nuffnang

Monday, July 9, 2012

Bloggero



Inaalikabok na itong blog ko kasabay ng pagkalat ng kalawang sa aking utak, wala na akong maihain sa mga basaHERO pa dito ng aking kaharian. Knock! Knock! nandyan pa ba kayo?

Oo, mga basaHERO kayo, kayo ang hero ng isang manunulat o ng isang bloggero, kayo ang taga pagtupad ng kanilang/amin mumunting pangarap. Kung walang basaHERO, walang silbi ang likha ng mga manunulat o mga bloggero, kayo ang nagbibigay buhay sa mumunti namin pangarap, kayo ang amin taga pagligtas, kaya be proud to be a Kapitan basaHERO, tengene, parang batibot lang.

Mahigit isang taon na akong nagbablog at nalaman ko na ang pagbablog pala ay parang ang kinukwentohan/kinakausap mo lang ay ang iyong sarili, ikaw ang nagkukwento, at ikaw din ang nakikinig, basta ito’y sa pagitan mo lamang at nang iyong sarili, tapos may sumasabat lang sa iyong comment box.

Ang tanong, bakit ako tinatamad ngayon magsulat, ayaw ko na bang kausap ang sarili ko, ayaw ko na bang may sumabat sa amin ng aking sarili, bakit?!

Minsan ang daling umpisahan ang isang bagay, pero napakahirap ito taposin lalo na’t hindi mo alam kung papaano?

Masaya parin naman akong nagkukuwento sa aking sarili (sa ngayon), at masaya parin ako dahil may mga natitira pa naman sa mga basaHERO ko. Basta ang tangin hiling ko lang ay huwag kong malaman sana kung paano ko tataposin ang nakahiligan kong ito.

Huwag sana...





9 comments:

  1. hahahah! pare-pareho tayo manong! balisawsaw ang utak!

    ReplyDelete
  2. tuloy mo lang yan,dahil isa ka sa sunusubaybayan kong blogero. Hindi man ako palacomment sa mga usapan mo ng sarili mo, malalaman mo na dumaan ako at nagbasa, check mo sa stats ng blog mo.

    May araw talaga nakakatamad magsulat, may araw na masipag. Ganyan talaga. Basta tuloy tuloy lang.

    (LOL! Nagpayo ang tinatamad na rin magblog?)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo. Ramdam at kita ko naman na mayroon parin akong mga basaHERO. hehehe..malakas parin ang sipa ng aking STATS kaya naliligaw parin ako na mahanap ang paraan para tumigil. :)

      Delete
  3. sulat lang! kahit matamlay ang blogging days. di naman ako nakakalimot bumisita :)

    ReplyDelete
  4. panahon lang brotha...panahon lang yan!

    lintek na meme yan!!! na distract me ng bongga...wahahaha

    ReplyDelete
  5. al sa comment lang ako nag basa.Gusto ko lang ibalita sayo na balik rommeldiamante.blogspot na ako ngayon kaya pag may time ka, pag may time lang naman update mo yong link ko diiya at ibasura mo na ang www.oneacreofdiamond.com dahil iba na ang nagmamayari pastela pakialamero.

    ReplyDelete
  6. hello kapatid. Nakarealate ako. :) di na ako gaao ag ba-blog. pero ok lang yu. may mga ganito sigurog moments talaga. ako eto basa basa na lang. minsan di na nagko-commet. I hope you're well. miss na kita kaps. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Helllooo kaps, I know youre too busy dahil sa paghahanda na ginagawa mo..excited na me makita mga larawan guguhit sa panahon, hhuh? hehe.

      @diamond - Ninakaw pala dati mong bahay..sige-sige.

      Delete
  7. Akoni ikaw ang isa sa nagpapasigla sa buhay bloggero! At hangad ko bilang isa sa libo-ibo mong basaHero na nagkalat sa earth at karatig planeta nito na huwag kang magsawang kausapin ang sarili mo!

    ReplyDelete