nuffnang

Saturday, November 19, 2011

CRAZY-EL part 3



Naalala niyo pa ba ung kwento ko tungkol sa isang friend ko? Hindi? Ako rin eh, hehehe…tara let’s go tayo dito at dito para maalala natin siya.

Ayun naaalala ko na siya, siya ‘yong tatanga-tanga sa pag-ibig na kaibigan ko na nilalandi na ang lahat at ako lang ang hindi magawang landiin. Siya ung babae na nabaliw sa Virtual Boyfriend niya hanggang sa nagkaletche-letche na ang puso niya sa kanya ay hindi parin nito natikman ang magandang ABS nito.

Natuwa ako nung ibalita niya sa akin na hiwalay (na naman) daw sila ng VBY niya, sabi ko, sa wakas natauhan din ang baliw na ito, at naisip ko na baka pagbigyan na niya ako, baka landiin na niya ako this time, pero NOOOOOOOO, hindi nangyari yown sa halip ay nakahanap agad siya ng lalakeng lalandiin at lalandi sa kanya.

Napakasakit kuya Eddie, pero dahil good friend ako, kailangan ko maging masaya para sa kanya na walang pag-iimbot. Pinagdasal ko nalang na sana ‘yon na ang lalakeng magpapalimot sa kanya sa VBY niya. Sobrang minahal kasi niya ang VBY niya, luko-luko kasi ung lalake na ‘yon kaya nagkaluka-luka na din siya sa kanya. Ilang ulet nangako sa akin na kakalimutan na daw niya ang VBY niya, pero Nooooooooo, lagi parin ito affected sa mga drama churvaness eklabness ng lalake.

Ang huling sumbong niya sa akin ay naka-move on na daw siya, may iba na daw nagpapatibok ng puso at puson niya, pero….may asawa at anak ang bagong boylet niya. Ayos lang naman, ang importante mahal ka ng lalake, sabi ko sa kanya. Pero nag-doubt ako sa lalake, sa isip ko another pain na naman ito sa puso ng kaibigan ko kung sakali. Pero sabi niya masaya siya eh, masaya daw sila, kaya hinahayan ko nalang siya magpakabaliw sa kalibogan nararamdanan nila sa isa’t isa. Pinayoan ko nalang siya na mag-research about sa guy na un, kung bakit nagkahiwalay sila ng ex-wife niya, baka kako tarantado ang lalake, pero ewan ko lang kung ginawa niya un, masaya siya eh, bakit naman magreresearch pa, diba?

Nagkita kami nung magbakasyon ako, nakita ko nga masaya siya, kasi putak ng putak, ganun yun pagmasaya, ang daming shit, ang daming kwento tungkol sa boylet niya. Nakahinga me ng maluwag, sa wakas masaya na ang love life ng kaibigan ko, at ang maganda pa don, totoo na, may nahahaplos na siyang totoong abs.

Nung pabalik na ako dito sa saudi, binalita niya sa akin na mag-aabroad na rin daw siya, gusto daw niya nang pagbabago sa buhay niya. Ganun nga ang nangyari, nasa UAE na siya ngayon, pero nalungkot me, kasi wala na me utosan sa manila, wala na me alalay, wala na me atsay, siya kasi pinapaasekaso ko sa mga probs ko sa pinas, LOL.

Anyway, makulet ang babae na ‘yan, itong mga nakaraang araw, lagi ako kinukulet na gawan ko daw ng ending ‘yng naunang kwento na sinulat ko tungkol sa kanya. Kaya ito gagawaan ko nalang ng ending ang story niya para matigil na siya, my friend this is for you, THE END.


Itutuloy….


1 comment:

  1. Baka kayo ang magkakatuluyan sa ending pre? LOL

    Wow! It's been awhile...

    ReplyDelete