nuffnang
Monday, October 31, 2011
Saturday, October 29, 2011
U-thoughts ng utak ko ang haaabaaaaaaaaa...
Sabado ang umpisa ng weekdays dito sa Saudi Arabia, ang mga Pilipino mahilig mambasag ng trip ng ibang tao , tulad ng trip ng mga plankers, eh kung basagin ko kaya mga betlog ninyo, e-prito at ipakain sa mga pulis na nagpapabaho sa kilikili at singit ng pilipinas. Nagsusulat ako ngayon ng dirediretso, kung ano man maiisip o pumasok sa utak ko ay ititipa ng mga makukulet na daliri, walang edit diretso lang manong driver sa biglang liko tayo, gusto ko lang ng lugar na bubuhosan ng mga tamod ng utak ko. Kumapit ka dahil baka malaboan sa mga bibitawan ko ngayon, kung ipagpapatuloy mo ang pagbabasa mo dito, maraming salamat at saludo ako sa'yo dahil kumakain ang utak mo ng mga rejected ideas, pero kung skip reading ka, salamat din at saludo din ako sa'yo dahil malaki ang pagpapahalaga mo sa utak mo, ayaw mo mahaluan ng mga ganitong shits, at pakyo ka, makarma ka sana. Walang toilet paper kanina sa banyo nainis ako, parang gusto kong tawagin ang Janitor at gawin tissues paper ang kanyang mukha at sisihin ang goberno sa pinaggagawa nila sa atin bansa, lalo na sa buhay namin mahihirap, kailan kami makakabangon para durugin kayo at pagsimbahin na may bulak sa ilong? Hindi namin ‘yon magawa dahil isang bala lang kami sa inyo, pero lintik lang ang walang ganti, tandaan ninyo hindi bubula ang tide o ariel o (insert your favorite laundry powder soap) kung walang tubig, at kaming mahihirap ang tubig, hindi ninyo mapapatunayan na may silbi kayo kung wala kami.
Kung ilong mo ay pango, maswerte ka dahil masarap mangulangot at kakaunti lang ang naku-consume mo na polluted air. Hard to get kuno ang ilang mga pinays, mahihinhin, ma-ego at ma-pride, pero sa mga kapwa pinoys lang, sinasamba naman nila ang ibang PUTAhe sa ibang bansa. Kailan natin sasambahin ang sariling atin, ang sariling lahi natin? Kailan natin pagtutuonan ng pansin ang mga sariling gawa natin? Kung gusto mo ang salitang English, okay fine, hindi problema ‘yon, pero wag mo sa akin gagamitin dahil nagme-mens ang utak ko, kapya Pilipino tayo, apir. Hindi na uso ang gasgas na kasabihan ni Dr. Rizal na ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa betlog ko. Palawakin mo ang inyong kaalaman, aralin ang lahat ng lenguahe sa buong mundo, pati narin lengguahe ng mga isda, mga sirena at mga syokoy. Hindi patunay ang salita sa pagkapilipino, ang importante ay mahalin mo ang inyong bayan, wag na ang salita, dahil salita lang ‘yan. Ang importante tanggap mo sa sarili mo na Pilipino ka English man o mongoloid ka magsalita, magalang ka man o malibog, ‘yon ang importante mahal mo ang pilipinas kahit hindi ka nagsasalita ng sariling wika mo ayun sa tinutukoy ni Dr. Rizal. Kung gagamitin natin ang sariling wika natin mga pilipino, hindi tayo magkakaintindihan, dahil iba-iba ang wika natin, may bisaya, tagalog, maranao, tausog, maguindanao, bikolano, ilonggo at kung anu-ano pa, alin dyan ang tinutukoy ni Rizal na sariling wika natin na dapat natin mahalin? Hindi ko wika ang tagalog, iba ang sariling wika ko, ang importante ang pinagmulan ko ang mahal ko, un ang importante. Ang hindi marunong magmahal sa sariling bansa o bayan o lugar o pinagmulan ay best friend ni satanas.
Ang buhay ay parang paglamon, nilalagyan mo ito ng poise kapag may nakakakita sayo. Pero ang totoo baboy ka kung kumain kapag mag-isa ka lang. Mag-isa ka lang sa mundo mo, kaya wag kang mandamay ng ibang tao, humingi ka ng payo nila, pero wag mong idamay ang masasaya nilang buhay sa fucking life mo. Hindi porket malungkot ka ay gusto mo may malungkot din para sayo, sino ka? Si wonder woman na hindi ko gusto? kahit kailan hindi ko nagustohan ang mga women super heroes, tulad ni krystala, darna, at si babaeng linta. Linta kong tawagin sila ng lipunan, mga taong pilit isinisiksik ang sarili sa mga taong sikat at mayayaman, hindi lahat ng sikat ay mayaman, at hindi lahat ng mayaman ay sikat. Balang araw ay puputok din ang kaisa-isang bala mo sa buhay at makikita mo din ang fire works ng iyong tagumpay, titingalain mo ang iyong tagumpay. Masarap ang pakiramdam sa tuwing nagtatagumpay ka sa buhay, kaya bago mo iputok ang kaisa-isang balang araw mo ay siguradohin mong tatama ka. Sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa atin bayan? May magagawa ba tayo o huli na ang lahat? Habang buhay nalang ba tayo magiging alipin ng ibang banasa at higit sa lahat ay maging alipin ng bulok natin paniniwala? Kung maglalaban si Batman at si Spiderman, sino ang mananalo si Manny Pacquio o si Manuel Marquez? Time is gold, kaya pasensya na kung lagi ko kayo nananakawan ng ginto, lumalabo na ang lahat, minsan dumarating sa punto na kailangan tumigil na.
Friday, October 28, 2011
Wednesday, October 26, 2011
BIYENAN
Pambasag trip: Obvious siguro na sa taitol palang eh alam mo na kung tungkol saan 'to, kaya wag mo na taposin basahin, mag-comment kana tungkol sa biyenan para kunwari nabasa mo ng buo, LOL, oo ayos lang, naiitindihan kita dahil mahaba ito.
