nuffnang

Saturday, April 9, 2011

According to AKONI II: Pag-ibig



Aral mula sa...................Bati-bot!!!




Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito, maraming beses na akong nasaktan sa pag-ibig, maraming beses nadapa at maraming beses kumapa. Maraming beses din ako nakasakit, kaya maraming beses na ako nasampal at naisumpa, lahat ata ng klaseng mura at sumpa ay naidugtong na sa pangalan ko. Dahil doon, nalaman ko ang pagkakaiba ng LOVE at LUST.

LOVE nakakapaghintay, kahit masakit.

LUST hindi makapaghintay, dahil masakit.

Napag-alaman ko rin na dalawa ang klase ng puso ng mga umiibig, ito ay ang PUSO at ang PUSOn. Ang LOVE ay para sa PUSO, at ang LUST ay para sa PUSOn. Mali ang kanta na “Sana dalawa ang puso ko”, dahil dalawa talaga ang PUSO natin, isa sa taas at isa sa baba.

Puwedi kang magmahal ng dalawa, isa gamit ang PUSO mo at ang isa gamit ang PUSOn mo, ayos ba?


Pero kung magmamahal ka gamit ang PUSO mo, dapat handa kang masaktan emotionally.
At kung magmamahal ka gamit ang PUSOn mo, dapat handa kang masaktan physically.

Hanggang sa pagbabalik muli ng bati-bot!


Paaaaallllaaaaaammmmmmmmmmm....

15 comments:

  1. Sabi nila ang mga babae magmahal sa taas mga lalake sa baba.. hahaha ang di ko lang ubod maisip eh yung pagkapa.

    ReplyDelete
  2. ang sarap umibig.. pero ang sakit masaktan.. ehehhe.. pero ganun paman.. masarap parin... eheheh

    ReplyDelete
  3. niceeee.. buti ka pa parehas mo na yang naransan... hehehehe :D

    tayo na sa batibot tayo na tayo na...

    hahaha :D

    ReplyDelete
  4. hindi napaghahalatang marami kang ngang LABS..di nalang ako magsasalita kitang-kita naman eh! lol

    ReplyDelete
  5. Kamila - sinong sila? wag ka naniniwala dyan sa sinasabi nila..hahaha..

    Musingan - kakambal ng pag-ibig ang sakit.

    Egg - paborito ko ang batibot noon..hehe..

    Iya_khin - una, kamusta kana? isa ka ba sa kanila? hehe

    ReplyDelete
  6. kamusta?!hmmmm....

    at bakit ako napasali sa kanila,at saan? sa puso o sa puson?! wahaha! loko ka!

    ReplyDelete
  7. ako'y naghihintay kahit masakit. @iyah...hahaha

    ReplyDelete
  8. Naalala ko yung poster ng The Ugly Truth. Di naman ata totto yun. Hehe

    ReplyDelete
  9. The Ugly Truth? ano un? hehehe...

    ReplyDelete
  10. hmmm talaga lang ha?!! wahahaha! patawa ka naman!spe

    ReplyDelete
  11. Sige lang pagtawanan mo ko...

    ReplyDelete
  12. ek pero kadalasan baliktad yan../ hahaha

    ReplyDelete
  13. hay ang pag-ibig nga naman. sana kasi pag binigay na ang puso yung PUSOn sa pinagbigyan lang din ng puso ibibiigay. pwede naman isa lang ang mahalin ng PUSO at PUSOn diba?
    pero sana natuto ka na ilang sampal at sumpa na dinanas mo.. hehe..

    ReplyDelete
  14. mas maganda un mayen kapag both ginamit sa pagmamahal, kopletos rekados ang dating...hehehe..hahhaa..natuto na nga..hehe

    ReplyDelete