nuffnang

Thursday, December 27, 2012

Pang MMK





Dear Ate Charo,

Magandang gabi po sa inyo, alam ko pong sa gabi ninyo ipapalabas sana ito. Isa po ako sa nakakasubaybay ng inyong programa dahil po sa paborito ito ng aking may bahay, wala po akong choice kundi manood din dahil iisa lang ang telebisyon namin at kapamilya channel po ang asawa ko, alam ninyo naman po mahirap kumontra sa asawa lalo na kapag nasa bahay ka, teritoryo po nila yun eh.

Ang dahilan po ng pagliham ko sa inyo ay para ibahagi sana ang kuwento ko tungkol sa kapitbahay namin na kabit ng isang congressman, joke lang po. Sempre po tungkol po sa akin at nang aking kaibigang lalake, best friend ko po at hindi po ito kahalintulad ng kwento sa broke back mountain mubi.

Nagsimula po ang pagkakaibigan namin nung madiskubre ni Magellan ang Pilipinas. Alam ko po hindi ka naniniwala dyan, ‘wag po kayo mag-alala ganun din po ako dahil nagbibiro na naman po ako ulit. Pasensya po, ganito po talaga ako magsalita kapag kinakabahan, pero ito na po ang kuwento, promise.

Nagsimula po ang aming pagkakaibigan noong 1994, uso pa ang pomade noon at hanggang po ay matatag parin ang pagkakaibigan namin. Oh kayo na po ang bahalang mag-imbento ng kuwento ko, kung ano ang nangyari at kung ano ang title na papahulaan ninyo sa mga viewers. Basta nag-umpisa ang kwento na magkaibigan kami, tapos magtatapos po na magkaibigan padin kami.

Aabangan ko po ang kuwento namin sa programa mong magpakailanman.

Maraming Salamat




Tuesday, December 18, 2012

Anti o Pro RHBILL ba ako?



R-18

"Patnubay ng iyong kukote ay kailangan"


Hindi ang paglubo ng population ang problema sa pilipinas, ang problema ay ang paglubo ng mga corrupt na pulitiko o mga officials ng goberno.

Kung maaayos ng goberno ang problema sa corruption, mababawasan ang pagdami ng population natin dahil magkakaroon ng trabaho ang karamihan sa mga Pilipino, magkakaroon ng sapat na sahod plus bunos at more benefits ang mga manggagawa. At kapag may trabaho, magkakaroon ng pangamba sa kanyang kinabukasan lalo na sa mga anak, mawawala ang magic words natin mga pilipino na "bahala na si Batman". 

Hindi na nila kailangan pa tumambay sa bahay para kantotin buong araw ang asawa, magkakaroon na ng social life, kikita ang businesses, magiging busy ang buhay. Magiging aware sa sariling pamilya, sa kapakanan ng pamilya, at kapag ganun ang nangyari, gagawn ng paraan para hindi lumubo na parang uhog sa ilong ang bilang ng pamilya niya.

Hindi ko nabasa ang nilalaman ng RHBILL. Kaya wala akong karapatan mag pro o mag anti tulad ng mga sumasakay lang dahil nauuso, wala akong karapatan magmarunong tungkol dyan. Nakakagago lang kasi dahil may mga nababasa akong reaksyon na kung makapanglait sa mga anti ay parang siya na ang tama sa buong mundo. Hindi porket iba ang paniniwala ng kabila ibig sabihin ay mga bobo at mga gago na sila o mga ignorante na. Hindi porket hindi sila sumangayon sa gusto mo ay mali na sila, tandaan hindi lang ikaw ang may prinsipyong pinaglalaban, hindi lang ikaw ang may karapatan ipahayag ang opinion, kaya puwedi naman sabihin ang opinion mo na hindi kailangan manliit ng ibang tao. State your opinion then shut the fuck up, naks.

Ibig ko sabihin ay wala akong idea dyan. Basta ang alam ko lang ay kaya kong bumuhay ng hanggang apat na pamilya, charot! Pero isa lang ang choice ko, ang gusto ko, mabuti na ang safe kay misis.

Sa mga ANTI, siguro ang mabuting gawin natin ay huwag tangkilikin ang lahat ng programa ng goberno about sa reproductive health, ganun lang yun kasimple. At Dahil sa naniniwala tayong kasalanan ito sa diyos, edi iligtas natin ang atin mga sarili, divaaaahhh? Tayo lang naman makakaligtas sa sarili natin eh. Sa huli naman eh tayo rin mismo ang magdidesisyon kung ano ang plano natin sa atin buhay, kahit ilang tambak pa na RHBILL ang nandyan, nasa atin parin ang desisyon, wala sa mga religious leaders o sa goberno. Takot lang tayo sa pagbabago at hindi natin kasalanan ‘yon, mahirap din naman iwanan ang isang paniniwalang kinalakihan. Kahit aprobado na ‘yan wala rin kwenta kung hindi mo tatangkilikin tulad ng mga propaganda ng mga pulitiko tuwing eleksyon. In short mga kapanalig, laging may choices, at lady’s choice. Basta ito lang alam ko, lahat ng bagay na makakapagdulot ng masama sa katawan/health ng tao o sa isang tao ay pinagbabawal. Dahil dyan, kung hindi naman makakasama sayo ang paggamit ng protection, go, wala kang pananagutan sa taas.

Sa mga PRO naman, apir! Mas magiging safe na ang sex, maiiwasan na ang unwanted pregnancy at kung anu-ano pang unwanted. Makakabawas na ng gastosin ang goberno sa atin pagdating ng pahanon dahil mapipigil ang paglubo ng population. Hindi na magiging mangmang ang karamihan sa usapin safe sex dahil ituturo na ito kung paano gagawin, ituturo na kung paano palalabasin ang tamod sa maayos na paraan. Sana magkaroon din ng actual demonstration ang safe sex at tamang paggamit ng condom sa lalake at babae at kung anu-ano pang pang protection sa sex, ang saya lang non, woohoooo. Mababawasan ang takot ng mga magulang na baka mabuntis ang anak nilang babae, mababawasan pa sila ng trabaho o tungkolin sa mga anak nila na ipaliwanag ang mga ganyang usapin dahil tutulong o ang goberno na mismo ang gagawa sa pagpapaliwanag sa mga kabataan, woohooo ulit. Mawawala na ang takot sa atin na baka makabuntis tayo o mabuntis, mas enjoy na ang pakikipagtalik, woohooooo. Hindi na nakakahiyang pag-usapan ang seks at magiging word of the year 2013 na parang jejemon noon ang salitang KANTOTAN, woohoooo, at puwedi na magyayang makipagseks kahit kanino dahil makakasanayan na natin ito, magiging normal na pagdating ng panahon, sana abotin ko pa yun, wooohoooo. Makakalimotan na natin ang moralidad, wooohoooo. Kaya ilabas ang mga condom at iwagayway sa ere like you just fucking don’t care dahil year 2013 kantotan days  are cumming naaaaa, wooohhoooooo!!!




Saturday, December 15, 2012

ANG OKASYON: Sa piling ng mga bagong kapamilya



Nabanggit ko na ata sa ibang blog na hindi ako mahilig umattend sa mga okasyon. Basta maraming tao lalo na kung mga kamag-anak. Hindi ko alam kung dahil nahihiya lang ako o talaga lang may issue ako noon at ang arte ko lang.

