na ako, hindi ko ka-level si Pacman, dahil siya ay 145.6 lbs lamaang, mas mabigat ako sa kanya, kaya baka gawin trumpo ko lang siya sa loob ng ring at gahasain don habang tinatanong ko ng "Who's your daddy?"

Isa lang pumasok sa ilong ko nang makita ko ang numero ng timbang ko, “Ang bigat ko, kailangan ko nang mag-GYM” Pero nakakatamad naman ‘yun at nakakapagod, at lalong nakakapawis, eewwwww, saka ang layo sa Villa namin ang GYM. Nakain ko tuloy, bakit kaya naggi-GYM ang mga tao?

Sa boso ko, lahat ng pumupunta o naggi-gym ay adik, oo mga adik sila sa iba’t-ibang kaadikan. Tatlong kaadikan ulet ang pumasok sa ilong ko, kung ano o saan adik ang isang tao kung bakit siya naggi-GYM.

Una, adik sa droga, adik sa bawal na gamot tulad ng shabu at katol. Kaya naggi-gym dahil un ang paraan niya para mawala ang adiksyon niya sa bawal na gamot, gusto na niya magbago, gusto na niyang tumigil, kaya sinusubukan niyang maging busy sa malusog na paraan, kumbaga e nire-revert niya sa pag- exercise ang addiction niya sa droga. Sa mahirap na salita, self rehabilitation ang ginagawa niya kung tama man yan, fuck cares!??

Pangalawa, adik sa kanin o sobrang pagkasugapa sa kung anu-anong pweding isalpak sa bunganga niya. Kaya nandon sa GYM ay dahil wala na siyang mabiling mga damit sa mga department stores at ayaw na siyang pasakayin ng mga jeepney, at pati biggest looser ay hindi siya tatanggapin dahil aabotin ng limang taon para lang maibaba nila ang kanyang timbang at para na akong adik sa kaoberan ng mga pinagsasabi ko. Sa madaling salita, nagpapapababa ng timbang, nagpapapayat o nagpapatunaw ng mantika sa katawan habang pinapataba naman ang kanyang self esteem.

Pangatlo, adik sa **** o ****, manyakol, kaya lang nagjejer-gym ay para lang makascore sa mga babaeng/bading/lalakeng naroon, at kaya lang nagjejer-gym eh para gumanda lalo ang kayang katawan at makarami pa siya ng  **** o ****.

Pang-apat, syempre ang all of the above.

Ikaw anong klase kang adik sa GYM?!



7 comments:

  1. Lol. Ako yung tamad mag gym. Mas mabigat pa ko sayo ng 3 kilo kainaman!

    ReplyDelete
  2. ayun nagblog ka uli! hehehe. anyway, sa payat ko'ng ito, nahihiya ako'ng maggym hehehe

    ReplyDelete
  3. Bulakbolero - hindi to ideal weight ko sa height kong ito...mas kainman...LOLOL

    Bino - nabored lang dito sa opis..hehe...magpataba muna...hehe

    ReplyDelete
  4. kaya lang naman ako naggym para lumiit ang tyan ko eh,wahaha.. pero mas masarap kumain kesa maggym hehe

    ReplyDelete
  5. natawa ako sa iyo pero di ko alam kong matutuwa ako na mas mabigat ka pa sa akin ng 1.5 kilos.Ang payat ko na ba talaga? I need to gain weight at least 7 kg pero sana muscle naman di taba.Sorry naman ganyan talaga ang mga payat.

    ReplyDelete
  6. ang bigat mo na nga parekoy...

    gym? hindi usao sa amin hehehe.. sa pulo lang para ka nang naggigym..

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
  7. welcome back... hehehe.. kakain yan kaya bumigat. apir! Lol

    ReplyDelete