nuffnang

Thursday, December 12, 2013

The hearsay story: Ang alamat ng hotcake

R16

"Kuwentong narinig lang: Ang alamat ng hotcake"

Isa na naman maalamat na kuwento ang inyong masasaksihan na narinig ko lang sa pader.

Isang araw, may mag-ama, yun lang mag-ama lang. Ang anak ay nagbibinata na. Nagsasawa na sa pagpapantasya sa mga babaeng nakikita niya araw-araw at nagsasawa na sa kakanakaw ng mga sinampay na underwear ng mga kapitbahay nilang babae.

Dahil don ay tinapat na niya ang kanyang ama.

"Pa, gusto ko nang mag-asawa", Pagtatapat nito sa kanyang amain habang umiinom ng kape. Isang malakas naman na nahaklak ang tugon ng kanyang ama. Sa lakas tawa nito ay  lumabas ang iniinom na kape sa ilong.

"Buwahahahahahaha" tawa ng ama.

"Brssshhhhhh" kapeng malaya.

"Oh, bakit naman po kayo natawa ng ganyan, sayang ang kape" nagtatakang tanong uli ng anak.

"Ikaw, gustong mag-asawa? Hahaha"

"Ano naman po problema don pa? 21 na po ako, hindi ko na po mapigil ang kalibogan ko. Hindi na sapat ang pagsasarili para mapigil ko ang init ng aking katawan. Baka makagawa po ako ng krimen, baka makapang rape po ako dahil sa kalibogan. Saka pa, sawa na ako sa pempem ng kambing ni Mang Tado" makahulogan sagot ng anak.

Napaisip ang kanyang ama ng ilang segundo...

"Tama ka, pero bwahahahahahahahaha" natawa na naman ang gago.

"Oh ano na naman nakakatawa don?" Nasasaktan na ang anak sa mga tawa ng kanyang ama.

"Eh ang liit kasi ng tete mo anak, bwahahahahaha. Wala pa atang 3 inches yan eh. Hahaha. Paano mo papaligayahin ang asawa mo, kikilitiin mo gamit yang toothpick mo? Bwahahaha. Magpahaba ka muna ng tete hoy! Saka ka pumunta sa akin..." Nakakainis na ang gago.

Nasaktan ang anak, tumakbo ito sa banyo na umiiyak. Naghubad ng salawal at tiningnan ang tete, maliit nga. Kaya lalo ito naiyak, nagslide sa wall habang umiiyak na hawak-hawak ang titing maliit.

"Ooohhh God, wwwwhhhhyyyyy?" Linya nito habang nagwawalling.

Ilang araw ng masama ang loob ng anak. Hindi niya alam kung kanino sasama ang loob, gustohin man niyang sumama ang loob sa tatay nito dahil sa pang iinsulto, ay hindi niya magawa dahil tama naman ito. Niligtas pa nga siya ng ama sa kahihiyan eh. Tama nga ang kanyang ama, paano niya mapapaligaya sa kama ang kanyang magiging asawa? Baka pagtawanan din siya nito at hiwalayan pagnakita ang ga-siling labuyo na titi.

Nawalan ng gana ang anak, lagi na itong malungkot. Hindi na halos kumakain at hindi na nagsasalsal.

Isang araw na naman nakaisip uli ng idea ang anak kaya dali-dali itong pumunta sa kanyang ama.

"Bwahahahaha, oh anak, mahaba na ba ang tete mo? Bwahahaha" inunahan na ang anak at halos mamatay na naman sa kakatawa ang gago.

"Hindi pa po papa, pero may naiisip po akong solution" mungkahi ng anak.

"Abaaaa...magaling ah. Ano 'yun?" Tanong ng ama.

"Hindi ko pa po alam, pero alam kung meron. Sabi nga nila, walang problemang walang solution" sagot ng anak.

"Anak ng teteng naman anak, nature na yan. Walang solution dyan" sagot ng ama.

"Meron papa, papatunayan ko sa'yo. Maglalakbay ako sa buong mundo, hindi ako babalik hanggat hindi ako magtatagumpay" diterminadong salaysay ng anak.

"Buweno, mukhang seryoso ka dyan sa sinasabi mo. Sige, nakuha mo ang basbas ko. Maglakbay ka." Sabi ng ama na ikinatuwa naman ng anak.

Umalis nga ang anak, nagpunta sa iba't ibang bansa. Halos maikot na niya ang buong mundo sa paghahanap ng gamot para lumaki at humaba ang kanyang tete. Tulad ng kanyang inaasahan, nagtagumpay siya makalipas ng 28 years na pananaliksik.

Tagumpay

Umuwi ang anak na masayang masaya.

"Pppaaaaapppaaaaa...hahahaha...tagumpay papa, tagumpay akoooooo" malayo palang siya sa kanilang bahay ay nagsisigaw na ito.

Naabotan naman niya ang kanyang ama na nagkakape sa kanilang bakuran.

"Maligayang pagbabalik anak, ikinararangal ko ang iyong tagumpay" bati ng kanyang ama.

"Oo, papa. Mahaba na ang tete ko. Hindi lang basta mahaba, sa haba po ay abot na nito ang puwet ko, hahahahahaha. Puwedi ko na ba makuha ang basbas mo para makapag-asawa?" Sabi ng anak.

"Anak, bakit ka pa mag-aasawa kung abot na nito ang iyong puwet? Pakasalan mo ang iyong sarili, fuck your self son, buwahahahahaha. Doble saya pa yun, maarrouse ka sa pamamagitan puwet mo, maaarrouse ka pa sa pamamagitan ng tete mo, oh doble. Bwahahahaha" kagagohan na naman ng ama.

Nalungkot ang anak...

Itutuloy....o baka hindi na. Ang baboy lang ng kuwento.




Wednesday, December 4, 2013

Mga parekoy, matanong ko nga kayo. (Rated 18)

Babala lalo na sa mga babae: Huwag basahin kung sensitive sa usapin tungkol sa sex organs at sex. You have been warned!

Mga parekoy, kamusta na?

Pasindi nga ng yosi...

Uy, may mani...

May alak ba?

Wala? Alanjo...

Sige lang, ayos na itong juice...

Mga parekoy, matanong ko nga kayo.

1. Naglalagay din ba kayo ng moisturizer sa potutoy ninyo after maligo?

-Naglalagay ako kasi minsan dry tingnan, the skin tone is like batik-batik, yung parang sa US army uniform. Obviously I am huge fan of my putotoy. Kaya siguro lagi ko siya kalaro.

2. Naliligo ba kayo after sex o masturbation?

-This is a must. Ayaw ko lang ng malagkit. You know, the laway is everywhere. For masturbation, iba yung pawis na galing sa masturbation sa pawis galing exercise, may labong amoy o zonrox amoy.

3. At what age kayo tumigil magpantasya ng babae habang nagsasarili?

-Yes, nung high school malakas ang mind power ko dyan. Artista at kahit nakasalubong ko o kakilala, ginagahasa ko sa isip ko bago matulog. Pero nawawala din pala yun, nung nasa college na ako nawala na, siguro at age of 19. Siguro dahil may kakayahan nang gawing makatotohanan.

4. Shave o trim?

Trim ang kadalasan. Makati ang shave kapag umuusbong na uli ang buhok na pinagdamotan ng sustansya galing sa araw. Pero minsan nagseshave din ako, pero lagi ko nilalagyan ng petroleum gel kapag nagsimula na kumati (minsan nauuwi na sa pagsasarili dahil sa pagkamot).

5. Nakakaramdam din ba kayo ng pagsisisi after masturbation?

Yes. This is really the perfect example of "nasa huli ang pagsisisi". Hindi ko alam bakit nakakaramdam nang ganun feeling, maiisip mo na lang na "What the fuck I am doing in my life" then nakita mo uli peborit porn star mo. Again...

