nuffnang

Monday, February 25, 2013

Magtanong ay 'di biro: Bakit kaya nagagalit ang mga matatanda kapag sumasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda....




Tanong mula kay Ms. Leeh ng www.daisylee-saberon.blogspot.com

TANONG: Bakit kaya nagagalit ang mga matatanda kapag sumasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda? Pero silang mga matatanda mahilig makisali sa usapang pambata?


~~~~~~
DISQUALIFIED KA SANA DAHIL DALAWA TANONG MO, ISA LANG DAPAT. HEHE

Kaya nagagalit ang mga matatanda ay dahil hindi sinungaling ang mga bata. Ayaw isali ng mga matatanda ang mga bata dahil baka may marinig silang sekreto na hindi dapat ipagsabi sa iba, tapos ipagkuwento sa iba. Halimbawa, pinagkukuwentohan ng mga matatanda ang kapitbahay nilang may alipunga, hadhad, buni, at kung anu-ano pang sakit sa balat. Kung maririnig ‘yun ng isang bata, at sa paglabas niya ay naging kalaro nito ang anak ng kapitbahay nilang may collection ng sakit sa balat, malaki ang tsansa na sasabihin ito sa kalaro. 

“Narinig ko kanina sa usapan nina nanay at aling rosa, nangungulekta daw ang nanay mo ng mga sakit sa balat, tulad ng alipunga, hadhad, buni at kung anu-ano pa na hindi ko na matandaan, ano kaya ang mga yun?” Tapos uuwi ang kalaro nito, itatanong sa nanay niya. “Nay ano po ang alipunga, hadhad, at buni?” sasagot naman ang nanay ng bata, “Anak bakit mo naman natanong mga ‘yan?”, tapos sasagot ng "Eh kasi sabi ni Junjun mayroon ka daw nun, sabi daw yun ng nanay niya at ni aling rosa.

PATAY NA!

Kaya para maiwasan ang ganyan, sinasabi ng mga matatanda na huwag sumali sa usapan ng mga matatanda ang bata. Gets, gets aww na??

Sagot sa pangalawang tanong.

Kaya mahilig makisali ang mga matatanda sa usapan pambata ay dahil natutuwa sila, natutuwa kayo. Masarap maging bata, gusto mo ito mabalikan pagtanda mo rin. Lahat ng matanda ay gustong mabalikan ang kabataan na masaya, malakas, walang problema sa mundo at malaya.


Hanggang sa muli earthlings.


11 comments:

  1. Nakakatuwa naman ang magkahalong biro at seryosong sagot mo sa tanong...

    Nag-iisip pa ako ng tanong.

    ReplyDelete
  2. patok na patok!!
    may TAMA lage ang sagot mo brotha!!! :))

    ReplyDelete
  3. tumpak.... lalo na pag chismisMaxx ang usapan ng matatanda... or usapang sex....

    mahirap na..

    bata1: friend, kilala mo ba si Jacklyn Jose at Pining Garcia?

    bata2: hindi... bakit?

    Bata1: Sabi kasi ng mudrax, nahuli niya si pudrax na nagjajacklyn jose at nag pining garcia sya.

    :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHAHA!!! First time ko narinig yung terms na jacklyn jose at pining garcia, di ako makarelate sa Pining Garcia, pakielaborate please... :)

      Delete
  4. nangyari to sa akin dati nung bata pa ako. nag-uusap yung mga matatanda, na GF daw ng tiyuhin ko yung dinalang babae sa family reunion namin eh ang problema may asawa na yung tiyuhin ko. nung kinausap ako nung babae tinanong ko sa kanya "Gf ka ba ni uncle kasi may asawa na yun". Ayun nasira yung reunion. haha. Hindi pala alam nung babae na may asawa na yung uncle ko. Mga babaero talaga.

    ReplyDelete
  5. now I know kung bakit sabat ng sabat ang matatanda sa usapan naming mga bata. whahahha

    ReplyDelete
  6. hahaha... napagbigyan mo palang sagutin ang aking katanungan.. nyaha.. anep!
    naliwanagan ako dun ah..
    salamat po sa pag-tag!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw pala yun...hehe. Now ko lang naisip..hehe..Salamat naman at naliwagana ka.

      Delete
    2. anung ako pala yun? yung nagtanong?? wahahaha ... eniwei.. tsalamat ulet ..

      kapag may bago na akong post bisita ka naman sa blog ko ah :) tenkyu..

      Delete
  7. huwaw maayos ang pagpapaliwanag haha

    ReplyDelete
  8. Haha may tama ka brader. Its anpeyr! :D

    ReplyDelete