nuffnang

Tuesday, April 5, 2011

Blog-ibig page7

PAGE 1

Sabi ng puso ko...

Lagi nalang nagpapapansin si Leorap kay Kamil, sabay pa sila mag-recess, parang nagkakaintindihan na ata sila.

"OUCH!" sabi ng puso ko.

Hindi na ako nakakalapit kay Kamil Shake dahil sa kupal na 'yon, naiinsecure ako sa mga arte niya, naiinis ako, nagseselos ako. Minsan sinusubokan kong makipag-compete sa kanya, pero hindi kaya ng powers ko.

"Kamil, yung sa project natin, natapos mo na ba 'yung sa'yo? gusto mo ako na gumawa?" sabi ko kay Kamil.

"Ha? Nagawa na ni Rap-e" sagot ni Kamil.

Nak ng...wala akong maipapel kay Kamil, kasi lagi ako nauunahan ni Leorap. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang dalawa, parang gusto kong iuntog sa pader ang ulo ni Leorap at ibalik siya sa pinanggalingan niyang planeta. Pero dahil sa busilak ang akin kalooban, hehehe, hindi ko ginagawa, sport tayo, pilipino ako.

"aaaayyyyyyy.....!!!!!!!!!" parang nakureyenteng sigaw ni Jhengpot na nakadungaw sa bintana, na kinikilig na parang naputol na buntot ng putiki.

"Ano ba yan?! ano nangyayari sayo dyan?" Sigaw naman ni Mayen sa kanya.

"Tingnan niyo dalliiiiiiiiiiii...." kinikilig na sigaw ulit ni Jhengpot.

Pati tuloy ako na-curious kaya napatakbo narin ako sa may bintana. Natulala ako sa akin nasaksihan, tsunami at lindol ang naramdaman ko sa akin mundo.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko, nararamdaman kong may tutulong tubig mula sa akin mga mata, kaya bigla nalang ako mapatakbo sa health corner namin. Doon ay nagsisi ako, sana hindi nalang ako dumungaw sa bintana, hindi ko sana nakita ang sweetness ni Leorap at Kamil Shake, hindi ko sana nakita na naglalakad silang nagkukulitan.

"aawwww....they're so cute, bagay na bagay sila noh?" narinig kong sabi ni mayen at parang tinusok na karayom ang puso ko.

"Ano ang ibig sabihin ng mga nakita namin, sila na ba?" tanong ng isip ko.

"OUCH" sabi ng puso ko.

Araw-araw ganun ang nasasaksihan ko, at araw-araw din parusa ng pag-ibig ang sumasakop sa akin. Natuto na ako makipagbarkada, lagi na ako lumiliban sa klase, nag-e-escape na ako, at panay nood nalang ako ng sine.


itutuloy....



16 comments:

  1. wow sikat na ako nasa blog-ibig na ako. yehey!!!hehe thanks akoni.

    sila na nga kaya? bigo na nga ba si akoni kay kamilshake? malalaman natin yan sa blog-ibig page 8. In fairness mukang malaki ang allowance na binibigay sayo ni mommy nung high school at lagi kang nakakanood ng sine ah?

    ReplyDelete
  2. ahahahah,.... gustong-gusto ko ang role ko dito!!! makatotohanan!!! kontra bidang kontrabida! ahahahaha.... i love it!


    si jengpot kahit kelan chismosa. lols....

    ReplyDelete
  3. bagal mo kasi eh.....mabagal nga ba?!hmmmmm

    paano naman kasi dami pang segway yan tuloy naunahan ka!

    kawawa ka naman....pero pagtatawanan kita! hahaha

    ReplyDelete
  4. Ay kay mommy razz pala nagmana ng pagka seloso si akoni :)

    ReplyDelete
  5. yan sira na ang life hehehehe

    ReplyDelete
  6. Mayen - hehehe...di naman, sinusungkit ko lang alkansya ni mama..hahaha

    mama - Oo hangshakyeet shaakyyeettt..hehe

    Leorap - hahahaha..buti nalang sayo ko naibigay yan...hehe..

    Iya - ano sa palagay mo? syempre mabagal pa ako dyan, amateur pa e..hahaha

    Acre -super..hhehe

    Sean - hay naku sean, you dont have any idea..haaiisst..hehe

    ReplyDelete
  7. eh king mag-concentrate ka na lang kaya muna sa studies mo, wala tablado ka na eh! hahaha, joke lang! Genun talaga ang pag-ibig. Hayaan mo darating din ang time ikaw ang magiging bida, patirin mo na kasi. Joke lang. hehe!

    Ang saya ni Mayen sikat na siya! hahaha!. Go Mayen!!! wooot!

    ReplyDelete
  8. okay na sana ih...kasu di ako satisfied s role ni rap...jejejeje...fiction na fiction tlagah...jejejeje...peace rap!

    eniwi...i'll wait for the next page
    jejejejeje...

    ReplyDelete
  9. malakas pala ang dating ni kamil shake.....parang gusto ko na rin na gumawa ka ng istorya na andun ang name ko,hehe.....

    ReplyDelete
  10. bakit kanino mo ba dapat ibibigay ung role na iyan?.... kay jengpot?! ahahahaha....



    lhuloy - fiction ba? ahahaha... totoo kaya. tara dito, tatampalin na kita! ahahaha

    ReplyDelete
  11. Ang HABAAADABADOOOO ng hair ko dito.. bakit ganun? Hahahahaha...si kuya talaga...

    ReplyDelete
  12. anong pakiramdam sa nakuryenteng sigaw? Hehehe. Haba ng buhok ni kamil dito. :D

    ReplyDelete
  13. off the topic ang comment ko...

    parekoy, ang dami kong namiss.. binalikan ko ang lahat ng post mo, ang dami na pala... ang tagal kong nawala sa blogsphere... tsk tsk...

    busy pa din ang tambay ngayon.. tamabak ang kalokohan este trabaho...

    at nga pala.. ayos ang blog-ibig ah...

    magandang araw sayo.. babawi na lang ako sa mga susunod

    ReplyDelete
  14. Sey - parang puzzle ang pag-ibig, minsan madali, pero kadalasan mahirap..hehe

    Katie - beautiful titser, hahaha..fiction para kay rap? hehehe..

    Arvin - malapit na dumating ung character mo..hehe

    Leorap - kay AL sana, pero pinagpalit ko kayo ng character..hehe

    Kamila - ganyan talaga yan..madami kang matutuklasan sa character mo..hehe

    Empi - subukan mo..haha..kul

    ISTAMBAY - parekoy, ayos lang..dito lang namn kami..hehe..pag igihan mo nalang muna yan ginagawa mo, para sa career mo yan..good luck.

    ReplyDelete
  15. wow! participation pala ako dito, sinabi ko tlga yun? si rap? ganun? weh? hehe

    ReplyDelete