nuffnang

Saturday, July 16, 2011

Baka gusto mo din....


Kahaps, naks bagong intro ko ang kahaps, hahaha...hulaan mo kung kanino yang "kahaps"?

Mali/tama ka!

Kung lagi kang nagbabasa ng blogs niya, marahil ay kilala mo ang laging gumagamit ng salitang "kahaps", siya ang pauso niyan.

So, kahaps, hindi ako nakapag-online dahil nag-malling kami, naks social. Bumili lang me ng isang bagong pantalon, tatlong bagong damit, isang bagong sapatos at nagpalit din me ng ulo (nagpagupit din ako). Gusto ko kasi magmukhang bago sa bakasyon ko, sa pinas syempre alangan na sa libya, at gusto ko 'yong magmukha akong galing sa future pagdating ko ng pilipinas, YOH.

Umalis kami ng mga bandang 5 pm ng hapon, tipikal lang na pagmu-mall ang nangyari sa amin, kaya wala me makwento tungkol don, natapos kami ng mga bandang 11 pm at umuwi na kami.

Pagdating namin ng bahay napaputchachenes kaming lahat, dahil walang kuryente sa amin villa. 110v lang daw ang lakas, kaya hindi nito kayang paandarin ang mga aircone namin, dun na nagsimula mabalisa ang utak ko, dahil paano na kami nito makakatulog?

Pinilit ko parin matulog kahit alam kong puweding hindi na ako magising dahil malulunod ako sa sariling pawis ko. Pero dahil sa kalinisan ng aking puso, himalang nagkakuryente, oo iniisip ko na himala ‘yon para nararamdaman ko na holy shit ako.

At dito na nag-umpisa ang totoong storya ng blog na ‘to, hahaha, intro palang yang nabasa mo sa taas.

Binuksan ko ang aking computer, nag-online sa twitter, oo una kong binubuksan ang twitter, sunod ang facebook, tapos ang G+, tapos ang site ni PACMAN, huli na ang blog ko, hehehe. Putchasenes, dami kong paligoy-ligoy, ganito ‘yon, pag-clicked ko sa mentioned sa twitter ko, nagulat me kasi may mga nagko-congrats sa akin? Parang nasa isip ko, ha, ano mayroon na hindi ko alam?

‘yon pala, itong si kwatro kwarto khatot khanto ay ninominated niya ako bilang INFLUENTIAL BLOGGER 2011 sa isang site na nagbibigay parangal sa mga bloggers. Una kong naramdaman ay natuwa ako, nangiti, at nakaramdam ng kakaibang alindog kay khanto, juk, tapos saka na me nakaramdam ng pagkahiya.

Madaming pumasok sa utak ko na katanongan, bakit ako? choooossss. Sa totoo lang natuwa ako dahil kahit papaano ay may natuwa at naimpluwensyahan ang mga blogs ko, isa na dun si Khanto, tsk kawawang nilalang, haaaayy, lord magpapakabait na po ako.

Masyado na ata ‘to mahaba, kaya tataposin ko nalang sa isang pasasalamat. Maraming salamat Khanto, hindi ko alam kung ano pa masasabi ko sayo, dahil hindi naman kita kilala ng personal, ang alam ko lang sayo eh adik YOU sa mga foreign films na tulad ko, at adik ka sa ANIME na tulad ko, kaya lagi ko inaabangan mga bago mong movie review at anime post, hehehe.

Ikaw, baka gusto mo din nominate ako? LOL


19 comments:

  1. ayun base ako!

    congratz manong! to d highest level kana ngayon ah!! di na kita mareach! silipin mo pa din kami dintong nasa baba ha wag u makakalimot! :p

    ReplyDelete
  2. Congrats, Akoni!! hehe.. Kawawang nilalang tlga si Gelo? hehe... Kapag nagreciv ka ng trophy mo, greet mo kami ha.. lol

    ReplyDelete
  3. nominate nio yang si akoni. 10 blogs naman pedeng inominate...

    makalikom lang siguro sya ng 8 posts na kasama sya, baka pasok na sa top 10. :D

    nagulat naman me sa kahaps... napapansin nio pa pala yung terms ko. ahahaha.

    ReplyDelete
  4. congrats akoni, hahahaha. sana manalo ka. hehehe...last year talo ako epic fail. nyahahahah

    ReplyDelete
  5. Congrats, akoni!

    Manalo ka! Manalo ka! Manalo ka!
    :)

    ReplyDelete
  6. Mananalo ako kung enonominate din niyo ako..LOL..blog ko to kaya dito me magka-campaign..haha

    ReplyDelete
  7. isang pagsaludo.. congrats akoni!

    ReplyDelete
  8. pagaaralan ko kung papaano mag nominate ng mainominate kita.

    now na

    ReplyDelete
  9. wow congrats.. sa ganda ng kinakalabasan ng guni-guni mo hindi na nakakagulat na ma-nominate ka! yihee..

    ReplyDelete
  10. huwaw ibang level na u hehe


    kongrats tsong!:)

    ReplyDelete
  11. Basta ako natutuwa sa kakulikutan ng utak mo, may bulate yata.

    Kongrats

    ReplyDelete
  12. congratulations chong... hahaha ayus yan may award ka pag-uwi mo.. hhehehe pero dapat manalo ka muna... hehehe

    ReplyDelete
  13. Congrats parekoy sa nomination mo! Baka gumawa ako at magnonominate ng isa lang! IKAW! maiba lang

    ReplyDelete
  14. MOKS - sige wet na wet ko yan sinabi mo

    Kiko - hmmmm hahaha un lang, manalo muna..lels

    Papa JK - ang mapuri ng katulad mong nilalang ay talagang nakakapagpatibok ng puson

    JAY -di naman uy..

    Mayen - hehe..si Gilo ang may kasalanan nito..ibagsak ang pamahalaan aquino.

    Salamat diamond ng maraming diamond.

    Bino - thanks pre

    Dae - isang pagpapasalmat.

    ReplyDelete
  15. natawa ako kung papano mo hinawi lahat para lang mapunta dun sa kwento. Para kang magdalena Akoni. Ang galing mong mangiliti ng utak eh. hahaha

    Congrats sir.

    ReplyDelete
  16. yeeeh..congrats..
    padaan lan..^_^
    ang pagbabalik..hehehe :P

    ReplyDelete