“Paano kana kapag wala na kami kung wala kang kakilala sa mga kamag anak natin o hindi ka nila kilala?” ‘yan ang laging linya sa akin ng tatay kong may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at kunting George Estregan sa tuwing pinipilit niya akong sumama sa isang pagtitipon.

Nasanay na kasi akong laging natambay sa bahay, kaya mas nagustohan ko ‘yun. Laging may time limit ang paglalaro sa labas, may curfew. 5:30pm to 6:00pm dapat nakadapo na ako sa bahay at tumitilaok na, parang manok lang.

May mga kinikimkim akong dahilan noon (o hanggang ngayon) kaya ayaw ko pumunta sa mga okasyon, lalong lalo na kung kamag anak ang magtitipon-tipon or isang family reunion.

1. Hindi ako sanay o nahihiya/natatakot akong makihalubilo sa mga rich kids – Mga bully sila. Nasa 6 taon gulang ata ako noon nang mapagtripan ako ng mga bata sa pinuntahan namin, mga kamag anak namin na mayayaman. Kinuha nila yung baril-barilan ko na gawa sa kawayan at mga goma ko, pati mga jolens magdangal ko. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang, isipin mo nalang kung anong truma ang aabotin ng isang bata kapag igawaan mo ng kayaman (mga laruan), masaklap parekoy. Mula noon sinumpa ko na ang mga rich kids, dapat silang mabura sa planetang Earth, sila ay mga sugo ng kadiliman, sa isip ko.

2. Bata palang ako, alam ko nang cute ako. Pero dahil dugyot ako at pobre, walang pumapansin sa akin. Alam mo ‘yun? ‘yung confident ka na ang pogi mo, tapos hindi ka pinapansin? Walang pipisil sa bisngi mo? Mga bulag ba sila? Sila ang sumugo sa mga rich kids para gulohin ang mundo namin mga batang X.

3. Ayaw kong naa-out of place, taga earth din ako pero kapag nasa isang okasyon ako, feeling ko nasa ibang planeta ako. Ayaw ko nang ganun feeling, pakiramdam ko isa akong alien.

4. May diperensya ang tiyan ko, lagi ako natatae sa mga okasyon. Nananadya ata.

5. Laging may pagyayabang sa mga okasyon, hindi ko namamaster ‘yun. Lahat ng tao ay may yabang katawan, may oras at panahon na ayos lang gamitin ito, ayos lang magyabang. Pero ako, kahit may oras na ayos lang magyabang, wala talaga akong maipagyabang. Pabangohan lang ng kili-kili ang kaya ko.

6. Ayaw kong naja-judge. Mas gusto kong laitin nalang. Parehas lang ata yan.

Ang pinakamatindi sa lahat…

7. “’Tay, hindi ba pinsan mo mga ‘yun, mga tito ko?” Pekpeksman na kulay pink tandang tanda kong tanong ko kay tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at may kunting George Estregan. Oo, ang sagot sa akin ni tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero t may kunting George Estregan? “Eh bakit hindi kayo pinansin, dinaanan lang tayo?” Tanong ko ulit. “Anak, kasi mga mayayaman mga ‘yun” ‘yan ang sagot niya sa akin.

Nasaktan ako, sa murang isipan at katawan ay nalaman ko na kung gaano kalayo ang agwat ng langit at lupa.

Mahal ko ang tatay ko, kaya bilang isang bata na sinasamba ang power rangers, maskman at bioman, sempre kakampi at ipagtatanggol ko ang tatay ko. Mula noon ay iba na ang natamin sa isip ko, nagkaroon na ako ng takot at hinanakit sa mga mayayaman sa pamilya namin o kahit sa ibang tao, pare-pareho sila. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ‘yun, kaya nangako akong balang araw, balang araw tatama din ako sa lotto at kung hindi man ako swertehin sa mundong ito, balang araw ay mamatay din kaming lahat.

Pero ngayon narealized ko na kasalanan ‘yun ng tatay ko, dahil yun ang naitanim niya sa isipan ko, at dahil hindi na ako ngayon isang bata na umaasa na balang araw ay tatamaan ng kidlat o maiipotan ng ibon sa ulo at magkakaroon ng powers, natuto na ako ngayon mag adjust, natuto na rin ako magfeeling mayaman, LOL, makisama sa kanila.

*Ang haba ng intro…*

~~~

Last Friday naimbetahan ako sa isang pagtitipon, isang thanks giving. Nakarecieved ako ng PM mula sa pamangkin ng asawa ko, “Tito attend ka bukas after prayer sa thanks giving ni baby”. Nagulat ako, muntik na akong magsaing ng kanin para kainin lahat pati rice cooker dahil sa kaba na naramdaman ko, na parang kinukuryente ang laman loob ko, muntik ko nang gawin tea ang medyas ko at isampal ang paa ko sa mukha ng kasama ko.

“Oh my betlog na aalog-alog” ang nasa isip ko, “pupunta o hindi” ‘yan ang umiikot na tanong sa isip ko na tila kinakain ang laman ng utak ko. Ang ginawa ko’y madali kong tsinek kung pasok sa criteria ng okasyon na hindi ko dapat dalohan.

Mga rich kids, check, mga rich families, check, mga pogi at magaganda, check, karamihan first time ko mamemeet, check, at mga langit, check, paano na ito? Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip kung pupunta ba ako o iinom ng isang tasang downy na may halong tatlong kutsarang zonrox with downy din, oo, dapat may downy lagi para swabe. Hanggang sa naglevel 2 ½ na ako sa pag-iisip, kailangan ko pumunta dahil pamilya sila ng asawa ko. Ang dapat na nandon ay ang asawa ko at dahil nasa dulo siya ng dila ng Saudi hindi siya makakadalo, kaya kailangan ako ang nandon bilang kaisang diddib niya at kadikit dila at oppsss. Kaya ang naging desisyon ko ay ang pumunta on behalf of my wife, ‘yun ang inisip ko, pupunta ako sa digmaan alang-alang sa asawa ko. Bahala na si batm…..si Ako.

Sabi ng asawa ko, “Be yourself honey” para hindi ka kabahan. Lalo akong kinabahan, dahil kilala ko ang sarili ko, may pagka-naughty ako ng kalahati, bwehehehe, baka hindi nila 'yun magustohan. May mga oras at panahon talaga na hindi kailangan maging “Be yourself” ka, kailangan mo gamitin ang kabilang self-mo, para maging ibang tao. Paminsan-minsan kailangan maging ibang tao ka rin. Lahat ng tao ay may dalawang personality, “Ang tunay na sarili mo” at ang “Isa pang tunay na sarili mo” lahat ikaw ‘yon, malabo lang ako mageksplika. 

Swerte ako dahil may kakayahan akong lahat gamitin ‘yon sa tamang paraan at saktong oras, sa oras ng pangangailangan. ‘yun iba kasi minsan dahil sa sobrang kaba nito, ang naihaharap niya ay ‘yung maling “sarili” niya sa mga tao, kaya thumbs down at middle finger ang nakukuha niyang grado. Hindi ko alam kung nagets niyo ako, basta ‘yon na yon. BOOM!!! Ang gusto ko lang sabihin ay kailangan alam natin gamitin pareho ang dual personality natin.

