nuffnang

Thursday, January 19, 2012

Si Inday at ang kanyang AMO




Sa banyo…

Amo:  I am sorry Inday, hindi ko sinadya...

Inday:  Pero Sir naman, paano na ako ngayon? Mahihirapan po ako nito at babagal na ako sa trabaho. Natatakot po ako kay ma'am baka nalaman niya ito, sigurado akong ako ang sisisihin niya dahil hinayaan kita.

Amo: Naiitindihan kita at huwag kang mag-alala Inday, ako naman ang mananagot niyan, promise! Don't worry gagawa ako ng paraan. Basta ‘wag mo sasabihin sa ma’am mo na ako ang may gawa niyan ha? Patay ako don.

Inday: Pero sir, ako naman po ang lagot kay ma’am kapag nalaman niya ito, sino ituturo ko?


Amo: Sasabihin mo ba? 

Inday: Hindi ko po sasabihin, ayaw ko mag-away kayo ng dahil sa akin, ng dahil sa pagsusumbong ko.

Amo: Kung ganun, wala na tayong dapat ikabahala, aayosin ko lahat. Inday, napagdaanan mo na ang ganyan kalagayan dun pa sa dati mong amo, diba? kaya sigurado ako na malalampasan mo ‘to, matitiis at makakaya, alam ko matatag kang babae, ‘wag kang mag-alalala tulad ng pangako ko sa’yo, hindi kita pababayaan habang nasa poder kita. Next week pa ang dating ng ma’am mo, may oras pa tayo. May oras pa para maipaayos ko ang washing machine na’yan. Wedding gift sa amin ‘yan ng ma’am mo, kaya magagalit talaga ‘yun kapag nalaman niya na nasira ko. Bigla nalang kasi pumutok eh, punyeta na ‘yan, brief ko lang naman ang pina-dry ko. Sige na, magtiis ka muna magkamay sa paglalaba, sanay ka naman sa pagkakamay dati pa eh, tiis lang ngayon. Ipapaayos ko ‘yan bukas na bukas din.



Ang blog na ito ay hatid sa inyo ng sira namin punyetang washing machine.





16 comments:

  1. kala ko may ginawa ka ng karumaldumal eh. hohoho. katatapos pa naman ng post mo tungkol kay heaven.

    ReplyDelete
  2. [hehe] washing machine scandal....

    ReplyDelete
  3. wala kang magawa noh? nangangati lang ang kamay mong magsulat?wahaha hindi ako natuwa kasi hindi bastos eh..hahahaha

    ReplyDelete
  4. aynohbayan! na-predict ko ang ending dahil sa caption nito sa fb! asarmuch, green na sana e. hahahaha lol

    ReplyDelete
  5. kala ko napano na si Inday yung washing machine lang pala haha

    ReplyDelete
  6. Kawawa naman si Inday maglalaba gamit ang kamay. Bakit kasi pakialamero sa labada ang sir nya yan tuloy nasira ang washing machine. Kiwawang Inday.

    ReplyDelete
  7. ako na lang maglalaba para kay inday hahaha

    ReplyDelete
  8. hahahahahaha!! alam ko ng may kalokohan kang ending pero hindi ko natumbok ang ending mong washing machine lang pala yon pero dahil sa pumutok nga iba naman ang nasa isip kong putok!! hahahahaha

    ReplyDelete
  9. haha sana maayos na ang washing machine nyo kuya at m aubos na rin ang macaroni ng room mate mo wahaha =D

    ReplyDelete
  10. nalinlang mo ako.... hahaha...akala ko na-ehem niya si Inday. bwahahaha

    ReplyDelete
  11. washing machine lang pala, i thought nag ***** na! hahahaa

    by the followed followed your blog.

    mr837.blogspot.com
    acorsame.blogspot.com

    ReplyDelete
  12. ROFL! Putek!
    akala ko talaga member si Inday ng "Wag po koyah" gang...washing machine lang pala! XD

    ReplyDelete
  13. ayus ang naglalagablab mong bahay a, iba talaga nagagawa ng sirang washing machine!

    ReplyDelete