nuffnang

Tuesday, March 27, 2012

Text mate


Kakagising lang ni Bino, nakatitig sa kisame at napapabuntong hininga. Naalala niya ang kanyang dating sim card. Biglang may bumalik na masasayang alaala sa kanyang isipan, ang kanyang textmate na si Madz.

"Kamusta na kaya siya? Sana nakuha ko man lang ang tunay niyang ngalan..." Bulong ni Bino sa sarili.

"Sa bagay hindi rin niya alam ang tunay kong pangalan eh" Sa isip ni Bino.

Tumayo siya at kinuha ang dating sim card sa kanyang wallet at nilagay sa kanyang telepono. Binasa ang mga dating messages, nangingiti nalang siya.

"Hayyy...I missed you Madz." Bulong ni Bino sa sarili.

Nagulat si Bino dahil biglang nag-ring ang kanyang telepono, pero nung akmang sasagotin na niya ay namatay nalang ito.

1 missed call, galing kay Madz. Natuliro si Bino, hindi niya malaman ang kanyang gagawin.

Ilang saglit pa ay message alert tone na naman niya ang tumunog, 1 message received, si Madz ulet. Huminga muna ng malalim si Bino bago niya binuksan.

Text mate

Madz: Buhay….Hi!

Bino: Himala…kakasalpak ko lang nitong old sim card ko, biglang nag-ring, nagulat me. hahaha. Kamusta kana?

Madz: Ako rin, testing ko lang kung buhay pa sim card mo, buhay nga. Haha at buhay ka rin pala. LOL. Ayos lang, ikaw?

Bino: Ayos lang kanina, pero ngayon I am so fine dahil nakontak kita muli.  Buti nalang, hindi ko pa nawala itong dating sim card ko.

Madz: choss…ako din, hindi ko nga magawang itapon eh. Paminsan minsan binuksan ko at minsan nilalagyan ko ng load. hehe

Bino: parehas pala tayo, at buti nalang magkasabay natin nabuksan ngayon, at nagmisskul ka. Actually, naunahan mo ko. hehe

Madz: Choss..as if naman.

Bino: Di nga, lagi kaya ako nagmimisscall dito sa sim mo, pero laging unattended. After nung break up natin kasi hindi na tayo nakapag-usap, lagi kita naiisip, hindi na matahimik ang kaluluwa ng pag-ibig ko sayo.

Madz: LOL. Wala parin pinagbago, B-O-L-E-R-O parin. Kaluluwa ka dyan, hahaha. Ang tagal nga na rin noh? mahigit isang taon na.

Bino: Bilang mo talaga ah..haha

Madz: Gago!

Bino: I missed you. Bakit ba kasi tayo naghiwalay?

Madz: Gago ulet. Itatanong pa? Huhukawin ang nakaraan? Hindi pa nakakamove on? Hahaha

Bino: Panget ka. Hindi mo ko namiss?

Madz: hhhmmm..hindi siguro, pero naiisip kita minsan at pero yung walang "namiss", hehe. 2 years and a half din tayo naging textmate noh? 

Bino: May ganun pala? Naiisip mo tapos hindi mo namimiss? hehe. Oo, ang tagal nun.

Madz: Oo naman, hindi naman porket naiisip mo na ang isang tao eh ibig sabihin namimiss mo na. 

Bino: Oo ikaw na ang mga may ganyan na feelings. hehe. Bakit ka nakipaghiwalay pala sa akin?

Madz: Dahil textmate lang tayo. Hanggang don lang ‘yun.

Bino: Pero minahal mo ba talaga ako nun?

Madz: Matagal na rin tayong naging text mate, nagkaroon ng kakaibang koneksyon sa isat isa, kahit hindi tayo nagkikita. Pero, masasabi ko na kahit papaano ay minahal kita. Naging masaya ang mga gabi ko sa'yo, lagi mo ko napapangiti at napapasaya.*Some text messages missing*

Madz: Pero sabi ko nga, hanggang don lang ang limit ko sa'yo, hanggang text mate lang tayo. Alam mo naman na hindi ko kayang sumugal sa isang virtual na pag-ibig.

Bino: Bilib ako sayo, never ka pumayag na makipagkita sa akin, kahit nga tawag ayaw mo. Nahihiwagaan ako sa’yo, kaya siguro ‘til now hindi ako makamove on. Kakaiba ka sa lahat.

Madz: Christopher de leon ikaw ba yan? DRAMA KING?!

Bino: ahahaha adik.

Madz: Sorry. Di bale naging masaya naman tayo kahit sa text lang diba? Grabe, I remember those days, halos 24 hours na tayo kung mag-usap sa text..hahaha

Bino: Oo nga eh, minsan napapagalitan na ako ng boss ko dahil sayo..hahaha

Madz: Ako din kaya, hahaha. Haayy..I am starting to miss you now.

Bino: I miss you too. Magkita na kaya tayo?

Madz: Gago, hindi parin, lalaong hindi puwedi ngayon. May asawa na ako.

Natagalan bago nakareply si Bino.

Bino: Kailan pa?

Madz: Last year pa. I am sorry.