6. May nagyaya na ba sa'yo makipagsex?

Wala. Tinanong ko lang, baka may magyaya.

7. Kapag wala nang babae sa mundo, sa tingin mo papatol ka sa kapwa lalake mo?

No. Pero sa bading yes, pero hindi yung mas lalaki pa tingnan sa akin, baka mauwi nalang sa suntokan. Oh, wag niyo ako tingnan ng ganya, ang sabi kapag wala nang babae sa mundo. Babae!

8. Why I am asking all of this?

Baka may psychiatrist sa inyo, pakisagot.

9. Ano unang titingnan mo sa babae o gusto mong makita sa babae?

Boobs? Vagina? Ass? Nope! Feet? Yes. Dyan ko binabase if the girl is malinis sa katawan. Mas pipiliin kong makita muna ang feet ng girl kesa kanyang boobs/vagina/ass. Clean feet turn me OOOONNNN!

10.  Morning sex or night sex?

Morning sex. Sabi nila, umpisahan mo ang iyong araw na masaya para tuloy-tuloy na yung buong araw. May sasaya pa ba sa sex?

Teka, saan kayo pupunta?

Sama naman niyo ako...

HOYY!!!! Puntang ina ninyo!!!




Wednesday, November 27, 2013

Paramdam...



Hello earthlings,

May tao o mukhang tao pa ba rito? Yes (hindi ito sagot dyan sa tanong), yes I am back but not officially pa (may ganyan shit). Paramdam lang muna ito ika nga. Wala pang sapat na oras para ayosin ang bahay (blogsite ko, sana may magvolunteer ala Katniss) ko at wala pa ako sapat na pag-iisip para muling makapagkuwento.

Talaga atang dumadaloy sa tamod ko ang pagsusulat, hindi ko na maiiwasan ito, kahit anong pigil ko ay para itong orgasmo na hinahanap-hanap ng aking katawan. Halos isang taon narin ang tigil “sulat” ko, teka exaggerated masyado, halos walang buwan na pala. Matagalan narin 'yon. Sa haba ng oras ng pamamahinga ng mga kalokohan at kalandian ko rito ay ramdam ko parin ang urge ko na makapagsulat, makapagkuwento ng mga kalokohan at mga guni-guning ligaw sa utak ko. Marami na din mga kuwentong nasayang dahil sa pagtigil ko. Nasayang dahil hindi ako nakapag-iwan ng ebedinsya na magpapatunay na may naisip akong ganun klaseng kuwento o obserbasyon (may sense o wala), sayang talaga hindi pa naman nagsisinungaling ang ebidisya.

Dati gusto kong magsulat dahil gusto ko magkaroon ng sariling pag-aari sa loob ng internet, kilalanin ng netizens bilang isang amateur blogger, magpapansin siguro. Pero ngayon iba na, everything's changed ika nga. Siguro sa ngayon gusto ko magsulat para sarili ko, para sa sarili kong kaligayahan, siguro para maangkin ang aking sarili. Ganun ang pakiramdam ko kapag ako’y nagsusulat ngayon, parang inaangkin ko ang aking sarili ng buong-buo, yung sinasabi nilang “Me, myself and I”, ganyan shit. Para akong nakikipagseks sa sarili ko o para akong nagseselfie (masturbation). Ganyan ang tingin ko sa pag-susulat ko ngayon. Gagawin kong orgasm ko ang pagsusulat, aangkin ko ang aking sarili at paparatingin sa rurok ng tagumpay, masarap at masaya makapagsulat. Masarap paglaruan ang bawat salitang umiikot sa iyong isipan, pagtagpi-tagpiin ito na parang puzzle. Masaya dahil nakakagawa ka ng ebedinsya ng mga pinaggagawa mo sa sarili mo (sa isip).

Masarap ang ganun pakiramdam kahit mag-isa mo lang ito ginagawa, self-satisfaction. ‘yan ang nagtawag sa akin para magsulat muli, self satifucktion. I want to fuck myself till I get satisfied.

Writting is my orgasm.


Hanggang sa susunod na pagpaparamdam.

Sunday, March 10, 2013

NAMAMAALAM NA ANG HARI NG AKONILANDIA





Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan,
kaya tataposin ko nalang,
PAALAM mga ka-kaloko
at mga ka-guni.
Kita kits nalang,
Sa twitter/akoni0609 o sa kabilang buhay.
MARAMING SALAMAT!
MABUHAY!!!



Friday, March 1, 2013

Itanong mo kay AKONI: Bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa? Bat ang tao me ugat din pero d nakatanim sa lupa...





Papasalamat muna ako sa'yo at sa mga nagtatanong. Kailangan ko ‘yan para makaupdate lagi sa inaanay ko nang kaharian, maraming salamat.

~~~~~~
Tanong mula kay Zeimaya
Tanong: Bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa? Bat ang tao me ugat din pero d nakatanim sa lupa...

Lagi natin tatandaan na hindi lang dapat mata ang pahuhusgain sa isang bagay o gagamitin para maintindihan ang isang bagay. Huwag mata lang, dapat ito'y laging may ka-partner sa paghusga o pananaliksik, dapat samahan ito ng utak/pag-iisip o puso/pakikiramdam.

Tulad ng sa tanong, bakit ang ugat ng puno ay nakatanim sa lupa? Pero ang ugat ng tao ay hindi nakatanim…

Kung mata lang ang gagamitin natin sa pag-intindi dito, medyo malalabuan tayo. Una, parehas ugat, at oo nga naman bakit hindi lahat nakabaon sa lupa, diba? Pero kung may kapartner ang atin mata kapag sinuri natin ito, maiintindihan natin na lupa din ang katawan ng tao.

Ayon sa akin pag-aaral at napapaliksin (LOL) sa tanong mo, makalipas ang 10 minuto ay napaglaaman ko na parehas lang nakatanim ang ugat ng puno at ugat ng tao sa lupa. Ang ugat ng puno ay nasa ilalim ng lupa, ganun din ang sa tao, nasa ilalim din ito ng katawan lupa natin (Maliban nalang kung nakakita ka ng tao na ang ugat ay nasa labas) dahil alam natin lahat, na lahat ng tao ay galing sa alikabok o lupa. Sabi nga sa kanta ng ASIN na pinamagatan LUPA, Nagmula sa lupa, magpapabik na kusa. Ang buhay mong sa lupa nagmula ....lalala ...lala ...lalalaaaaa...

So, parehas lang ang ugat ng tao at ugat ng puno na nakabaon sa lupa. Hehehe. Kahit yung malaking ugat ng mga kalalakihan ay ibinabaon din sa “lupa o bukid (tawag ng mga matatanda sa toootoott ng mga babae”, ibig sabihin basta ugat, kailangan ibaon o maibaon sa lupa (ng sagad at sukdulan, LOL).

Sa kabilang bandang tanong mo na, bakit ang ugat ng puno nakatanim sa lupa?

Nakatanim ito sa lupa dahil hindi ito puwedi itanim sa langit, LOL. Biro lang. Nakatanim ito sa lupa para ipaalala sa atin na may buhay din sa ilalim ng lupa, kaya pangalagaan natin ang inang kalikasan. Naks.



Monday, February 25, 2013

Magtanong ay 'di biro: Bakit kaya nagagalit ang mga matatanda kapag sumasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda....




Tanong mula kay Ms. Leeh ng www.daisylee-saberon.blogspot.com

TANONG: Bakit kaya nagagalit ang mga matatanda kapag sumasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda? Pero silang mga matatanda mahilig makisali sa usapang pambata?