~~~

As expected, maraming tao sa salo-salong iyon. Sa pintuan parang gusto ko nang magback out patumbling palabas at sumigaw ng “Saider”. Pero nandon na eh, nakita ko na ang handa, sayang kung magbaback out pa ako, diba, mukhang masasarap pa naman ang luto, mga paborito ko pa ata.

Tulad ng inaasahan ko, sa una, feeling alien na naman ako na nakikihalubilo sa mga tao. Bago sa isang lugar eh, mga bagong mukha, at mga hindi kaamoy. Pero salamat naman dahil marunong pala tumanggap ng tulad ko ang bagong kapamilya ko, marunong silang ituring na tao ang alien na tulad ko.

Natuwa, nakitawa, nahiya, nakikuwento, nakikinig, nakibusog, nasiyahan, at kung anu-ano pang masasayang feelings ang naisaksak nila sa katawan ko. Umalis akong may baon pang mga pagkain, how cool is that eh?

Naging masaya ang gabing iyon, kahit medyo sinira ng isang manyakis na driver na nasakyan ko pauwi. Tsk. Sumpa ang magkaroon ng kyut na mukha dito sa bansang Saudi Arabia. Sa next story ko nalang ito ikukuwento.

Maraming salamat sa inyo…

Alam kong hindi nila ito mababasa, sana sa pamamagitan nito ay medyo maiparating ko sa kanila ang  aking pasasalamat.





Wednesday, December 5, 2012

THE SIGN






*Sa salas*

Si Lorena, nagkaupo sa kanilang sofa, ahhh at nakasandal pala, nakapikit ang mga mata at taimtim na nagdarasal.

Lorena: Diyos ko po, kinakabahan po ako, hindi pa ata ako handa, bigyan ninyo po ako ng sign.

*Sa Kusina*

Mga labi lang ni Lorena na parang puwet ng manok ang galaw ang nakikita ng kanyang pamilya habang pinagmamasdan siya.

Kapatid nilang lalake: Ate Christine, ano sa palagay mo dinadasal ni ate Lorena?

Christine: Ogag ka? nandito tayo pareho, paano ko malalaman, ano ‘yun konektado ang tainga ko sa bibig niya?

Kapatid nilang lalake: Hahaha...ate naman, siyempre, babae ka eh, parehong may dugong umaagos sa inyo every month, so sigurado ako mahuhulaan mo.

*Batok sa ulo sa kapatid na lalake*

Nanay nila: Tumigil nga kayo dyan, birthday ng kapatid niyo at mukhang malaki ang problema. Puntahan muna natin, mamaya na ‘yang mga nilulutong handa.

*Sa salas ulit*

Tumabi ang nanay nila kay Lorena, si Christine naman at kapatid nilang lalake ay nasa kabilang upoan. Lumipat sa kabilang puwesto ang kapatid nilang lalake, malayo sa tatlong babae, malapit sa telebsisyon.

Nanay nila: Anak, may problem ka?

*Malungkot na titig mula kay Lorena sa kanyang nanay*

Lorena: ‘nay, pupunta dito mamaya si Rodel. Formal niyang hihingiin ang kamay ko.

*Napalingon ang kapatid nilang lalake, mukhang nagulat sa narinig*

Kapatid nilang lalake: ha? Hihingiin ang kamay mo? edi mawawalan ka ng kamay, paano na ang malamig mong gabi? Hahaha

*Tinamaan ng lumilipad na tsinelas ang kapatid nilang lalake, sapol*

Christine: Sira ulo. Akala ko kung ano na sasabihin mo, may pagulat-gulat effect ka pa.

Nanay nila: Hayy naku kayong dalawa talaga kahit kelan. Lorena ano naman problema don? Limang taon na kayong magkasintahan diba? Siguro naman sapat na panahon ‘yun para makilala niyo ang isa’t isa.

Lorena: ‘nay, OFW si Rodel, sa loob ng limang taon na ‘yun, limang beses lang kami nagkita ng personal. Kadalasan sa computer lang kami.

Kapatid nilang lalake: Kaya pala daming tissues sa trash can natin….hahahaha, buwahahaha, aksaya ka sa tissues. hahaha

*Matalim na mga tingin ang sumaksak sa kanilang kapatid na lalake mula sa kanilang tatlo*

Kapatid na lalake: Ok…ok..chillax lang kayo girls. Nagbibiro lang ang nag-iisang lalake sa buhay ninyo. hehehe..okay na, nakatahi na bibig ko. Hehe

Christine: So, ano plano mo?

Lorena: Wala. Hindi ko nga alam, kaya nga nagdadasal nalang ako, nagwish at dahil birthday ko naman ngayon baka magkatotoo, sana bigyan ako ng diyos ng sign.

Kapatid nilang lalake: Naks, parang sa pelikula ah…. *(Kinakanta) I saw the sign, when I open your legs wide open, and I saw the sign, its malaki* LOOOL

Sabay-sabay mga babae: ULOOOOOOOOOOLLL

*Laugh trip ang pamilya*

Nanay nila: Anak, anong sign ang hiningi mo?

Lorena: Hehehe. Kung sa pagpunta niya rito at may dala siyang bulaklak na pinaghalong kulay puti at pula, siya na. Siya na nga ang lalakeng para sa akin, oo ang isasagot ko sa kanya. Kasalan na.

Kapatid nilang lalake: Ang dali naman ng hiningi mong sign. Siyempre magdadala yun, birthday mo din kaya ngayon

Christine: Ungas, pinaghalong puti at pula na rosas, kung magdadala man ‘yun hindi ganun ang combination.

Lorena: At never pa ako nabigyan ng mga rosas ni Rodel.

Kapatid nilang lalake: Hahahahaha, kawawang mga nilalang, parehas kayo ate Lorena ni ate Christine, never din nakatanggap ng bulaklak mula sa kasintahan. Hahaha, kukuripot ng mga bf niyo, wtf lang.

Nanay nila: Nak, ito pera lumabas ka, manood ka ng sine, tatlong libo ‘yan, tatlong movies papanoorin mo sa sine, yung sukli bili mo condoms at lubricant, at wag ka magpapagabi.

Kapatid nilang lalake: Ayos, I love you ‘nay, kahit kailan nababasa mo ako at alam mo ang kiliti ko.

*hehehehe*

~~~~~~


*Si Rodel at ang kanyang best friend*


Rodel: Pare kinakabahan ako…paano kung hindi ang isagot sa akin ni Lorena?

Best friend: Edi, tuloy ang flight mo bukas pabalik Dubai. If oo naman siya, text mo lang ako para pa-cancel ko flight mo. ako na bahala kung ilang buwan ka ma-extend ng bakasyon.

Rodel: Thanks pare, sige alis na ako.

Best friend: Good luck pare…teka p’re, bakit may dala kang bag pack?

Rodel: ah…nilagay ko ang flowers na bibigay ko sa kanya..hehehe, ito oh.

Best friend: alanjo p’re, ano ‘yan, bakit pinaghalo mo ang pula at puti?

Rodel: Kasi, ang PULA, representing my RED BLOOD, handa ako ialay sa kanya, at ang PUTI siyempre my WHITE BLOOD, hindi na kailangan ng paliwanag dyan, hahaha.

Best friend: Gago! Sige na, good luck nalang sa’yo, sana dinamihan mo ang puti.

*Naglaugh trip ang dalawa*

~~~~~~


*Nasa tapat na ng bahay nila Lorena si Rodel, kinakabahan itong pinipindot ang doorbell*

*Doorbell: Putangina may tao*

Inulit….