Bino: Parehas lang pala tayo. May asawa na din ako. Kaya walang Sorry. :)

Madz: Talaga?! Congrats, I am happy for you. Gago ka, may nalalaman ka pang hindi maka-move-on-move on dyan..haha

Bino: hahaha..pero namiss talaga kita.

Madz: Sige, I have to go, ibalik ko na orig sim card ko baka gising na asawa ko. Nasa banyo ako ngayon, naalala lang kita. Gusto ko lang maalis ka sa isip ko, hehehe.

Bino: Adik ka…sige ako din, tapos narin ata magbanyo ang asawa ko. kakagising ko lang. Ingat and I am happy for you too.

Napaisip silang pareho....

Lumabas agad ng banyo si Madz, nagkatitigan sila ng kanyang asawa.

Napalingon si Bino sa kanyang asawa na kakalabas lang ng banyo, tulala silang pareho.

"Oh my god...." Mahinang bigkas ni Madz

"Madz....?" mahinang tinig ni Bino.


THE END


Sunday, March 25, 2012

Palabas V: May tanong ka ba? May sagot ako eh.




Narito muli ang segment na "Magtanong ay 'di biro kay Akoni" part V. Pasensya na, ngayon lang nagkaroon ng oras para sagotin ang mga pinadala ninyong katanongan sa buhay na magpapababa sa gasolina ng bansa.


GALING KAY: Hazel
TANONGAnong mayroon ka na wala akoh?

SAGOT 
Hindi ko alam kung nagjojoke ka o talagang seryoso ka sa tanong mo, pero siguro seryoso ka dahil wala naman “tawa” sa dulo ng tanong. Ang sagot ko sa tanong mo ay WALA, sa totoo lang ikaw ang mayroon na wala ako, dahil mayroon kang matris o sinapupunan, wala ako niyan.

Lahat ng mayroon ako sa parte ng katawan ko ay mayroon ka din, iba nga lang ang design ang sa’yo at iba ang tawag. Ganun din sa mga bagay, lahat ng mayroon ako ay mayroon ka din, iba nga lang din ang sa’yo.

Example:
Sa Parte Ng Katawan
T*t* - Mayroon ako nito, medium. Mayroon ka din niyan, iba nga lang ang design at tawag yang sa’yo, pero parehas lang itong akin at yang sa’yo, lahat sex organ.

Kaya sa parte na ito (Parte ng katawan) ikaw ang mayroon na wala ako, yung sabi ko nga na matris o sinapupunan. Lamang ka ‘day sa part na ito, bongga ka.
 Sa Mga Bagay
Sa puntong ito, pantay lang tayo dito. Kung anong bagay ang mayroon ako, mayroon ka din (sa palagay ko), at tulad ng dati, iba nga lang ang design ng sa’yo at iba ang tawag.
Desktop – Mayroon ako nito, at maaaring Laptop ang sa’yo, pero parehas lang yan, lahat gadgets, gets?
Alkansya - (Halimbawa) May alkansya ako, mayroon ka din 'yan pero sa banko naman 'yung sayo. Parehas lang yun, lahat pag-iipon, gets?

Kaya sa punto na ito, pantay lang tayo.

Result

Ayun sa isang minutong pag-aaral ko sa tanong mo na ito, ikaw ang mayroon na wala ako. So, 1-0 ang score natin, lamang ka sa ngayon. Tutuklasin ko ang ibang bagay o parte ng katawan na wala ka din at meron ako.


******************************


 GALING KAYRence
 TANONG: Ano ang palagay mo sa bago kong resthouse? www.1soltero.blogspot.com

SAGOT 
Gaya ng ibang blog sites, wala naman pinagkaiba. Maliban nalang kung may mga porn na ipinoposte don.


****************************** 

GALING KAY: Rap
TANONG: If you were a cactus, why?...hehehe… Joke. Luma nay an… =)
Sa tingin mo, bakit may mga taong sadyang mahilig lang talagang umepal?... lol

SAGOT
Siguro dahil may mga taong ang sarap lang epalan, gaya mo. Harap ka sa salamin at tanoning ang sarili mo, bakit ang sarap akong epalan ng mga taong mahilig umepal? Ano mayroon sa akin? Ahhh kasi put*ng*na naman, ang pogi ko pala at ang galing ko pala.

"Minsan masarap umepal sa mga magagaling dahil pakiramdam mo'y magaling ka din"


****************************** 


GALING KAY: Baluga
URL
TANONG: Bakit karamihan ng pangit ang itsura sa FB nagpopost pa ng picture? At bakit ang iba ginagawang diary ng pagkain ang FB? Naniniwala ka ba na may taong pangit?

SAGOT
Ang sama lang ng mga tanong mo, may pagka-racist, parang clitoris, masilan. Pero kailangan mo ata ang sagot ko rito, kaya hindi kita bibigoan. Paumanhin lang po kung may ma-o-offend ako sa mga isasagot ko.

