nuffnang

Monday, April 4, 2011

What the FACTS

Ako na, ako na ang busy, ilang araw na ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos. Hay naku, sobrang love na talaga ako ni boss, hindi niya ako hinahayaan na antokin.

Anyway, hindi tungkol sa affairs namin ng boss ko ang entry ko, secret 'yun. Gusto kong marelaks ang utak ko ngayon, kaya magbibigay ako sa inyo ng mga facts, hindi naman tungkol sa akin ang facts na ito, ito ay tungkol......hay naku, basahin mo nalang, ito na...



What the facts!!!!!!!!

1. Mag Chewing gum kapag magbabalat ng sibuyas o manghihiwa ng sibuyas, maiiwasan mong maluha o maiyak kung hindi mo mahihiwa ang isa sa daliri mo.

2. Kapag kulay pink ang dila, ibig sabihin wala itong germs o kumain ka lang ng alamang. Kapag kulay puti naman, ibig sabihin mayroon na itong thin firm of barteria, yaks.

3. "The best or nothing", ang motto ng Mercedez-Benz. Tandaa mo yan, dahil itatanong  yan sayo sa kabilang buhay.

4. Ang titanic ang unang barko na gumamit ng SOS signal, at unang pilekula na pinanood ko ng higit sa dalawang beses.

5. 300 times a day ang laugh trips ng 6 years old na bata, 15 to 100 times naman sa mga adult. Hahahahahha, pang-limang tawa ko na yan.

6. Ang mga paniki ay nagle-left turn paglabas ng kweba, hindi sila puwedi sa mga daan na no left turn.

7. Sa damit, nasa bandang kanan ang botones ng damit na para sa mga lalake, sa bandang kaliwa naman ang botones ng damit na para sa mga babae. Kaya siguro laging biktima ng pangangaliwa ang mga babae.

8. Hindi nakakatilaok ang tandang hanggat hindi ito mai-extend ang leeg, lalo na kapag nagilitan at ginawang barbeque.

9. Nakakapagpakalma ang kulay BLUE, nailalabas nito ang charming hormones natin sa katawan. I am so blue.

10. Bawat bahing natin ay ilang brain cells ang namamatay, aaacchooooooooo!, patay.

11. Mas maliit ang lung natin sa bandang kaliwa kumpara sa bandang kanan, para may tamang lugar ang atin puso. Kaya siguro laging nasa tamang lugar ang desisyon ng puso.

12. Volney ang pangalan ng lion na nasa MGM LOGO, hindi pala samba.

13. 1,792 steps ang Eiffel tower, hindi makatulog kaya binilang nalang ang steps ng eiffel tower.

14. Aglets ang tawag sa plastic na nasa dulo ng shoelaces, at piglets naman ang tawag sa mga nasa babang posisyong ng goberno.

15. 200 million couples ang nagse-sex araw-araw, 400,000 ang pinapanganak na sanggol at 140,000 ang namamatay at 1 sira ulo ang nagbilang 'yan.

16. Ang ibig sabihin ng "COLGATE' sa Spanish speaking countries ay "Go hang yourself", Colgate senyorita me amor.

17. Mizaru, Mazaru at Mikazaru, ang pangalan ng tatlong unggoy na bulag, pipi at bingi.

18. Mas mabilis ng dalawang beses kumurap ang mga babae kaysa mga lalake. Kaya sila naiisahan lagi ng mga lalake, kurap ng kurap. Huwag kang kukurap!

19. 10:10 ang time displayed kadalasan sa mga relo, para parang naka-smile. At 7:07 naman ang time displayed sa mga digital, para LOL ang dating pagbinaliktad.

20. Kung ang statue sa isang park na ang tao ay nakasakay sa isang kabayo na nasa ere ang dalawang front legs nito, ibig sabihin ay 'yung taong nakasakay ay namatay sa WAR, kung ang isang paa lang naman ang nakataas, ibig sabihin ay nasugatan sa WAR na sanhin ng kanyang ikinamatay, kung walang nakataas sa mga paa ng kabayo, ibig sabihin ay natural case ang ikinamatay ng tao, at kung nakaupo naman ang kabayo, ibig sabihin ay natae sa isang WAR ang taong nakasakay.


Maraming salamat,

Prof. Akoni

19 comments:

  1. HAHAHAHA! ang cool naman ng mga facts!

    Prang 'yung ibang facts, pang-inis sa mga babae, katulad nung pangangaliwa at pag naiisahan sila. haha

    ReplyDelete
  2. nakakagulat nman ung number 10!
    hanep!!!!

    at ung last naman totoo b tlaga yon?!

    jejeje...facts nga ih..kulet ih noh...jeje
    nice namen....apirs!!!!

    ReplyDelete
  3. nice naman nitong mga facts na ito kuya..

    hehheheheh dami kong tawa.. 300x! Pero nice yung kaya pala lagi tama desisyon ng puso! waaaah! Hahahah ang galing nung sira-ulong nagbilang sa 15! Biro mo nabilang niya yun..

    weh totoo ba yung COLGATE.. wow..napaka-informative! Parang feeling ko kailangan ko toh reviewin..baka sumali ako sa game ka na ba.

