nuffnang

Saturday, April 23, 2011

Kunwari...

Tssaarraaannnnnn….!!!!!

                                      


Biglang umakyat sa blog roll mo ang akonilandiya noh? Hehe,

kunwari isa ka sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa akonilandiya, kunwari nagulat ka at natuwa ng makita mong umakyat sa blog roll mo ang akonilandiya, at syempre kunwari nagtataka ka rin kung bakit now lang gumalaw ang akonilandiya, tapos kunwari sasagotin kita. -Naglakbay ako patungo sa tuktok ng HEAVEN, ikuwento ko din sa’yo ang ibang details sa ibang araw ah, kunwari excited kang malaman.

Tapos kunwari, itatanong ko kung sino namiss niyo?!!!! Tapos kunwari, sasagot naman kayo ng, si AKONNNIIIIII….!!!! Tapos kunwari, kikiligin naman ako at magpapasalamat kunwari sa inyo, tapos kunwari sasabihin ko din na namiss ko kayong lahat at salamat.

Tapos kunwari, masaya ako dahil makakasama ko na naman kayo palagi dito sa bahay ko, tapos kunwari magbabasa ako ng mga previous at present post ninyo dahil ang dami kong namissed.

Pero, pero, pero, hindi ko kayang magkunwari dahil ang totoo, namiss ko kayo (choss), namiss ko itong blog site ko, namiss kong magbasa ng mga sulat niyo, namiss ko maglibot-libot sa mga bahay niyo at  namiss ko ang mga comments niyo. Halos tatlong buwan ko na kayo nakakasama araw-araw walang paltos at tagos, kaya mahirap magkunwari na hindi ko kayo namiss at hindi ko namiss ang mga nakasanayan ko dito sa blog sphere.

Mahirap magkunwari na hindi mahalaga sa’yo ang isang bagay/tao/alien/hayop kapag bukal sa loob mo ito pinapahalagaan.

Mga peeps, namiss ko kayo na walang halong pagkukunwari (drama lang).

18 comments:

  1. crossed finger...kunwari lang din namiss kita..kunwari din excited akong malaman nangyari sayo...kunwari lang! choos! :p

    ouch!! kinagat ako ng langgam! lol

    ReplyDelete
  2. hahaha...at mahirap magkunwari, diba? hehehe

    ReplyDelete
  3. kunwari namiss kita, 22, philippines!!!!!!!!!!

    haahahah.. wala lang... maiba lang ng komment...

    ingats na lang pow ng major major sir akoni.. hehehehe :D

    ReplyDelete
  4. kunwari namiss kita at kunwari nagulat ako na may bago kang post at kunwari natawa ako sa dami ng kunwari sa post mo. Tapos kunwari akala ko itatanong mo sa dulo kung ilang kunwari ang nakasulat.hehe

    seriously.. na miss ka namin. welcome back kung saan ka man nagsusuot these past few days alam kong di ka makakatiis at ikukwento mo sa amin. kunwari lang alam ko. lol.

    ReplyDelete
  5. ako di kunwari na miss ang blog mo.
    ang totoo- ito ang bigla kong naiisip ayon umakyat ang anikolandiya sa blogroll ko tapos natawa ako dahil yon ang una mong banat. ang lufeet.

    May tawag diyan si Al. mamaya matanong nga pag nagcomment na.

    Ano na naman ang ginawa o part time ulit. Ang yaman mo muna.

    ReplyDelete
  6. egg salamat ng bongga egg..hehe

    mama , sumama ang mga langgam..hehe

    mayen hello my friend, namiss ko din bahay mo, dami ko nang namissed...hehe..at natawa ako ng bongga sa comment mo..hahaha..hindi kunwari..Oo magkwento din ako pagdating ng panahon..hehe

    diamond ganoon ba may tawag dito sa si AL? sige wait natin..:)) hindi part time ginawa ko, pumunta ako sa heaven...:))

    ReplyDelete
  7. Hala.. meron akong picture.. ganitong ganito talaga... ang kaibahan lang.. di ako naka cross finger... may hawak lang akong isang Card,. eheheheh

    ReplyDelete
  8. Filipino 101 - ano ba ang tama, "kunwari" o "kunyari"?... ahahaha... wala lang...



    kunwari/kunyari hindi kita kilala. un lang. ahahahaha

    ReplyDelete
  9. hmmmm...kunyari ito ay kapag yayariin mo ang kausap mo...LOL...ang kunwari, hindi ko mawari...LOL

    musingan ---->ako din mayroon ganyan pero batuta ang nasa likod ko..

    ReplyDelete
  10. kuya kong gwapooo este ay gutom yata ako...

    hahahahahah.. heaven knows kung san ka nangggaling... at alam mo ba may napanuod pala ako mangakailan lang na kamukha mo yung bida.. yaan mo itanong mo sa akin kung ano yun..sasabihin ko sayo

    ReplyDelete
  11. hahaha, ang kulet ng post na ito, parang may landi ang effect in a good way.nasa dulo ng dila ko ang ryt term hindi ko maisip kaya "landi" ang nagamit ko.hehehehe nice. :)

    ReplyDelete
  12. Hala.. kunyari lahat??? Maglolokohan lang ba tayo dito, ha?!?! hehe.. JOKE. Oh sige.. kunyari namiss ka namin.. ikaw at ang blog mo. Kunyari lang naman diba? hhehe..

    ReplyDelete
  13. Kamila --- una gusto ko una mong sinabi, walang bawian...hahaha..pangalawa, gusto ko profile pic mo..hehe cool pirate.
    ...dapat sabihin mo sa akin kung anong movie un para e-blog ko at panoorin ko din...hahahaha..hindi dapat pinapalampas ang ganyan pagkakataooonnn..hahaha

    Mark - welcome to akonilandiya pare...hahaha..nasa dulo ng dila mo baka nalunok mo na, buti nalang may nagamit ka "landi"..ahhahaha

    Leah -Oo pero mahirap magkunwari diba? hehehe

    ReplyDelete
  14. kunwari din namiss kita tapos kunwari hinahanap-hanap ko mga post mo...pero ang totoo, TOTOO yun! asan ka na ba? anak ng teteng naman super busy! hehe. sige take your time pero pag libre aba ay magparamdam naman. para masaya.

    Miss ka na namin!

    ReplyDelete
  15. dun sa unang mga paragraphs, naisip ko, ano kayang tinira ni akoni hehe. joke! pero tulad ng iba ^ na-miss ka namin hehe.

    ReplyDelete
  16. kunyari bumalik ako. kasi kunyari lang na atat akong magbasa ng update sa blog mong nawawala sa top 20 blog roll ko at doon sa kailaliman ng banga.Ang totoo wala lang talaga akong magawa kaya yong mga walang update gusto kong mag vandalism sa blog niyo para pag balik niyo what happened here.Pano kaya gawin yon para magulat kayo.
    Kunyari lang yan.

    have a nice day akoni make the best of heaven.

    ReplyDelete
  17. mukha kang kunwari hehehe




    adik ka hahahaha

    ReplyDelete
  18. ang kulit ng post. adik!! eheheh..
    ^___^

    ReplyDelete