Nung unang panahon, naks hehe. Nun wala pa akong asawa (Oo may asawa na ako ngayon girls, boys at giboys, sorry LOL), isa sa kinatatakotan ko sa buhay ay ang magkaroon ng biyenan na tulad ng mga napapanood ko sa pelikula, mga nababasa ko na mga kwento at jokes, at mga naririnig na kwento ng mga lalakeng tungkol sa experiences nila sa kani-kaninlang biyenan, take note, hindi magagandang kwento, nakakatakot, mas nakakatakot pa sa paranormal activities o anu mang horror/suspense na movies.
Kinakabahan ako nun na baka ganun din ang maging biyenan ko, at dahil sa kaba ko ay na-visualized ko na baka maging biyenan ko ay ung parang bumubuga ng apoy, yung parang wild dragon slush monster, yung parang kartoon karakter na si Coyote na laging may masamang hangarin at laging may nakahandang patibong kay beep-beep, at parang isang bruha ng mga fairy tales, that's so nightmare, diba?
Takot ko lang talaga nun, dahil hindi ako sanay na mabungangaan ng ibang tao. Prinsepe ang turing sa akin ni mudah at fadah, wala akong ibang ginagawa sa bahay kundi magkamot at amoyin ang betlog ko at kuyukot ko habang nanonood ng mga kartoons sa telebisyon. Kahit ano gustohin ko ay binibigay nila sa akin, prinsepe eh, kapag sinabi kong "gusto ko...", masusunod un, kapag sinabi kong "hindi o ayaw ko", masusunod din un pero depende sa negosasyon. Ganun ako katindi sa bahay, isa akong napakawalang kwentang palamonin, isa akong prince, isang poor prince na inutil. Oo pobre kami, pero may karapatan parin ako mag-inarte, dahil ung mga kaya lang gawin o ibigay ng parents ko ang iniaarte ko, hehehe.
Tip: Kung gusto mong makuha mga kaartehan mo sa buhay, ung kaya mo o kayang ibigay sa'yo ng magulang mo ang ipag-inarte mo.
Ang sarap ng buhay ko nun sa bahay, kahit ano gawin ko hindi ako pinapakialaman ni Mudah at Fadah at nasanay na ako doon. Nasanay ako na hindi o walang bumabasag sa mga trips ko. Kaya, nagkaroon ako ng takot sa mga biyenan, un kasi ang mga kwento tungkol sa kanila eh, mga pakialamera, mga bungangera, at kung anu-ano pa.
Tulad ng joke na ito:
Pare saan ka galing?
Nakipaglibing lang pare....
ah...ganun ba...eh bakit puro ka kalmot?
Lumalaban pare...
ha? sino lumalaban?
BIYENAN ko.
Nakaramdam ako ng kaba na baka kako hindi lang ako lumabas ng kwarto eh baka kung anu-ano na ang sabihin ng magiging biyenan ko sa akin, baka kako pag nag-inarte ako sa pagkain eh kung anu-ano na ang sabihin sa akin ng magiging biyenan ko, at baka kako pakialam kaming mag-asawa sa mga trips namin, natakot me talaga kuya Eddie, napakasakit. Kaya nung magdesisyon akong magpapakasal na, kasama na don ang paghahanda sa magiging biyenan ko, this is sparta and this is war, ahoo!!!!!!! sabi ko sa sarili ko, bahala na si Manny Pacquiao, lalaban ako, patay kong patay kuya Eddie.
Pero mali pala ako, natuwa ako ng bongga kuya Eddie. Hindi ko aakalain na isa palang huwaran at dakilang ina ang magiging biyenan ko, isang mapagmahal at may takot sa diyos. Nahiya me sa sarili ko, dahil sa mga masasamang bagay na naisip ko tungkol sa mga biyenan, SORRY po. Ang swerte ko pala, dahil hindi lang mabait na tao ang biyenan ko, kundi isang mabuting tao at isang mahilig at naniniwala sa mga pamahiin.
At higit sa lahat, nagbi-birthday din ang biyenan ko, birthday niya ngayon kaya binabati ko siya ng isang maligayang kaarawan mommy, sana ay dumarami pa ang mga biyenan na katulad mo para dumarami din ang mga mag-asawang magkakaroon ng "lived happily ever after....". Maraming salamat mommy, I love you.
itutulog pa....
Tuesday, October 25, 2011
TRIVIA: Uha...uha...uuuhhaa!!!!
Syempre si Lil Akoni model natin....LOL |
Umpisahan natin sa tanong na, "Bakit umiiyak ang sanggol pagkapanganak galing sa sinapupunan ng ina?"
A. Ayaw pang lumabas dahil mas masarap ang buhay niya sa loob
B. Dahil panget ang Doctor at maid-wife niya
C. May puot sa kanyang puso dahil pinalo ng doctor
D. Dahil madaming utang ang parents niya
E. Nasaktan dahil sa masikip at madumi na dinaanan
F. O dahil sira ulo ang author ng akonilandiya
Sigurado ako na may dahilan kung bakit sila umiiyak. Pero ayon sa aking pananaliksik na wala naman, napag-alaman ko na kaya pala umiiyak ang mga bagong sanggol ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang mga magulang. Oo, ganun ka, ganun ako, ganun sila, at ganun tayo lahat nung kakapanganak palang sa atin. Dahil sa hirap na dinaranas ng magulang natin lalo na ang mga Ina natin habang pinagbubuntis tayo, napapaiyak nalang tayo, dahil 'yon ang paraan ng isang sanggol upang humingi ng tawad sa kanilang ina, dahil sa sakit na naramdaman habang pinapanganak tayo.
Hindi ba't ang paghingi ng tawad ay isang gamot? Oo naniniwala ako na ang paghingi ng tawad at pagpapatawad ay isang napakalaking kagagohan gamot, kaya nito paghilumin kung anu mang sugat na hindi nakikita na hindi kayang gamotin ng ano mang drug medicines na nabibili sa suking botika at albularyo, tulad ng puot sa puso o sakit ng kalooban/sama ng loob. Subukan mong patawarin ang mga nagkasala sayo giginhawa ang pakiramdam mo at subukan mo humihingi ng tawad sa pinagkasalaan mo babarilin ka niya, joke, syempre mapatawad ka man o hindi, giginhawa parin ang pakiramdaman mo.
