nuffnang

Monday, January 9, 2012

GUPIT

HINDI ITO ANG ACTUAL NA PAGUPITAN SA AMIN
PERO MALAPIT DITO ANG HITSURA
galing dito ang larawan
SA WAKAS! Nakapagpagupit na din ako ng buhok kahapon, yeheeeyy!! Hindi na ako "Ako buhok mukha ako budoy". Ilang araw narin gusto ko nang magpagupit dahil nasusuka na me tuwing haharap ako sa salamin. Ang problema lang, masyado nang makapal ang mantika ko sa katawan kaya ang bigat-bigat na ng yummy kong body, nakakatamad pumunta ng town para lang magpagupit, hallluueerr!! Mas mahal pa kasi ang pamasahe ko sa taxi kaysa bayad ng pagpapagupit ko? Nevah, magmukha na akong caveman!! Kuripot much? Galing dito click here, ah!! Dito nalang.






PAGLILINAW

Sa mga nakabasa sa last post ko, hindi ka magbabasa ng re-post, ito talaga 'yung totoong karugtong niyan. Sa mga nalabuan sa title ng last post ko kahapon, na kung bakit GUPIT ang title. Ganito 'yung nangyari, kakatapos ko lang po nun magpagupit ng maisipan kong i-blog ito, kaya naligo muna ako, binilisan ko po ang pagsasabon at nagbanlaw na kaagad, hindi ko na po ginawa ang kadalasan ginagawa ng mga lalake sa banyo bago maligo, ang manigarilyo po tinutukoy ko, 'wag kang dirty thoughts ate Charo at kuya Eddie. Excited na talaga ako magkwento nun  ate-kuya tungkol sa pagpapagupit ko, hanggang sa........habang nagkukwento na po ako ay biglang bumaliktad na naman po ang utak ko, wala po ako kamalay-malay ate-kuya, biglang naliko ang kwento ko sa kuwentong puwetan dito sa KSA. Kaya imbes po na tungkol sa pagpapagupit ko ang ikukuwento ko, nauwi po sa kwentong puwetan dito sa KSA ang topic. Sinubokan ko pong bagohin ang title, pero hindi ko po nagawa, parang may pumipigil sa akin ate-kuya, kaya napilitan nalang akong hayaan ito. 

Kaya sa pagpapatuloy ng totoong karugtong ng kuwentong "GUPIT".....


20 riyals kung sa kabayan/pilipino ka magpapagupit (sa town), ang pamasahe naman sa taxi ay dalawa ang choices mo, 5 riyals per head kung may mga kasama ka at apat dapat kayo, 20 riyals naman kung mag-isa ka lang, mamili ka. Bale kung sa town ako magpapagupit, gagastos ako ng mga 69 riyals, dahil 40SR sa taxi palang, punta-balik na 'yan. Syempre gugutomin ako dun, kaya plus 13 riyals para sa pagkain ko, tipid meals yun (Oo may tipid meals din dito, isang platong kanin, tubig at dalawang ulam), 10 riyals para sa junk foods ko, at 6 riyals para sa dalawang shawarma, so 69 riyals lahat, diba? Ang galing ko talaga sa Math.


Kung dito ka naman sa lugar namin magpapagupit, sa mga barbershop na indiano ang nangugupit, mura lang, swak sa budget dahil 10 riyals lang, tapos malapit pa dahil 20 minutes lang naman kung gagapangin mo papunta, dun lang sa tapat ng bahay namin.

Malayo 'tong lugar namin sa town, mga 45 minutes ang biyahe, depende pa sa traffic. Sa town, syempre nandon na lahat sentro eh, kaya doon lang may mga pagupitan na kabayan/Pilipino ang nanggugupit. Dito naman sa lugar namin, lahat indiano ang mga gupitero sa mga barbershop, kaya ganun nalang ang pagdadalawa at kalahating isip ko na magpagupit sa kanila. Una, hindi ko kayang tiisin ang amoy ng kilikili nila at hindi mo talaga yun maiwasan matapat sa mukha mo kapag ginugupitan ka. Pangalawa, ang cheap lang sa akin ng mga gupit nila basta gupit lang, 'yun na! Pangatlo, puros indiano at pakistani ang customers nila kaya kadiri much ang suklay nila. Isipin mo kasi, once a month lang ata sila naliligo, parang regla lang, isang beses sa isang buwan, kaya tuloy amoy  (Insert mo ang nakakadiring amoy sa'yo) ang amoy nila, at ang buhok nila, ewan ko nalang baka may kuto dinosaur nang namumuhay sa ulo nila, kaya nandidiri  much me na magpagupit sa kanila, I so hate balakubak pa naman.

Pero tulad ng sabi ko sa unang stanza, tinatamad me lumuwas ng town dahil sa kapal ng mantika ko sa katawan at dahil sa mapapagastos din ako ng 69 riyals. Kaya nilakasan ko nalang ang loob ko pati na sikmura ko na magpagupit sa mga gupiterong indiano. Pagpasok ko sa barbershop nila, as expected, amoy baktol check, nagmasid muna ako sa mga gupitero kung sino sa kanila ang may less na masamang amoy check, may napili na ako.