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Ulit pa…

*Doorbell: Putangina mo, umalis kana mga bingi ang nasa loob ng bahay*

*Nagkagulo ang tatlo sa loob ng bahay*

Christine: Nandyan na si Rodel sa labas!!!

Nanay nila: Sige, ako na magbubukas….

Lorena: ‘nay, the sign, the sign, the sign, the sign!!!

Nanay nila: oo, wag ka sumigaw!!!

*Pinagbuksan ng nanay nila si Rodel ng pinto …walang nakitang bulaklak, walang sign…nalungkot.*

Nanay nila: Pasok ka Rodel.

*Nauna na nang pumasok sa loob ng bahay ang nanay nila…*

Nanay nila: *suminyas sa dalawang anak* Walang sign…

*Nalungkot ang tatlo….*

Naupo si Rodel sa sofa kaharap si Lorena, kinakabahan ito kaya nakalimutan ang dalang bulaklak na ibibigay sana kay Lorena.

Rodel: Aummhh....Hi!

Lorena: Hello! Del, auhmmm….hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan.

Rodel: Ano ibig mong sabihin…?

Lorena: Del, I am sorry…

Rodel: Ohh please….

*Naghalo ang hiya, sakit at kalungkotan sa buong katawan ni Rodel, dahil nandon ang nanay at kapatid ni Lorena*

Lorena: I don’t think I am ready, sana maitindihan mo ako.

Nalungkot si Rodel, may naramdaman tubig sa kanyang mga mata. Hindi na nagsalita pa, tumayo nalang at nagpaalam sa kanila.

*Ngarag ang boses*

Rodel: Lo…lore…hhaayy…hanggad ko ang iyong kaligayahan.

Nanay nila: Rodel…..*buntong hininga*

Mahabang patlang ang namagitang sa kanilang tatlo….

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

Si Christine na ang bumasag sa katahimikan…

Christine: Kailangan ba talaga Lorena na hayaan mo sa sign ang desisyon mo? kailangan ba talaga ang sign ang magdesisyon para sayo?

Nanay nila: Ganun talaga ang tao, kapag hindi sigurado sa desisyon niya o kahit na anong gagawin. Maghahanap ito ng tulong para magdesisyon para sa kanya, lalapit sa isang bagay o gawain na minsan ang tao lang may likha para matapos ang paghihirap ng kalooban niya. Parang maghahanap ng dahilan, ng excuses, ng kakampi, at kung anu man yung hanap niya.

Lorena: Oo, dahil, dahil, dahil….sa totoo lang hindi pa talaga ako handa, with or without the sign.

Nagyakapan ang tatlo…Si Rodel nasa harapan ng gate nang biglang naalala ang dalang bulaklak. Binuksan nito ang bag, kinukha ang flowers at nilagay sa tapat ng kanilang gate.

Makalipas ang ilang minuto…

1 minute, 2 minutes, 3, minutes, 4 minutes….

*Doorbell: Putangina may tao*

Nagkagulatan ang tatlo…

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Nanay nila: Si Rodel!!!

Christine: Baka nakalimutan ibigay ang sign?!

Sabay sabay na silang pumunta ng gate para buksan ang pinto bago pa tumunog ulit ang doorbell.

Binuksan nila ang pintuan ng gate…Hindi si Rodel, walang Rodel na bumalik. Ang boyfriend ni Christine ang nasa tapat ng gate, nakangisi, masaya at may dalang bulaklak, mga bulaklak na pinaghalong kulay pula at puti.

Boyfriend ni Christine: Happy birthday Lorena, bulaklak para sa’yo…

*Sabay-sabay napasigaw ang tatlong babae*

Chorus: ANG SIGN!!!

* POKER FACE ANG LAHAT*


The End






Saturday, December 1, 2012

Ano ba dapat title nito? paki-comment sa baba kung ano sa palagay mo, wala ako maisip eh.



1. Sa tingin ko isa sa dahilan ng pagtaas ng crimes sa pinas ay dahil sa mga nagpopost ng mamahaling bagay at masasarap na pagkain sa facebook, okay LOL muna ako, LOOOL. Karamihan membro ng facebook ay mga social climber, mga pa-cool, mga sunod-sa-uso, mga mayayabang, at kung anu-ano pang "mga". Lahat ng katangian na yan ay pinamumunoan ng tinatawag na inggit. Oo. Mga social climber na yan? Mga pa-cool na yan? At mga sunod sa uso na ‘yan? Naglalagablab ang inggit sa kanilang katawan. Dahil sa tindi ng inggit sa katawan nila sahni ng mga nakikita nilang mga magagarang bagay sa facebook. Mahina ang mga ganyan tao, kaya nate-tempt gumawa krimen. Magnanakaw, manghuhold-up, basta gagawin ang lahat ng paraan para lang makakuha ng pera at nang sa gayon ay makabili ng gaya ng mga makikita nilang mga bagay sa facebook ng friends nila at para makakain sa mamahalin na restaurant tulad ng sa kaibigan nila. Para din may maipost sila, para hindi sila huli sa uso.
Hindi ko alam kung bakit yan sumagi sa isip ko, too much movie lang siguro ako, noh?

2. Last week pinanood ko ang movie na “TOP SECRET AKA BILLIONAIRE”, biography film tungkol sa youngest billionaire ng Thailand na si dksrj ioeruighwqfenl (Hindi ko na natandaan ang name dahil ang hirap e-pronounce). Nagsimula na siyang kumita ng pera at age of 16, naging millionaire at age of 19, at ngayon sa kasalukoyan sa edad na 27 ay isa na siyang billionaire. Inspiring film daw, pero bakit ganun after ko mapanood, gusto kong umiyak, gusto kong kumain ng panis na kanin habang inaamoy ang medyas ng roommate ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko lalo na'ng magulang ko dahil pinag-aral nila ako. Bakit ganun karamihan sa mga milyonaryo o bilionaryo ay mga bulakbol sa school? Wala silang gana mag-aral, hindi nila tinapos pag-aaral nila. Nagsisi ako na tinapos ko ang pag-aaral ko. Para sa lumikha ng film na ‘yun, thank you very much for making me feel so bad, charot!
Seryoso, hindi ako nag-inspired sa movie na 'yun, talaga naisip ko na sana hindi ko tinapos ang pag-aaral ko.

3. Tatlong uri ang kaibigan.

Ikaw – Ito ‘yung si best friend. Sino best friend mo? Siyempre IKAW lang. 
Siya – Ang kaibigan mo na nandyan kapag wala si Ikaw na minsan ay pinagseselosan (ni IKAW). Siya ‘yung kaibigan mo na gusto niyang maging si IKAW. Sino kasama mo kanina sa mall? Tanog ni IKAW, SIYA ang sagot mo. 
Sila – Ito ‘yung mga taong nasa paligid mo, SILA. Ito ‘yung mga kasama at kakilala. Minsan mga kasamahan ninyo ni SILA at IKAW. Minsan sa kanila mo makikilala si IKAW at SIYA.