At napapalayo na ako, balikan natin ang pag-iyak ng sanggol baka mapanis. Uuletin ko, kaya umiiyak ang sanggol pagkapanganak ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang Ina. 'yon din ang dahilan kung bakit nanapalo ng mga doctor ang sanggol if in case na hindi ito maiyak agad, parang sinasabi nila "Oissstttt, magsorry ka sa mama mo." automatic 'yon.
Hindi ba't pagkarinig din ng isang ina sa iyak ng kanilang bagong silang na supling ay nakakalimutan nila ang lahat? nawawala daw sa isip nila ang sobrang sakit na naramdaman nila, ni hindi daw nila maaalala 'yon, dahil tinanggap nila ang SORRY ng kanilang anak.
Sa totoo lang, alam naman natin lahat ng pinagdaanan natin sa loob ng tiyan ng atin ina eh, aware tayo don pati ginagawa ng tatay natin habang pinagbubuntis pa tayo (insert dirty thoughts), kaso pagkalabas natin naglalaho na ang lahat ng alaala na 'yon. Ayaw mo maniwala? bahala ka.
Paano earthlings, hanggang dito nalang....hanggang sa susunod na kalokohang guni-guni.
Monday, October 24, 2011
ELEVATOR 2
Pare, sira ang elevator...
Ganun ba? sige gamitin natin ang elevator....
eh sira nga...
kaya nga gamitin natin ang elevator..
ang kulet mo pare, sira nga ang elevator...
tangna, mas makulet ka, kaya nga gagamitin natin ang elevator eh.
Sunday, October 23, 2011
ELEVATOR
Pare saan ang punta mo? Sa China 'tol, gusto ko umakyat sa taas eh. Maghagdan ka nalang kaya? Gago mas mabilis mag ELEVATOR kaysa mag hagdan, hindi pa nakakapagod, tanga. |
Friday, October 21, 2011
Sulat mula kay Lil Akoni
Dear Papa Akoni at Mama NJ,
Hello po Papa Akoni at Mama Nj, kamusta po kayo dyan sa Saudi? Kung ako po tatanongin niyo ay sa awa po ng diyos ay nasa mabuting kalagayan po ako, tulad parin po ng dati naiihi at natatae parin ako sa akin lampin, hehehe, pero promise po paglaki ko sa banyo na ako iihi at tatae, hehehe.
Mama Nj at Papa Akoni, sana po nasa mabuti kayong kalagayan, namimiss ko po kayo, 'yong pag-aalaga ninyo sa akin. Ikaw mama Nj, ung tuwing umagang pinapaligoan mo ako, ang paghahanda mo ng aking gatas na lalong sumasarap dahil sa pagmamahal mo, mga yakap at mga halik mo at ang walang kapantay na pag-aalaga at pagmamahal, i love you so much po. Sayo naman papa Akoni, ung kapag kinakausap mo ko palagi, natatawa ako kasi ang seryoso mo, hindi bagay sayo eh, hahaha, ang kulet-kulet mo talaga papa Akoni, mahal na mahal din kita.
Papa Akoni at Mama Nj ‘wag niyo po ako masyadong iniisip dahil nahihirapan po ako makatulog lalo na po sa gabi, alam ko pong mahal na mahal niyo ako, alam kong ako na ang pinakamamahal niyong tao sa balat ng lupa, pero papa at mama, hindi naman puweding oras-oras eh ako parin ang iniisip niyo. Hindi naman sa ayaw ko ng ganun, sino bang taong engot ang ayaw isipin at mahal ng oras-oras, diba? Ang sa akin lang naman po ay baka mapabayaan ninyo na ang inyong mga sarili, ayaw ko pong magkasakit kayo, maliit pa po ako at wala pa ako sa tabi niyo para maalagaan kayo, kaya pakiusap ko mama't papa, habang maliit pa ako alagaan ninyo muna ang inyong mga sarili para sa akin, promise? Mahal na mahal ko po kayo.
Oo nga pala, huwag rin po kayo mag-aalala Papa at Mama, dahil naiitindihan ko naman po kayo kung bakit nandyan kayo sa ibang bansa at kung bakit ninyo ako kinailangan iwanan dito sa Pinas. Tanggap ko po ang kaparalaran natin, ang kapalaran ko, tanggap ko po na isa akong anak ng OFW. Alam ko po kaya kayo nandyan ay para sa akin, sa kabutihan ko, at para sa kinabukasan ko, pinagmamalaki ko po kayo. Dapat pa nga magpasalamat ako sa inyo, dahil sobrang laki ng hirap na dinaranas niyo sa akin, lalo na si Mama. Ipinagbuntis niya akong mag-isa, wala siyang katuwang sa pagbubuntis niya sa akin dahil magkahiwalay kayo ng lugar Papa.
Mama Nj, nararamdaman ko po ang paghihirap niyo nun, lalo nung papalabas na ako, alam ko po kung gaano po kayo nasasaktan, sorry po Mama. Kung may lakas lang sana ako that time, kusa na po ako lalabas Mama, pero wala ako magawa eh, malalambot pa po ang mga boto ko at hindi ko pa po maigalaw. Papa Akoni, sorry din po sa pagpapahirap ko kay Mama, alam ko po kung gaano niyo siya kamahal, kaya alam ko kung gaano kayo nasasaktan nung nakikita niyo siyang hirap na hirap at sakit na sakit sa panganganak.
Hindi ko po alam kung alin ang mas masakit, ang sakit ng katawan o ang sakit ng puso? Ang alam ko lang po ay parehas 'yan masakit, hindi ko pa po naramdaman pero alam ko po. Nalaman ko sa bawat sigaw ni mama at bawat iyak niyong dalawa, mga iyakin. Opo naramdaman ko po ang sakit na naramdaman mo papa Akoni sa iyong puso nung nakikita mong nasasaktan si mama habang pinapanganak niya ako.
