WARNING: Sobrang haba
Nagsimula ito nung unang panahon, may isang prinsepe na sobrang in love sa isang prinsesa, ito ay si Prinsepe Lateef at ang kanyang iniirog na prinsesa ay si Prinsesa Tsoko.
Tapat at wagas ang pag-ibig ni Prinsepe Latef kay prinsesa Tsoko, ang kaso torpe si Prinsepe Latef pero hindi 'yan ang problema. Ang problema ay si Prinsesa Tsoko dahil wala siyang nararamdaman na pag-ibig kay Prinsepe Latef, hindi niya ito pinaglalaanan ng kahit kunting oras, o kahit pag-isipan man lang.
Dahil dun parang winawasak ang puso ni Prinsepe Latef tuwing inaayawan ng prinsesa ang imbetasyon niya na mamasyal sila sa mga malls at manood ng sine.
Isang araw, pinatawag ng prinsepe ang kanyang kanang kamay na matalik na kaibigan din, si Almondy.
Prinsepe Latef: kaibigan Almondy, malaki na talaga ang problema ko, tulongan mo ako.
Almondy: Kaibigan prinsepe, ano ba ang problema?
Prinsepe Latef: Halos limang taon ko na nililigawan si Prinsesa Tsoko ng kabilang kaharian, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin magawa na mahalin niya ako. Gusto naman siya ng aking amang hari at inang reyna, at ganun din naman ako sa kanyang mga magulang, subalit wala silang magawa dahil mismo ang prinsesa ang umaayaw sa akin, magiging emo daw siya kapag pinilit nila, kakatakot ‘yon, ano ang pwedi mong imungkahi sa akin oh aking kaibigan?
Almondy: Oh aking kaibigan, nakakarupok ng damdamin yan suliranin mo, pero sabi nga nila dapat 'wag kang sumuko dahil habang may buhay ay may pag-asa, subukan mo kaya humingi ng payo kay ate charo?
Prinsepe: Nagawa ko na 'yan kaibigan, pero walang nagawa si ate charo dahil hindi daw niya linya ‘un.
Almondy: Kay saklap naman niyan parekoy, bakit hindi mo nalang kaya siya gayumahin?
Prinsepe: Gayumahin? paano?
Almondy: ‘yong tita ko, isang witch 'yon pero hindi bitch. Hingi tayo sa kanya ng gayuma or magpagawa tayo ng gayuma sa kanya.
Prinsepe: Sige, sige, ako'y natutuwa at may paraan pala para ibigin din ako ni Prinsesa Tsoko. Kahit ano gagawin ko, kahit ipatanggal ko pa ang bayag ko basta ibigin lang ako ng prisesa.
Almondy: Kung ganun, sa isang araw mga 7:04 am sharp, sunduin kita sa gate niyo, sasakyan ko na ang gamitin natin para hindi ka mahalata ng mga tao sa bayan.
Prinsepe: Pero may air cone ba ang sasakyan mo?
Almondy: naman...Oo naman, bagong model un ng HONDA noh...
Pagsapit ng araw ng usapan nila sinundo ni Almondy si prisepe Latef at dinala sa kanyang tita na witch pero hindi bitch.
Almondy: Tita kong witch pero hindi bitch, nandito na po ang prinsepe, kailangan niya po ang iyong tulong. (napaluhod bigla ang witch pero hindi bitch at bumati sa prinsepe)
Witch pero hindi bitch: Mahal na prinsepe, ikinagagalak ko po ang iyong paglapit sa akin, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Prinsepe: Humayo ka witch pero hindi bitch, gusto ko gawaan mo ako ng isang gayuma, para ibigin ako ni prinsesa tsoko.
Witch pero hindi bitch: Masusunod po mahal na prinsepe, subalit mayroon pong dapat ihanda upang mabuo ang aking mahika.
Prinsepe: Hanoow yowwnn?
Witch pero hindi bitch: Alam ko na po ang kwento tungkol sa suliranin niyo, nasabi na sa akin ni Almondy. Kakailanganin ko po ang...