*Sana naitindihan niyo pinagsasabi ko, LOL.


4. May tatlo pa palang sangay ang KAIBIGAN, ito ay ang Ka-ibiganKa-landian at Kaibiglandian. Kahit saan dyan lahat masaya.
Naiisip mo naiisip ko? Tara.

5. Bakit masarap ang bawal? Isa sa hindi mahanapan ng saktong sagot, kalevel nito ang tanong na what is love? Minsan lagi ko din ‘yan naitatanong sa sarili ko, bakit nga ba masarap o masaya ang bawal? Ako na sasagot sa sarili ko, sa palagay ko kaya masarap o masaya ang bawal ay dahil minsan ang BAWAL ang kumukupleto sa kaligayahan ng isang tao. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may mga taong hindi masaya, karamihan kasi sa kanila ay ‘yung mga hindi gumagawa ng bawal. 
Tara gawa tayo ng bawal, kumpletohin kita.

6. Good news. Nadiskubre ko na ang ingredients ng tae. Kung ano ang kinakain mo ‘yun ang ingredients ng tae mo. Sinubukan ko isulat lahat ng kinain ko, tapos naisip ko nalang na, “ayyy, ito ang ingredients ng tae ko”. Matanong ko lang, kung parehas tayo ng kinain buong araw, parehas din kaya ang magiging kulay, amoy, etc…ang tae natin? Pakisagot pls.
I need a volunteer para sa experiment ko na ito, pls.

7. Dati nagtataka ako kung bakit kelangan pa e-edit ang litrato para lang mapaganda mo ang sarili mo. Pero ngayon naiitindihan ko na. Ang “photoshop” o kahit ano mang pang-edit sa mukha natin sa litrato, ay isang make up sa online. Kung may make up sa totoong buhay (tulad ng....wala akong idea) siyempre meron din online, at ito ay ang Photoshop at kung anu-ano pang edit sa picture.
Mare, ano make up mo” comment ni Inday sa picture ng kumare niya sa FB/Istagram/etc. “Ahh mare, PiZap mare, maganda subokan mo. Friendly user at talagang nagmumukang natural ang beauty mo, lalo kang gaganda online” sagot ni kumara.





Sunday, November 25, 2012

Mr. Speck of dust: The English Pulis Patola



Grammar pulis, ang tawag sa mga taong eksperto sa English na nanghuhuli ng maling grammar. Isa ako sa most wanted sa kanila, kaya nga panay pagtatago ko sa kanila, hehehe. Pero itong si English Pulis na kilala ko, si Mr. Speck of dust ay siya ‘yung buong English na ang sakop niya, kumbaga ay ang grammar pulis ay sa grammar lang sila nakafocus, siya ay mula sa pronunciation hanggang sa kahanggang-hangganan.

May English pulis dito sa company namin na isa palang patola. Feeling eksperto sa English at hindi lang grammar ang hinuhuli niya pati pronunciation, laging sinasabi sa amin kung gaano kabobo daw ang mga ibang lahi dito sa English. Lagi ko naman sabi sa kanya na hindi kakulangan ng pag-iisip o katalinohan ng isang tao kung hindi ito eksperto sa English, nagkataong lang na hindi interesado rito.

(Ako nagkataon lang na matalino sa English ang gf ko nun kaya siya na pinapagawa ko sa mga assignments ko at kung anu-ano pa, minsan siya na pumapasok para sa akin).

Ang mga arabo at ibang lahi dito ay hindi lang nila priority ang English language, ang importante sa kanila ay ‘yung may nagagawa sila na mapapakinabangan ng kompanya kesa makapagsalita ng tuwid na English. May sarili silang salita at sapat na sa kanila ‘yung nakakaintindi na sila ng English, hindi na kailangan maging perfect o fluent, ang importante sa kanila ay maiparating nila ang gusto nilang sabihin sa kausap. Kung napapaunlad ng salita ang isang bansa, siguro isa ang Pilipinas sa magiging panginoon ng mga bansa sa buong mundo.

Minsan hindi lang ibang lahi ang pinupuna parati ng English Pulis Patola na'to, pati mga kapwa pinoy na. Feeling superior siya lagi sa kanila, feeling niya porket sa loob ng kwarto na may air cone ang opisina niya ay lamang na siya sa mga workers sa labas, ‘yun ang feeling ng patola na ito. Lagi niyang topic sa amin tuwing lunch time kung paano mag-pronounce ng words ang (mga) kasama niya. Tapos kapag may bagong kabayan (OFW) rito, una niyang papansinin ay kung magaling ba ito mag-English o bopols, or kapag arabo naman ay tatanongin kung English ba ang CV nito. Kung hindi English, ngingisingisi siya na parang asong napuwetan, at kung sinabi mo naman na English ang CV nito, umiikot ang mata na parang mata ng kuwago.

Aaminin ko, minsan hinuhuli din niya ako sa mga pronunciation ko. Matigas ang dila ko, hindi tagalog ang  native language ko, kaya minsan para akong nagrarap kapag nag-e-English, ano sabi mo Eminem, yu arr da riyal slim CD?

Pero ang problema sa English Patola Pulis na ito ay kahit siya ay may mga sablay din ang pronunciations at grammar, bago ko lang ito nalaman.

Isang araw biglang napuno ako sa kanya, nairita na ako sa pagiging feeling matalino niya sa English, feeling Mr. Google siya na lahat ay alam. Kaya gumawa ako ng patibong para mahuli ko siya, alam kong kakagat siya sa patibong kong‘yun.

Alam niyo ba kung ano ‘yun?

Ito, ‘yan ‘yung mga tanong na pinasasagotan ko sa inyo. Pinadala ko yan sa kanya para sagotin, alam ko kasi na magyayabang nanaman 'yun at English ang isasagot. Tama nga ang hinala ko, boom! English niya sinagot…at narito ang sagot niya sa mga tanong ko, walang kulang, walang labis.

1.   Yup the world is round is no longer a question because mans ingenuity take us to the moon and travel thru space. Who am I? I’m just speck of dust as we speak.
2.   If I am a “kulangot” I don’t what’s the English word of that I would prefer to be stick into the wall at least I can see people passing by. Favorite food nothing in particular as long as it is edible.
3.   Yup definitely ,If can help other why not I going to donate as much semen I can produced just give me somebody or someone to tap my thing. LOL.
4.   Twice when I have LBM
5.   No comment
6.   I think I would prefer to talk to myself even those who are not, do. Don’t you think? 
7.   Wild imagination “you have a career after you finish Sabic” AWriter perhaps”
8.   I definitely disagree to make the arguments short I like my eggs well done LOL 

Pagkarecieved ko ng sagot niya ay sumakit bigla ang almuranas ko. Nagmessage ako agad sa kanya, “What have you done?” sabi ko, naging confident na ako bigla sa English ko. Hanggang sa binanatan ko na siya at umalis akong duguan ang puwet niya.

*Alam kong mababasa mo ito, kaya HELLO! Congrats dahil na-feature ka sa blog ko. Bwehehehe. Abangan mo ang susunod na blog ko tungkol ulit sa’yo. Ang title ay, “Usapang Lalaki” hmmmm..usapang lalaki…hhmmmm I smell paminta, achooo!!! Tungkol ito sa mga topic na hindi dapat pinag-uusapan ng mga lalaki, achooo!!! Achooo!!!