Hindi ko po alam kung alin ang mas masakit, ang sakit ng katawan o ang sakit ng puso? Ang alam ko lang po ay parehas 'yan masakit, hindi ko pa po naramdaman pero alam ko po. Nalaman ko sa bawat sigaw ni mama at bawat iyak niyong dalawa, mga iyakin. Opo naramdaman ko po ang sakit na naramdaman mo papa Akoni sa iyong puso nung nakikita mong nasasaktan si mama habang pinapanganak niya ako.
Sana po ay hindi ko ‘yon makalimutan, pero alam ko po paglaki ko makakalimutan ko parin ang lahat, ang lahat ng paghihirap at sakit na naramdaman ni mama sa akin. Pero favor mama, lalo na sa'yo papa Akoni, ipaalala ninyo po sa akin ang lahat paglaki ko ha? Gusto ko lang po maging mabuting anak sa inyo, lalo na kay Mama, basta ipangako ninyo yan sa akin at pinapangako ko rin na magiging mabuting anak ako, ‘wag po kayo mag-alala lalo kana Papa Akoni, hindi po ako magiging malandi at malibog tulad mo.
Huwag rin po kayong mag-alala sa akin Papa at Mama, kaya ko po alagaan ang sarili ko, matapang po ako at matalino, baka nakakalimutan ninyo mana ata ako sa inyo.
ayyy sobrang haba na nito papa't mama, baka makatulog na kayo sa pagbabasa nito at baka malunod na rin kayo sa inyong mga luha, alam ko kasing lumuluha na naman kayo habang binabasa niyo ito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG DALAWA!!! Muwahugsssslurpstsup
-Lil Akoni
ayyy sobrang haba na nito papa't mama, baka makatulog na kayo sa pagbabasa nito at baka malunod na rin kayo sa inyong mga luha, alam ko kasing lumuluha na naman kayo habang binabasa niyo ito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG DALAWA!!! Muwahugsssslurpstsup
-Lil Akoni
Wednesday, October 19, 2011
Mga dapat maimbento bago me mamatay
Nakakabilib na talaga ngayon ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya, sa sobrang kakabilib na nga ay hindi na natin magawang mamangha pa, diba? Buwan-buwan, araw-araw at bituin-bituin ata may bago. Naalala ko tuloy pag-uusap namin ng best friend ko nun, Nokia 3310 palang nun ang pinaka-latest na phone, pero mangha-mangha na kami doon, nun kung mayroon kang 3310 sasambahin ka, ipagdadasal ang kaluluwa mo at aalayan ka ng mga pagkain at isang birhen.
Tandang-tanda ko pa ang usapan namin, nagbibiruan pa kami, tawanan kami sa naiisip namin na pagdating ng panahon ay puwedi mo nang makita ang kausap mo sa telepono mo (insert dirty thoughts). Fast forward, ngayon ganun nga ang nangyari, hindi ko aakalain na ang naisip namin nun ay magkakatotoo. Napatunayan ko ‘yon nung ilabas ang Nokia N70, hindi me makapaniwala, nakikita ko na nga ang kausap ko sa phone (insert dirty thoughts).
Ngayon iniisip ko kung ano na naman ang magiging kakaiba sa teknolohiya pagdating ng maraming-maraming panahon. Gusto ko sana bago ako mamatay ay matupad ang mga nasa listahan na ito;
1. WMTC o Washing Machine Text & Call – Dahil tamad ako maglaba at makakalimutin ako at lalong magiging makakalimutin pagtanda ko, gusto kong maibento ang washing machine na nagtetext o nagku-call pagkatapos nito.
Parang ganito…
*tottoottootttoooottt*
1 message from your WMTC
WMTC: Potah ka, tapos na ang nilalabhan mo gago!
Tapos kung hindi ka dumating after 5 minutes (depende kung ilang oras o minuto mo iseset-up) ay tatawag sa’yo.
Parang ganito…
Kriiiinnngggg…praninnngggggg…praniiinngggggg…
Ikaw: Hello…
WMTC: Potah kang hayop ka, hindi mo ba narecieved ang text ko, gago ka?! Kanina pa tapos ‘tong pinapalabhan mo sa akin, tamad kang hayop ka.
Syempre, puweding tagalog ang lenguwahe, depende sa trip mo.
2. CAR na naliligo – Dahil isa ‘yan sa pinakaayaw ko nun na pinapagawa sa akin ng tatay ko. Ginigising ako ng maaga para lang hugasan ang sasakyan niyang bulok or pagkadating niya galing work ay pinapahugasan niya sa akin, nawawalan me ng gana tuloy mabuhay. Isaksak mo lang ang hose ng gripo saan man parte ng katawan ng car, bahala na siya, magsabon at magbanlaw.
3. Cell phone na may projector – Ang astig lang diba? Ung kahit nakahiga kang nagttext ay nakikita mo ang screen ng phone mo sa kisame o kahit saan mo gustong itutok, kahit sa noo ng tatay mo o sa P*k-p*k ng kasama mo sa kama (kahit sino). Puwedi kang manood kahit saan mo trip, sa bus, sa food court, sa sinehan at kahit saan mo trip, ang gagawin mo lang ay papaandarin ang projector ng phone mo at pipili ka ng movie na gusto mong panoorin tapos itututok mo lang sa sahig, sa pader o sa kisame. At ang pinakamasaya dito, matiwasay ka nang makakapanood ng mga scandals collection mo sa loob ng banyo, "Paabot ng tissues, please!"
4. Waterproof na lap top – ‘yong kahit sa ilalim ng swimming pool ay puwedi kang mag surf sa internet, manood, makipagchat, at kung anu-ano pa. Ang saya lang nun eh.
Parang ganito….
“Hi ASL pls”
“26 male, ilalim ng pool”
-Ang social mo na diba? May water proof laptop kana, may swimming pool pa kayo.
Or “Hooyyy mga friendships, nasa ilalim ako ngayon ng sea, daliiii…view niyo cam ko.”
“aaayy oo nga, ang ganda naman dyan friendship, grabe….friendship may pating sa likod mo, KAKAININ KAAAA!!!”