1. Pawis ng isang taong may sipag at tiyaga
2. Buhok ng isang taong madaldal,
3. Laway ng isang taong bolero,
4. Bigote ng isang taong magaling magsinungaling, at
5. Pilik mata ng isang taong may malinis na puso.
Prinsepe: Masusunod, Almondy, ikaw ang lubos na nakakakilala sa mga tao sa bayan, pumaroon ka at kunin mo ang mga pinapakuha ni witch pero hindi bitch.
Almondy: Masusunod po kaibigan prinsepe.
Makalipas ang ilang oras dumating na si Almondy, nakuha niya ang lahat maliban nalang sa isa.
Witch pero hindi bitch: Almondy, nasaan ang pilik mata ng isang taong may malinis na puso?
Almondy: Tita, 'yan lang ang hindi ko alam, hindi po ako diyos para malaman kung anu ang nasa puso ng isang nilalang, tangin diyos lang po ang nakakagawa nun, kaya hindi ko po mahusgahan ang mga tao kung alin sa kanila ang may malinis na puso, ayaw ko pong maging mapanghusga, bad 'yon.
Prinsepe: may tama ka Almondy, subalit ano na?! Hindi makukumpleto ang formula, paano na itech?
Witch pero hindi bitch: Kamahalan, hindi na po problema un, damihan nalang natin ang laway ng isang taong bolero at kunting dagdag pa ng bigote ng taong sinungaling. Taong may kunting kalokohan , sense of humor ba, yon nalang ipakuha mo kay Almondy.
Witch pero hindi bitch: Almondy, mag-ingat ka sa pagkuha ng pilik mata ng taong may kunting kalokohan at may malakas na sense of humor ah…baka ‘yon corny ang makuhaan mo.
Muli naman pumunta sa bayan si Almondy para kumuha ng Pilik mata ng isang taong malakas ang sense of humor at may kunting kalokohan.
Nakompleto na ang mga ingredients kaya sinimulan na ng Witch pero hindi bitch ang kanyang orasyon, hanggang sa matapos na niya ito, pero nabahala ang prinsepe...
Prinsepe: Witch pero hindi bitch, ako'y nababahala, baka hindi ito umipekto sa prinsesa, dahil sa pinalitan natin ang orihinal na ingredients.
Witch pero hindi bitch: Huwag kang mag-alala, ang intention naman natin ay lituhin ang isip't damdamin ng prisesa. Kapag nakain niya yan, malilito ang kanyang emosyon, at dun ka magkakaroon ng pag-asa dahil kapag nalito na siya, bibigyan ka na niya ng oras para pag-isipan. Magtatalo ang kanyang utak at puso, mag-iisip siya at papakiramdaman ang kagustohan ng kanyang puso, dun kana magkakaroon ng pag-asa, un ang paraan para makita niya ang tunay na ikaw, ang tunay na umiibig sa kanya at mabubuksan na ang kanyang puso para sa’yo. Kaya dapat siguradohin mong wagas ang pagmamahal mo talaga sa kanya bago mo ipakain yan sa kanya, para kapag nalito na siya at nag-isip, yon ang makita niya, ang iyong tunay na pagmamahal sa kanya.
Prinsepe: Mahusay Witch pero hindi bitch, maraming salamat.
Almondy: Kaibigan prisepe, kakaiba ang pagkain na yan, baka hindi tanggapin ng prinsesa, dapat may ipangalan ka dyan na kaakit akit sa kanya.
Prisepe: lagi ka talagang may tama Almondy, hindi ako nagkamali sa pagpili sayo bilang kanang kamay ko, i love you p're.
Almondy: (pabulong) eewwwneesss...
Prisepe: Bweno, nabuo ito dahil sa pag-ibig ko kay prinsesa Tsoko at dahil din sa kagustohan kong makamit ang kanyang pag-ibig, kaya tatawagin ko itong, TSOKOLATE!
WAKAS