    Hahahahah sa Kurap!

    Niyahahha.. san mo natutunan toh Kuya?

    ReplyDelete
  4. Charles - oi wag ka, baka kuyogin tayo dito ng mga charle's angels..haha

    Katie Lhuloy - ui wala akong sinasabi mdaming patay na brain cells ang mga taong siponin ah..:)) totoo lahat un maliban sa natae..haha..facts ko un.

    Mama - Oo, mama kaya wag kang kurap ng kurap..hehe

    Kamila - bunsokoy, Oo kaya pala tayo kasi nasa right place..hehe..sira ulo nga e, ni hindi ko nga siya nakita sa amin. Oo nga, totoo ung sa colgate daw..haha

    natutunan ko yan sa pagbabasa sa mga pader...hehe..dinagdagan ko lang ng kunti..LOL..

    ReplyDelete
  5. ang kukulit naman ng mga facts mo. What the facts! haha.. at ako naman na curious tinignan ko ang iilang blouse ko na may botones, in fairnes nasa kaliwa nga sila. mamaya titignan ko ang polo ng utol ko upang ma-confirm kung totoo ang fact na yun.

    Sobrang naaliw ako. Hehe.. winner ang fact number 20! hahahay..

    ReplyDelete
  6. Naku! dong akoni, lam mo ba napatingin tuloy kami ni katie gurl sa mala-pink nameng dila #2..hahaha! interesting yong #15..hehhe. san mo naman nakuha tong mga facts nato???..hehehe

    *Joey*

    ReplyDelete
  7. 18. Mas mabilis ng dalawang beses kumurap ang mga babae kaysa mga lalake. Kaya sila naiisahan lagi ng mga lalake, kurap ng kurap. Huwag kang kukurap! - - - - hmmmmmmm.....

    11. Mas maliit ang lung natin sa bandang kaliwa kumpara sa bandang kanan, para may tamang lugar ang atin puso. Kaya siguro laging nasa tamang lugar ang desisyon ng puso. - - - tama kaya naging desisyon ko?! hahahahaha

    ReplyDelete
  8. talagang may mga side comments na sentences after ng mga facts noh.. ahaha... oo tama ung sa butones!! wala lang, napansin ko lang matagal na... at sinabi na din samin dati ni mama.. hehehe.... ^^

    ReplyDelete
  9. hahaha..ikaw na ang maraming alam, ikaw na rin ang maraming facts..mejo kumurap ako ng sinabi ko yown..weee!!! :P

    ReplyDelete
  10. Sweet mayen - what the facts talaga..hahaha..salamat, napa-smile kita...facts number 21 yun..hehe

    Joey - Nang Jooooeeeyy..hahaha patingin din ako..hehe..siraulo ang nagresearch sa number 15..haha at siraulo din ung nagblog..hehe..wala nabasa ko lang sa pader kanina.

    Iya_khin - tama ang desisyon mo kasi nasa tamang lugar ang nagdesisyon..oohh kumurap ka na naman..hehe

    mama- ulit, sabi nga ni yeng, tumingin ka lang sa langit baka may masumpongan..hehe

    Leorap - ang side comments ang facts dyan..haha..colgate

    tabian - accchhhooooo!!! 2 downs..

    ReplyDelete
  11. Yung sa butones ng damit mejo aware ako dun. Hindi ko napansin yung LOL at SMILE sa relo, kung di mo lang nabanggit dehins ko know. Natatawa ako sa mga side comments mo sa butones na nasa kaliwa at pagkurap ng mga babae. Bwahahaha! Sa bahing naman, patay and dami ko ng dead cells sa brain di kaya iyon ang dahilan kaya masakit lagi ulo ko? At ang dami kong tawa ngayong araw na ito. Tenchu!

    ReplyDelete
  12. andaming facts. achoooo! deads. wahhahahah

    ReplyDelete
  13. GANON PALA ANG IBIG SABIHIN NG COLGATE.
    KAYA PALA PAG NAG HACHING KA ANG SINA SABI NG MUSLIM ALHAMDULILA. KASI NABUHAY KA PA.

    ReplyDelete
  14. uno - totoo, pero may dinagdag lang ako ng kunti, at mapapansin naman un..hehe

    Sey - I am glad napatawa kita, yan ang mission ng blog kong ito..hehe..ung sa relo smile lang ang totoo, ung LOL gawa-gawa ko lang..hahaha...siguro nga, kaya dapat iwasan ang palagihan pagbahing..hahaha

    Khanto - hahaha...imbes na excuse me ang sasabihn...DEADSSS nalang..hahaha

    Acre - ayun sa kanila..hehe..anlupet noh? haha...nice one, Alhamdulillah...hehe..kasi you felt good.

    ReplyDelete
  15. ang saya naman po..ano pong reference nio?

    itry ko nga next tym na maghiwa me ng sibuyas para dna ako naiiyak

    ReplyDelete
  16. wahahahhaha.. ang kulit! parang di ka nga medyong na busy. :P

    ReplyDelete
  17. Uy ang galing naman ng mga facts! Like ko silang lahat =)
    Teka, i need to laugh more & blink less. lol =)

    ReplyDelete