Ang sarap lang makipagchat habang naliligo, sa shower o sa bathtub, ctc?
Masakit na 'to sa bagang, hanggang dito nalang muna, tuloy natin next time!!
Monday, October 17, 2011
Ngayon at noon
Last week nalipat ako ng opisina, dito me napunta sa Manager ng Department namin. Dati doon ako sa may Portable cabin, malapit sa emperno. Kasama ang mga operators at mga supervisors, emperno dahil mainit dun, soBRA at soPANTY. Isa sa work ko don ay kunin ang mga reading sheets ng planta, hanghinit sa labas kung alam you lang, sobrang nakakapawis ng singit at kuyukot, ang sarap sana maghanda ng manggang hilaw dahil may sawsawan tumutulo na.
Nung bata pa ako, hindi ako masyado naglalaro sa labas at hindi ako nakikihalobilo sa ibang bata, mahiyain ako at takot me sa kanila na tuksoin ako. Pero nung nasa high school na ako, natutunan ko na makipaglaro ng holen, goma-goma, teks at Chinese garter sa kanila, alam ko na kung paano maging bata. Ganito lang naman maging bata eh, simple lang, nun kapag may duyan na ginawa ang mga kalaro ko at hindi nila ako pinapahiram o pinapasakay, pinupuntahan ko sa gabi ang duyan tapos nilalagyan ko ng tae, ayy tinaTAEan ko pala, as in anlake pa ng tae, kinabukasan umiiyak na sila, karma nila ‘yon, madadamot eh diba?
Hindi ko alam kung ano ang work ko ngayon dito sa bagong puwesto ko, so far wala palang naipapagawa ang boss ko sa akin kundi mag-send ng FUCKS fax, lagi nalang FUCKS fax, puro nalang FUCKS fax, fucks fax ng fucks fax, fucks talaga!!! Natatamad na ako *yawn*. Nakakaantok, parang namimis ko tuloy dating puwesto ko, kahit medyo madami akong ginagawa at kahit parang nasa planetang mars lang me eh hindi naman ako nabobored ng ganito *yawn*.
Nung bata pa ako, mahiyain ako sa ibang tao. Kapag may bisita kami sa bahay, hindi ako lumalabas, hindi ko alam pero ‘pag nakakakita ako ng ibang tao nanlalamig ako sa hiya. Pero nung nasa high school na ako, lumalabas na ako ng kwarto, walang hiya na ako, at kapag may bisita ang mga pinsan kong babae, tapos mga lalake at alam kong manliligaw nila yon, naiinis ako. Mag-iingay na naman kasi sila sa harap ng telebisyon habang nanonood ng mga MTV ni Bryan Adams, narinig ko pa nga sabi ng isang lalake sa pinsan ko “Please forgive ang theme song natin ah, tapos ung dalawa daw Hevean” I was like, ewwwwww…ano yown?
Wala lang, inis lang ako sa kanila, hindi ako makapanood ng Cartoons, kakabwesit lang, sumasakit ang pantog ko sa kanila. Kaya kapag nadinig ko sa mga pinsan ko na “Oiiiii….si kuwan pupunta daw sila dito, (Insert sigaw ng babaeng nag-o-orgasm kinikilig)”, sasakit na naman pantog ko kaya tatakbo na ako sa ref namin at iihian ko ang Juice na nasa pitsel. Nakangisi naman ako habang sarap na sarap sila sa pag-inom ng Juices nila. Karma sa kanila ‘yon, nang-aagaw sila ng moment sa isang bata.
Mabait ang boss ko ngayon, pero nung nasa high school ako makulet na ako, sobra. Nun pa man ay gusto na ako ng boss ko na lumipat dito sa kanya dahil gusto daw nila ang work ko, mabilis. Halos lahat ng katarantadohan ay nagawa ko na nun bata pa ako. Wala naman ako probs sa mga ka-office mates ko doon sa dati eh, mababait sila sa akin kaso nga lang mga abuso, halos lahat pinapagawa nila sa akin kahit pesonal na work nila. Hindi ko alam kung bakit pagtungtong ko ng High school eh naging pilyo na ako, tulad ng nilalagyan ko ng bubble gum ang upuan ng classmate ko sa harapan, kakainin ang mga tinitinda nila pero may kasabwat ako don or susulatan ko ang damit ng nasa harapan ko, kaya niyo un? Hindi niya ako maramdaman, hindi ko alam kung manhid yun o ninja lang ako. Nung una, nagdadalawang isip ako, kung tatanggapin ko ba na malipat dito o hindi, paano kasi may secretary nang Katutubo (Saudi) dito, alam kong priority nila un, baka kasi pagdating ng panahon magtanggalan sila, syempre ako ang expected na matatanggal pero who cares. Sa kakulitan ko noon, halos nasubokan ko na lahat ng bagsik ng mga guro, nandyan ung makurot sa singit, mapingot ang taenga, mabatokan ng Noli me tangere na libro, pagalitan sa harap ng buong klase dahil mali ang sagot ko sa tanong, “ang tanong nun ni ma’am ay bakit daw walang nabubuhay sa planetang Mars? Ang sinagot ko lang naman ay KANIN, nagulat ang lahat, nagkaroon ng kunting katahimikan sa loob ng klase dahil sa sagot ko, parang BOY PICK UP lang ng bubble gang, tapos un na niratrat na ako ni ma’am, first day of class pa yun, ayos sa pick up line.”
Gustohin ko man o hindi, wala na akong magagawa, lilipat at lilipat parin ako dito, syempre utos ng amo eh, utos ng nakakataas, masunorin ako, Pilipino eh. Kahit ganun naman ako, eh hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko, pumapasa naman ako sa lahat ng subjects ko, kaya natutuwa din sa akin ang mga titsers ko, kahit daw makulet ako eh may laman naman daw ang utak ko, ‘di daw tulad ng ibang makukulet kong klasmets, makulet na nga, hindi pa makapasa. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko ngayon dito sa bago kong puwesto.
Wait…ang labo na, ano nga ba ang kinukwento ko? aahh….Ngayon at noon.