Bakit karamihan ng pangit ang itsura sa FB nagpopost pa ng picture? Awa ang naramdaman ko sa’yo pagkabasa ko sa tanong mo na ito, hindi ko ma-imagine kung anong hirap ang pinagdadaanan mo sa tuwing nagbubukas ka ng FB mo, masyado mong dinidibdib ang hitsura ng mga friends mo. Baluga ka talaga, kasalanan mo ‘yan, inaadd mo sila or inaaccept mo ang friend request nila, tapos ngayon rerekreklamo ka? May pa-bakit-bakit ka pang nalalaman? Gusto mo bang sikmurahan kita dyan pagkatapos gahasain?

Nagpopost sila ng pictures sa facebook para buwesitin ka. Ganito ‘yan baluga, isaksak you ito sa puson mo hanggang sa magdugo, nagpopost sila ng pictures sa FB dahil Upload a Photo ang nakalagay don, hindi upload a pretty face photos only, ibig sabihin, pangkalahatan na ‘yun, mukhang paa man o mukhang tonsil. Ang FB ay for entertainment na din, kaya para sa kanila, katuwaan lang, ipoposte din nila mga picture nila.


At bakit ang iba ginagawang diary ng pagkain ang FB? Tulad ng sagot ko sa una, hindi lumalabag sa batas FB ang inaauppload nila, kaya puwedi. Ang hindi puwedi ay ang e-upload mo ang angry bird mo na may helmet pa habang galit na galit. Parehas lang sa pictures ito, for entertainment na rin na may halong yabang nga lang ng kauti kaya ina-upload nila mga pagkain na kinakain nila. Sa facebook din kasi, gusto natin may nakakarelate sa atin, gusto natin may sumang-ayon sa atin o pumuri sa atin. Kaya ang ginagawa ng mga users ay gagawin nila o ipoposte nila ang mga sa tingin nila na dun sila maaappreciate o don sila makakakuha ng kakampi, sa pictures man nila, shout out, o sa mga pagkain, gets?

Ngayon kung hindi mo gusto ang mga ginawa ng mga friends mo sa FB, mag-deactivated ka hayop ka.

Naniniwala ka bang may taong pangit? Oo naman, normal akong tao. Gusto mo bang malaman kung bakit may taong pangit? ganito yan....ops, wala na akong oras at saka wala naman 'yun sa tanong mo eh.



******************************  


Maraming salamat ulet sa  mga nagpadala ng kanilang mga tanong. Hanggang sa susunod na palabas ng "ITANONG MO KAY AKONI."

Thursday, March 22, 2012

Patawad


Lahat tayo ay may parte sa kanyang nakaraan
na pilit at gustong makalimutan
parang may sarili na itong kagawaran sa atin pagkatao
na paulit-ulit pinagsisisihan
minsan pinagbabayaran ng matagal.

Tayong lahat ay may mga karanasan na pilit tinatakasan
Pilit ikinukbli sa munting pitak ng ating pagkatao
Karanasang ‘di lubos maisip kung bakit pinagdaanan
Kasalanang paulit ulit na pinagsisihan ng matagal.

Maniwala ka kapag sinabi kong naging masamang lalaki ako
Masamang lalaki na ang pag-ibig ay pinaglalaruan.
Larawan ako ng isang lalaki na kung magmahal ay pilit
Mukhang anghel subalit halimaw sa pag-ibig.

Sa dami ng aking napaibig hindi na mabilang sa daliri
Mga pag-ibig na nasayang lamang dahil sa katakawan sa laman.
Pag-ibig na kunwari pero maraming bumigay sa aking mga ngiti
Kaya naman ang luha nila’y pagkatapos ay puede mo ng paglanguyan.

Ang hinuha ko noon ay ako’y isang tunay na lalaki
Kapag iba’t ibang babae ang kasama ko sa kalye
Tatlumpong babae na minamahal sa una at pinasaya
Parang nagpapalit lang ng damit sabi ng iba.

Wala akong pakialam kung may masasaktan
Mahalaga ay agos ng ligaya ng aking puso hanggang puson
Masaya…yan ang madalas kong nasasambit
Para akong saranggola sa himpapawid na nagpapatianod sa duyan ng hangin.

Bayani kung ako’y ituring ng mga kaibigan kong lalaki
Iniidolo at ipinagmamayabang dahil ang isang tulad ko ay pambihira lamang
Maliit daw na parang uri ng kulisap sa damuhan na matindi ang kamandag
Mga diskarte ay hindi mo daw makikita at mababasa kahit saang silid-aklatan.

Parang galunggong na kumakawala sa lambat ng mangingisda
Parang isang kulisap na aandap andap ang aking gunita
Parang isang maligno ang nagpaalala sa akin
Parang mga panitikan ang aking kasalanan na dapat isa isahin at bigyan ng linaw.

Tuwing sumasagi sa aking balintataw ang nakaraan
Mga makasalanang pag-ibig na nagpapabagabag ng aking katinuan
Ako’y parang nilalamon ng aking konsensya na di ko kayang sumbatan
Sapagkat ang tanging hiling ko lamang ay marinig ang salitang kapatawaran.
PATAWAD!




 ************************

Lahok para sa "Bagsik ng panitikan" contest ng damuhan ni Bino. SALI NAAAAAAA!