Tinanong ko muna kung magkano, as expected ulet, 10 riyals check. Pagkaupo ko, tinanong ako kung ano gusto kong gupit, "Gupit pang Pilipino" sagot ko, "Okay Brrr nralkawrkjuya" ang sabi. Kinakabahan ako habang ginugupitan na niya ako, dahil papalapit na ang kilikili niya sa mukha ko, pero bigo ako Ekis, hindi mabaho ang kanyang kilikiti. Pagkatapos niya akong gupitan, bigo ulet ako Ekis, dahil nagustohan ko ang gupit niya sa akin. Hindi ko na inisip ang suklay, ang importante nagmukha na akong yummy ulet at may suki na akong indianong gupitero. Naligo nalang ako at nagsabon sa buhok ng isang beses, dalawang beses nagshampoo at isang beses nag conditioner.

*HAPPINESS*



14 comments:

  1. Bakit nandidiri ako dun sa description mo sa Barber shop ng mga indiano? Hahaha. Sorry naman pero naiimagine ko. LOL. Pati yung suklay, baka may lupa ng makuha dun. Eeekkk! Ugh! Ehhhh! Ang fun ng experience magpagupit diyan ah?

    ReplyDelete
  2. nakakadiri talaga..pero sanayan lang! at dahil ikaw ang unang nagkomento, may premyo kang SUKLAY ng mga indiano..lol

    ReplyDelete
  3. Para makatipid we have to take the risk..kasama na dun ang amoy ng kilikili, dinosour sa ulo at suklay na pwede pagtaniman ng kamote...at least ngayon hot ka na ulit sabi mo. Hehehe. Regaluhan mo ng bagong suklay yunh suki mo, nakatipid ka naman eh.

    ReplyDelete
  4. very good, mas marami kang maiipon nyan :) okay din naman sa batha di ba, sarap nung broasted, yun nga lang mas maraming gastos.

    dapat pala may before and after pics ka brader!

    ReplyDelete
  5. McRich - wala akong latest pictures. Hindi na magkasya mukha ko sa screen ng kamera, pero yummy parin, meynteyn!!

    Sey - gud suggestion, magdadala nalang ako ng sarili kong suklay..haha

    ReplyDelete
  6. meron palang "gupit pilipino", anung itsura nun? patingin naman boss. XD

    asteg ng bagong banner. ngayon ko lang naintindihan bkt akonilandiya. apir!

    ReplyDelete
  7. Hahaha,now you know..LOL Nice meeting you GORD. iba kasi gupit nila, tingnan ung sa litrato. gupit ko now, parang spiky..LOL

    ReplyDelete
  8. alam kaya nila yung gupit binata, at saka yung barbers cut, at saka yung undercut?

    Naalala ko tuloy ang video na ito. Buti lang hindi ka nakatulog habang nagpapagupit

    http://www.youtube.com/watch?v=ds5Apc1GTXY

    ReplyDelete
  9. kaw n new hair do!
    buti wla amoy ang naggupit sau at satisfy ka sa hair do mo!

    ReplyDelete
  10. ewwww l0l..nxt mag aral k maggupit ng sa sarili m0 hehe..

    ReplyDelete
  11. Ay! Walang before and after pictures! Share mo naman! hehe..

    Ay good naman at nakatagpo ka na ng nagustuhan mong "gupitero".. yung walang amoy at maganda ang paaggupit ng buhok mo. hehe.. Suki na.

    Ahhh.. so this is the story kung bakit yun ang Gupit post mo last time.. :P

    ReplyDelete
  12. tama yan! sanayan lang magpachupit, este magpagupit.hahaha kahit ako man, sasanayin ko sarili ko dahil medyo kuripot ako sa sarili..

    ReplyDelete
  13. Napaka challenging naman magpa gupit dyan. Di ko matake ang kwentong suklay and kuto dinosaur. hehe.. ibang level na kadiri nga yun kung once a month sila maligo. Buti na lang tagalog ang post mo. Kung hindi baka girahin ka ng mga patan and indyano.

    I'm happy, nagupitan ka na at bukod dun meron ka na ngayong nahanap na manggugupit sayo na hindi ka maii-erk, everytime na magpapagupit ka.. Tama si ms. leah, dapat merong before and after picture. Paano namin malalaman kung talagang naging yummy looking ka? baka gumagawa ka lang kwento.Inuuto mo lang kami.. we want proof na muka ka ng yummy bago kami maniwala.. haha.. joke lang kapatid. :)

    ReplyDelete
  14. Pareho palatayo nabagong pagupit. Dito naman £50-60 kapag sa town ako pupunta. Dito sa malapit, 5mins walk ang layp £35 naman. Di lang ako mahilig magpagupit kasi kuripot din ako, haha.
    Glad na happy ka sa gupit mo. Buti pa dyan may mga pinoy na maggugupit, may iba kay option.
    Bilib ako sa lakas ng loob mo, buti na lang walang powers ang napili mo =)

    ReplyDelete