Saturday, October 15, 2011
Friday, October 14, 2011
Kung anu-ano nalang...
Hanggang ngayon ay hirap parin me gumiling at humuli ng kung anu-anong kalokohan at guni-guning ligaw sa akin utak, hehehe, inaabot na ako ng ilang araw bago makaisip ng "ganito" na puweding ibahagi sa inyo. Baka kako malapit na ma-expired o expired na ako sa pagba-blog, pumupurol at nawawalan na ng talim ang isip ko, siguro dahil sa kung anu-anong kaseryosohang naiisip ko ngayon at wala nang nakahalong kalokohan at guni-guni, this is madness, I wanna die, rape me, chooossss!!!
Inaamin ko hindi ako matalinong tao, wala akong ibang maibahagi sa inyo kundi ang mga kalokohan at kung anu-ano nalang shit na naiisip ko. Pero siguro naman eh kahit paano ay may mga naisulat din akong may sense ng kunti, ung napulutan niyo ng aral (hahahahahahaha), yung napangiti ko kayo ng kunti, pagdamotan niyo na 'yon, shit!! parang namamaalan na ako ah, this is madness, I wanna die, rape me, chooossss!!!
Sa totoo lang expected ko naman ito eh, lahat may hangganan, lahat may kataposan at lahat may libog, pero hindi naman ako makakapayag na pati itong pagbablog ko ay magtatapos na sa buhay ko ng ganito kaaga, it's so unfair diba? Syempre kailangan ko parin pilitin dahil isa ito sa mga nagpapasaya sa akin, minsan isa ito sa paraan ko para mailabas ang kalungkotan nadarama dito sa gitnang silangan, napakasakit talaga kuya eddie, this is madness, I wanna die, rape me, chooossss!!!
Saan na nga ba tayo? ahh...Kahit saan bansa ay mayroon iba't ibang mga klima, gaya sa atin, mayroon tayo tag-araw, tag-init, tag-ulan, tag-baha at tag-libog. Ganon rin ang atin utak, may klima din ito, mayroon tag-sulat, tag-sabaw o tag-purol, at syempre ang tag-libog, hindi 'yan mawawala sa lahat ng klima ng atin utak, dahil yan ang bumubuhay sa puting dugo natin, ang bumabalanse sa atin pagkatao at dahil 'yan din ang paborito kong klima, oo alam ko, IKAW din!!! That's not madness, I don't wanna die, but pls rape me, chooossss!!!
Nasa tag-sabaw at tag-purol ngayon ang utak ko, pero tulad ng sa buhay natin, kahit anong klaseng klima ang tumama sa atin, kailangan natin lumaban, kailangan ituloy parin ang laban patungo sa tamang daan. Ganun din sa utak, kahit anong klasing klima ng utak ang tumama sa atin, kailangan tuloy parin ako sa pagba-blog.
Teka, ang haba na nito, puwedi na... *PUBLISH POST*
Wednesday, October 12, 2011
Monday, October 10, 2011
AYY NAHULOG....!!!
Sa buong mundo, tayong mga pilipino ata ang may madaming ekspresyon kapag nagugulat o may nahuhulog...Tulad nalang ng "Ay Butiki!!", "OH MY GULAY", "AY TAE!!!", "AYY VICE GANDA BUNTIS!!", "AYY BEMBOL ROCO!!", at syempre ang isa sa pinakasikat "AYY P*K*..!!! at AYY OT*NG NAKAHELMET", at kung anu-ano pang nakakagulat.
Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno nito o saan o kanino natin natutunan? Wala na akong pakialam doon dahil tinatamad akong alamin. Basta ang alam ko, isa 'yan sa mga palatandaan ng pagiging isang pilipino natin.
Nung isang araw, may nangyaring ikinagulat ko, syempre may kinalaman dyan sa expression kapag magugulat o may nahuhulog (na ikinagulat).
Ganito 'yon, naging ugali ko na ang mag-uwi ng prutas galing sa Cafeteria namin, at EXCUSE YOU, hindi ko 'yon nenenenok, dahil puwedi naman maglabas ng prutas pero limitado, hanggang dalawang prutas lang. 'yon ang patakaran ng dating Manager ng Cafeteria, pero ngayon ay bago na ang manager!
bwahahahahaha... AATTTAAACCCCKKKK!!!!
Saging ang paborito kong prutas, "kkkrrrtttttt....kkrartttttlllssss...pplllllrrrttttt" tunog 'yan ng unggoy. Hindi ko alam pero nakikiliti ako kapag sinusubo ko ang saging, madulas, malasa, at HUUUUGGGGEEEE!!
Suntokan tayo??!!!
Balikan natin ang "Nung isang araw" baka mapanis na, syempre after lunch naglabas ako ng ssslurrppsssaging. Dalawa ang nenenok ko este nilabas ko, ung isa iniwan ko sa office para may pang breakfast ako kinabukasan, at ang isa naman ay dinala ko sa bahay para after dinner naman ay may matsu makain akong prutas.
Ito na 'yon, pagbukas ko sa Sam pinto namin ay bigla kong nabitawan ang sssslurrrpppsssaging ko at napasigaw ako ng........
AYY SAGING KO NAHULOG!!!!
Giniling na kalokohan, walang personalan....
Saturday, October 8, 2011
Sapat na 'to
May mahalaga akong kuwento ngayon sa inyo, isang pangyayaring hindi ko makalimutan nung bata pa ako at sa tuwing naaalala ko ay natatawa ang aking diwa. Pero bago 'yan, sa intro muna tayo...
Halos lahat ata ng sinulat ko ay mayroon intro, hindi ko alam pero parang hindi ko magawang magsulat kong walang pasakalye, sa ganitong paraan kasi nakakabuo ako ng kwento, may silbi man o wala. Siguro dahil sa bulok na ang utak ko na parang bulok na sasakyan? na kailangan itulak muna bago umandar?
Parang sex kasi ito eh, kailangan ninyo muna mag-oooppppssss....wag na 'yan, may mga bata.