Mga tanong:

Multiple choice

1. Kung gagawin title ng isang movie ang “I am speck of dust”, anong movie genre ito? (10 points)
a.   Gay Love Story/Romance
b.   Gay Comedy
c.   Gay Adventure
d.   Gay Horror
f.    Gay porn
g.   Gay film

2. Tama ba ‘tong ginawa ko na e-blog siya? (10 points)

a.    Tama dahil wala ka naman binanggit na pangalan, blogger ka kaya walang personalan.
b.    Tama dahil gago ang karamihan sa mga pulis natin
c.    Tama dahil corrupt ang mga putekliko sa atin
d.    Tama dahil may tama ka
e.     Mali dahil wala akong pakialam sa’yo pero mahal kita, sana ako nalang, ako nalang ulit, ako nalang.

Essay

1. Ano ang nangyari at dumugo ang puwet niya, ano sa palagay mo ang ginawa ko sa kanya? Explain in 140 words. (50 points)

2. Papayag ka bang palitan ng “Sumakit/dumugo ang almuranas ko sa English mo” ang “Dumugo ang ilong ko sa English mo”? Huwag na sagotin, pero bahala ka. Malaki kana, buhay mo ‘yan, walang kumukontrol sa’yo. (30 points)


Salamat pala sa mga kumasa sa mga tanong ko, lalo na kay IYAKHIN dahil "PINATULAN" ako, sana maulit muli.....LOL

Thanks to:

Si JUAN ay nakakita ng isang supot na DIAMOND sa may KHANTO, pero nakita siya ni ARCHIE. Tinawag ni Archie ang kanyang mga barkada na sina BAGOTILYOJONDMUR, at JOANNE. Sa may tindahan ni TABIAN BETSIN MUCH nila pinagplanohan na aabangan si Juan para holdapin sana. Pero nang haranganin at gugulpihin na sana nila ito ay biglang dumating ang tagapagligtas na si SUPER JAID......at nailigtas niya ang kawawang Juan.

Sa supot na 'yun ay may isang liham pala.

DEAR ANNA
Hoy babae, ikaw bayad utang mo ha. Ito bigay mo diamond peke, ikaw akin huli pulis. Kaya ikaw bayad agad ah. Ako punta muna sa amin gusto ko ikaw bayad pagbalik ko, kaya ito muna sulat kasama peke mo diamond.
Naniningil,
MS. LEEH






Sunday, November 18, 2012

Extra Challenge: Kakasa ka ba sa mga tanong ni Akoni?





Puweding sagotin sa comment box, puweding sagotin sa sariling blog sitepuweding sa isip lang sagotin, at puwedi rin isa lang ang sagotin o dalawa, depende na sa trip yan. Ang magustohan ko na sagot ipoposte ko sa sunod na blog ko, wala lang. May premyo nga pala ito, nude pictures ko, JOKE, pero malay niyo, malay niyo lang meron pala….LOL

Okay, game na, Kakasa kaba?

  1. Naniniwala ka bang may dulo ang mundo? Kung oo, bakit at nasaan? Kung hindi, bakit at sino ka?

  1. Halimbawang ikaw ay isang kulangot. Ano’ng mas gusto mo, idikit sa pader o bilogin at ipitik nalang kung saan? Kung bibilogin, bakit? At kung ididikit sa pader, bakit at ano paborito mong pagkain?

  1. Ayos lang ba sa’yo na maging gamot sa lahat ng uri ng sakit ang semen mo o tam*d mo? kung oo, apir tayo. Gawa tayo ng group, tawagin natin the C-MEN or the T-MOOD! Kung hindi naman, mamatay ka sa sakit 'di kita gagamotin, basag trip ka.

  1. Naranasan mo na bang matae sa pantalon? Kung oo, braahahahahahahaha, ngowahahahaha. Kung hindi pa, sana mangayri ‘yun soon!

  1. Kung papangalan mo ng ibang pangalan ang kamay mo maliban sa mariang palad, ano ito? Sa akin ay My Beautiful Affair (kanan) at My Secret Affair (Kaliwa).

  1. Kung mababaliw ka ano gusto mo, baliw na kinakausap ang sarili o baliw na hinahanap ang sarili? Bakit at sino ang tunay na baliw?

  1. Ano sa palagay mo ang nasa isip ko ngayon habang sinusulat ito? Wild guess lang. Makatama, may tama din.

  1. Naniniwala ka bang tae ng isang hayop ang itlog (ng manok)? Kung oo, kumakain ka pala ng tae? Kung hindi, ipaliwag kung bakit masarap ito lalo na kapag binateee…aahhh…oohh…yeeahhh! At ikumpara sa itlog ng tao.

  1. Payag ka bang ibalik ang pinoy bold movies?
Piliin ang sagot;

A.      OO, payag na payag *Slurp*
B.      Letter C
C.      Letter A

  1.  Expected mo na bang may mga pang R-18 sa mga tanong ko? Kung oo, kiss mo ko. Kung hindi, magtanong ka sa buwan.


Pass your paper, pen*s or not pen*s! Ibig ko sabihin ay lalake man o hindi lalake ipasa na ang papel.




Tuesday, November 13, 2012

Hello Class!




Our lesson for today is about teaching…amfufufufu!

Isa sa laging tinatanong sa atin nung bata pa tayo o nagbibinata na ay ‘yung kung ano ang gusto natin paglaki. Nung bata pa ako, marami akong gustong maging. Gusto ko maging Pulis, maging doctor, maging engineer, maging si batman, maging power ranger, maging manager, maging accountant, maging artista, maging gangster, maging porn star (imbento ko lang ‘yan) at kung anu-ano pang tinatamad kong isulat. Pero isa lang ang ayaw ko, ang maging titser.

Maraming dahilan kung bakit ayaw ko maging titser, ito’y tulad din ng mga dahilan ng mga titser kung bakit ayaw nila sa ibang propesyon. Tamad ako, oo ninuno ko si Juan tamad, ako ang last descendant niya dito sa mundo. Tamad ako mag-aral, tamad ako magsulat, tamad ako magturo, tamad ako gumising ng maaga, tamad sa karamihang ginagawa ng isang titser, kaya ayun ayaw ko maging titser. Nakakagulat nga kung paano ko natapos ang pag-aaral ko eh, siguro dahil hindi lahat ng matalino ay mautak/madiskarte. Nakuha ko lang sa diskarte siguro, ‘yung sa madaling paraan? basta!

Paano ba nagsimula ang dinadaldal ng utak kong ito?

Intro lang yan…ito ‘yun kuwento talaga.

Kaninang umaga ay muntik ko nang masinghot ang kape ko imbes na inumin. Nagulat lang ako sa post ng isang kaibigan sa kanyang FB status, oo, titser si kaibigan, lalake babae babae lalake babae lalake lalake…..hay naku, lalake siya!!!