Sunday, March 18, 2012

Natural BAYAG-RA


Hindi ko na siguro kailangan pang maglagay ng "WARNING R18", dahil alam na ng lahat kung anu ang puweding mabasa dito sa aking Akonilandiya. Kaya sa mga minor de edad na makakabasa nito, good luck sa inyo at enjoy, basta tandaan lang, na kung gagawa rin kayo ng kalokohan o kalibogan at wala rin naman makakapigil sa inyo, tandaan ninyo ito, gawin sa tamang lugar 'wag sa mga kung saan-saan sulok lang at dapat safe, okay? Safe sex ika nga, or contact ninyo ako kung gusto ninyo ng demo.

************

Hindi na ba high ang sex drive mo?

Nakakaantok na ba ang bed performance mo?

Wala kana bang gana makipagseks?

Gusto mo bang lumakas ang sex drive o sexual perfomance mo at gusto mo bang maging incredible ang bird mo?

Narito na ang solution dyan, kuha na ng tissues. LOL

Lahat naman siguro tayo ay alam na kung ano ang viagra, hindi ba? Isa ako sa na-curious dito na subukan, pero natatakot akong magtry dahil baka biglang magstop ang heart ko tapos mamatay me sa sarap. May hika kasi ako, kahit nga vitamins medyo naninikip dibdib ko kapag nainom ako, eh ang Viagra pa kaya? So, kahit gusto kong masubokan, hindi ko parin magawa.

Pero dahil Pilipino ako at malandi, humanap ako ng paraan, nagresearch ako ng natural na viagra. Sa aking pananaliksik na wala naman, napag-alaman ko na may mga pagkain pala na ang tama nito sayo ay katumbas ng Viagra, yoohhooooo. 

Magpapalakas ng ang sex drive mo at mag-e-improve ang iyong sexual performance level, hahaha, sexcited na ba kayo? Ang lalandi ninyo, hahaha, narito na...



Galing dito ang picture

1. POMEGRANATE – Sa mga lalakeng gusto ng highest-level na sexual performance, uminom lagi ng katas nito. Sabi ng mga kumpare kong scientist sa California, ang isang baso daw ng katas nito ay katumbas ng Viagra, oohh yeeeaahhh, saraaaaap. Ang katas nito ay may antioxidants na nagpapataas o nagpapalakas ng daloy ng dugo sa genital area, oohh yeahh ramdam mo ang daloy?

Pero hindi lang sa kalandian may pakinabang ang katas nito, bukod sa mapapalakas nito ang sexual power ng mga kalalakihan, magpe-prevent pa ito ng sakit na prostate cancer at heart disease, oh ha?!


Galing dito

2. WATERMELON – Bago lang nadiskubre ng mga kumpare kong scientist na may tama pala na parang Viagra ang gulay na ito. May taglay itong Citrulline, na ini-stimulates nito ang production ng Arginine, isang amino acid na nagpaparelaks ng atin blood vessels, ini-improve nito ang blood circulation sa ating genitals gaya ng sa Viagra, ayyiiiii, nakiliti ako, ikaw din?


Galing dito.
3. RAISINS – Ito naman ay kilalang nagpapa-turn on, parang pagkakanain mo ay, aahh I am sooo h*rny baby…Natuturn on na ako sa’yo, come on take me, take me to the moon, LOL. May arginine din ito, na matagal nang ginagamit panglunas sa bird ng mga kalalakehan na hirap magalit.

Ang raisin na ito ay isa sa mga source of energy, kaya naman wagas ang bed performance level, para kang kumain ng Energizer battery at uminom ng tubig ng molotile. Nirerekomenda ng mga kumpare ko na magtake regularly para mapanatiling mataas ang libido.


Galing dito.

4. SPINACH – Ngayon alam mo na kung bakit ang payat ni Olive, yung asawa/girlfriend ni Popeye, ang tindi kasi ng kinakain ni Popeye. Isa itong malakas na lunas sa mga may erectile dysfunction, nagtataglay ito ng Vitamin E, as in Erection, lol joke. Ang bitamina na ito ay nag-e-stimulates sa mga nirerelease na sex hormone ng atin katawan, kaya naman mapapa-awwooooo ka sa release.

Pinapalakas nito ang libido ng mga babae, oo para sa inyo girls ang gulay na ito, takbo na sa pamilihan ng gulay. Mayroon itong manganese, ini-stimulates nito ang production ng estrogen na nagpapalakas naman sa female fertility ninyo, oohh myyyy…Magsa-shopping ako ng spinach now na, lol.

Mayaman din ito sa Zinc, na pinapopogi o pinagaganda nito ang quality at quantity ng SPERMS.

Ops...bitinin muna natin.

To be continue….bukas na ang iba o sa isang araw, marami pa.


*Twit o share?

Wednesday, March 14, 2012

Maalaala Mo Kaya Ate Charo



Hindi ko alam kung kailan ko ito sinulat, nahukay ko lang sa mga folders na nakakalat sa desktop ko sa bahay. Hope you'll like it!




Dear Ate Chato,

Itago mo nalang ako sa pangalan Kalurks. ‘yan lang po ang sasabihin kong information sa inyo tungkol sa akin, alam ko naman kasi na wala kang pakialam don, dahil ang gusto mo lang ay makapagbasa ng mga kwento ng ibang tao.