~~~~~~
DISQUALIFIED KA SANA DAHIL DALAWA TANONG MO, ISA LANG DAPAT. HEHE

Kaya nagagalit ang mga matatanda ay dahil hindi sinungaling ang mga bata. Ayaw isali ng mga matatanda ang mga bata dahil baka may marinig silang sekreto na hindi dapat ipagsabi sa iba, tapos ipagkuwento sa iba. Halimbawa, pinagkukuwentohan ng mga matatanda ang kapitbahay nilang may alipunga, hadhad, buni, at kung anu-ano pang sakit sa balat. Kung maririnig ‘yun ng isang bata, at sa paglabas niya ay naging kalaro nito ang anak ng kapitbahay nilang may collection ng sakit sa balat, malaki ang tsansa na sasabihin ito sa kalaro. 

“Narinig ko kanina sa usapan nina nanay at aling rosa, nangungulekta daw ang nanay mo ng mga sakit sa balat, tulad ng alipunga, hadhad, buni at kung anu-ano pa na hindi ko na matandaan, ano kaya ang mga yun?” Tapos uuwi ang kalaro nito, itatanong sa nanay niya. “Nay ano po ang alipunga, hadhad, at buni?” sasagot naman ang nanay ng bata, “Anak bakit mo naman natanong mga ‘yan?”, tapos sasagot ng "Eh kasi sabi ni Junjun mayroon ka daw nun, sabi daw yun ng nanay niya at ni aling rosa.

PATAY NA!

Kaya para maiwasan ang ganyan, sinasabi ng mga matatanda na huwag sumali sa usapan ng mga matatanda ang bata. Gets, gets aww na??

Sagot sa pangalawang tanong.

Kaya mahilig makisali ang mga matatanda sa usapan pambata ay dahil natutuwa sila, natutuwa kayo. Masarap maging bata, gusto mo ito mabalikan pagtanda mo rin. Lahat ng matanda ay gustong mabalikan ang kabataan na masaya, malakas, walang problema sa mundo at malaya.


Hanggang sa muli earthlings.


Friday, February 22, 2013

Dear Kuya Mark Zuckerbkafndreg



-Sulat ko ito mula sa FACEBOOK FAN PAGE ko (Naks ako na ang may FB fan page), sa mga mahihilig ng mga nakakatuwang litrato na ninakaw kung saan-saan lang, pero minsan lang naman ay nakakapost ako ng sariling gawa ko. 

-Matagal na ito don sa FB Note ko, at dahil wala akong maipost dito, repost ko nalang ito.

iTo nA!


SUGGESTION LANG FACEBOOK


Kanina pagkatapos ko magbanyo at patulog na sana ako nang biglang umandar ang gilingan ng kalokohan sa utak ko, kaya napabangon bigla, nagkamot ng kuyukot at inamoy. Mga ganitong pagkakataon kasi ay hindi ko dapat palanpasin, dahil bihira na talaga ngayon gumiling ng kalokohan ang utak ko, nagkakalawang na ang makina. Kahit nga panghuhuli ng mga ligaw na guni-guni ay hirap na hirap din ako at bago pa mapunta sa kung anu-anong katsuktsakan itong mga pinagsasabi ko ay uumpisahan ko na ang dahilan kung bakit naudlot ang paghihiwalay ng katawan at kaluluwa ko pasamantala.

Ito’y dahil sa FACEBOOK.

Hindi ko na kakailanganin pa ng explanation tungkol dito, ang dami na natin nabasang blog o sulat na ang topic ay tungkol sa facebook. Siyempre, meron din ako noh? Pero kakaiba ito, hindi ito tungkol sa kaadikan o mga nangyayari at nagaganap sa facebook, hindi ito tungkol sa pagpopost sa status ng mga drama o problema sa love life o ang tungkol sa kapangitan ng kaibigan mo, at hindi ito tungkol sa pagpopost ng mga….ewan alam na niyo ang mga ‘yun. Ito ay suhestiyon ko sa facebook. Oo ako na suma-suggestion kay kuya Mark Zuckerberg.

May dalawa akong suggestion na sana mayroon o magkaroon ang facebook.

Una, Sana may expiration ang "Facebook Friends"

Kailangan after 6 months ay mag-send sayo uli ang friend mo ng request na gusto pa niyang maging Facebook Friend mo, kung hindi ay automatic na itong madedelete sa friend list mo. Ang astig at angas lang nun, diba?

Ganun, ganito 'yan....

After 6 months ay may notification na lalabas na "Renew your friendship with Akoni" ganyan. Tapos pagclick mo ay may button na "YES" at "NO". Pag YES ang pinili mo, automatic na itong magsesend ng notification sa akin na gusto mong mag-extend pa ang pagiging facebook friends natin. Pagkarecieve ko naman at pagclick sa notification, may lalabas din na button na "Allow" at "Dump". Pag allow ang pinili ko, ibig sabihin ay gusto pa kita ulit maging friend sa loob ng anim na buwan. Kung Dump, ibig sabihin ay gusto na kitang itae, gusto na kitang mawala sa facebook friends ko, automatic kanang madedelete. Pero puwedi ka pa naman magsend ulit ng friend request sa akin, may second chance parin.

Sa ganyan paraan ay maiiwasan natin maging dekorasyon lamaang sa “friend list” ng iba. Malalaman mo pa kung sino ang ayaw nang magrenew ng facebook friendship sa'yo, LOL. Tapos puwedi kang mag-inarte, dump ka lang ng dump sa mga ayaw mong ma-extend ang friendship sa facebook.

Sa ganitong paraan din ay magkakaroon ng bonding ang mga users ng facebook, siyempre kailangan nilang kaibiganin talaga ang mga nasa friend list nila lalo na yung mga crushes o gusto nila, kailangan maging mabait sa lahat para hindi ma-DUMP after 6 months. Kapag may ganito na, sigurado ako ang totoong magkakaibigan lang ang magiging magkafacebook lamaang, diba? At sigurado ako na kapag may ganyan na ay maraming mabubuong pagkakaibigan sa facebook, hehehe.

2. Sana may kasamang explanition ang bawat friend request.

Ang astig at ang angas lang, kapag magsesend ka ng friend request sa isang tao, kailangan mo magpaliwanag ng hindi lalagpas sa 60 words at hindi bababa sa 50 words kung bakit ka nagsend ng friend request sa kanya. Required yan, hindi masesend ang friend request kung walang kasamang explanation.

Sa ganyan paraan ay maiiwasan ang sunod-sunod na friend request galing sa kung sinu-sino nalang na hindi mo kakilala. Mapapagod pa magpaliwanag ang mga taong walang ginawa kundi magpadami ng facebook friends, inaadd kahit sino para lang dumami ang friends nia. Sa una palang ay malalaman mo na kung kakilala mo ang nagrerequest o gusto lang makipagkaibigan.

Kung pakikipagkaibigan lang naman ang intention mo, ilagay mo sa explanation box na gusto mo siya maging kaibigan, na hindi mo siya kilala pero gusto mo siyang kaibiganin, makiusap ka, diba?

Example:

Hello, ako si Akoni, hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala pero nagsent ako ng friend request sa’yo dahil gusto kitang maging kaibigan. Maraming salamat! At dahil kailangan umabot ako ng 50 words, kunwari ay may sinasabi pa ako dito sayo na may sense. Sana ay accept mo ang friend request ko. Mwah!

At kung kakilala mo naman, magkwento ka sa kanya kung bakit nagsesend ka ng friend request sa kanya.

Example:

Walang hiyang kamote na yan, ikaw pala ‘yan? Hahahaha, hanep ah…hindi ko akalain na maaaring magmukhang tao pala ang kamote. Langya, dati eh kulay champorado ka Lang pero ngayon kulay champorado ka parin pero may gatas Na, hahahaha. Batik-bati na mukha mo, black and white na. HOY accept mo friend request ko hayop ka.

Oh diba ang astig, magkakaroon ng explanation box ang friend request at magkakaroon ng expiration ang facebook friendship?


