nuffnang

Saturday, January 21, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 5


WARNING: R-18

Babala: Ang inyong mababasa ay may temang manyakol, kaya binabalaan ang mga hindi sana'y  magbasa ng mga sulatin na may temang r-18.

Para sa mga bagong basahero ng kwento: Narito ang mga naunang parte para makasunod sa ikot ng storya,



"TAYO ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS"




Nataranta si Empi pagkakita sa katawan ng reyna na parang nagSUSUmigaw ng “Angkinin mo akoooooooooo Empi, angkinin mo akooooo….” Isa lang ang naisip niya. “Ito na ‘yun kung mamatay MAN ako, mamatay akong nakangiti, mamatay ako sa sarap” sabi ng diwa ni Empi, ilang Segundo ay biglang sinunggaban ng kawal na si Empi ang nakakaakit na katawan ng reyna, hindi niya malaman kung saan parte ng katawan ng Reyna siyang unang hahalik o didila at hihimas.

Sinbilis ng kidlat ang mga kamay ni Empi at agad nakahawak na sa malulusog na dibdib ng Reyna, napakagat labi naman ang reyna na tela na-eenjoy ang ginagawa sa kanya ng kawal, at ang hari ay nanlaki ang mga mata sa ginawang nakakagulat ni Empi.

“Foul yan! Foul yan! Foul yan! Ano bay ano foul yan!” Sigaw ng hari kay Empi habang pinagmamasdan na pinapaligoan ng halik ang kanyang Reyna at halos mabura na at magkapalit-palit ang iba’t ibang parte ng katawan ng Reyna dahil sa paghimas ni Empi sa kung saan-saan parte ng katawan ng nito.

Parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga kamay ni Empi, kung saan-saan nalang humahawak, hinahayaan naman siya ng Reyna sa kanyang ginagawa, pinikit nalang nito ang kanyang mga mata at inisip na nakadungaw siya sa bintana.

“Foul yan! Foul yan! Foul yan!” Sigaw ulit ng hari sa kawal.

Bingi na si Empi, hayok na at wala nang ibang marinig kundi ang pagtibok ng kanyang puson, gusto na niya itong pasabogin. Nagmadali siyang naghubad, muli, simbilis ulet ng kidlat ang paghuhubad ni Empi.

Nagulat lamaang siya ng biglang napapalayo ang tingin niya sa Reyna, nakikita niyang papalayo siya sa kinatatayoan ng Reyna, pakiramdam niya ay lumilipad siya, papunta siya sa taas “Ano ang nangyayari?” tanong ni Empi sa kanyang isipan. Ilang saglit na naman ay pabagsak na siya sa ibaba, “Ano ang nangyayari?” muling tanong ni Empi sa sarili.

BLAG!!!

Bumagsak ang ulo ni Empi, gumulong-gulong pa ito. Nang matigil sa pag-ikot at pagtalbog ay sakto parin siya sa kinatatayuan ng Reyna, nakatingin parin siya sa reyna, pero naisip niya bakit nasa sahig siya at bakit hindi niya maramdaman ang kanyang katawan. Nagpatingin-tingin siya at nakita niya ang kanyang katawan na nakatumba sa may paanan ng hari, “Oh my Angry bird, My head is flying without wings” tangin nasambit ni Empi

“Lapastangan ka! Hindi ka nararapat…mamatay kana, foul ka!!” Huling narinig ni Empi bago kusang magsara ang kanyang mga mata, “Ang saarrraaaaappp…..” ang huling lumabas na salita ni Empi at tuloyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

“Utosan pumasok ka, linisin mo ‘tong spada ko at itabi mo ang katawang lupa ng kawal na ‘yan, magmadali” utos ng hari sa kanyang utosan.

“Hari, ano ang nangyari, bakit pugot na ang ulo ni Empi?” tanong ng utosan.

“Foul yung ginawa niya eh, una, hindi sya naghubad bago umpisahan ang pagpupunas, pangalawa, hindi man lang hinintay ang signal ko, pangatlo, pupunasan ang reyna ko gamit ang bimpo hindi ang labi o ang dila, kaya ayun hinataw ko ang ulo niya.” pagpapaliwanag ng hari sa kanyang utosan.