Buweno, Ito na ang kwento. Nangyari po ito nung nakaraan buwan, hulaan mo nalang kung anong araw 'yun  para Kalurks. 

Isang umaga, paggising ko, siyempre po nagkamot muna ako ng puwet at betlog bago bumangon...yaks kadiri naman ng iniisip mo ate Charo, syempre hindi ko po inamoy, promise hindi ko po talaga inamoy. Tumayo po ako para magsalamin, ito na ‘yun ate Charo kumapit kana sa papel, shocking ito promise. Pagharap ko po sa salamin ay may napansin po akong pagbabago sa akin sarili, parang naiba ang aking aura, tulala ako, walang imik, at mangilid-ngilid ang luha sa aking mga mata.

Hindi ko po alam kung paano ko ito sasabihin sa’yo, pero ate Charo, nawala po ang pagnanasa ko sa aking sarili sa mga oras na 'yun. Feeling ko hindi ko na love ang sarili ko at ganun din siya sa akin, natakot po ako ate Charo, dahil ayaw kong mahiwalay sa sarili ko, ang hirap pa naman maghanap ng nawawalang sarili.

Pagkaraan po ng ilang araw, ganun parin po ate Charo, walang pagbabago, malamig parin kami sa isa't isa ng aking sarili. Inisip ko kung ano ang nangyayari sa amin ng sarili ko. Hindi na din ako nakakaramdam ng pagnanasa ate Charo, hindi na ako naaakit sa aking sarili. Ang sakit lang ate Charo na kasama mo ang sarili mo sa pagtulog, sa pagkain, sa banyo, sa lahat po, pero parang wala lang, lalo na po tuwing gabi, nakakaemo po ate Charo dahil hindi ko po magawang kiboin ang sarili ko sa kama, walang nangyayaring pagtatalik sa amin dalawa sa mga araw na 'yun.

Isa gabi naman, kasi isang umaga kanina, malungkot akong lumabas ng aking kwarto, dahil sa lungkot ko  ay kumain ako ng tira-tirang pancit ng kakwarto ko na five minutes nalang ay mapapanis na, buti nalang po 4 minutes and 45 seconds ay naubos ko, sakto sa oras bago mapanis, me gusta. Bumalik ako sa aking kama ate Charo at nahiga, kinuha ang maliit na salamin sa aking side table at tiningnan ang aking mga mata, napansin ko may lungkot parin dito. Nagmuni-muni po ako para hindi malungkot masyado, inisip  ang mga masasayang araw na kasama ko ang aking sarili, sa banyo, sa kama, sa sinehan, sa puno ng bayabas, sa ilog at sa loob ng cabinet, pati narin po sa ilalim ng kama. Hanggang sa nakatulog na ako.

Pagkagising ko po, akala ko’y panaginip lang ang lahat na nawala ang pagmamahal ko sa aking sarili. Aligaga akong tiningnan ang sarili ko sa salamin, pero bumagsak ang aking panga sa nakita, hindi pala panaginip ang lahat, totoong ang dugyot na ng hitsura ko at hindi na nakakaakit, yaks. Bumalik ulet ang lungkot na nararamdaman ko, ang bigat po ng pakiramdam ko sa oras na ‘yun ate Charo, kaya naglaba nalang ako, naglaba ako ng naglaba hanggang sa maisipan ko huwag isuko ang pagmamahal at pagnanasa sa aking sarili, ang pagmamahal namin sa isa’t isa.

Kailangan maibalik ko ang mainit na pagmamahalan at pagnanasa namin sa isa’t isa, umupo po ako sa tabi ng washing machine at nag-isip kong paano ko lahat yun maibabalik. Dahil sa anking galing ko sa pag-iisip, naisip kong magpagupit nalang ako sa lalong madaling oras at minuto. Nagmadali akong pumasok sa aking kwarto at nagbihis ate Charo, hindi na po ako nagsuot ng brief dahil wala naman akong brief at dahil hindi naman ako nagbi-brief.

Tama, tama ang naisip ko ate Charo, ang galing-galing ko talaga. Nung pagkatapos ko pong magpagupit, nagmadali akong umuwi at diretso na ako sa malaking salamin ng aming kwarto. “WOW”, yan lang ang tangin salita na lumabas sa aking bibig. Sa wakas po, naramdaman ko pong unti-unti nang bumabalik ang pag-ibig at pagnanasa ko sa aking sarili. Ang saya ko ate Charo mga oras na 'yun, kaya kinuha ko po ang aking tuwalya, pumunta ng banyo at dun pinatunayan muli ang aking pagmamahal sa sarili.

Hanggang ngayon po ay masaya parin ako sa relasyon namin ng aking sarili, inaalagaan ko na po ng husto. Maraming salamat po ate Charo, sana po ay may natutunan kayong kalandian at kalibogan, lalo na ang mga basahero.