Nakailang strikes na siya sa akin. Nung ko pa siya napapansin na minsan ang post niya ay tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya. Kanina, medyo nalabuan na ako. Naisip ko na siguro kung isa ako sa mga students niya at nabasa ko ang post niyang iyon, siguro ma-o-offend ako at masasaktan. Oo, bobo ako, mahirap ako makaintindi, shunga ako, simple instruction lang ay hindi ko pa makuha, at minsan nakakakain ako ng panis, pero ‘yun lang talaga ang kayang abotin ng utak ko eh, kaya ka nga nandyan eh para ulit-ulitin sa amin ang tinuturo mo hanggang sa makuha namin, hanggang sa sumabog na mga almuranas namin, hangang sa matapos na ang responsibilidad mong turuan kami. Pero hindi naman kailangan ipangalandakan mo sa buong mundo na kami ay mga tanga, mga shunga, mga mahihina, unfair ‘yun sir, its hurt you know. 

Siguro kung ako’y isa sa students niya, lilipat na ako ng ibang school, don sa school kung saan ang mga titser ay hindi mahilig magpost ng kung anu-anong shit (Tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya) sa FB niya.

Ang relasyon ng titser at studyente ay parang relasyon ng mag-asawa sa kama, sa sex. Oo, palitan na natin ang relasyon mag-ama/ina. ‘yung first time ng babae tapos ‘yung lalake ay beterano na, kailangan gabayan ng lalake si babae, kailangan niyang turuan para maging maganda ang relasyon nila sa kama. Ganun ang relasyon ng titser at studyente, ang titser ang lalake at ang estudyente naman ay ang babae, ang titser kelangan niyang ipasok ng dahan-dahan, swabe, masarap, tamang-tama at walang aray ang karunongan niya sa sa utak ng kanyang estudyente para hindi dumugo at hindi mabigla, yung sa sobrang swabe at sarap eh titirik ng maayos ang pens nila? Ganun!

Parang seks, diba?

Parang seks na relasyon ng mag-asawa, hindi naman tama na pagkatapos magtsuktsakan ng magpartner ay mag-oonline ang lalake at ipangangalandakan sa buong mundo kung gaano siya nababad trip sa partner niya dahil hindi marunong sa seks o hindi niya makuha-kuha ang tinuturo niyang napakasimpleng position para makuha nila ang orgasm na hinahangad nila. Hindi tama na sabihin mong, ‘yung asawa ko ang bobo niya sa seks, lagi kong tinuturo na kapag nasa ganun climax na kami ay ‘wag nga huminga at ‘wag lambutan ang kanyang katawan, hindi parin niya makuha-kuha, hindi tuloy makuha ang tamang orgasm.

Ang ibig ko lang naman sabihin ay siguro dapat gawin pribado ng isang titser ang mga kahinaan ng kanyang mga estudyente, I mean you know, ‘wag niya ipahiya sa buong mundo ang mga tinuturuan niya. Kapag nasa classroom siya, don siya magpost ng status niya sa blackboard nila na hindi naman black tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya, at least don mababasa talaga ng mga bata at sila-sila lang. Dun niya sabihin ang lahat ng shit niya, kung gaano siya disappointed sa kanila, isulat niya lahat don hanggang sa magkaalmuranas na siya.

*Riiiiiiiiiiiiiingggggg* Uwian na.

Humihingi po ako ng pasensya sa mga titser kung iba ang dating nito sa inyo, hindi naman po big deal ‘yung  nabasa kung pangungutsya ng kaibigan kung titser sa mga bobo at mga shunga niyang students eh, pinapalaki ko lang ang isyu at para makaupdate lang ng blog. LOL

Goodbye Class!


Monday, November 5, 2012

Si Kapitan Bola prt 3


PANGALAN/ALIAS*:rpc_halang
URL:
TANONG*:Sir Akoni,

magandang araw (gabi) sa iyo.

isa ako (kasama ang mga dati kong ktrabaho) sa masugid mong taga subaybay simula nung napasok ko site mo. hehe

ano na po ang nangyari kay Kap Bola? bitin kami dun, kelan kasunod? hehe.

dito din nga pla ako ngayon sa KSA, dito sa Riyadh.

sana ay marami ka pang maipost dito sa site mo na mga makabuluhang istorya para mawala ang home sick.

God bless!

Rez



Matagal na ‘yan sa inbox ko, at hindi ko alam na mayroon palang sumusubaybay sa mga kuwento ko. Hindi ko alam kung magsasaya ako o kakatayin ko nalang 'tong roommate ko, basta naligayan ako, siyempre as usual parang orgasm na naman. Oo nga pala, pasensya na dahil bihira lang ako ngayon magkwento (naks), at dahil nagrequest ka ng kapitan bola, umasa kang pipilitin kong taposin ang kwento kahit magkaalmuranas pa ako. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano 'yan tataposin. LOL
 
Maraming Salamat Ulit, salamat sa mga messages mo sir, ingat lang baka magka-inlaban tayo.


Sa mga gustong makiride on sa trip ko, nandito ang part 1, tapos dito ang part 2 at narito na ang part 3.


Costume ni KAPITAN BOLA


Sa akin paglalakad, hindi parin mawala sa isip ko ang matanda, kinilabotan tuloy ako dahil parang nakikita ko ang paglalandi niya sa akin. "Haayyyyy-eow, weird" usal ko. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad hanggang sa biglang may sumulpot sa harapan ko, mga nasa 10 meter ang layo nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot, dahil isa itong taong palaka. Kulay green, yellowish ang sa tiyan niya na malaki, malapad ang mukha, malaki ang ulo, malaki din ang bibig nasa isang dangkal ata, basta mukhang palaka.

"KEroKEroPEPE!!waaahhhh……ako’y nagugutom..waaaahhh…Ikaw, mukhang yummy ka! Kakainin kita, mmmmeehehehehehehe" Shit ng palaka.

"Ha? Ano ako, insekto?!! Ayy teka, dapat ganito maging reaksyon ko, 1, 2, 3...aaaaaaahhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko.

 "KEroKEroPEPE....wwwssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh…Haaaaaaaaa…" Nag-Oppa nganga style siya at naamoy ko ang hininga niya.

"Aaaaahhhhh...aaaammmmmbbbbaahhhhhoooo" Reaksyon ko.

"Ouch! KEroKEroPEPE..ano sabi mo sa aketch? Mabaho hininga ko? kakahurt ka naman, sempre gutom ako e." Pagmamaktol ng taong palaka.

"SORRY" ako.

"Pero, kakainin parin kita. mmmeeeeyyyhehehehehehehe—you can run, but you can’t hide! meoowhehehehe" Sabi ng taong palaka.

"Ulol! Walng originality, gaya-gaya ng linya.”  Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako.

Paglingon ko sa kanya ay biglang nilawit ang pagkahaba-habang dila nito at inaabot ako, pero mabilis ang takbo ko at nakakailag ako. Dahil sa hindi ako maabot ng kanyang dila, bigla ito huminto at buwelo, at biglang talon, napatili ako.

Ayyyy puking palaka ni Kaka!!!” Tili ko na tumakbo parin ako.

Sakto ang pagtalon niya, dahil nasa harapan ko na siya, mga nasa 8 meter nalang.

"Sluprs" paglawit ng dila ng palaka, "Ilag" reaksyon ko, "Slurps-Ilag-Slurps-Ilag" Repeat 4x

"Eooww kader-der, ano bang dila ‘yan?" Sigaw ko sa kanya.