Dumadating talaga sa isang blogger na kahit gusto niyang magsulat ay wala parin siyang maisip na maganda at panget na topic, pero panget na kapitbahay ay madami. Tulad ko ngayon, wala akong magawa. Kanina ko pa gustong magsulat para naman kapag napadaan si boss ay makita niyang busy ako kunwari, pero taeness, ang hirap magsulat na wala kang iniisip na topic, nakakagago lang.
Buti nalang puwedi ako magsulat kahit hanggang intro nalang muna at pasensya na hanggang intro lang muna ang kayang kong isulat sa ngayon, hehehehe.
Buti nalang puwedi ako magsulat kahit hanggang intro nalang muna at pasensya na hanggang intro lang muna ang kayang kong isulat sa ngayon, hehehehe.
....Sapat na siguro 'to.
Ayy Oo sapat na 'to, kaya hanggang sa muli earthlings!
Wednesday, October 5, 2011
August 05, 2011: Lil Akoni II
Doc ang anak ko?
Kamusta na po siya?
Bakit hindi ko narinig na umiyak?
Ayos lang ba kalagayan niya?
Doc, bakit parang hindi gumagalaw kanina?
-Sunod-sunod na tanong ko sa mid-wife nurse na nagdala sa anak ko sa loob ng Neonatal Intensive Care Unit (ata un).
Dooocc.....!!
Sigaw ko sa midwife, tiningnan lang niya ako tapos pumasok na agad sa room (snobbish?)
Malabo parin ang paningin ko dahil sa hindi mapigil na pagbuhos ng aking luha, dala ng pag-aalala ko sa aking asawa kanina, ngayon ay ang anak ko naman. Nasaksiyahan ko ang panganganak ng asawa ko, at buong buhay ko that time lang ako nakakita ng taong nakakaramdam ng ganun sakit. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa kanya, ang hitsura niya sa mga oras na 'yon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya, pero kung ikukumpara ko talaga, higit pa sa tinu-torture, 5x.
Dahil sa nasasaksihan kong nangyayari sa kanya, nakapagbitaw ako ng isang pangako na maaaring hindi ko matupad, nangako ako sa kanya na hindi na yon mauulit pa kahit kailan, hindi na siya kailanman makakaramdam ng ganun sakit at 'yon na ang huli, peksman.
************
Lagpas alas sais nun, nasa waiting area ako ng delivery/labor room, nasa loob na ang aking asawa, isisilang na niya si lil Akoni. Pinapakiramdam ko ang aking sarili, wala naman kakaiba maliban nalang sa paglaki pa lalo ng tiyan ko, hindi ako masyado kinakabahan, carry lang. Nakikipagkwentohan pa nga ako sa mga kaibigan ko, nakikitawa rin.
"Sino po ang watcher ni Mrs. Mc Rampat?"
Sabi ng doctor na nakasuot ng parang toga, parang lab gown/lab coat/medical gown/what ever na sinusuot ng mga doctor.
"Ako po, bakit po?" sagot ko,
"Kailangan ka namin sa loob, ang asawa mo, nahihirapan...." sabi ng doctor.
Takbo ako agad, lahat ng alam kong dasal ay sinasambit ko. Pinasuot nila ako ng lab gown/lab coat/medical gown/what ever nila at pinapasok. Malayo palang ako ay rinig ko na ang sigaw ng aking asawa, nanlamig ang buong katawan ko sabay tumulo na ang mga luha ko.
(Hindi ko kayang e-describe ang nangyayari sa isang babae kapag nanganganak. Huwag mo nang alamin, promise)
"9:06 pm..." 'yan lang ang tanging nakuha ko sa sinabi ng doctor.
"Lumabas na..." bulong ko sa aking asawa, sabay buhos na naman ng aking luha, at paulet-ulet parin ako nangangako sa kanya. Pero bakit ganun, wala akong narinig na iyak? Bakit ganun parang nagkagulo sila? Nakita kong tinakbo nila ang anak ko sa labas.
"Puwedi kana lumabas, ayos na ang asawa mo"
Sabi ng doctor sa akin at nakahinga ako ng maluwag, wait ang anak ko....
Nagpunas ako ng luha at lumabas...
Ibinalita ko sa mga kasama ko na ayos na siya, tinanong ko agad ang best friend ko kung ayos lang ang anak ko.
Nakita ko ang mid-wife, tinanong ko rin pero hindi na ako sinagot, pumasok nalang diretso sa NICU. Kinabahan ako, may hindi magandang nangyayari sa anak ko.
"Buddy, ung anak ko, ayos lang ba?" Sa best friend ko nalang ako nagtanong kahit alam kong hindi rin niya alam, dahil sa mga oras na 'yun, gusto kong lang may magsabi sa akin kahit na sino na ayos lang ang anak ko.
"Oo ayos lang, ayun hinuhugasan nila sa lababo?" sagot ng budz ko, "Ha?" natawa ako.
"Ayun gumalaw na siya, ikaw na ikaw budz" sabi pa niya.
Mga almost an hour ata, lumabas na ung babae na tinatanong ko kanina...
"Sir, Okay na po 'yung anak niyo...nagka-(Hindi ko na matandaan ang tawag don sa nangyari sa kanya) siya." In short, natae ang baby sa loob ng tiyan ng nanay niya at nakain niya, ewwww.
Meconium stained and mild respiratory distress, yan daw ang diagnosis niya...LOL sabi ng asawa ko, ka-chat ko ngayon habang sinusulat ko ito. Kaya ang nangyari, kailangan niyang turukan ng mga gamot na anti-churva for one week.
And in the end, naging maayos ang lahat at sana forever and ever and ever na. Ngayon araw, kasabay ng araw ng mga magigiting na guro ipinanganak ang babaeng babago sa akin, amin buhay.
sayang hindi nagana ang video namin habang nag-uusap...
Monday, October 3, 2011
1, 2, 3, SMILE!!!
Obviously, message 'yan mula sa chat box ko, galing sa pinakasikat na SMILE sa buong blog sphere. Nung una, hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kakarating ko lang kasi kaya wala me knows sa mga nangyayari sa mundo ng blogging, at nung pangalawa, lumaki ang butas ng ilong ko ng isang minuto sabay kinilig me dahil bumisita siya sa aking kaharian.
