nuffnang

Saturday, January 14, 2012

SIMBOLO NG ROSAS



OOOLAA!!! Kamusta na mga bata?!

Kakarating ko lang kaninang 05:13:56 ng madaling araw. Inaantok me ngayon ng bonggang3 1/2 x, galing me sa mahabang biyahe mula sa heaven, sa aking langit. May mga nalabuan sa last post ko kung ano raw ang ibig kong sabihin sa biyaheng heaven?

Para sa kapakanan nila at sa mga bagong basahero o napadaan lang sa akin Kaharian. Ang heaven ay langit, LOL. Heaven ang tawag ko sa taong nagawang pag-isahin ang tibok ng aking puso at ang tibok ng aking puson. BOOM!!!

Dalawa lang naman ang kailangan mahuli kapag magmamahal ka. Una, ang tibok ng puso. Pangalawa, ang tibok ng puson. Ano ang silbi kung ikaw lang ang tinitibok ng kanyang puso pero tumitibok naman sa iba ang kanyang puson? Sa huli ay masasaktan ka lang dahil sa katotohan hindi mo siya pag-aari ng buo. Ano naman ang silbi kung sayo lang ang tibok ng kanyang puson kung ang kanyang puso ay sa iba tumitibok? Hindi pangmatagalan ang kaligayahan na nadarama dahil pagkatapos ng magdamagang putokan ng puson ay ang tinitibok ng kanyang puso ang iniisip habang ikaw ay hubo't hubad sa kanyang tabi.

Nung Wednesday. Nagbiyahe ako ng halos walong oras papunta sa aking heaven, dahil gagawin namin Valentine's day ang Friday the 13th. Kaarawan niya nung nakaraan araw daw ng kamalasan, pero para sa amin dalawa, isang araw un ng mga PUSO.

Wala nang sasarap pa sa pakiramdam kapag ang kasama mo ay ang pinakamamahal mo sa balat ng lupa. Puyat man ang inyong mga gabi, nawawala din at gumagaan ang pakiramdam pagkagising mo at ang kanyang maamong mukha ang una mong nakita. Pakiramdam ko nga ay nasa alapaap ako na may hawak na cotton candy habang pinagmamasdan ang aking langit. 

Ano, kaya mo pa ba ang sobrang katamisan ng mga binibitiwan kong salita? LOL

To my dear heaven,

Isang napakaligayang kaarawan sa'yo, dalaga kana ulet, dahil sobrang naramdaman ko ang kilig mo sa katawan ng gabing iyon. Nakita kong kumikislap ang pag-ibig sa bawat kurap ng iyong mga mata.

Gaya mo, nagpi-feeling binata din ako kapag kasama ka. Kinikilig sa bawat tawa't ngiti mo, pati pag-ibig ay kinikilig na sa akin dahil panay kiliti niya sa akin puso.

Mga bulaklak ang naihandog ko sa'yo, mga puting rosas at mga pulang rosas. Ang pulang rosas ay sumisimbolo na handa akong ialay sa'yo ang aking pulang dugo at ang puting rosas ay sumisimbolo na sa'yo lamang iaalay ang aking puting dugo.



Muli, Maligayang kaarawan aking mahal, aking HEAVEN.










27 comments:

  1. Hahaha! Ang harot ng post! But it makes a lot of sense. :D

    Happy birthday sayong Heaven. :)

    ReplyDelete
  2. test..ayos na, may reply na din...hehe..thanks rence..Ang tuhod sinlakas parin ng tuhod ni Chuck Norris! LOL

    ReplyDelete
  3. well, konektado nga naman ang tibok ng puso sa tibok ng puson.. Lol!

    Happy birthday kay heaven! :D

    ReplyDelete
  4. Natawa ako sa pula at puting dugo na meaning nung red and white roses. LOL. Green joke pa rin pala. Haha.

    I find this post sweet. Naiinggit ako, parang gusto ko ng mag-asawa. LOL.

    ReplyDelete
  5. happy birthday sa kanya......sa iyong heaven.....

    ReplyDelete
  6. parang mas marami ang white roses sa red roses a...

    alam na!!! hahaha

    ReplyDelete
  7. "Wala nang sasarap pa sa pakiramdam kapag ang kasama mo ay ang pinakamamahal mo sa balat ng lupa."

    Ang cheze! Sweet and spize! XD

    ReplyDelete
  8. w0w! May hal0ng r-18 pa din tlga!hehehe

    hpybday sa langit mo :)

    ReplyDelete
  9. ehem.. happy birthday sa kanya... papakain ka hah... bukas... ehehhehehe... yahooo.. super sulet naman siguro da walong oras na biyahe mo... ehehhehe

    ReplyDelete
  10. lalo akong kinilig at natawa dito hon," Mga bulaklak ang naihandog ko sa'yo, mga puting rosas at mga pulang rosas. Ang pulang rosas ay sumisimbolo na handa akong ialay sa'yo ang aking pulang dugo at ang puting rosas ay sumisimbolo na sa'yo lamang iaalay ang aking puting dugo." hehehe, thank you so much honey...u really made my day so special and memorable...I LOVE YOU ALWAYS AND FOREVER...

    ReplyDelete
  11. maraming salamat nga pala sa mga bumati...:) mama ness ko, thank u ulit...love you!

    ReplyDelete
  12. awww.. ang sweet mo kapatid.. nakilig naman ako ng 100x and kitang kita ang happiness ni heaven mo. nag-comment din. hehe.. hmmm... yun pala ang ibig sabihin ang combination ng red and white roses.. haha.. tama yang ganyan, dapat patuloy na ligawan ang minamahal kahit mag-asawa na kayo. Nakikita ko perfect kayo for each other.. ayyyiii... kilig lang.. I love real life love story.. and belated happy birthday kay heaven. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks lil sis...bihira lang magkasama, kaya dapat sulitin. )

      Delete
  13. Happy Birthday kay Ate! Wish ko hindi sya mauntog at matauhan! LOL biro lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala ka pang new post..anover kayo lang ni Jepoy natitirang humor bloggers na pinapalo ko di pa kayo magsipag magpost..LOL

      Delete
  14. huwaw ang sweet!akala ko nanggaling ka lang sa blog ko kaya mo naranasan ang heaven.. hehehe LOL. Ilang beses ko toh binasa bago ko tuluyang nagets ang pagtibok ng puson!!! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..paborito kong tumitibok sa akin ay puson, teka lahat ata ng tao..hehe

      Delete
    2. wahahahaha. ako di ko pa-alam kung ano peyborit ko! hahahaha

      Delete
  15. sweet nman! ang galing ng mensahe about sa rosas!
    di ko magets ng auz medyo slow ako ngaun pero andun pa rin yun sweetness!
    nagbasa na lang ako ng comments ng iba tsaka yun sa puson konektado rin sa puso [vice versa na lang para simple]

    ReplyDelete
  16. isang maligayang kaarawan sa babaneg nakakuha ng iyong puso at puson! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagreply ako sa post ni bino kasi di ko makita yung reply link para hiwalay ang commentos ko.

      habertdei sa iyong heaven.

      mukang nag boom chararat ka ah. wahahaha

      Delete
  17. Haha. Kasweet naman.
    Parang gusto ko na din makatanggap ng isang dakot na bulaklak.
    :)

    ReplyDelete
  18. hongshweet naman!

    haha

    heippy bday kay "heaven" mo :)

    ReplyDelete