nuffnang

Wednesday, May 23, 2012

Kwentotan 2

Sa pagpapalutoy ng kwentotan.....Sana masarapan kayo.


Sa isang beach pinagdaos ang one day survival na sinasabi nilang NO BODY CONTACT…….

Pagdating namin sa lugar, nakaramdam na ako ng kaba, lalo na nung magsidatingan ang ibang membro galing sa ibang chapters. “No body contact, no body contact, no body contact” ‘yan ang pinapaikot-ikot ko sa aking isipan.

Naghanda muna sila ng mga gamit sa cottage na nirentahan namin. Biglang may bumulong sa akin, “Halika ka muna, samahan mo ko” Bulong niya, napatawag ako sa akin nanay dahil ‘yung bumulong sa akin ay mukhang adik, tangena, kataposan ko na ata.

Nagpasama siya sa town, pumunta kasi sa isang sugalan. Ang baho ng lugar, amoy alak, amoy sigarilyo at amoy taong mabantot, tangina, may naglalaro ng baraha, billiards, at dart, lahat may pustahan. Kinabahan ang murang utak ko, may mga ilang taong kinausap lang dun tapos bumaba na kami at pinakain ako ng isang buong manok, ayy putangina kako mabait naman pala ang hayop na ito.

"Pakabusog ka, kakailanganin mo ang lakas mamaya". Sabi niya sabay ngisi, na ikinakaba ko, pero mas malakas ang tama ng litson manok kesa sinabi niya, WHO CARES?!! masarap ang manok, BOOM!!

Medyo madilim na nung makabalik kami, at muntik na akong magkaalmuranas sa talim ng titig sa akin ng ibang membro.

Bakit daw umalis ako nang walang paalam, kahit man lang sa coordinator ng batch namin?

P-A-T-A-Y!

“Master, sinama ako ni Master adik” Pagrarason ko.

Naramdaman kong medyo nagkaroon ng tension sa pagitan ng president namin at ni Mr. Adik, medyo malayo kami sa kanila, pero may kalakasan ata ang signal ng aking taenga dahil may nasasagap ako sa bangayan nila. Bakit daw ako sinama sa labas at hiniwalay sa mga aka-batch ko, alam naman daw niyang bawal ‘yun dahil nasa labas kami ng campus, kung may mangyari sa amin, lagot daw sila, wow concerned si Mr. President. Pero siyempre, si Master Adik sumasagot din, nagdadahilan din na wala naman daw nangyari sa akin at ano pa ang pinuputok ng butchi niya, ano nga pala ang butchi?

Ilan sandali ay pinuntahan na kami, na nakahilera lang kami sa ilalim ng puno ng niyog. “Umpisahan na” Narinig kong utos ng M.I. (Master Initiator) namin. Lumapit ang lahat ng membro, yung iba lasing na.

P-A-T-A-Y!

“Magpakilala kayo” Pasigaw na ang mga salita niya, tangina, no body contact nga, sindakan lang ata ito, yun nasa isip ko, kung ganun lang, kaya ko, hindi ako mamamatay sa sindak, ano ako, si Barbara?

Unang nag-step forward ang coordinator ng batch namin, “Ako si kdjasdkafwe@#$%kds” WAPAK!!! Hindi ko na naitindihan ang sumunod sa “Ako si” dahil isang malakas na sampal ang narinig ko. Putangina, body contact ‘yun ah, sigaw ng isip ko. Nakayuko ang ulo namin, kaya mga paa lang nila nakikita ko. Naririnig kong nagtawanan nalang ang mga putangina sa pagsampal sa kasama ko.

Hindi ko alam kung matatae o maiihi ako nung yung katabi ko na ang sampalin ng isa sa kanila, step-forward-chin-up “Ako si ngakgakjdalfds” WAPAK!!! “Ano pakialam ko!!” sagot ng sumampal sa kanya at laugh trip naman ang lahat.

Oh GOD why? Turn ko na….


9 comments:

  1. Napabasa at napacomment ako dahil sa title... Haha! Wapak!

    ReplyDelete
  2. ano ba yan manong fraternity?!!

    ReplyDelete
  3. mukhang fraternity na may adult scenes . sana ganun hehehe

    ReplyDelete
  4. wapak..... turn mo na. nakow. baka masampal ka or baka iba ihampas.

    ReplyDelete
  5. pwede b mgmura pre?
    body contact na e2 ah...
    pero my ksunod p nman..

    ReplyDelete
  6. hahaha grabe adultness ito.. para sa mga masokista...

    ReplyDelete
  7. ganito na ba dito todo bitinan portion? true story ba to kaps?

    ReplyDelete
  8. mukhang si Akoni ang sasampal tignan ko lang kung makasampal si master mananampal....

    ReplyDelete
  9. sinungaling ! may body contact eh...wahaha

    ano kyang mangyayari sayo..

    kaabang abang :

    ReplyDelete