nuffnang

Wednesday, March 30, 2011

Blog-ibig page6

KUPAL

Third year na kmai, nagbibinata na din ako at pumipiyok na ang boses ko. Nakakaramdam na ako ng atake ng pag-ibig, palatandaan na handa na akong makalasap ng sakit at sarap na dulot ng pag-ibig. Nanonood na ako ng mga love stories, may mga idol na akong artista at singers/boyband, fan na ako ng mga love teams, umaasim at pumapanis na ang pawis ko, hindi na ako gumagamit ng pomada ni lolo, puwedi na ako magpagabi ng uwi at ang pinakamalupit sa lahat, nag-increased na ang baon ko.

Marami akong crushes sa mga klasmets ko, minsan libangan kong pagmasdam ang kagandahan nila. Minsan dumadayo pa kami sa ibang school para sundan ang mga crushes namin sa ibang school, we are the outsiders. Dahil doon, binansagan ako ng mga kaibigan ko ng "PLAYBOY", kahit wala pa akong girlfriend(s), ngayon ko lang na-reliazed na unfair pala sila.

Madami nga akong crushes pero iisa lang ang love ko, syempre si Kamil Shake 'yun, siya parin ang babaeng nakakadilig sa puso kong tinutubuan ng bulaklak ng pag-ibig. Ang problema lang ay hindi niya alam, hindi ko kayang sabihin sa kanya. Masaya na akong makakausap ko siya, minsan nararanasan kong hindi makatulog sa gabi dahil sa kakaisip sa kanya, nasubokan ko na rin isulat ang pangalan niya sa akin notebook ng paulit-ulit. Lagi naman ako nagpapansin sa kanya, pero wala parin epek sa kanya, naiisip ko tuloy na  baka hindi niya ako gusto.

Nasa first grading na kami nang may dumating na naman na bagong student, transferee na naman. Pero this time, lalake. Maangas, mayabang at ma-porma, galing kasi sa private school kaya ganoon nalang kung umasta sa amin mga taga public school. Malinis siya, maputi, matangkad at ang pogi ng kupal.

Unang pasok palang niya sa room ay nakagawa na ng ingay...kahit kasi hindi sinabihan ng titser namin, ay kusa na siyang nagpakilala sa amin.

"Hello everybody, ako si LEORAP. Bagong klasmet niyo, ako ang kupal na sisira sa pangarap na pag-ibig ni akoni" Hindi ganyan ang sinabi niya, pero parang ganyan ang dating sa akin, paano kasi nakatingin siya sa akin Kamil Shake.

Madaling nakilala sa buong klase at sa ibang section si Kupal, dahil sa mga talento din niya. Magaling siya maggitara, magaling sumayaw, magaling mag-drawing, at magaling magpakitang gilas. Syempre, hindi naman ako patatalo sa kanya noh, magaling naman ako magbasa ng song hits, marunong din naman ako magdrawing, at sa talino? hindi ako papahuli sa kanya, Pilipino ako.

Sa paglipas ng maraming araw, napapansin kong laging nagpapapansin si LEORAP kay Kamil Shake.

"Kamil, sabay tayo mamaya mag-recess ah" Sabi ni Leorap kay kamil, in front of my delicious face.

"Sige..." sagot naman ni Kamil.

 sabi ko nga ba, tama ang kutob ko. PAKTAY NA!!!


Itutuloy.....

Tuesday, March 29, 2011

Pagbabago

Kakatapos ko lang isulat ang part5 ng series kong blog-ibig, pero bukas ko nalang ipopost. Pakiramdam ko kasi ngayon pigang-piga na ang 25MB capacity kong utak, baka ito na ang expected kong mangyayari, na dadating din ang oras na tatamarin o titigil na ako sa pagsusulat. Teka, tatamarin oo, pero ang titigil?NOOOOOOOOOO, bakit 2012 na ba?

Ako kasi 'yung klaseng tao na kapag pinasok ang isang bagay, nag-e-expect na ako ng pagbabago sa mga darating na araw, naniniwala kasi ako sa kasabihan "Tak-tak-tak, ajinamotto", joke, naniniwala ako sa kasabihan "The only constant in life is change".

Walang bagay o emotion ang permamente dito sa mundo, kahit wagas na pag-ibig ay naiiba din, kahit pinaka-pogi na nilalang ay nalalaos din, kahit pinakamasarap na pagkain napapanis din, kahit na ano.

Monday, March 28, 2011

Blog-ibig EXTRA

Badrtip talaga ako sa mga sinabi ni titser, hindi ko talaga akalain maapektohan ng pag-ibig ang mga grades ko.

