Kasama ako sa mga iilan tao na hindi naniniwala sa mga maligno, multo o anu pa man nakakatakot o pampatakot ng mga lola at lolo natin. Kahit kailan siguro ay hindi ako maniniwala sa mga multo/maligno na ‘yan hanggang sa wala akong makasex na white lady, makajamming sa yosi na kapre, mapadede na tiyanak, maka-marathon na tikbalang, o anu pa man, bwiset silang mga nilalang, mga choosy sila ayaw nilang magpakita sa akin eh, o baka takot lang sila sa bossing nila?
Nun pa man ay naghahangad na akong makakita ng multo o maligno, naiinggit me kasi sa mga may experiences na eh. Na-a-out of place ako sa mga nagkukwentotan tungkol sa mga kakaiba nilang karanasan sa mga multo o mga maligno.
Pero may kaisa-isa naman akong experienced, hindi ko alam kung credited to sa mga kwentong pang Halloween, at hanggang ngayon ay nanatiling misteryo sa akin isipan.
Minsan sa amin probinsiya, bumisita kami sa tita ko, dun narin kami natulog. Dahil sa marami kaming magpipinsan, lahat ng lalake ay sa sala natulog, gaya ng dati naglapag kami ng banig. Nagising ako ng hating gabi, 12:00 am sakto, walang ilaw sa mga oras na ‘yon, probinsiya eh, lampara lang ang nagbibigay liwanag sa iilang parte ng malaking bahay. Naupo ako at tiningnan ang mga kasama ko, lahat mahimbing ang tulog.
Sinulyapan ko ulet ang relo sa may dingding, sampung minuto na ang nakakalipas, nagdesisyon akong bumalik sa akin pagkakahiga. Mga ilang minuto pa siguro ang nakakalipas, may naramdaman akong kaluskos sa labas ng pintuan namin, nilingon ko lang ang pinto tapos pinikit ko ang aking mata.
“Akoni…akoni...” Biglang may tumawag sa akin, tinapunan ko ng tingin ang pinto para siguradohin ang aking narinig, ”Akoni…akoni…akoni…” potang pato, mayroon nga. Paulit-ulit nito tinatawag ang pangalan ko, malumanay at mahina ang boses, parang bulong kapag nakikipag-sex, pero hindi ako nakaramdam ng takot sa pag-aakalang ‘yon ang pinsan kong adik.
“Mamatay kana dyan hindi kita pagbubuksan” ‘yan ang nasa isip ko, tinatamad kasi ako bumangon, mga dalawang metro lang ang layo ko sa may pinto kaya dinig na dinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Nang hindi ko na pinapansin, biglang nayuga ang pintoan, at patuloy parin ang boses sa pagtawag sa akin at patuloy parin ako sa kakaisip na “Mamatay kana dyan hindi kita pagbubuksan ng pinto”, madalas kasi gabi na kung umuwi ang pinsan ko, kundi lasing ay bangag sa droga, kaya pakialam ko sa kanya.
"Akoni...akoni..." Patuloy parin ang boses sa pagtawag ng pangalan ko at naaalog parin ang pintuan, hanggang sa humina na ang boses, pahina ng pahina. Dahil sa pag-aakalang yon ang pinsan ko, nakatulog na ako.
Kinabukasan, tinanong ko ang tita ko kung nasaan ung pinsan kong adik, sabi ko “tita saan natulog si pinsan? kagabi kasi hindi ko pinagbuksan” natatawa akong kinukwento sa kanya ang mga nangyari. Nakatingin lang sa akin ang tita ko, bakas sa mukha niya ang pagtataka.
“Wala siya dito, nagpaalam sa akin kahapon na doon daw matutulog sa siyudad”, doon na ako kinilibatutan, putcha sino ‘yung tumatawag sa akin kagabi?
A. Maligno (Puta ang pipili nito)
B. Lasureco (parang melraco)
C. Mambobote
D. Imahinasyon ko lang dahil sa katol na katabi ko
E. Talagang sira ulo lang ako
Ngayon kuya Eddie at ate Charo, nagugulohan na ako, hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko parin ang pinaglalaban ko sa buhay, ang hindi paniniwala sa mga maligno at kung anu-anong multo.