nuffnang

Wednesday, October 19, 2011

Mga dapat maimbento bago me mamatay


Nakakabilib na talaga ngayon ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya, sa sobrang kakabilib na nga ay hindi na natin magawang mamangha pa, diba? Buwan-buwan, araw-araw at bituin-bituin ata may bago. Naalala ko tuloy pag-uusap namin ng best friend ko nun, Nokia 3310 palang nun ang pinaka-latest na phone, pero mangha-mangha na kami doon, nun kung mayroon kang 3310 sasambahin ka, ipagdadasal ang kaluluwa mo at aalayan ka ng mga pagkain at isang birhen.

Tandang-tanda ko pa ang usapan namin, nagbibiruan pa kami, tawanan kami sa naiisip namin na pagdating ng panahon ay puwedi mo nang makita ang kausap mo sa telepono mo (insert dirty thoughts). Fast forward, ngayon ganun nga ang nangyari, hindi ko aakalain na ang naisip namin nun ay magkakatotoo. Napatunayan ko ‘yon nung ilabas ang Nokia N70, hindi me makapaniwala, nakikita ko na nga ang kausap ko sa phone (insert dirty thoughts).

Ngayon iniisip ko kung ano na naman ang magiging kakaiba sa teknolohiya pagdating ng maraming-maraming panahon. Gusto ko sana bago ako mamatay ay matupad ang mga nasa listahan na ito;

1.    WMTC o Washing Machine Text & Call – Dahil tamad ako maglaba at makakalimutin ako at lalong magiging makakalimutin pagtanda ko, gusto kong maibento ang washing machine na nagtetext o nagku-call pagkatapos nito.

Parang ganito…

*tottoottootttoooottt*
1 message from your WMTC

WMTC: Potah ka, tapos na ang nilalabhan mo gago!
Tapos kung hindi ka dumating after 5 minutes (depende kung ilang oras o minuto mo iseset-up) ay tatawag sa’yo.

Parang ganito…

Kriiiinnngggg…praninnngggggg…praniiinngggggg…

Ikaw: Hello…

WMTC: Potah kang hayop ka, hindi mo ba narecieved ang text ko, gago ka?! Kanina pa tapos ‘tong pinapalabhan mo sa akin, tamad kang hayop ka.

Syempre, puweding tagalog ang lenguwahe, depende sa trip mo.

2.    CAR na naliligo – Dahil isa ‘yan sa pinakaayaw ko nun na pinapagawa sa akin ng tatay ko. Ginigising ako ng maaga para lang hugasan ang sasakyan niyang bulok or pagkadating niya galing work ay pinapahugasan niya sa akin, nawawalan me ng gana tuloy mabuhay. Isaksak mo lang ang hose ng gripo saan man parte ng katawan ng car, bahala na siya, magsabon at magbanlaw.

3.    Cell phone na may projector – Ang astig lang diba? Ung kahit nakahiga kang nagttext ay nakikita mo ang screen ng phone mo sa kisame o kahit saan mo gustong itutok, kahit sa noo ng tatay mo o sa P*k-p*k ng kasama mo sa kama (kahit sino). Puwedi kang manood kahit saan mo trip, sa bus, sa food court, sa sinehan at kahit saan mo trip, ang gagawin mo lang ay papaandarin ang projector ng phone mo at pipili ka ng movie na gusto mong panoorin tapos itututok mo lang sa sahig, sa pader o sa kisame. At ang pinakamasaya dito, matiwasay ka nang makakapanood ng mga scandals collection mo sa loob ng banyo, "Paabot ng tissues, please!"

4.    Waterproof na lap top – ‘yong kahit sa ilalim ng swimming pool ay puwedi kang mag surf sa internet, manood, makipagchat, at kung anu-ano pa. Ang saya lang nun eh.

Parang ganito….

“Hi ASL pls”
“26 male, ilalim ng pool”
-Ang social mo na diba? May water proof laptop kana, may swimming pool pa kayo.

Or “Hooyyy mga friendships, nasa ilalim ako ngayon ng sea, daliiii…view niyo cam ko.”
“aaayy oo nga, ang ganda naman dyan friendship, grabe….friendship may pating sa likod mo, KAKAININ KAAAA!!!”

Ang sarap lang makipagchat habang naliligo, sa shower o sa bathtub, ctc?


Masakit na 'to sa bagang, hanggang dito nalang muna, tuloy natin next time!!