"mukhang masaya ang inyong kawal mahal na hari, namatay siyang nakangiti oh” Sabi ng utosan.

“haayy…akala ko siya na ang mananalo, tsk, sige na tawagin ang susunod” Utos ng hari.

“Anong akala ka dyan, hindi ba lahat sila ay mapupugotan ng ulo? In short, walang mananalo sa kanila, bwehehehe.” sabi ng utosan.

“At bakit mo naman nasabi na lahat sila?” tanong ng hari, habang pinagmamasdan ang kanyang matalim na spada.

“Kasi nga, diba sa part 2 ay tinanong ng narrator ang mga mambabasa ng kwento kung sino ang gusto nilang manalo na magiging bantay ng Reyna? Tapos lahat ng mga nag-comment ang gusto ay lahat mapugotan ng ulo? bwehehehe” pagpapaliwanag ng utosan.

“Oo, nga noh? Pero punyeta ka, kung maka-spoil ka naman masyado! Barilin kita dyan eh.” Sabi ng hari sa kanyang utosan.

“Naman, akala ko ba pugot ulo ‘to, bakit may baril?” sagot ng utosan.

“Trip ko lang, mabigat itong spada ihataw, kaya minsan baril ginagamit ko, saka para cool din. Lumayas ka nga dyan, masakit ang kamay ko, baka isampal ko sa’yo. Tawagin mo na ang susunod na kalahok” sabi ng hari.

Lumabas ang utosan sa iba pang kalahok…

“Oh, sino na raw ang gustong sumunod na lumipad ang ulo, bwahahahahhaha” sabi ng utosan kina Khanto, Palakanton, at Tonto na ikinataranta nila.

“Bakit, hindi nagtagumpay si Empi?” tanong ni Palakanton.

“Hindi” Maigsing sagot ng utosan.

“So, sino na ang susunod sa atin?” Tanong ni Tonto.

“Eh di ikaw na, ikaw ang nagtanong eh, hahaha” Mabilis na sagot naman ni Khanto.

“Tangin na you, lagi ka ganyan. Ayyy..tangkalagayan naman oh.” Pagmamaktol ni Tonto.

“Let’s go…” sabi ng utosan.

Pumasok na sa kwarto si Tonto, nakita nga niya na nasa isang tabi ang katawan ni Empi.


Kinabahan na siya…..


Itutuloy…..

[PART SIX]


***********************



12 comments:

  1. foul yan! hahahaha.

    hala... safe na ng konti. :p

    ReplyDelete
  2. bakit naman si tonto agad ang susunod, naknamputa naman oh.. kala ko ako na ang winner eh..

    ReplyDelete
  3. ouch... ang burtal naman na pagkamatay yan.. hehe..

    ReplyDelete
  4. “Oh my Angry bird, My head is flying without wings!”

    Ayos! XD

    ReplyDelete
  5. incidentally, napanaginipan ko kagabi si Empi

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha ano ginawa sayo ni Empi? tulad ba ng ginawa niya sa Reyna?

      Delete
  6. ayan mas horny este exciting na ang story! lol

    ReplyDelete
  7. First and foremost, ang blog mo e parang hell. hahahaha. Nakaka sindak.

    Pangalawa, ang story na to eh dapat nang ma ilibro. gandara park.. lols

    ReplyDelete
  8. kawawa nman c empi... sabi nq eh judgement day ni empi[exciting na ang story ah]
    mukhang pugot ulo ko sa story na to ah [huhuhu]

    ReplyDelete
  9. kakaiba na ang blog mo......namangha ako sa pagtingin ko uli dito......

    ReplyDelete
  10. wahaha kaloka to. pero ayos sinunod gusto ng mga readers. kulit ni hari. =D

    ReplyDelete
  11. Kaya ba walang comment dito si empi.Natutuwa kaya o nagagalit sa kanyang kinahantungan? Gusto ko yong mga panghuling birit ng mga napupugutan bago mandilim ang kanilang paligid. parang bunos moment before death.

    ReplyDelete