nuffnang

Monday, January 16, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 4



WARNING: RATED 16




TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS

"Laaa..lalala..laaa..lalalalalala....Ooooh TINderang maganda, bakit mo PO KInuha...Ang bakya kong SUSUOTIN." sabi sa kanta, background music...

"Tangna, sino 'yung kumakanta?" Tanong ng hari.

"Fact you, sand in a beaches!!! Nilalagyan ko ng background music itong kwento, para may theme song narin ungas" Sagot ng narrator.

"Ayy sorry, ikaw pala 'yan, tagal mo nang hindi ito nadugtongan ah" Sabi ng hari.

"Wala akong panahon magpaliwanag sa'yo, tumahimik ka. Ito na ang karugtong ng kwento" pagsusuplado ng narrator.

Nakahanda na ang lahat, nasa loob ng kwarto ang asawa ng hari, nakatapis lang ito ng towel. Sa kanyang tabi may isang bowl na may laman maligamgam na tubig at sa tabi pa nito ay mayroon lotion.

“Sabihan mo na ang mga kawal na mag-uumpisa na ang paligsahan” Utos ng hari sa kanyang utosan.

(Sa labas ng kwarto, mga kawal nag-uusap)

“Ano, sino mauuna sa atin?” tanong ng kawal na si Empi.

“Ikaw na, ikaw ang nagtanong eh” Sagot ng kawal na si Khanto

“Usap muna kayo dyan, yosi lang muna ako” Sabi ng kawal na si Tonto

“Punta muna ako ng banyo, magpapalabas ako para manghina ako at mawalan ng gana” patakbong sabi ng kawal na si Palakanton, diretso na siya sa banyo.

(Walang imik si Joey)

“Oh, joey, bakit hindi ka naimik dyan?” tanong ni Empi.

“Pare, gusto ko nang umatras…aalis na ako, hindi ko kakayanin ang pagsubok sa pakontes na ito ng hari, tangna naman pare iniisip ko palang kuko ng reyna parang sasabog na angry bird ko, alis na ako good luck sa inyo” Sabi ni Joey.

Kinuha ng kawal na si Joey ang kanyang spada at shield at tumalikod na, pero nakakatatlong hakbang palang siya at sa pang-apat na hakbang niya ay nakarinig sila ng malakas na putok.

BANG!!!!

Nagulat ang lahat, lalo na si Joey dahil hindi lang niya ito narinig, kundi naramdaman pa niya. Nagdilim ang panginin ni Joey, at biglang may nakitang liwanag na tela may tumatawag don sa kanya. Si Palakanton naman na nakakadalawang rounds na sa banyo ay napasugod sa mga kasama niya, at si Tonto na nagyoyosi sa balcony ay napatakbo din pabalik sa mga kasama niya.

“Anong nangyari?!” sabay na tanong ni Tonto at Palakanton habang nakatingin sila sa bangkay ni Joey.

"Tangina, bakit amoy clorox?!!" sabay-sabay na tanong ni Khanto, ni Empi at ni Tonto at all eyes sila kay Palakanton.

"Sorry, hindi na ako nakapagsabon ng kamay..." Nakayokong sagot ni Palakanton

“Walang sinuman sa inyo ang puweding umatras sa paligsahan na ito, maliwanag ba?! Galit na wika ng hari, habang hawak niya ang Magnum 357 niya na umuusok pa ito.

Hindi na umimik ang mga ala porn star na mga kawal, palatandaan ng pagsang-ayon sa kagustohan o utos ng mahal nilang hari na avid fan ni Justin B. and Miley C.

“Buweno, after 3 minutes sumunod na sa akin ang unang kalahok, kahit sino sa inyo.” Wika ng hari habang papasok sa kanyang silid.

Kinabahan lalo ang mga kawal, wala pala silang chance na umatras sa paligsahan ng hari. Magnum 357 ang aanbotin nila sa hari kung sino man ang aatras sa kanila. Pero nakatulong din sa kanila ang ginawang pagbaril ng hari kay Joey, lalo silang kinabahan at natakot, lalo na si Tonto, sa sobrang kaba niya ay kinain na niya ang kanyang yosi.

After 3 minutes

Tulad ng napagkasundoan, nauna si Empi na pumasok sa kwarto. Pagkapasok niya ay nakita niya agad ang reyna na nakatayo, nakatapis lang ito ng towel. Pilit na hinihiwalay ni Empi sa kanyang isipan ang magandang mukha ng reyna.