Oo, naisip ko pa 'yan. Ganito lang talaga kapag napadami ang nakain na betsin.

~~~~~~

-Oh ayan, sa mga nag-aabang ng update ko rito sana ay nag-enjoy kayo at may natutunan kayo ng kunti. Hehehe. At sana nasagap ninyo ang mensahe na gusto kong iparating.



Saturday, February 9, 2013

Palabas VIII: May tanong ka ba? May sagot ako eh.



Bigla kong naalala na may portion pala na “Itanong mo kay Akoni: May tanongkaba, may sagot ako” dito sa akonilandia. Buti nalang may nagpadala ng tanong mga ilang araw na ang nakakalipas, kaya naalala ko na may mga hindi pa pala ako nasasagot, pasensya na earthlings dahil makakalimutin na lately ang inyong hari.


Tanong mula kay Richie ng www.1man1world.blogspot.com
What is the essence of being a man?

Masyadong malawak at seryoso na tanong, pang Mr. World. Naghahanap ng matinong sagot sa isang matinong nilalang na siyang hindi makikita sa akin, magkagayun pa man ay sasagotin ko ito.
Siguro ay ang maging mabuting mamamayan at maging maboteng kaibigan, at maging mabuting kapitbahay lalo na kay kumare. Magkaroon ng concern sa kalikasan, gaya ng hindi pagkakalat sa kung saan-saan, magtanin ng puno, huwag umihi sa pader (sa mga lalake, sa mga babae ayos lang), at magbayad ng pamasahe sa jeep dahil God knows hudas not pay. Maging good citizen ka ika nga, magkaroon ng disiplina sa sarili. At maging si Batman sa gabi.

Mula kay Brave-heart
Baket masama ang magpakamatay? Baket napupunta sa hell? 

-Kaya masama ang magpakamatay ay dahil mapupunta ka sa hell, sobrang masama ang hell, gusto mo mapunta don? 
-Kaya napupunta sa hell dahil nagpakamatay. Ganyan lang kasimple.
Laging tandaan lahat ng makakasama sa tao ay masama. Malinaw na malinaw pa sa singit, na ang pagpapakamatay ay makakasama sa tao kaya masama ‘yan.


Tanong mula kay momosan
Kuya bakit po hindi namamatay ang puno ng saging pagtinanggal ang puso nito? 

Iha, hindi puno ang saging, isa itong malaking halaman-damo o herb. Kaya hindi ito namamatay dahil puso lang ang tinatanggal hindi ang buhay nito. Tulad din ng mga taong walang puso, hindi rin sila mamatay-matay. Ganun lang ‘yun. *Tumunog ang kantang pusong bato*

Kung may gusto pang malaman, itanong mo na dito, at sasagotin ko kapag hindi na ako busy at nasa good mood. Hehehe

Ito naman 'yun mga nasagotan nang mga tanong: Nganga and Enjoy.




Tuesday, February 5, 2013

Sana kahapon ako pinanganak, buwesit!!!






Disclaimer: Mabuwesit ka kung gusto mo mabuwesit…

Alam ko sa panahon ngayon ay hindi na uso ang walang girlfriend(s) at boyfriend(s) naman sa mga babae. Kung meron man wala (BF/GF) ay kunting kunti nalang sila, kasing dami nalang nila ang mga matitinong pulitiko sa atin. Hindi tulad talaga noon kapanahonan namin (Putcha ang tanda ko na) na talagang luluha ka ng pawis, dudugo muna ang utak mo at kamay mo dahil sa kakasulat ng love letters bago ka magka-girlfriend. At kung anu-ano pang pagsubok ang ipapalasap sa’yo ng babae bago mo maamoy kung ano ang brand ng pabango niya, tapos hanggang kiss lang ang pinaka-peak ng “base”, sa pisngi  pa, buwesit, buwesit talaga, sana hindi ako pinanganak kahapon.

Ang “First base” noon ay makatabi mo ang crush mo. Nasa alapaap kana noon kapag nakatabi mo ang crush mo. Nagmimistulang parang robot ako non kapag magkatabi kami sa umupoan ng crush ko, panay pakyut ako, alam mo ‘yun, yung bawat kilos mo ay dapat nasa tamang angkulo ang dating sa kanya? Mamaya pag-uwi ipagyayabang na, na katabi ko kanina si Kuwan sa upoan, sarap ng feeling sabi ng rebisco.

Ang “Second base” ay makausap mo na ang crush mo. Putcha halos mawasak ang kama ko pagsapit ng gabi dahil sa kilig, dahil para akong bulate na pagulong-gulong sa ibabaw ng kama. Taas noo sa mga kaklase, sempre nakausap ang pinakamagandang babae sa school eh, nakasecond base. Hindi pa uso noon ang “pagnasaan” sa isip.

Ang “Third base” ay mareplayan ang love letter mo na pinaliguan ng pabango na inipit sa kanyang notebook o libro. Parang nagkakaorgasm ka dahil sa saya habang dahan-dahan mo binubuksan ang liham pagkatapos mo ito amoy-amoyin at sundin ang nakasulat na “Smile before you open”, putcha ang lakas ng kuryente ng kilig non.

Ilan lang yan sa mga “base” kahapon (kahapon nalang gagamitin ko kasi parang Jurassic na ang dating ng noong unang panahon), kapag nangyari saiyo yan  noon sobrang saya mo na, halos sumabog kana sa sobrang tuwa. Lalo na kapag nahawakan mo na ang kamay dahil girlfriend mo na. Grabe na ang level mo, hard core ka na p’re, isa ka nang alamat sa mata ng mga kaklase mo na kulang nalang ay ipagtayo ka nila ng rebulto at alayan ng mga bulaklak at prutas dahil sa paghanga nila sayo. Ganyan katindi kahapon, mababaw lang ang kilig, kunti lang ay kikiligin na, hindi tulad ngayon na ang lalim na at ang init pa at mamasa-masa pa (If you know what I mean) LOL.

Ngayon ang pinaka-peak ng mga “base” ay “Nabuntis na ang girlfriend o nakabuntis ng babae (sempre)”. Napapahiling tuloy ako minsan ng may halong pagsisisi at puot sa akin budhi na sana hindi ako pinanganak kahapon, LOL.

1990’s noong kumalat sa lugar amin (ewan ko kung ganun din sa inyo) ang mala-Nostradamus na prediction na mangyayari daw sa mga kababaehan. Sabi nila (hindi ko alam kung sino sila), sa year 2000 daw ay babae na ang maghahabol sa mga lalake. Grabe noon ang takot ng mga kaklase namin mga babae, halos masuka na sila kapag naiisip nila o nababanggit ‘yan at pinagbabato kami kapag itinutukso namin sa kanila ‘yan. Pero Kung gaano sila noon natatakot ay ganun din kalakas ang tuwa namin, putcha hindi mo na kailangan manligaw pa ika nga nila, kindat lang ang magiging puhunan mo at kunting landi, ayos na ang boto-boto at ang “malaking ugat sa katawan”. Malalasap mo na ang lahat ng klase ng mga “base”. Year 2013 na, mukhang nagkatotoo ang hula ng mga matatanda sa amin, sa palagay niyo?

Noong magbakasyon ako ng Pilipinas, September 2012, mukhang mas lalong malala pa ata ang nangyari. Noon ay ang madalas na kuwentohan namin ng barkada ay tungkol sa mga kanta ni Bryan Adams at Michael Bulton, mga jokes sa gag shows (Super Laugh In at Bubble Gang at Tropang Trumpo at Wow Mali), mga paboritong PBA at NBA teams kasama na mga players, at ang love team ni Judy Ann Santos at Wowie De Guzman. Kung may maisingit man na babae ay tungkol lang ito sa kagandahan nila o kaayosan, nahihiya kami magkuwento noon tungkol sa kahalayan at kalandian.

Sa paguwi ko nga, iba na talaga ang trip nila. Nagulat ako kuya Eddie at napakasakit ang mga narinig ko. ‘yung paboritong topic namin noon na basketball ay napalitan ng basketball sa kama, at 15 years old lang kuya ang nagkukuwento noon sa akin, kasama daw mga barkada niya na hindi rin lalagpas ang edad 15, kuya Eddie seks trip sila. Friends with benefits na pinaggagawa nila, at fling-fling lang daw. Nakanganga lang ako noon, hindi ko alam kung hahanga ako o maawa sa kanila o pagbabatokan ko sila at pagsisipain (dahil ayaw nila ako isama?). Buwesit talaga, samantala noong ako’y 15 years old palang ay nangungulekta pa ako ng mga tansan, mga balat ng kendi, teks, goma at holen, at umaakyat pa sa mga puno ng bayabas.

