nuffnang

Monday, April 18, 2011

Extra trip

Para sa mga sumusubaybay ng BLOG-IBIG series ko, pasensya po, naisulat ko naman ang blog-ibig page11, pero dahil sa hindi maganda ang mood ko, parang hindi ko nagustohan ang result, parang wala lang, hehehe, edit ko muna.

Pero aaliwin ko parin kayo, pagtiyagaan niyo na itong maiksing kwento ko. Bahagi ito ng sinusulat kong kwento na hanggang ngayon ay hindi ko parin matapos tapos,  hehehe, ang title ay "KAPITAN BOLA", ito ang ilan sa mga eksena.



Nasa likod ako ni Liwanag habang lumilipad kami, nakahug ako sa kanya, at naamoy ko ang mabangong buhok niya, ang bango niya.
Liwanag: alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita
Akoni: ay sorry mali lang nakapitan ko, pasensya na.
Nakita namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.
Boses: ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo na..
Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari.
Boses: ulopong, may pabulong-bulong kapang nalalaman dyan e naririnig din naman kita..meron kang kapangyarihan tado.
Akoni: ok fine, gagamitin ko na kung ano man un.
Akoni: Liwanag leave it to me, ako na ang bahala sa taong palaka na ‘yun.
Liwanag: ha?(nakapamaywang)
At bigla akong tumalon mula sa building………
Akoni: waaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh
Boses: HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!
Akoni: lilipad ako syempre, may kapangyarihan naman ako e, diba?
Boses: AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG NAKAKALIPAD KA??!!
Boses: Isip ang kapangyarihan mo ungas…bolahin mo si taong palaka..pambobola ang kapangyarihan mo. PATAY TAYO SA’YO!!!
Akoni: ANO??!!WWAAAAAHHHH……LIIWAANAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGG!!!! TUUUULLLOOOONGGGGGGGGG!!!!!!

26 comments:

  1. ahahah.... tanga lang eh noh!!

    ReplyDelete
  2. ahahaha natawa ako don. sana tinulungan sya ni liwanag wakokok.

    ReplyDelete
  3. haha.. ang kulit. wrong move si Akoni di kasi nagtatanong. Natawag tuloy na tanga.. hehe..

    ReplyDelete
  4. haha..kwentong katangahan yan rap..hehe

    Kraehe - hehe..alam mo bang hanggang chapter 8 ang kwento ni kapitan bola? haha mahaba yan share ko lang ang ilan sa bahagi ng kwento.

    Mayen - thanks again. hehehe..sana matapos ko na ang kwento na yan..hehe ang tagal na e..haha..

    ReplyDelete
  5. hehehe..Actually mama, yan ang unang logo ni KB, pero iba pinakita ko...hehehehe..if may time ako, tataposin ko, para maging libro na..hehe

    ReplyDelete
  6. ayun oh... super like ko ang picture na kapitan bola na yan.. sinu gumawa niyan.. magaling siya.. sabihin mo... super duper.... ganda....

    ReplyDelete
  7. yan! ang engot naman. joke! hahahaha.

    ReplyDelete
  8. Natawa ako... hahahaha! ang tanga naman... akala makakalipad... di naman pala. lol

    ReplyDelete
  9. muntanga lang.. sorry haha
    napangiti mo ko dito sa post mo.
    salamat..

    napadaan lang..

    ReplyDelete
  10. ou nga noh ang ganda nung logo...
    pasaway naman nung kwento...jejeje

    ReplyDelete
  11. hahaha..kaya pala kapitan bola!

    pano kaya nya bobolahin ang palaka?

    abangan...

    ReplyDelete
  12. pinaglihi siguro sa TANG ano?!! hahahaha! kaloka ka! papingot nga sa tenga!

    ReplyDelete
  13. hindi naman kasi nya niliwanag ng boses kung anong kapangyarihan yun e. yung boses ang tanga. hihi!

    ReplyDelete
  14. tsk tsk. heheheh. hindi pala paglipad. sayangs. di muna inalam ang prowess.

    ReplyDelete
  15. hi Akoni,
    hahaha...natawa ako dito! nice! abangan ko ang susunod na kabanata ni KAPITAN BOLA! hahaha..:-)

    ReplyDelete
  16. ayan kasi akala mo pag powers lilipad agad! ano ka na. wish ko sana mahabol ka ni Liwanag. hahaha!

    ReplyDelete
  17. Musingan - delfs gumawa niyan..

    Bino - Super hero na tanga..hehe

    Empi - Pasensya na tao lang..LOL

    Yanah - salamat naman..yan ang layonin ko, ang maghatid ng ngiti maliban pa sa kalokohan

    Arvin - thanks

    Lhuloy - meet kapitan BOLA

    Jhengpot - hahahaha..sakto ang tungaw na super hero..LOL

    tabian - gusto mo malaman kung paano? hehe..actually part lang yan don sa sinusulat kong kwento ni kapitan bola, kaso hindi ko pa natatapos..parang justice league langa ng dating, pero kakaiba ang mga powers..hehe

    Iya - hahaha..TANG at flavor ay NEMO fish....pingot na dali.

    Yelai - may tama ka, kakaiba ka rin mag analyst..hehe

    Khanto - sir..hehe..balisa e..dahil kay liwanag..haha

    Animus - hello animus, salamat...sample lang yan sa kapitan bola, hindi ko pa kasi natatapos..

    Sey - hello dear, kamusta? ganun ang unang pumasok sa utak ni akoni, hehe..hindi na nasabihan ng boses..hehe

    ReplyDelete
  18. hehehe, basag! basag ang bungo pag bagsak mo :D

    ReplyDelete
  19. pati siyak..tumawa po ako.hehehehe

    magandang umaga pala.

    ReplyDelete
  20. hahahaha..ang tanga daw....

    talon agad...


    hahahaha..

    ReplyDelete
  21. ay.. ako ata ung taong palaka ah...

    KOOOKKKAAAKKKKK!!!!!

    WWUUUSSSHUUUUUU... takot si akoni hahahaha.. :D

    effortless!!!! :D

    chaaarrr!!!!!

    ReplyDelete
  22. ayos parekoy.. natawa ko hahaha...

    part pa lang daw ito.. ilabas mo na gad pag natapos mo na ha...

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
  23. Ayos kapangyarihan medyo may katangahan lang. Delikado ito

    ReplyDelete
  24. CM - hahahahaha..nandon naman si ligaya.

    emmanuel - salamat sa iyong tawa.

    Jay - heheh excited lang lumipad..haha

    egg - hahaha..post ko full episode ng taong palaka..hahaha

    Istambay - tinatamad pa ako parekoy, nasa chapter 8 palang ako..hehe..sana matapos ko na ito this year..regalo ko sana sa magiging anak ko..hehe..para may ikukuwento ako sa kanya bago matulog..haha

    diamond - kakaiba, hehehe..boses at diskarte ang kapangyarihan..hehe ganoon nga lang, tanga..hahaha

    ReplyDelete