nuffnang

Monday, June 20, 2011

Bakit tatay, daddy, papa, o ama…?



Tatay, daddy, papa, at ama.

Ilan lang yan sa mga sikat na tawag natin sa lalakeng nag-donate ng sperm cells sa mudra natin para mabuo tayo, pero ang tanong na hindi niyo naitatanong, bakit yan ang tawag sa kanila?

Dahil father’s day kahapon, syempre hindi puwedi wala akong maisulat tungkol sa mga fathers.

Umpisahan na natin…

Tanong: Bakit tatay ang tawag?

Sagot: Dahil TATAYo siya bilang magulang mo, TATAYo siya bilang padre de pamilya churva, TATAYo siya bilang taga pagtanggol mo, TATAYo siya para sa kanyang pamilya, TATAYo siya para ibigay ang mga pangangailangan mo, TATAYo siya para maibigay ang magandang buhay para sa kanyang pamilya, at higit sa lahat TATAYo ang toootttoottt niya para  bigyan ka ng kapatid.

Tanong: Bakit Daddy naman?

Sagot: Dahil ang Daddy mo ang kaagaw mo sa dede nun sanggol ka pa. Dede sana spelling ng tawag sa kanila kaso malaswa, kaya Daddy nalang, gets?

Tanong: Eh ang Papa?

Sagot: Kasi PAPAluin ka kapag nagkamali ka, PAPAtay siya ng tao, hayop at taong hayop para sa inyo, PAPAgaanin at PAPAlakasin ang loob mo, PAPAligayahin kayo lalo na mother mo, PAPAaralin ka, at paparapaaappaaa love ko ‘to.

Tanong: okay, eh ang ama?

Sagot: Ama, dahil isa siyang mAMA ng tahanan niyo, malaking mAMA sa pamilya niyo na dapat mong respetohin.

Kung walang ginagawa dyan ang isang lalake para sa pamilya niya, wala siyang karapatan tawagin tatay, daddy, papa, o ama.

Hanggang sa muli, earthlings!!!




20 comments:

  1. o diba ang akonialamat pumapalo on fathers day.Pano naman yong iba sa aming probinsiya na ang tawag sa tatay nila Pay.or Papay.

    ReplyDelete
  2. hehehe..diamond, hindi ko kasi alam yan kaya hindi ko napag-aralan..haha, saka sabi ko naman ilan lang sa mga sikat na tawag natin sa kanila...

    Syempre papa din ako...haha @mama, thanks mama...hehe

    ReplyDelete
  3. wazzup kuya habs?!

    hehe.. epic toh ha.. gusto ko yung tatay :) siya ang TATAYo :)

    ReplyDelete
  4. aun pala un kaya pala tinawatag na ganun ang mga tatay hahhaha nice naman hhehehee

    ReplyDelete
  5. Wow! Isa kang Henyo pare! Kaw na!

    ReplyDelete
  6. kakawindang ang trivia mo.. ehehhehe.. anyway.. happy fathers day ulit...

    ReplyDelete
  7. Haha! Meron talagang Daddy trivia ano? :D Ang galing, Akoni! :D

    Happy Father's day sa lahat ng tatay sa mundo! :D

    ReplyDelete
  8. naks naman! making sense na tayo ngayon ah..ahahaha

    nice very nice! :D

    ReplyDelete
  9. Happy father's day! Belated pala. :D

    ReplyDelete
  10. Empi - thank pre

    Lizzie - thanks gurl

    tabian - always naman ako making and doing sense ah?

    Leah - hehe..syempre laging mayroon tayo..ang wala lang ung "shark" wala talaga mabuo sa isip ko..haha

    Musingan - thanks noy...

    Moks - hahaha...kakainlab ng comment mo pre..

    Rico - fafa R. mwah

    Jhengpot - loooooonnngg tiimmmee pot..hehe

    ReplyDelete
  11. hahaha nice chong very nice interpretation...

    ReplyDelete
  12. Amen dun sa 2nd to the last sentence =) At Like ko yung "paparapaaappaaa love ko ‘to" :-)

    ReplyDelete
  13. galing talaga.. naisip mo pa yun. ikaw na talaga ang henyo.. paparapaaappaaa... soon to be daddy, papa, tatay, ama ka na din. :)

    ReplyDelete
  14. hahaha,may tama ka hahaha, kelan ko lang napansin ang medyo may kasagwaan mong theme, akala k disney character, isang prince charming..

    ReplyDelete
  15. Eh bakit ang mga tatay, papa o daddy eh tinatawag din pudrakels? Anong paliwanag mo dito? Pakipaliwanag now na. LOL.

    ReplyDelete
  16. glentot - kasi mahilig sa puday or puday killer? hahahah...akala mo ah..haha..

    Mark - nasa muta mo lang yan..haha yan ang outfit ng prinsepe ng akonilandiya..malandi..lels

    mayen - eksayted much na ako..haha...soon ipapakikilala ko siya dito sa kaharian ko.

    kalokang pinay - hehehe..salamat sa paglikes

    Kiko - lahat may paliwanag dito sa akonilandiya..haha

    ReplyDelete
  17. Tangna, tawa ako ng malakas sa mga paliwanag mo.hahahaha, ang galing mo talaga Akoni, ikaw ang nagpapatunay na walang tanong na hindi madaling masagot.hehe

    ReplyDelete
  18. haha .. love this post .. !! kahit late na .. naaaliw ako sa lahat ng post mo .. target ko : BASAHIN LAHAT !!

    ReplyDelete