Dahil sa wala akong ka-alam-alam sa sinasabi niya at dahil din sa isa akong prinsepe ng aking kaharian AKONILANDIYA, iniisip ko na baka may isang hari na may anak na prinsesang iyakin at kailangan mapangiti. At kung sino man makakagawa nun, silang dalawa ay magiging mag-asawa and lived happily ever after divorce.
Pero kanina lang, binisita ko ang bahay niya. Mali pala ako, gusto lang niya maghasik ng SMILE sa sanlibutan. Nagustohan ko ang kanyang adhikain, dahil maganda ang mga premyo, hehehe. Kaya nagpasya akong subokan rin magbigay ng isang kowts na maaaring makaguhit ng simpleng SMILE sa mga makakabasa.
Ito na, FIRE!!!
"May pa-SMILE-SMILE ka pang nalalaman hayop ka, iuntog kita dyan eh..." -Akoni
Syempre, jowk lang yan. Pinalabas ko lang ang katarantadohan at kalokohan sa utak ko. Oo nga pala, pasensya na SMILE kung may kasamang blog ang enrty ko sa pakontes niyo. Hindi lang ako sanay na magposte ng maigsi sa kaharian ko, ayaw ko kasi ung parang FB stat lang, hehehe. At syempre, para may mababasa din na blog ang mga mambabasa ko, I am fair but I am firm, putcha.
Bago ko pa makalimutan na kowts pala ang sinalihan ko at hindi isang kwento, narito na ang entry ko, 1, 2, 3, FIRE!!!
"Mahirap ka man o mayaman, may kapangyarihan kang magpasaya ng tao na hindi gagastos, 1, 2, 3 SMILE!!"
Salamat sa mga may ginataan ginintuan SMILE na nagsponsor sa contest na ito:
Narito sila, 1, 2, 3, FIRE!!!
1. Field of Dreams (Hi!)
2. Alohagems on Squidoo (Hello!!)
3. ISP 101 (Kilala kita)
4. From the dungeon (lalo kana)
Sunday, October 2, 2011
bulakBOL-BOLero
Para sa pa-kontes ng isang BULAKBOL na BOLERO, |
"Saan ka man magpunta laging may lugar na makakapagbigay sa'yo ng kapayapan ng isip. Adik!! Hindi 'yan sementeryo"
Para sa mga mambabasa ng Akonilandiya:
"5. maari mong samahan ng blog post ang iyong pyesa pero hindi ito required at walang timbang sa paghuhusga ng mga hurado." -BulakBOLBOLero
At dahil sinabi ni bolero na wala daw timbang sa panghuhusga ang idadagdag na blog sa Photo contest niya, pwes ipinagbabawal ko din na basahin 'to ng mga hurado ng pakontes, joyk!!
Kung mayroon si bolero syempre dapat mayroon din ang mga mambabasa ko, kaya dedicated din to sa kanila, hehehe. Mahal ko ang mga mambabasa ko kahit alam kong kakaunti lang sila, si mama, asawa ko at mga ilang kaibigan, joke, pati ung ibang mambabasa ng Akonilandiya na 'di ko kakilala (Paramdam naman kayo para matahimik na kayo, amen).
Nawala ako ng halos dalawang buwan, kaya sobrang namiss ko ang pagba-blog at dahil sa may hangover part 2 pa ako sa bakasyon ko, nahihirapan ako ngayon humuli ng mga guni-guning ligaw at gumiling ng mga kalokohan sa utak ko (lagi ko nalang 'to nasasambit, wala lang pampahaba na din, tulad nitong dinagdag ko, humaba pa ng kaunti, hehehe at hahaha).
Buti nalang nakita ko ang pakontes ng isang bolero, kaya laking tuwa me dahil may premyo pa 'to. Isang camera na pang-scandal para sa ultimate winner, isang water bottle na nailaw sa dilim para sa pangatlo, at isang tuwalya na pampunas sa........para naman sa pangalawa. Nakakakilig lang ung tuwalya!
Buti nalang nakita ko ang pakontes ng isang bolero, kaya laking tuwa me dahil may premyo pa 'to. Isang camera na pang-scandal para sa ultimate winner, isang water bottle na nailaw sa dilim para sa pangatlo, at isang tuwalya na pampunas sa........para naman sa pangalawa. Nakakakilig lang ung tuwalya!
Maraming pakontes ngayon sa blog sphere, gusto ko sana salihan lahat para masubokan ang mga natutunan kong skills sa pagsusulat sa mga ibang bloggers, kaso hiya me, ayiiiii, at ang hirap magkwento, wala me tamod sa mood, namimiss ko kasi ang pinas, ang family ko, ang kapitbahay namin na nagtatapon ng basura sa tapat ng bahay namin, pati narin ung matandang may mga pananim na kung anu-ano (sayote, kamoteng kahoy, papaya, saging, mangga, at shit) sa kanyang bakanteng lupa at syempre my Lil Akoni.
I am crying inside now, at sana puwedi ako kumain ng panyo para mapunas ang mga luhang iyon.
Sabi na eh, magiging emo 'to. Balik tayo sa larawan para sa pakontes ni bolero, kuha ko yan gamit ang Nokia N70 phone ko nun 2009, sa isang pasyalan ng mga pilipino dito sa Riyadh, sa Al-Heir. Kamsa-Kamsa (Five-Five) ang tawag ng mga pilipino dahil sa may entrance na Five riyals. 'yan ang una kong napasyalan dito sa Riyadh, at nagustohan ko dahil panandalian napatahimik nito pag-iisip at kalooban ko. Nakita ko ang mga puno ng dates na buhay na buhay, may isang nakakaakit na ilog, matarik na bundok ng tagumpay, malawak at nakakaantok na kalangitan, at kasiyahan ng mga tao roon na nagsilbing musika sa akin pandinig.
Bilang isang OFW dito sa gitnang silangan, bihira lang ang ganyang karanasan, ang matagpuan mo ang katahimikan sa isang lugar na ikaw ay isang dayuhan.
Subscribe to:
Posts (Atom)