Naglalakad ako palabas ng campus namin, nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Sa una hindi ko na pinapansin baka kako guni-guni ko lamaang.

"hoooyy akoni, hintay naman..." sabi ng boses

Paglingon ko, si Iya Khin pala.

"Iya, ikaw pala, sorry hindi kita narinig kanina..." sabi ko na may kalungkotan ang boses.

"okay lang un, sabay tayo ulit umuwi...hike tayo ulit?" si Iya

Hindi ko na siya sinagot, inagaw ko nalang ang mga dala niyang libro at nagpatuloy sa paglalakad.

"Akoni, bakit parang malungkot ka?" Pagtatanong ni Iya Khin

"Ha? badtrip lang kasi...bumaba mga grades ko." sabi ko na parang maiiyak na ako.

"Ha?!! Kaya ka pala pinatawag ni titser kanina, pero paano nangyari 'yun, e active ka naman sa lahat?" Mga sinabi ni Iya.

"Sa written exams ako nagkulang" tugon ko sa kanya.

"Haayyy..bakit kasi...? bawi ka nalang next year, 3rd year na tayo" Si Iya

"'yun nga e, sabi ni ma'am baka mahirapan na daw ako makahabol kung pangarap ko magkapagtapos na kasama sa top students, pangarap ko 'yun e." pagmamaktol ko sa kanya

Buntong hininga nalang ang nadinig kong sagot ni Iya

"Teka, may ibibigay nga pala ako sa'yo, gift ko sayo for the summer. Tamang tama sad ka now, so sana mapatawa ka nito" surpresa sa akin ni Iya, sabay may dinukot sa kanyang bag.

"Sa bahay mo na 'yan buksan ah, para suprise, :)" Sabi niya, sabay ngiti sa akin.

Hindi ko alam pero ngiti palang niya ay napagaan na niya ang loob ko.

"Sige, pagkatapos ko tumae mamaya sa bahay." biro ko at tawanan kami.

Nasa bahay na ako, hindi na ako nagbihis dahil inuna ko muna buksan ang regalo ni Iya sa akin. Pagbuksan ko, nangiti ako, dahil isang picture ko na naka-frame.

Sa sandaling iyon tuloyan nang napawi ang aking kalungkotan at napabulong ako sa hangin, "Thank you, Iya Khin.."






Galing kay Iya Khin

Sunday, March 27, 2011

Blog-ibig page5

EPISODE 1

EPEK

Second year high school. Dito na, tinutubuan na ako ng sungay iste tinutubuan na ako ng pag-ibig kay Kamil Shake. Sa wakas naging klasmet ko na siya, bwahahahahhahahahahahhahahahahahahhahaha.

Ang problema ko nga lang e hindi ko magawang magsabi sa kanya, I mean, you know, shy ako e, hihihi, kasi e, naman e, ganda niya e, haaayy..Lagi ko siya pinagmamasdan pero sinisiguro ko na walang nakakakita.

Sa high school napaka-big deal na malaman ng mga ka-klase mo kung sino ang mga crushes mo, para may mapagpiyestahan kapag recess o walang titser. Syempre, may alibi ako para iwas piyesta at iwas asar ako. Kapag may nagtatanong sa akin kung sino mga crushes ko, sinasabi ko halos lahat ng mga kaklase namin babae, para hindi mabisto ang lihim na pag-ibig ko kay Kamil.

Isang araw, habang abala ang lahat sa pagkopya ng lecture namin sa pisara, ako naman ay nagpapansin kay Kamil.

"Kamil, pa-kopya naman ng lecture natin" bulong ko sa kanya

"Nandyan kaya sa blackboard, bakit hindi mo kopyahin?" Nakangiting parang anghel na sabi ni Kamil

"Eh gusto ko ikaw ang magsulat dito sa notebook ko." Sabi ko na sinundan ko ng bungisngis

"Bakit ako pa ang magsusulat para sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Kamil.

Ito na ang tamang pagkakataon, aaminin ko na sa kanya na gusto ko siya, love ko siya.

Sige sasabihin ko nang mahal ko siya...

"Eh tinatamad ako, haha" sabi ko ulit.

"Haay naku, akin na nga yan, ang tamad mo talaga kahit kailan, mangungulit ka lang kaya ayaw mo magsulat, ang childish mo talaga." Nakangiting pagsesermon ni Kamil sa akin.