18 comments:

  1. hahaha. gusto ko yung laptop sa waterproof.

    parang masarap makipaghangout habang nasa ilalim ng dagat. lol

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Grabe! Mag mura talaga? Lol!

    Mas gusto ko yong laptop na waterproof. Kelan yan lalabas sa market? :D

    ReplyDelete
  3. Hahaha!! Ibang klase. Waterproof na lappy.. Kung meron mang ganun, astig siguro.. mag chat ang magfacebook sa ilalim ng dagat. lol..

    Or kahit na umuulan, keri lang at patuloy pa rin ang paginternet.. :D

    ReplyDelete
  4. Bongga talaga, ilink ba ang bituin sa buwan at araw. hahaha!

    1. Gusto ko yan, kasi tamad ako maglaba, I mean hindi pala ako pwede maglaba, kaya great partner sakin and WMTC.

    2. Dapat mag-aral muna akong magmaneho. hahaha, car na naliligo, astig yun. Dapat yung kaya na rin i-drive sarili niya para no need na mag-aral pa ako magmaneho, pag-iipunan ko na lang para maging akin siyan.

    3. Hala namen, paano kung confidential and text mesages...hala invisible ba ang projector na yna? yung tipong for the owner's eyes only.

    4. Grabe wanto-sawa ang mga bloggers niyan, Kahit underwater twitter pa din ng twitter. Hahaha.

    Gusto ko idea ng L sa ASL, Ilalim ng pool!!! hahaha!

    ReplyDelete
  5. grabe ang washing machine na nakakatext at call ha. lols

    pede yang underwater laptop..... pedeng mag skype sa ilalim ng tubig. :p

    ReplyDelete
  6. Oh my God ganitong blog ang na miss ko basahin. tagal ko ng hindi nagmumukang tanga kakatawa sa harap ng screen ko. At sana wag maimbento ang blog feature kung saan pwede mong makita ang facial reaction ng nagbabasa ng blog mo. kasi feeling ko katawatawa itsura ko pag blog mo ang binabasa ko at kay kikilabotz. haha..

    ngayon, alam ko na ang order ko.hehe..projector cellphone. kaloka pang tamad talaga. yan na ang sagot sa dasal ko pag nagkataon. haha..

    ReplyDelete
  7. gusto ko ung waterproof na laptop para kahit snorkeling eh pwedeng magsurf. hehehe. sana lang may signal :D

    ReplyDelete
  8. Umiiyak ako sa kakatawa magisa lang kaya parang tanga.May attitude ang washing machine maligalig. Hindi ba pweding may door to door service.

    Pero sa tingin ko ganito ang banat. Hinayupak kang tamad ka labada mo tuyo na!

    ReplyDelete
  9. ansakit sa bangs ng washing machine..kung makapagmura parang kumakain lang ng mani..hahaha

    oi ayush yung laptop na water proof!

    ReplyDelete
  10. ano na naman kayang klaseng katol ang nahithit mo jan pre. pa-share. ehehe

    gusto ko yung waterproof laptop! woot woot.

    ReplyDelete
  11. Panalo ang imbensyon! natawa ako sa asl. hahaha

    ReplyDelete
  12. there can be miracles when you believe... ahahaha

    ReplyDelete
  13. kailangan ng maimbento ang mga to... tsk tsk... kailangan natin ang mag ito lol !

    ReplyDelete
  14. haha.. naligaw akoh galing kay frienship SOB aka carlo... natuwa akoh ditoh... i like 'ung cell na may projector... i think pretty soon they'll have it... nasesense koh na daw... 'ung first one... malufet 'un... malufet! sana ren pag kukunin moh na 'ung laundry eh pls. lang... naitupi na ren.. lolz...tc... Godbless!

    p.s.

    dahil naaliw akoh sau eh add kita sa blogroll koh =P

    ReplyDelete
  15. Thank you guys...marami pang dapat maimbento bago me mamatay..LOL

    ReplyDelete
  16. haha, ayos ang 3 and 4!

    yung number 3 hindi na na malabong mangyari, yung 4 mukhang posible ding gawin.

    ReplyDelete
  17. bro,my kulang gusto ko "Bathing Machine" kz tamad ako maligo lalo pa pg late ka na nga sa work mghahanap pa ng towel,sabon atbp...parang ganito into d bathing machine pg labas mo ready to work.sangayon ka ba bro.?

    ReplyDelete