Kaharotan ang sarili,
Kalurks




Monday, March 12, 2012

PampaEpal




Greeting earthlings…

Break muna ako sa drama, hindi na kaya ng lakas ng dibdib at tibay ng aking mga mata. Sapat na siguro ang mga nailabas ko, na sa totoo lang ay malaki naman ang naitulong sa akin kahit hirap ako sa pagkukwento.

Kaya ngayon, officially back na naman sa mga kalokohan at mga guni-guni ang Akonilandiya. Mahirap na kapag tumagal ang drama baka makalimutan ko na ang pagka-corny ko o baka mawala ako sa sarili, ang hirap pa naman hanapin ang sarili.

Para sa araw na ito, umpisahan natin sa isang kalokohang kakayahan. May kakaiba akong kayang gawin na baka ako lang ata ang gumagawa nito sa buong students ng pilipinas, charot. Nagsimula ito nung sa college, naiinggit ako nun sa mga lalake na magagaling maggitara, lalo na 'yung mga may banda. Putek lang kasi, dami nilang chicks, dami nilang napapabilib, at madami silang friends na chicks, alam ninyo 'yun guys?

Isa ako sa nagtulog-tulogan nun habang abala ang lahat sa paghakot ng talento na pinamimigay ng Diyos, kaya ni-isa wala akong nakuha, “nga-nga ako” ika nga sa Eat Bulaga. Buti nalang may nakuha akong kunting diskarte, mga kalokohan at kakulitan.

Ang tatlong yan ang naging sandata ko nung nagbibinata ako para makadiskarte sa mga chicks, oo hindi pa ako nun malandi, kaya tatlo lang nun, ngayon apat na.

Hindi ako nagpapahuli sa mga papable guys nun na may talentong ginagigiliwan ng mga babae. Kaya may naisip din akong kakayahan na naging pampaepal ko sa mga chicks, panoorin ninyo muna....



Ano nalabuan ka?

Mga ganyan talento lang ang kaya kong gawin, 'yung mga hindi ginagawa ng mga normal na tao, LOL. Una kong sinubukan 'yan nung may makatabi akong grupo ng mga chicks sa library namin, siyempre, lalake eh tapos nagbibinata, kailangan mag-pa-impress move kapag may chick sa tabi, diba? Automatic 'yun. So ang ginawa ko, nagsulat ako ng pabaliktad, kinopya ko yung laman ng libro kahit hindi ko naman kailangan.

Ayun effective, ilang sandali pa ay narinig ko na silang nagbubulongan, "Tingnan ninyo siya magsulat oh...kakaiba, baliktad, at parang normal lang sa kanya, ang galing." Ganun.

Mula nun, tuwing nakakasalubong ko sila sa library namin, binabati nila ako ng "uyy si baliktad magsulat oh.." Hanggang sa naging friends ko sila, and the rest is history. #AlamNa



Note: Kung hindi nagana ang video sa chrome, Mozilla Fire Fox ang gamitin. Kung ayaw parin, ewan ko sa'yo. Bukas na rin ang comment box. I miss you guys, charot!LOL



Wednesday, March 7, 2012

Dramarama series Ep. 3: Palda ni ina


Nabansagan akong "buntot ni Mariam" dahil sa hindi ako mahiwalay sa kanya. Kahit saan siya pumunta ay lagi akong nasa may likoran niya, nakahawak sa kanyang palda. Alam mo 'yung ganun? 'yung nakakubli lang ako sa likod niya, habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, yung pasilip-silip lang, ganun.

Kahit saan siya pumunta sumasama ako, umiiyak ako kapag hindi ako sinasama. Pinagsasabihan na nga siya minsan ng mga kamag-anak namin, kasi sobra daw niya akong sinanay na nasa tabi niya lagi, hindi na daw siya basta-basta makaalis tuloy dahil sa akin. Hindi ko alam pero sa mga panahon na 'yun, maliban sa tatay ko, siya lang ang kilala ko sa mundo, wala akong pakialam kung ano mangyari o kung sino man ang tao sa paligid, ang importante sa akin ay kasama ko ang akin ina, nakakapit sa kanyang palda.

Siguro mga 5 years old na ako nun, hindi parin ako makatulog na hindi siya katabi, na hindi ko siya kayakap. Tanda ko pa nun, kapag nagigising akong wala siya sa tabi ko ay magugulat nalang ang lahat dahil umiiyak ako bigla. Naging iyakin ako dahil sa kanya, alam ko kasi na kapag umiyak ako, sinbilis ng kidlat ay nandyan na siya sa aking tabi, pupunasan ang luha ko at sasabihin "Tahan na, nandito lang ako."

Minsan kapag may importante siyang pupuntahan na hindi ako dapat isama, kadalasan kapag may seminars siyang dadalohan, ay inuutakan ako. Papaupoin ako, at sasabihin sa akin na "Dito ka lang ah, 'wag ka muna aalis dyan, babalikan kita, dyan lang muna ako sa labas, babalik ako kaagad." Tapos hahalikan ako sa noo, ako naman ay mangiyak-iyak.