May mga araw na nagkakausap kami ni Kamil, pero magaling ako magtago ng feelings ko, makulit akong tao at palabiro, kaya nahihirapan ang nakakausap ko na malaman kung ano talaga ang nasa loob ko. Tinawag tuloy ako ni Kamil na "Childish", sa una hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, tunog pagkain kasi.

Laging ganoon na ang ginagawa ko, hindi na ako nakakapag-aral ng maayos dahil sa kakaisip ko kay Kamil, kakaisip kung paano ako magtatapat sa kanya at kung paano niya ako mapapansin. Laging nakatuon ang pansin ko kay Kamil, pati na mga assignments namin ay sa kanya ko narin pinapagawa, 'yun lang kasi ang alam kong paraan para lagi ko siya nakakausap at lagi niya ako nabibigyan ng pansin na walang naiisip na malisya ang mga kaklase ko.

Natapos na ang taon, bakasyon na namin. Pinatawag ako ng adviser namin sa kanyang tanggapan.

"Good afternoon po ma'am." pagbati ko kay ma'am

"Akoni, pasok ka." si ma'am

"Ano nangyari sa'yo? Maganda ang umpisa ng mga grades mo. Sa first grading, nag-top ka pa sa buong klase, pero after that wala na. 85 ang pinakamataas mong grades ah, may tatlong line fo 75 ka pa, ano ba ang nangyari sayo? sabi ni ma'am sa akin.

Natameme ako, saka ko na-reliazed ang nangyari sa mga grades ko. Pero huli na ang lahat, bawi nalang ako sa next year, 3rd year na ako.

"Sorry po ma'am, babawi nalang po ako sa susunod na tao." Mahinahon kong sabi kay titser.

"Pero kung pangarap mong makapagtapos na kasama sa top students, sa palagay ko ay mahihirapan ka makahabol." Sabi ni titser na lubhang nagpalungkot sa akin.

Bakit ganoon, noon nasa elementary pa ako, nagtop ako sa buong school namin dahil sa paghanga ko kay Katie Lhuloy. Kabligtaran ngayon, bumagsak ang mga grado ko dahil sa kagustohan kong mapansin ni Kamil.

Unang Epek sa akin ng pag-ibig.

Saturday, March 26, 2011

What's up YOH! Mother-father!!!


ADVANCE
Happy Mother's day and Father's day



Inumpisahan ko din naman ang usapan mag-ama sa last post ko, e lubosin ko na. Tutal malapit na ang mother's day and father's day.

Ganito 'yun, walang magawa noon si Mother-father nang magpaalam ako na mangingibang bansa nalang ako, wala kasi nangyayaring pag-usad ng akin buhay sa pilipinas. Nakapagtapos nga ako ng pag-aaral pero patuloy parin ako umaasa sa kanila.

Ang igsi ng buhay, hindi natin alam kung kailan ito mawawakasan. Para sa akin, ang pinakaimportante ay ang masuklian ko ng pagmamahal ang pagtitiis, paghihirap, sakripisyo at pagmamahal sa akin ng mga magulang ko. Ang bigyan sila o tulongan sila maging mas maluwag ang kanilang pamumuhay, 'yan ang ilan sa alam kong paraan para makabawi naman ako sa kanila kahit papaano.

Humihina na si Mother-father, gusto kong magpahinga na sila sa bahay. Gusto ko ako naman ang kumayod para sa kanila. Pinaghirapan nila ako mula unang baitang hanggang sa pakapagtapos ng pag-aaral. Lagi silang nandyan anuman oras. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang mga magagandang payo nila sa akin, at ang pagmamahal na nagpapatibay sa akin, iyan ang ilan sa matinding baon ko dito sa bansang mayaman sa alikabok.

Sobrang naho-home sick ako noon una, sa unang pagkakataon kasi nahiwalay ako sa akin mother-father, magising na hindi sila ang unang taong makikita ko at matulog na hindi sila ang huling taong makikita ko. Ang hirap, halos lahat ng routine ng buhay ko noon ay naiba.

Ang buhay dito ay mahirap emotionally, kaya lagi ko namimiss si mother-father. Ang buhay dito ay mahirap na masaya, masaya dahil napapaligaya mo ang mga mahal mo sa buhay, nagkakaroon ka ng mga pangarap at nagkakaroon ng pag-asa sa buhay. Mahirap dahil hindi ito ang nakasanayan mo at kinalakihan mo, hindi ito ang iyong tahanan, mahirap tumira sa bahay nang may bahay, alipin ka dito, nandito ka para pag-silbihan sila.