Buwesit talaga, bakit pa ako pinanganak kahapon? Isama ninyo naman ako sa agos ng buhay ninyo ngayon, LOL.

 Salamat madami sa mga nagbabasa, sa mga nagse-share at lalo na sa mga nag-iiwan ng bakas palagi. Sorry kung hindi ako nakakaganti, may personal akong pinagdadaan...LOL.



Friday, February 1, 2013

BnP sa Damuhan: Ang tulay ng pag-ibig


Isang gabi sa isang probinsiya. Si Namprel dinadamayan ang kaibigang si Dodong na problemado sa buhay pag-ibig niya. Nakaupo ang dalawa sa isang maliit na kubo sa may bukirin ng palay o sakahan.

Namprel:
Pareng Dodong, ayos lang ‘yan. Magagawaan mo din ng paraan yan, ikaw pa, saka hindi natin sigurado kung talagang ayaw sa’yo ni Inday eh, saka mas tisoy ka don kay Mo, lalo na kay mang Kanor at sa palagay ko si Hayden lang naman ang mahigpit na kalaban mo sa kanya eh.

Magkaibigan tunay si Dodong at Namprel at kapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan nung minsan ay mailigtas ni Dodong si Namprel sa makamandag na ahas nung sila’y nangaso sa kagubatan. Kung hindi agad nataga ng itak ni Dodong ang ahas ay baka natuklaw na ang nakalabas na kuyukot ni Namprel, feeling kasi nito ay isa siyang swag/gangster kaya ganun nalaang siya kung magsuot ng pantalon, hanggang hita. Nakapulubot ang ahas sa isang maliit na puno kaya sakto ang pangil at kamandag nito sa sunog na kuyukot ni Namprel.

Dodong:
Pare, hindi ko kakayanin makita na sa iba mapupunta si Inday, ikamamatay ko ‘yon. Alam mo ‘yan pare, saksi ka kung gaano ko siya pinangarap at pinapangarap. Kahit puta ang tingin sa kanya dito sa nayon natin dahil sa dami na niyang naging nobyo at mga manliligaw ay wala ako pakialaman pare, mahal ko pa rin siya, yun ang importante sa akin, mahal ko siya at alam kong siya ang magpapasaya sa akin. Siya ang magiging ina ng mga magiging anak ko at siya ang tatawagin kong honey my love so sweet, wala nang iba pang mamahalin.

Namprel:
Ang korni mo, hehehe, pero alam ko ‘yon at naiintindihan kita, kung may magagawa lang sana ako. Kung may alam sana akong paraan o teknik sa panliligaw tinuro ko na sana sa’yo, wala akong alam eh, ni-hindi ko nga alam paano manligaw at hanggang ngayon….

Hindi pa natatapos ni Namprel ang sasabihin niya ay natawa bigla si Dodong.

Dodong:
Hanggang ngayon…ay hindi ka pa nagkakasyota, hahahaha, syotahin mo kaya kalabaw mo, hahahaha.

Namprel:
Gago. Huwag mo naman ako pagtawanan, saka lalaki ang kalabaw ko.

Ilang Segundo muna sila tumahimik bago sumabog sa katatawanan.

Dodong:
Paano kasi natatakot sa’yo ang mga babae, nasobrahan ka kasi sa pagka-barako, para kang kapeng barako na nasobrahan sa pait, hindi ka na masarap, ang pait mo na, hahaha. Bawas-bawasan mo kaya pagiging tigasin mo, minsan turn off sa babae ang masyadong tigasin, magpakita ka naman ng kunting kahinaan, yang pagiging barako mo bawasan mo at maglagay ka ng asukal para sumarap ka.

Namprel:
Eh ano gagawin ko ganito talaga ako kung kumilos na parang naglalakad na bakal, at kung magsalita ay parang uulan dahil sa mala-kulog na boses ko. Kung magagawaan lang sana ng paraan ng agham at nang mga eksperto sa medisina para maiba ang mga kilos at pananalita ko, matagal na akong nagpagamot sa kanila noh, kahit maisangla ko pa ang sakahan ko pati mga kalabaw ko, isasama ko pa kapitbahay namin si Mang Dondie.

Nagtawanan na naman ang dalawang matalik na magkaibigan. Mahabang patlang naman ang sumunod na namagitan sa kanila, nakatingin sila pareho sa hubad na kalangitan. Pinagmamasdan ang mga kislap ng bituin na lalong nagpapaganda sa nakakaakit na kalangitan.

Dodong:
Alam mo p’re, paminsan-minsan magkunwari kang natatakot ka din, ‘yung kahit sa ipis o sa alupihan ay takot ka. Minsan kailangan mo sabayan ang trips ng mga babae para makuha mo ang sympathy nila, kasama ang panty. ‘yung maipaparamdam mo sa kanila na naiitindihan mo sila. Naiitindihan mo sila kung bakit sila takot sa ipis, gagamba, daga, alupihan at kung anu-ano pang pinandidirihan nila, ganun.

Nakangiting sinulyapan ni Namprel ang kaibigan.

Namprel:
Diba mas gusto ng mga babae ang lalakeng tagapagtanggol ang tindig at porma, yung parang super hero sa pelikula at mga nobela, na malakas, matapang, walang takot sa mga ipis, ‘yung parang mga bida sa action movies?

Dodong:
Oo, yan ang mga katangian na kadalasan hinahangaan ng babae sa isang lalake, sa pisikal na aspeto ‘yan, crush ang tawag dyan o paghanga. Pero iba ang sa pag-ibig, kung puso ang usapan o pag-ibig, ang mga katangian na hanap ng mga babae ay yung super heroes na may kakayahan makinig sa mga daing nila sa mundo, may kakayahan damayan sila sa oras ng kalungkutan, may kakayahan hawakan at hagkan sila sa dilim at bubulong sa kanila na, huwag kang matakot kasama mo ako. Mareklamo ang mga babae, kaya ang kailangan nila ay tagapakinig o makikinig sa kanila, ‘yung may kakayahan maintindihan sila, may kakayahan maramdaman ang saloobin nila, ganun. Mas epektib yan sa mga babae, weakness nila yung lalaking hindi lang may puso kundi may taenga pa, lalaking may puso at taenga, kuha mo?

Namprel:
Hindi.

Dodong:
ayy ibilad mo sa ilalim ng mainit na araw yang utak mo para maging daing at nang mapakinabangan naman, hahahaha.

Tawanan na naman ang dalawa.

Namprel:
Biro lang, pero tama ka, ang galing mo talaga. Eh paano yan torpe din ako eh, kapag may kausap akong babae lalo na kung gusto ako ‘to? naku po para akong natutunaw na sorbetes sa ilalim ng init ng araw.

Dodong:
Edi ang gawin mo kapag ganun na ang sitwasyon ay padilan mo sa kanya ang sorbetes para hindi masayang. Hahahaha, kung feeling mo natutunaw ka, sabihin mo, oh lady, please I am melting, lick me, lick me baby. Hahaha.

Laugh trip na naman ang dalawang magkaibigan.

Namprel:
Loko-loko ka. Alam mo, kung puwedi lang sana ako magwish na sana maging daan ako o tulay para ibigin ka ni Inday ay gagawin ko. Tutulongan kita sa kanya. Ako ang magiging tulay mo sa puso ni Inday. Malaki ang utang na loob ko sa’yo pare, kaya kung ano man kailangan mo para mapasagot mo si Inday, magsabi ka lang.

Biglang kumidlat na parang flash ng kamera ang kalangitan.

Dodong:
Say kamoooteeeee….piniktyuran na tayo ng langit. Uwi na daw tayo dahil gabi na, magdadrama ka na naman daw. Saka baka maubosan ng gaas ang lampara natin, madilim na oh, at madulas pa sa ilog.

Namprel:
Sige, kita nalang tayo next week. Punta ako bukas sa bayan para ibenta mga ani ko.

Dodong:
Sige, mag-iingat ka at maraming salamat ah, lagi mo ako dinadamayan, huwag kang mag-alala, pagbalik mo e-libre kita ng kamote que at lugaw kay Aling Maria, food trip tayo.

Namprel:
Wala ‘yon parekoy, walang wala ito sa pagsagip mo sa buhay ko…

Dodong:
Pagsagip ko sa kuyukot mo.

Natawa na naman ang dalawang magkaibigan.

Nagngitian sila, nagkatitigan pero dahil sa walang kislap sa mga mata nila, umuwi nalang sila.