Kinagabihan pagdating niya ay magugulat siya, dahil aabotan niya ako kung saan niya ako nilapag. Oo, hindi ako umaalis kung saan niya ako iniwan at sinabihan na babalikan. Umiiyak ako kapag paalisin ako don sa upuan, nakakatulog na ako don. Minsan nagigising akong nasa kama, nagugulat ako kaya bumabalik ako don sa upuan. Pagkadating niya, magagalit siya, bakit hindi man lang daw ako pinatulog sa kama, tinatanong ako kung pinakain daw ako. Hindi rin kasi ako basta-basta kumakain kung wala si ina, kahit na sino pa mag-alok sa akin, kaya sobrang payat ko nung bata ako.


Sa mga panahon na 'yun kasi, laging busy si tatay sa trabaho, gabi na siya nakakauwi. Nakikita ko lang siya, kapag papasok na sa umaga at kapag day off niya. Kaya si nanay ang madalas kong kasama sa bahay, lalo na nung lumipat kami ng bahay sa City, dahil mag-aanim na taon na ako, mag-aaral na ako, kailangan ko nang bumitaw sa palda ni ina.



**************************



Para sa mga gustong makaintindi sa drama ko, CLICK this ---> NGORKS.

Monday, March 5, 2012

Dramarama series Ep. 2: Buntot ni Mariam



Titser ang nanay ko, pero hindi yung titser na A-B-K-D-HIGA-KANA o A-B-C-D-ELEMENOPE ang tinuturo. Ustaza siya, ibig sabihin ay Arabic ang tinuturo niya. Hindi ko na maalaala kung anong subjects ang tinuturo, basta ang natatandaan ko at hindi ko makalimutan ay may binato siyang eraser na mag-aaral, sapol ang ulo ng bata at naging Eisenstein ang kulay ng buhok dahil sa chalk, hehehe hindi nakikinig eh, ayun, asintado si nanay.

Kinatatakotan siya ng mga mag-aaral, kahit nga ako natatakot sa kanya kapag tinuturuan ako magbasa at magsulat, eh sila pa kaya? Napaka-strict niya bilang titser, at respetado siya sa kanilang eskwelahan. Bae a labi nga tawag sa kanya eh, hindi ko alam ang saktong kahulogan niyan sa wikang tagalog, pero ang malapit  na kahulogan ay respetadong babae o nirerespetong babae, parang angat sa lahat ng mga babae, ganun, ang tindi ni nanay.

Bata pa ako nun ay kaya ko nang isulat ang pangalan ko sa Arabic, kaya ganun nalang ang tuwa niya sa akin. Lagi nga ako pinagmamalaki sa mga kasamahan niya. "Ang anak ko, kaya na niyang isulat ang name niya." Pagyayabang niya sa mga kasamahan niyang titser, tapos sabay hahalikan ako, 'yung halik na halos sumama na ang balat ng pisngi mo sa sobrang pagsinghot niya sa'yo, hahaha, ganun humalik si nanay.

Mas close ako sa kanya kaysa tatay ko, si Ama ayos lang na hindi ko nakikita, pero si Ina? Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako sa mundo. Ang lungkot ng araw ko kapag hindi niya ako sinasama sa eskwelahan, lagi ako naghihintay sa pagbabalik niya. Umiiyak nga ako kapag na-late siya ng uwi, kaya hanggat maaari ay lagi niya ako sinasama, lagi ako nakabuntot sa kanya, at doon nag-umpisa na matawag akong "Buntot ni Mariam."

*******************


Para sa mga gustong makarelate sa drama ko: [Intro] [Episode 1]


Sunday, March 4, 2012

Dramarama series: Episode 1



"Honey, gusto kong mag blog ka pa tungkol kay INA...." Sabi ng Heaven ko habang kausap ko sa SKYPE. Sinagot ko naman siya ng parang si Neneng B. ng bubble gang,

"BAKIT?"

"Eh kasi, hindi ko masyado nakilala si INA. Hindi kami nagkasama ng matagal, alam ko kung gaano siya kabait pero gusto ko pa siyang makilala sa pamamagitan ng mga kuwento mo." Mahabang sagot sa akin ng aking Heaven.

Simpleng ngiti lang ang iginante ko sa kanya, siyempre ang kyut ko sa simpleng ngiti na 'yun. "Oo nga..." 'yan ang namutawi sa aking isipan kasabay nito ang pagkirot na naman ng puso ko. Pero dahil sa sira ang facial expression ko, nanatili parin akong nakangiti sa harap niya kahit parang gusto kong sumigaw ng "Halleluujaaahh!!!! Sinong sawa, sinong galit, sumigaw ngayon gabi.....", kung puwedi lang sana, parang ang sarap lang magwala.

Hindi madali sa aking ngayon ang pagkukuwento tungkol sa aking INA. Masakit, nakakapuwing ng mata at may lumalabas na likido rito, at nakakasikip ng dibdib, nakakatulo pa ng uhog. Hindi kasi ganun kadali maghugot ng mga alaala na kasama mo ang pinakamamahal mong nilalang sa buong mundo na alam mo naman na wala na siya. 

Pero kailangan ko din ito, kailangan ko ng karamay dito sa ibayong dagat, kahit hindi tao.

