nuffnang

Monday, April 11, 2011

Blog-ibig page9

Touch move


Bakasyon na, wala nang pasok kinabukasan, wala parin si Leorap, at wala parin nakakaalam kung saan siya nagpunta. Pagkakataon ko na ito para ipaalam kay kamil ang nararamdaman ko, baka may dumating na naman at maunahan na naman ako, bahala na kung ano ang mayroon sila ni leorap. BAHALA NA SI KIKOMAXXX.

Habang nagkakagulo na naman sa loob ng klasrum, lalo na ang mga boys at lalo na si Diamond, dahil sa pagpapakyut nila sa bagong dating na si LEAH, sumiple ako sa tabi ni MAYEN.

"Mayen, puwedi ka bang makausap?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit?" sagot niya sa akin.

"Doon tayo sa Canteen, ang ingay dito." sabi ko sa kanya at lumabas na kami.

Palabas na kami ng pinto ng bigla kami sinundan ni Jhengpot.

"Hooyyyy....saan punta niyo, kayo ah, baka iba na 'yan." panunukso ni Jhengpot at sumama na sa amin.

"Wala ah, may hihingiin lang akong favor kay Mayen at.......dahil nandito ka na rin, halika, may hihingiin akong favor sa inyong dalawa." sabi ko.

Nasa Canteen na kami, umorder na. Nagsabi na ako sa dalawang kaibigan ni Kamil.

"Oist, baka naman puwedi niyo ako tulongan, pabor naman oh, tell Kamil, i like her at gusto ko sana manligaw." Sabi ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa.

"Ha? Kay Kamil?!!" sabay pa sila with matching NANLALAKING MGA MATA.

"Akala ko si Iya Khin ang gusto mo, diba lagi kayo sabay noon pauwi?" Sabi ni mayen.

"Akala ko nga, kayo na eh" Pang-iintriga na naman ni Jhengpot at sabay tawanan ang dalawa.

"ha? Hindi, si Iya at ako ay close friends, Oo crush ko siya, pero I don't think so na papatulan ako noon, mataas ang standard noon sa mga lalake, astig 'yon e." sabi ko at lalong tumawa ang dalawa.

"eh paano ka naman nakakasiguro na papatulan ka ni Kamil, aber?" sabi ni Jhengpot na parang nang-aasar ang bruha, pero napaisip ako sa kanyang sinabi.

"Alam niyo, What the fact to ah...Elementary palang, kilala ko na si Kamil..." sabi ko na napa-aaaaaahhhh..nalang ang dalawa sabay inom ng Juice.

"Sige, dahil nilibre mo kami ng Zesto "lang", ayaw namin..." sabi ni Jhengpot at laugh trip na naman ang dalawa.

"Ito naman oh, ubos na baon ko e..pagtiyagaan niyo na 'yan, wala naman pasok bukas e." sabi ko sa kanila.

"Ikaw kaya ang magsabi kay kamil, mas maganda 'yon." Sabi ni Mayen.

"eh nahihiya ako e, pakiramdam ko maiihi ako kapag kaharap ko siya, e how much more pa kung magtatapat na ako sa kanya baka matae na ako" Sagot ko naman at laugh trip kaming tatlo.

"Ang arte mo, sige na...puntahan mo, ayun siya oohh..."Sabi ni Mayen sabay turo kay Kamil na nasa Garden namin.

"Sige na...gooooowwwwhhh" sabi ni Jhengpot.

"Sige na nga, bahala na si KIKOMAXXX, salamat sa suporta ah, tseeeeee" sabi ko at tumayo na ako at iniwan ang dalawang pinsan ni sisa na nagtatawanan.

Nag-isip ako ng paraan, kung paano ako magtatapat kay Kamil at dahil sa pilipino ako, nakaisip ako agad ng paraan.

Kumuha ako ng maliit na papel, wala pa kasi akong Stationary. Sinulat ko nalang mga sasabihin ko kay Kamil, at unang beses ko 'yon gumawa ng sulat para sa isang babae.

Nasa harap na ako ni Kamil, parang nalunok ko ang aking dila, pinagpawisan lahat ng kasukasuan ko, natatae na ata ako at nasusuka sa sobrang kaba, hindi na ako puweding umatras pa, nasa harapan na ako ni Kamil, nakatitig sa akin, touch move na ito, wala nang bawian.

Bago mangyari ang disaster naiabot ko kay Kamil ang maliit na papel sabay takbo palabas ng gate, diretso na akong umuwi. Parang hindi ako makahinga kapag naiisip ko 'yon, hindi ko alam pero parang punong puno ako ng pagsisisi sa mga oras na 'yon, kinabahan ako bigla, baka magalit siya, punong puno ang isip ko ng mga katanongan na "BAKA", baka magalit, baka hindi na ako pansinin, baka sila na ni leorap, baka....pero naibigay ko na, touch move, walang bawian.

Dear Kamil,

Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan, pero matagal na kitang gusto.

P.S.

Ang iyong kagandahan ay higit pa sa mga bulaklak sa iyong paligid.