~~~Kinabukasan nang 06:09am…~~~


Naglalakad si Dodong na iniisip parin kung paano niya mapapaibig si Inday. Sa kanyang pagmumuni-muni hindi na niya napansin na umabot na pala siya sa ilog. Nangiti siya sa bagong nasilayan ng kanyang mga mata.

“May bagong tulay na pala, kailan pa ito?” sa isip niya.

Habang masayang binabaybay ni dodong ang tulay, nagulat siya dahil natanaw niyang patawid din si Inday na mukhang galing sa palengke dahil nakaayos ito. Una ay natuwa siya, nakangiti siyang pinagmamasdan ang alindog ni Inday habang naglalakad na may bitbit na bayong at peryodiko na nakaipit sa kilikili nito.

Ilang Segundo lang ay nahimasmasan si Dodong mula sa pagpapantasya kay Inday. Kinabahan bigla, hindi niya alam ang gagawin. Patakbo siyang bumalik kaya nauga ang tulay, dahil dito’y muntikan nang malaglag si Inday, buti nalang ay napakapit ito sa taling nagsisilbing hawakan ng tulay. Napalingon si Dodong dahil sa narinig niyang sigaw ni Inday.

Mabilis uli na tumakbo pabalik si dodong kay Inday para isalba ito, kahit alam niyang malaglag man si Inday ay hindi ito mapapahamak dahil mababaw lang ang ilog.

Dodong:
Inday, ayos ka lang ba?

Inday:
Oo, nagulat lang ako dahil sa pagtakbo mo, bakit kasi?

Dodong:
Bigla kasi akong niromansa ng hiya nung makita ka.

Inday:
Ikaw talaga…bakit naman?

Dodong:
Ganun talaga, kapag ang puso ng tao ay nakita o natagpuan o naramdaman ang kaparehas nitong puso ay bumibilis ang tibok nito. Para bagang nag-uutos sa nagmemeari na ilapit dito. Kaya ayun, sa sobrang utos ng puso ko na lumapit sa puso mo, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Mas nangibabaw parin ang kaba at ang hiya ko sa’yo, kaya tumakbo nalang ako.

Inday:
Pinakilig mo naman ako, parang nararamdaman kong gusto narin ng puso ko na lumapit sa puso mo dahil sa mga winika mo at ginawa mong pagtulong sa akin ngayon.

Natuwa si Dodong sa mga narinig niya, kaya inimbitahan niya si Inday na magmeryenda sila sa lugawan at kamote que-han ni aling Maria mamayang hapon.

Dahil sa pangyayaring iyon ay natuwa din si Inday kay Dodong. Madalas na silang magmeryenda sa lugawan ni Aling Maria, minsan ay sa tulay sila tumatambay at doon kinakain ang kamote que na opkurs bili nila sa tindahan ni aling Maria.

Pagkalipas ng ilang buwan ay nagkaroon na si Inday ng paghanga sa binata, hanggang sa maging pag-ibig na ito, at makalipas ng ilang buwan ulit ay naging magkatipan na sila.


~~~Makalipas ang kalahating taon ulit…~~~

Magkahawak kamay na naglalakad si Dodong at Inday sa ibabaw ng tulay habang pinapakinggan nila sabay ang mga musika ng April Boys sa bagong biling Walkman ni Dodong, tig-isa sila sa headset nito. Mula noon maging sila na ni Inday ay naging special na sa kanila ang tulay na ‘yon. Pinangalan pa ito ni dodong ng “Tulay ng pag-ibig”, dahil dito nagsimula magkalapit at magkakilalanan ang mga puso nila. Sa tulay na’yon tumulay ang pag-ibig ni Dodong patungo sa puso ni Inday.

Kasalukoyan tumutugtog sa Walkman ni Dodong: Honey My Love So Sweet By: April Boys

Bakit ba ako'y laging ganito
lagi akong 'di mo pinapansin
Para na lang akong laging
Sumusunod sa gusto mo
Lagi kitang inaalala
Kahit 'di mo ako pansin
Honey my love so sweet.

Dodong:
Alam mo kung nandito siguro si Namprel, sobrang tuwa non dahil sa nangyari sa atin. Ang ganda ng kanta, hani my lab sooooo swwwiittt.

Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet

Inday:
Saan kaya nagpunta ang kaibigan mong si Namprel? Oo nga parang storya natin, honey my love so sweeettt.

Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.

Dodong:
Hindi ko nga alam eh, walang nakakaalam. Kahit pamilya niya hindi nila alam. Lumuwas na nga sila ng Manila para hanapin, baka raw pumunta sa mga kamag anak nila roon. Ewan ko ba saan nagpunta ang gago na ‘yun, mula nung gabing iyon pagkatapos namin mag-usap hindi na nagpakita pa ulit sa akin. Oo nga, ikaw talaga naaalala ko kapag naririnig ko ‘to, alay ko ‘to para sa’yo, hani may lab so swwiitttt..hehehe

Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
 
Inday:
Huwag kang malungkot honey my love so sweet, dahil kung saan man siya ngayon sigurado ako na kaligayahan mo parin ang hangad niya. Mahal na mahal kita Dodong ko.

Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet

Dodong:
Alam ko honey my love so sweet, salamat. Mahal na mahal din kita Inday ng buhay ko.

Lumakas ang tugtog...

Walang ibang mahal kundi ikaw lamang
Sabihin mo sa akin ako'y mahal mo rin
O giliw ko ako ay pakinggan mo
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
 
At nagkatitigan sila, nag-usap ang kanilang mga mata, nagbulungan ang kanilang mga puso, at unti-unti nang nagdikit ang mga labi nila habang patapos na ang kanta ng April Boys sa Walkman ni Dodong.


SEMI END


~~~~Flashback~~~~~

Noong gabing pauwi na ang magkaibigan…

Dodong:
Sige pare mauna kana, dito nalang ako dadaan kasi titingnan ko pa ‘yung kalabaw ko. Ingat ka sa ilog may nagpapakita daw don, hahaha

Namprel:
Gago. Nanakot ka pa, tagain ko pa magpapakita sa akin eh. hahaha.

Nang umabot na sa ilog si Namprel ay biglang may lumabas na nilalang sa harapan niya, totoo nga ‘yung winika ng kanyang kaibigan.

Natatakot na Namprel:
Sino ka??? *Gulat* aahhh!!!