Ang blog ang nagsisilbing comfort zone natin mga bloggers, lalo na sa tulad kong isang OFW. Wala akong karamay dito, walang kamay na hahagod sa likod ko tuwing humihikbi ako, walang tatapik sa balikat ko para patahanin ako, walang magbibigay ng yakap sa tuwing nanghihina na ako, walang magic touch.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko ka-kailangan ang blog ko, mahilig ako magsulat, magkuwento, kaya ito ang magiging sandata ko para magkaroon ako ng invisible na mga kamay na hahagod sa likod ko, yayakap sa akin at tatapik sa balikat ko. Kailangan ko ang blog na ito, para damayan ako sa pinagdadaanan ko ngayon. Kaya mula ngayon, may bagong series ang Akonilandiya na tatawagin kong "Drama-rama sa Akonilandiya."

Teka, nasaan ang kwento doon tungkol sa aking INA? Nandito na....maghahanda na.


Note: Sorry sa mga nasanay na sa mga kalokohan at mga guni-guning kwento ko. At off comment muna ako, dahil I am sure maiiyak lang ako sa mga sasabihin ninyo. Pero kung hindi ka makapagpigil, email me here mhabib69x@gmail.com or twit me here @Akoni0609. Thanks.

Saturday, March 3, 2012

My BIG time kuwento




Dear friends and readers (Naks),


Una sa lahat, gusto ko muna kayo kamustahin, kamusta na kayo? Kumakain ba kayo ng sapat at sa saktong oras? Mga love life ninyo, makulay parin ba o madugo parin? Kahit ano man ang situation ninyo ngayon, hangad ko ang tagumpay at kaligayahan ninyo sa buhay. Ganyan ko kayo kamahal mga hindot kayo!! LOL.

Ilan araw na ang nakakaraan at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtipa uli ng blog at ibahagi sa inyo, o sabihin ko nalang na para ilabas ang kalungkotan ilang araw nang umiikot sa akin damdamin. Tama, si Akoni ay katulad na ninyong mga normal na tao na nakakaramdam din ng kalungkotan.

Lagi ko nun nasasabi sa sarili ko at naitatanong kung bakit hindi ako marunong malungkot. Totoo yan, kahit ano talaga ang maging problema ko nun, hindi ako naaapektohan ng BIG time, hina-handle ko na parang normal lang, ganun. Ewan, hirap ako ipaliwanag pero sana ay naitindihan ninyo.

Pero nung February 21, 2012, araw ng Martes, alas 4:25 ng hapon, put a henna naiiyak na naman ako ngayon.

Namatay ang nanay ko.

Kung matagal na kitang ka-blog o basahero, I am sure nagulat ka at nalabuan ka sa sinabi ko, at alam kong marami kang katanongan ngayon. Kaya para sa mga nalabuan at nagulat, email ninyo nalang ako dito mhabib69x@gmail.com para maipaliwanag ko sa inyo ang lahat ng maayos. Oo, may ganyan akong arte.

Kung ang tatay ko ay tinuruan akong tumayo sa sarili kong mga paa, ang nanay ko naman ay binigyan ako ng pakpak para lumipad at abotin ang aking mga pangarap. Siya ang nagsilbing pakpak ko, naabot ko ang taas dahil sa kanya. I am so proud of her at mahal na mahal ko siya.

Pero ngayon wala na siya, pakiramdam ko ay nawalan narin ako ng pakpak. Hanggang ngayon ay parang manhid parin ang katawan ko, hindi ko parin maramdaman ang sarili ko, para akong naliligaw. Kung may naliligaw na kaluluwa, siguro mayroon din naliligaw na damdamin at yung ang nararamdaman ko ngayon.

Napakasakit ito bilang isang OFW, dahil wala akong magawa, ni-hindi ko man lang nasilayan ang katawan niya bago ihatid sa kanyang huling hantongan. Pero may parte sa akin katawan na parang nagsasabi na ayos lang na hindi ko nakita ang walang buhay niyang katawan, dahil ang mananatili sa isip/alala at puso ko ay ang buhay niyang katawan.

This is madness, hanggang dito nalang. Baka magtsunami dito ng luha sa opisina ko.

Salamat sa aking mga kaibigan na nakiramay, ramdam ko kayo. Salamat sa pinakamamahal kong asawa, dahil kung hindi dahil sa'yo baka nasa pinas na ako ngayon at tumatawang mag-isa sa isang sulok dahil tinakasan na ng bait. Nawalan man ang pinakamamahal kong nanay, nandyan parin naman kayo ni Lil Akoni na magsisilbing bagong pakpak ko para ituloy ang aking lipad, at nandyan parin ang tatay ko na nanatiling nagbibigay suporta sa aking mga paa, at nag-bibigay inspiration sa akin upang maging mabuting ama at asawa at malandi, joke yung malandi. Alam kong lumisan ang nanay na panatag ang kanyang kalooban dahil alam niyang nasa mabuting kamay na ako sa katauhan mo aking Heaven.


Hanggang dito nalang muna ate Charo, hanggang sa susunod na dramahan ulet. Baka sa susunod hindi na ito "Mga kalokohan at guni-guning ligaw" magiging "Drama-rama sa Akonilandiya." na.