Akoni



BEHIND THE SCENE: Kwento ni Leorap





22 comments:

  1. hahahaha....nakakatuwa naman hehehe

    patorpe torpe pa enoh?

    dapat pinag untog mo si mayen at jhengpot,bago ka umalis...ndi ka tinulungan eh...inasar ka pa

    hehehe...

    nasa malaki ang pag asa mo kay miss bangs :)

    ReplyDelete
  2. ahaha... ang ikli ng sulat mo sa kanya ah...


    buti naman, sakto ung character ni jengpot sa story mo at sa story ko.. chismosa talaga sya! ahahaha




    matagal pa ung akin eh, wala pa nga akong maisip na dahilan kung paano ako mawawala sa kwento ko.

    ReplyDelete
  3. waaaaajajajjajaa!!!!
    pasaway sila jhengspot at mayen!
    nasyang ung zesto!!!
    waaaajajajajjaa!!!!

    next page please!!!!
    exciting!

    ReplyDelete
  4. @ jay - wajajaja..iuntog talaga...kelan kaya pagpasok ng karakter mu dito...jejeje

    ReplyDelete
  5. nyahahaha!.. tamang-tamang may zestO din ako pero improving na ito kc " BIG 250 guyabano flavor" na..hehehe nakakatawa yong pinsan ni sisa na nagtatawanan..hahaha!..

    *JOey*

    ReplyDelete
  6. JAY - salamat pre...hahaha..wag, dalawa sila, baka ako iuntog nila..hehe..kaya nga e, sayang ang zesto...hahaha

    Mama - nagsisimula palang mama..hehe..itchuserang froggy si jeng..haha..


    Leorap - hahaha...ganun talga, sa umpisa, para hindi mabored basahin..hehe..hahaha..chismosa talaga un? LOL..abangan mo muna ung dahilan baka sa next page malaman na.

    Lhuloy - hehehe...kaya nga e, last money ko pa naman un..hahaha...
    Madami pang character na lalabas..hehe..matagal kaya ito, hahaha..Nasa highschool palang yan e, hehehe..hanggang college to at makatapos at sa kasalukoyan ngayon..LOL

    Miss Joey Anonymous...hehehe..Improved na ba ang zesto ngayon? hehe..tagal na akong hindi nakakainom niyan ah..yan ang sikat na drinks noon..hehehe..

    ReplyDelete
  7. love letter of the century ibang klase. kaabang abang ang reaction ni kamil.

    ReplyDelete
  8. haha..kapatid pala ni sisa ha..actually nag-usap na kami ni rap..gagawa din ako ng sentimyento ko..haha... AT aba teka! Asan na si kuya? haha... Buti di ka napatae nung binigay mo ung sulat, pagnagkataon baka naging ako si sisa, mabaliw sa aking makikita :D

    ReplyDelete
  9. Hahaha!! Kaabang-abang... ano kaya ang reaction ni Kamil? eeee! Kinilig ako.. lol.

    P.S.
    Bakit parang lumalabas na loveteam kami ni Diamond R? Wala lang.. nanotice ko lang. hehe.. choz!

    ReplyDelete
  10. Jhengpot - hahahaha...okay yan plano niyo ni rap. sinong kuya?

    Empi - thank man, bukas malalaman..hehe

    diamond - hahaha..kakamiss ang love letter..hehe

    Leah - wag nang umangal, yan ang nasa script..hahaha

    ReplyDelete
  11. Kuya..bakit si Mayen At jheng lang may Zesto? sana naman sinamahan mo din ng zesto yung sulat...hahahahahhaha


    Kuya ako ba si Rapaunzel.. abot kabilang kanto na buhok ko eh

    ReplyDelete
  12. hahaha ang cute....kawawa ka naman naubos baon mo pero hndi ka tinulungan ni jhengpot at mayen....hahaha bawi na lang sa susunod :-)

    ReplyDelete
  13. ang daming bloggers name.......kailan ang sa akin,hehe......maganda sana andun din si jhengpot kung andun name ko..

    ReplyDelete
  14. Kamil - huwag ka muna magpaputol ng buhok..hahaha.ikaw na si miss tangled..haha..higit pa sa zesto ang ibibigay ko sayo..hahaha

    BIno- sana nga..

    Nash - ganun ang dalawang iyon..hehe

    Arvin - malapit na lumabas ang karacter mo, hehe..basta maganda din ung sayo..hehe


    AKONI

    ReplyDelete
  15. hala akala ko si Mayen na ang type mo kasi niyaya mo siya sa Canteen at may behind the scenes pa sa nangyari kay Leorap. panigurado bawat character dito magkakaroon ng sariling version.

    Ang haba ng sulat at may talatang makata pa sa huli. hahaha!

    ReplyDelete
  16. hehehe...Oo nga, gagawa ata sila ng behind the scenes...hehe..College na ata lalabas character mo..hehehe

    ReplyDelete
  17. eto ang part 3 ng aking kwento.... eto ung nangyari nung sa part 7 mo.. hehehe.....


    http://leonrap.blogspot.com/2011/04/kwento-ni-leonrap-3-hango-sa-blog-ibig.html

    ReplyDelete
  18. Kaabang -abang ang mga susunod na pangyayari.Dito lang ito nagaganap at ngayon lang.

    ReplyDelete
  19. haha leorap - Oo nga, nabasa ko na..hehe..good work

    Diamond - hehe..kasalukoyan pang sinusulat ng author ang page9..LOL.

    ReplyDelete
  20. waaah!! bakit ako walang zesto?!! dalian mo next episode please!

    high standard?!! so high standard pala si irog ko?! hahaha

    ReplyDelete