UNN (Unidentified Na Nilalang):
Ako ang wish master pinoy bersyon 2.0 kaya korni at OA, huwag kang matakot, hindi ako kaaway, nandito ako para tulongan ka at tuparin ang hiling mo.

Takot parin na Namprel:
aaahhhh!!! Sino ka???

UNN:
Isa akong kai…kaibi..kaib..,narinig ko kanina ang hiling mo para sa kaibigan mo. bwehehehe

Namprel:
Hiling ko? ‘yong hiniling ko na sana maging tulay ako sa pag-iibigan nila ni Inday?

UNN:
Sakto, at good news dahil matutupad ‘yon.

Namprel:
Paano?

UNN:
Ito ang bato, lunokin mo at hilingin mo ‘yon.

Wala nang kung anu-ano pang shit si Namprel sa isip niya, ang tanging umiikot lang don ay ang kagustuhang matulungan ang kanyang matalik na kaibigan, ang kagustuhang makaganti ng utang na loob sa kanya. Kaya hindi na nagdalawang isip pa ay kinuha na ang bato, isinubo at agad-agad nilunok.

UNN:
Huwag kang sisigaw ng darna!!!

Namprel: *Nakapikit ang mga mata*
Sana maging tulay o daan ako para ibigin ni Inday si Dodong.

KIDLAT

HANGIN

ULAN

HANGIN

KIDLAT


KULOG

At ilang sandali pa ay binalot ng makapal na usok ang paligid, nagkantahan ang mga palaka, nagsayawan ang mga isda sa ilog, nagpatugtog ng musical instruments ang mga kuwago at tatapusin ko na ito dahil ang korni at OA na at pasensya na. Hanggang sa unti-unti nang nagiging tulay si Namprel, literal na tulay ng ilog.

*Tumunog ang stupid love ng SALBAKUTA*


THE END






Thursday, January 17, 2013

Kulay Pink: Mr. Speck of dust Chronicles






May mga topic na abnormal sa pandinig ko, hindi ako sigurado kung ayos lang yun pag-usapan ng mga lalake o talaga lang abnormal ako at may problema sa pag-iisip.

Mitikuluso + Lalake = Kulay Pink?

May interesting colleague kami dito, si Mr. Speck of dust, naalala ba niyo siya, ang English pulis patola natin?

Itong blog na ‘to ay sequel ng storya niya at sana marami pang sequels na magawa para sa kanya, hehehe.

Nakakasama ko/namin lang siya every lunch. Sa tuwing lagi niya pinagmamalaki sa amin ang pagiging mitikuluso daw niya ay napapatingin ako sa kalangitan at sa paligid ko kung nagkulay pink na ba ito.

Namuhay ako na mag-isa sa kwarto, at may taga ayos sa mga gamit ko, siyempre ang butihing nanay ko. Minsan lang ako naglilinis ng kwarto kapag dinadatnan ako ng kulay pink na regla. Pero nung nag-college na ako at nakahalubilo na ang ibang mga lalake, kinilig ako ate, charot. Hindi naglaon ay nakaugalian ko na rin ang karamihan o normal na pag-uugali ng mga lalake sa loob ng kwarto, siguro gets ninyo na guys kung ano mga ‘yan? lalo na yung mga nag-aral sa isang public university, magulo pero masaya.

Nasubokan ko na sa Dorm, boring ito dahil puro studious ang mga roommates at may curfew pa, kaya ilang days lang umalis na ako. Nagpalipat-lipat ng boarding house pero magastos naman ito, pero mas masaya, walang rules walang bawal, ‘yan ang hanap ng isang student. At sa bahay ng GF ko na kelangan ko pang mag-ala ninja papasok para makitulog sa kanya, umabot din ‘yun ng ilang buwan, at salamat naman dahil magkarugtong parin ang ulo at katawan ko hanggang ngayon. Sa experiences ko na ‘yan never pa ako nakakilala ng mga lalake na ipinagyabang ang pagiging mitikuloso o naging big deal sa kanila ang hygiene ng kapwa lalake.

Ang awkward para sa akin kasi kung sasabihin mo sa kaibigan mong lalake na, “Pare naglinis ako kanina ng kwarto ko, organized palagi mga gamit ko at alam mo bang ang bango-bango ng kuwarto ko?”

Diba, parang may something kulay pink? Parang gusto kong regalohan ng dildo at vibrator.

May mga nakilala na akong mitikuloso o malinis sa kwarto o katawan na lalake, pero NEVER ko nadinig ang mga ito na pinagyabang at pinagtsismiss nila na ang roommate nila ay burara, o naging topic nila ang ayos ng kapwa lalake nila.

Naalala ko nung second year college ako, ang year na nagboarding house ako. First time, kaya grabe ang ayos ko sa kwarto ko nun, nagbubunot araw-araw, laging may pabango sa kuwarto at kung anu-ano pang kaartehan o mga decoration. Pero nagulat ako nung biglang may kumalat na tsismis sa buong kabahayan, bading daw ako ayon sa bulong bulongan, sa galit ko gusto ko nang tsupain este sipain kung sino man nagkalat nun, pero hindi ko matukoy kung sino. Buti nalang kinalaunan ay nakumbinsi din sila na hindi ako bading, dahil minsan na nila ako nabosohan na kalampungan ang nililigawan/girlfriend ng roommate/best/close friend ko.

Kaya ganun nalang ang awkwardness sa akin nitong si Mr. Speck of dust, wala siyang bukang bibig kundi ang pagiging mitikuluso niya. Ang tangin unang pinupuna lang ata niya sa mga nakikilala niya ay pagiging “burara” daw nila, hindi ko magets sa kanya kung bakit big deal ‘yun sa kanya kahit hindi naman nila kasama sa bahay at ano naman pakialam namin doon at kailangan pa niyang sabihin sa amin? Isa pang at, at bakit siya laging nakafocus sa hygiene ng lalake o talaga lang gusto niyang purihin siya o bigyan pansin ang pagiging mitikuluso niya?Pero sorry siya dahil sa MUNDO NG MGA TUNAY NA LALAKE, HINDI BIG DEAL ‘YUN, dahil ayun sa manifesto ng mga tunay na lalake, ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.

Sa tuwing naririnig ko siyang nagsasalita ng gayon, napapaisip ako tuloy kung kulay pink ba ang brief niya o baka panty ang suot niya, pero ito ang sigurado ako, kulay pink ang pintura ng kuwarto niya.

Sa tingin ninyo, lalakero ba siya o babaero?

Abangan…

Next episode: Macho FAFA: Mr. Speck of dust Chronicles

Thursday, January 10, 2013

Kapitan Bola: Kokote Power





KAPITAN BOLA: [Episode 3] [Episode 1] [Episode 2]

Ang nakaraan….



Nagkaroon ako ng kapangyarihan, nakuha ko ata don sa buhawi na pumasok sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon, ganun talaga dito sa mundo ang daming arte na hindi maitindihan parang babae. Kaya siguro nila tinatawag na mother earth ang mundo, dahil babae ang mundo kaya ang daming arte, komplikado din at misteryosa, hirap itindihin.

Nagkaroon ng sariling buhay at pag-iisip ang isa sa dual personality ko na laging bumubulong sa akin, at nakakausap ko. Lahat ng tao ay may dual personality, kokote ang tawag natin don at ‘yun ang nabuhay sa akin, yun ang kapangyarihan ko, may kokote powers ako, tangina lang diba?

Sa pagharap ko sa isang halimaw na parang palaka, nagrescue naman sa akin ang isang babaeng naka-two piece na si Liwanag daw, hindi ko alam kung saan siya nanggaling…….at dahil sa boses na bulong ng bulong sa akin, sinubukan kong lumipad dahil sa pag-aakalang ‘yon din ang kapangyarihan ko tulad nang kay Ligawa.