"Mapapasaakin din ang katawan lupa moooo…(trruusssppppp!!!!Lawit pa ng dila niya)" - Kokak

"Tullooooonnnggg, puuulliiiiisssss, Iiinaaayyyyyyyyyyyyy" Paghingi ko ng saklolo pero parang walang tao sa paligid.

Dahil sa paghingi ko ng tulong, biglang may narinig akong boses, at malakas ito. 

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo Akoni, gamitin mo!* Sabi ng boses. 

"Ha? sino ‘yun? Kapangyarihan? Ano naman ang kapangyarihan ko?" Mga tanong ko at napalakas ang boses ko kaya napatigil ang halimaw sa harap ko.

*Gamitin mo tanga!!mag-isip ka!* Sabi ng boses uli, pero ang pinagtataka ko, ito’y kaboses ko.

"Aba’y tanga ka din, namputcha naman, sino ka?" Pagalit kong sabi na palingon-lingon sa paligid.

"Teka lang itchuserang palaka, may bumubulong sa akin eh, nakakainsulto na, time out muna tayo" Pakiusap ko sa palaka.

"Okies..pagod na din ako sa kakadila sa’yo. Umiilag ka naman e" Sagot ng taong palaka na parang may tampo.

Patuloy parin ang boses na naririg ko.

"Naririnig mo ba ‘yun?" Tanong ko sa palaka.

"Adik kaba? Wala akong marinig kundi ang ingay ng tiyan ko dahil sa gutom. Magpakain kana kasi sa akin ayyyiii, Hmp! Ano game na ba?" Sabi ulit ng palaka at nag-ipon na ng lakas, handa ulit subokan kainin ako.

"Sandali nga lang, ‘wag kang epal. Rest ka muna dyan" Sita ko sa kanya, at nakita kong nagtaas ng kilay ang palaka.

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo ogag. Meron kang kapangyarihan, nagising ang natutulog mong kukote. May kukote kana, gamitin mo!* Sabi ulit ng boses, at sobrang nagtataka parin ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nagsasalita, parang galing mismo sa akin ang boses.

"Sino ka?” Bulong ko sa aking sarili.

*Ako’y ikaw, ikaw ay ako tanga! Ako ang kukote mo, nagkaroon ako ng sariling buhay* sagot ng boses

"Aaahhh ewaann..tumigil ka na sa kakabulong mo sa akin..waaaaahhhhhh" Sigaw kong malakas.

"Hoy adik!! Game na ako..game kana ba? Iniisnab mo ako ha..itong sa’yo" Naghanda na ulit ang palaka.

"KEroKEroPEPE, nakapahinga na ako, lalapain na kita. Waaaahhhhhhhh..trruusssppppp!!!!!!!!(nilawit nanaman ang mahabang dila sa akin)"

Papalapit na sa akin ang dila niya nang biglang may humawak rito, isa na naman nilalang ang biglang sumulpot sa pagitan namin ng taong palaka. Pero this time hindi isang halimaw, kundi isa atang diwata dahil sa taglay nitong kagandahan. Napanganga ako, isang napakagandang babae, tumulo lalo ang laway ko nang makita kong naka-two piece lang siya. 

"Sino siya? Ang ganda naman niya at ang sexy pa" laway dila ko.

"Ako si Liwanag, narito ako para tulongan kang puksain ang kasamaan" Sabi ng mahiwagang babae

"Ha? Liwanag??!!darn!!!!!!!cool..go,go,go….ihampas mo sa pader ang itchuserang frog na ‘yan" Sigaw ko sa tuwa.

Wala pang ginagawa ang mahiwagang babae ay bigla nalang umalis ang taong palaka, nagtatalon ito sa takot. Papunta na ito sa city.

"Sumakay ka sa akin, habulin natin ang taong palaka bago pa man may masaktan o makain" Sigaw sa akin ni Liwanag na sa oras na 'yon ay parang naghahang akong nakatitig sa kanya dahil sa sobrang ganda niya.

"Sasakay ako sayo? Bakit nakakalipad ka? Ha?ha?" Pabalang na sagot ko sa kanya, dahil naputol ang pantasya ko.

"Oo dahil may kapangyarihan ako. Bilisan mo, baka hindi na natin maabutan ang palakang iyon, kailangan mo siyang mapatay" Utos niya sa akin.

Ha? Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Ikaw nga itong may kapangyarihan eh” Paliwanag ko sa kanya dahil natakot ako sa sinabi niyang ako ang pupuksa sa halimaw na ‘yon.

Basta ikaw ang dapat pumuksa sa kanya, hindi ako puwedi, mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo” Sabi niya at nagpose na siyang lilipad na napanganga naman ako dahil ang ganda niya, shit.

"Bakit hindi ka pupuwedi, regla mo today?" Tanong ko sa kanya at nagsimangot si Ligaya kaya umangkas nalang ako sa likod niya.

Nasa likod na ako ni Liwanag habang nasa ere kami,

Nakakalipad nga siya, mayroon nga siyang kapangyarihan” sa isip ko.

Nakayakap ako sa kanya, at inaamoy ang buhoy. Grabe ang bango niya...kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata, ang sarap ng pakiramdam ko.

"Alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita" Medyo gumiyang ang lipad niya at lalo tuloy ako napapisil sa dibdib niya.

"Oh, wag kasi...ayan napahigpit pisil ko tuloy, hehehe. Sorry mali lang nakapitan ko. hehehe" Palusot ko.

"Haayy naku, diyos ko. Bakit siya pa?" Sabi ni Liwanag at hindi ko na yun pinansin.

Ilang saglit lang ay nahanap na namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.

Ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo” Sabi nito.

Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari” Sa isip ko.

Ulopong, pabulong-bulong kapa dyan e naririnig din naman kita...meron kang kapangyarihan, gamitin mo kasi” Sabi ulit ng boses.

Tangna na’to!” usal ko at napatitig sa akin ng masama si Liwanag kaya nagsign peace ako sa kanya.

Ok, gagamitin ko na kung ano man un” Bulong ko.

Liwanag, sabi mo ako ang dapat pumuksa sa halimaw na ‘yon diba? Now watch me my dear, mwah!” sabi ko sa kanya na may halong landi.

Dapat lang bago pa niya kayo maubos, kayong mga tao.” sagot niya sa akin na nagpaalog sa isip ko.

Hindi siya tao?” Sumaglit sa isip ko

Okay, I think I am ready na, huh, huh, huh.” Pagiinarte ko na parang Kris Aquino, pampawala ng kaba.

Nag-inat na ako at bigla akong tumalon sa building………

Eyyyeeaaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh” sabi ko na nakasuperman pose ako.

HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!” Malakas na sigaw ng boses sa akin na halatang gulat na gulat.

Sabi mo, may kapangyarihan ako, lilipad akooooooo….waaahhoooooooooo” sagot ko pero kinabahan ako dahil pabulusok sa lupa ang direction ko.

AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG MAKAKALIPAD KA??!!” Galit na sabi ng boses.

Isip ang kapangyarihan mo ungas…mga salita ang kapangyarihan mo...pambobola ang kapangyarihan mo. Tangnan Style na ‘yan!!!” Galit parin ang boses.

ANO??!WAAAAHHHH…NAKANAMPUTCHA, HINDI MO SINABI…LIIWAANAAAGGGG!!!! TUULLLOOOONGGGG!!!!!!” - Akoni



Itutuloy………….