“Tae, plema na green na green, kulangot na basa, amoy loga, tutuli, amoy ng paa, maasim na kili-kili, imburnal na bunganga, puso negro na singit, taeng nasa baso, at panis na siopao na may palaman na pusa” Inuulit-ulit ni Empi sa kanyang isipan para lang hindi matuon ang kanyang isipan sa alindog ng reyna.

Nasa tabi naman ng reyna ang hari, hawak nito ang napakatalim na spada at nakasuksok naman sa kanyang tagiliran ang kanyang magnum 357. Sa kanyang likoran naman ay mayroon M60 kaliber, machine gun, RPG at suicide bomber.

Isang hakbang nalang ang layo ni Empi sa reyna…

“Umpisahan mo na ang pagpupunas sa aking asawa” Utos na hari

Tae, plema na green na green, kulangot na basa, amoy loga, tutuli, amoy ng paa, maasim na kili-kili, imburnal na bunganga, puso negro na singit, taeng nasa baso, at panis na siopao na may palaman na pusa” Bumilis sa kanyang isipan para kuntrahin ang matinding pagnanasa sa asawa ng hari.

Kinuha ni Empi ang bimpo, binabad sa maligamgam na tubig, at piniga ito. Bigla naman hinulog ng reyna ang nakatakip sa kanyang katawan, tumambad sa harapan ni Empi ang maladiyosang kagandahan ng reyna at ang malasutlang katawan nito.

"Ang bilog, ang laki, tayong-tayo, ang kinis, ang sarap, ang puti, ang bango, ang seksi....." Malakas na pagsambit ni Empi sa kanyang kontra pagnanasa.


Itutuloy........

[PART FIVE]

************************************





12 comments:

  1. ang kulit ng kwento at ng characters..hehehe

    ReplyDelete
  2. hahaha, dami kung tawa...
    yari ka empi judgement day sau...
    natawa ako dito
    "Tangina, bakit amoy clorox?!!" sabay-sabay na tanong ni Khanto, ni Empi at ni Tonto at all eyes sila kay Palakanton.

    [galing isa kang alamat]

    ReplyDelete
  3. haha si EMPI pala ang bida sa episode na ito. Natawa naman ako kay Tonto na nakain na yung yosi. Buti hindi naisubo ni palakanton ng buo ang kamay niyang amoy clorox. wahahahaha.. mabasa nga yung mga naunang part!

    ReplyDelete
  4. “Tae, plema na green na green, kulangot na basa, amoy loga, tutuli, amoy ng paa, maasim na kili-kili, imburnal na bunganga, puso negro na singit, taeng nasa baso, at panis na siopao na may palaman na pusa”

    pagkakita..

    "Ang bilog, ang laki, tayong-tayo, ang kinis, ang sarap, ang puti, ang bango, ang seksi....."

    nyahaha. ang kulet! next part na please! XD

    ReplyDelete
  5. buti nalang namatay ng maaga nang di na magkasala pa hahaha sa kabilang buhay ko nalang sibakin ang reyna

    ReplyDelete
  6. Hahaha. Ayos yan medyo nainspire ako dito haha. ang dami kong tawa doon sa plema... haha ew XD

    ReplyDelete
  7. O Tindera nakatikim na malaking... (Repeat 100x)

    hehehehe.. kadiri naman yong plema na green na green... siguro maalat-alat yan... :)

    ReplyDelete
  8. pinatawa na naman ako nito! sundan mo na kagad. :D

    ReplyDelete
  9. ahahahahahahaaha,tangina mo!tnt ako dito,di ko mapigilan..

    ReplyDelete
  10. ano nangyari, may sunog ba dito sa kaharian at mukang nag-aapoy lahat. hehe..

    sobrang natawa naman ako dito, lalo na sa kinaing yosi. benta. at sa mga kontrang imahinasyon no empi. you're so good at this kapatid. Pag nagkalibro ka. Ako unang bibili. Alam mo bang ini-share ko sa mga pinsan ko ang blog mo at pati sila tawang tawa sa mga ganito. hehe..

    ReplyDelete
  11. ang lupit naman ng sinapit ni joey.at si Empi buhay na buhay pa.

    ReplyDelete