May mamuo kayang pag-iibigan sa amin ni Liwanag
Ano naman kaya ang epekto ng kapangyarihan kong “BOLA”?  
Saan ko gagamitin ito? 
Paano?

Sa pagpapatuloy….

Hindi ko akalain ang magiging kapangyarihan ko ay “BOLA”. Oo, pambobola sa mga makakalaban ko. Sa daming kapangyarihan bakit ito pa ang napunta sa akin? Akala ko makakalipad ako nang ibulong sa akin ng bose na may kapangyarihan daw ako, kaya tinangka kong lumupad, yun pala, hindi ako nakaka-fly like a butterfly or kahit like an ipis man lang.

AkoLiwanag…tuuuulllooooonngggggggggggg!!!!!!!

Mabilis na rumesponde si Liwanag sa akin bago pa magkalasug-lasog ang katawan ko, sa bilis niya ay naunahan pa ako at nasalo.

Ako: wooowww galing ah.

Ako: thanks ah, pakiss nga!

Bigla akong nilaglag sa pagkakabuhat sa akin

Liwanag: Ito gusto mo?!! (naka-kamao sa aking mukha)

Ako: easy ka lang, masyado ka naman hot e. (nakataas ang dalawang kamay)

Liwanag: teka, kung hindi ka naman tanga e, bakit ka nga ba tumalon bigla?

Ako: sabi kasi ng boses na naririnig ko may kapangyahinan ako, e akala ko lumulipad din ako tulad mo.

Boses: (kumakanta) aaang tanga-tanga, ang tanga-tangaaaaaa!!!!!!

Hindi ko na pinansin ang boses na naririnig ko, alam kong pipikonin lang ako non.

Liwanag: boses? (mukhang nag-iisip at mukha siyang masarap)

Boses: damulag ka talaga, bakit ka tumalon bigla?

Ako: natanong na ‘yan ni Liwanag sa akin, mag-isip ka naman ng ibang tanong.

Boses: cge…hmmmm….ang ganda ni Liwanag noh? Ang sexy pa!!! woowww…tingnan mo oh bakat..haha!

Ako: *Pabulong* Gago, wag ka nga, baka super punch ang abutin ko sa kanya.

Liwanag: Tama na ‘yan kakausap mo sa sarili mo, taposin mo na ang halimaw

Ako: Ha? Bakit ako? wala me powers gaya mo na may super strength and super appeal na super ganda na suppppperrrrrrrr like it…

Habang nagsasalita ako ay napansin kung napahawak si Liwanag sa kanyang dibdib na parang may pinipigilan at bigla siyang tumalikod sa akin.

Ako: Oh ano nangyayari sayo?

Liwanag: Wala. Sige na, puntahan mo na ang halimaw, sundin mo lang ang boses na naririnig mo. Siya ang guide mo, nandito ako para lang mag-observe hindi puwedi makialam sa laban ninyong mga tao.

Lumingon na siya sa akin ng dahan-dahan with flying effect ang hair niya…at napanganga naman ako at napatulala sa gandang nakikita ko.

Ako: wooowww soo ganda niya……

Boses: hoy laway mo, natulo na..hihihi

Ako: ayy….(sabay punas)

Liwanag: ew….Nag-hang ka nanaman..kadiri naman ito. Go na!

Ako: Okay.

Liwanag: cge bilisan mo, kailangan natin mag-usap mamaya

Ako: Wow I like that, walang good luck kiss?hehe

Liwanag: Mukha mo!!!

Ako: damot!pangit!!!!!!!!!!! (sabay takbo)

Liwanag: haaayyyyy..sa lahat ng bibigyan ng kapangyarihan bakit pa ang taong ito. May sakit ata sa pag-iisip. Pero in fairness pogi siya at malambot ang mga kamay. Ahihihihi (gumuhit ang ngiti sa mga labi ng babaeng naka two piece habang sinusundan ako ng tingin papunta sa taong palaka).

Ako: uuyyy narinig ko ‘yun.

Nadatnan ko ang taong palakang nagtotoothpick habang hinihimas ang tiyan na nakasandal sa poste ng meralco, at pakanta-kanta dahil busog na busog.

Ako: langya, huli na ata ang lahat, may nabiktima na ang itchuserang frog na ito. Teka paano ko magagamit ang kapangyarihan ko sa kanya?

Ako: boses, saan ka? Ano gagawin ko?

Boses: una, hindi boses ang pangalan ko, ako ikaw…ako ang kokote mo.

Ako: cge na nga, kokote ko-ewan, ano gagawin ko?

Kokote: bolahin mo, basta bolahin mo lang siya. Mag-isip ka ng magandang bola para sa kanya. Malalaman mo ang kapangyarihan mo. sabihan mo ng mga matatamis na words!

Ako: naku naman ang hirap naman nito, sana may super strength ako, x-ray vision, at super speed, parang si superman?

Kokote: ulol! Mangarap ka..’yan lang ang nababagay sa’yo, wala sa porma ng katawan mo para bigyan ka ng super strength, at lalong lalo nang hindi pwedi sa’yo ang X-ray vision, sa kalokohan mo lang naman yun gagamitin sigurado, super speed mukha mo, speed lumamon kamo!

Ako: ito naman ang dumi mag-isip sa akin.

Kokote: ogag baka nakakalimutan mo alam ko ang mga iniisip mo, kasi iisa lang tayo.

Ako: oo na. KJ!!

Nilapitan ko si taong palaka, pagkakita sa akin ay bigla itong tumayo. Nakilala ata ako.

Taong palaka: KEKEroKEKEroPEPE…Hindi mo ata kasama ang pangit na babaeng iyon?

Hindi ko na pinansin ang mga shit niya dahil kinakabahan na ako.

Ako: (boses Michael buble) hello…cutie frog…*wink* (nakatagilid poseat sabay suklay sa buhok gamit ang kamay). Ngayon ko lang narealize na may kakaiba kang appeal. Appeal na nakakahina ng tuhod, parang may gusto akong palabasin dahil sa appeal mo.

Pagkarinig ng taong palaka sa bola ko ay mukhang naapektohan nga siya, nagblush siya. Ang kulay green na mukha niya at naging yellow green. Halatang hindi alam ang gagawin, natataranta sa kung ano ang dapat niyang ikilos, tense na tense ang puta sabay kumikislap-kislap ang mga mata.

Ako: …..alam mo bang paborito kong color ang green? masarap kasi sa mata, parang ikaw….masarap (sabay ikot ng dila ko sa aking labi)

Nagdikit ang mga tuhod ng taong palaka, mukhang nanghina siya, mukhang tinatablan na. Ilang sandali pa ay nanginig ang kanyang katawan, halos madinig ko na ang bilis ng tibok ng puso niya. Napaluhod na ito, naiiyak sa sobrang kaligayahan na nararamdaman dahil sa mga sinabi ko. Ilang sandali pa ay hindi na ata napigilan ang sobrang feelings na nararamdaman niya. Kumulo na ang chemical ng kaligayahan sa buong katawan niya. May mga duong lumabas sa kanyang ilong, tainga, bibig at mata. Ilang sandali pa ulit ay nanginig na ang buong katawan, nagvibrate na siya na parang dildo hanggang sa bumulwak na ang dugo sa lahat ng butas ng katawan niya.

Kinabahan ako sa aking nasasaksihan, kanina pinagmamasdan ko siyang inienjoy ang feelings niya, na parang naglalakad sa mga ulap ang pakiramdaman, pakiramdam ng isang in love na nilalang. Ngayon ay parang imperno na kinalalagyan niya, hanggang sa sumabog na ito.

Namatay sa sarap.

Hindi ako makapaniwala sa taglay kong kapangyarihan, simpleng bola lang ‘yun at nagawang mapasabog ang puso’t katawan ng itchuserang frog. Nilingon ko si Liwanag na punong puno ng mga katanongan ang isip ko.

Itutuloy....