Isa lang ang nagpapasaya sa akin dito, ang marinig ang salitang "Anak, salamat...." mula kay Mother-father.

Gusto ko

Magiging mabuting ama kaya ako?

'yan ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing naiisip kong malapit na akong maging ganap na ina, nakakakaba pala. Punong puno ako ng mga plano para sa kanya, excited na talaga ako sa kanyang pagdating.

Sana 'wag muna magunaw ang mundo sa darating 2012 dahil gusto ko siyang makasama ng matagal, gusto ko siyang makitang lumalaki, gusto ko siyang bigyan ng mga magagandang payo, hahahaha, gusto kong umakyat sa stage sa graduation's day niya, gusto ko siyang turuan ng mga diskarte sa buhay, gusto ko siyang maging mabuting tao, gusto ko siyang maging matakotin sa diyos, gusto ko siyang mapalo, at gusto kong maging ama.

Sa tingin mo magiging mabuting tatay na ba ako?











Friday, March 25, 2011

Blog-ibig page4


Unang sibol ng pag-ibig: Sa wakas


Sayang hindi ko klase ang babaeng mestisahin, gusto kong malaman ang pangalan niya, pero paano? Ayaw ko naman tanongin si Katie Lhuloy kasi nahihiya ako sa kanya, saka baka malaman ng iba tapos tuksohin nila ako, naku mas gugustohin ko nalang mag-oral recitation sa klase.

Buong araw siya ang nasa isip ko, mula noon makita ko siya ulit ay pinangarap ko na siya. Pero hanggang dun lang muna ako dahil hindi ko pa alam kung ano ang gagawin at saka nahihiya ako, ni-pangalan pa nga niya hindi ko alam e.

Kaya tulad ng dati, lagi ko nalang siya inaabangan tuwing umaga, maaga ako pumapasok sa school para siguradong makikita ko siya. Magkatabi ang section namin, kaya magkatabi ang line namin tuwing flag ceremony, doon lagi ko siya tinitingnan at nag-uumpisa maging maganda ang araw ko hanggang kinabukasan ulit.

Si Iya Khin ang naging malapit kong kaibigan sa mga kaklase kong babae, maganda din siya, matalino at gustong gusto ko ang kanyang mga mata, napakamahinhin din niya magsalita.

Minsan sabay kaming naglalakad pauwi kasama namin ang best friend ko, si Acre Diamond. Crush din ni Acre si Iya Khin, pero hanggang doon lang din daw siya, masaya na siyang nakakasama niya minsan pauwi si Iya Khin, pag-aaral kasi ang priority ni Acre. Hindi alam ni Acre na may gustong gusto akong babae sa kabilang section, sinisekreto ko kasi 'yun kahit kanino.

Isang araw, na-leyt ako sa school dahil hindi ako nagising ng maaga kaya napagsarhan ako ng gate, at recess na ako nakapasok. Pagpasok ko, wala pa ang titser namin, nakita kong nagtatawanan/nagkakasiyahan ang mga klasmets kong lalake sa may bintana.

“Hoy, ano yang ginagawa niyo dyan? Sino yan sinisilip niyo?” pasigaw kong tanong sa mga loko.

“Si Kamil pare, ang ganda niya oh.” Sagot ng isang klasmet ko at nagtulakan sila at nagtuksohan.

Ang mga babae naman ay busy sa pag-uusap.

“Sinong Kamil?” tanong ko ulit.

“Si Kamil Shake, ‘yung taga kabilang section.” Sagot ulit ng isa pang loko.

“Halika nga rito para makita mo” sabi ng isa pang loko at tawanan ang mga loko.

Kaya lumapit din ako, nakita ko maraming mga babae, naglalaro sila ng volleyball.

“Sino si Kamil Shake dyan?” Tanong ko sa kanila.

“Ayun pare, kita mo ang ganda niya oh, ‘yun may head band na kulay puti.” Sabi ng katabi kong loko.

Napa-wow ako sa akin isip.

Kamil Shake pala, Kamil Shake pala ang pangalan ng babaeng mestihan. Sa wakas, alam ko na ang pangalan niya.

Itutuloy…

Thursday, March 24, 2011

Ano kaya...

ANO KAYA KUNG...



Ano kaya kung hindi na tayo mamatay?

Ano kaya kung hindi na tayo nagkakasakit?

Ano kaya kung hindi na tayo natatae at naiihi?

Ano kaya kung hindi na tayo bumabaho?

Ano kaya kung lagi nalang tayo in-love?

Ano kaya kung puwedi na tayong lumipad at mag-teleport?

Ano kaya kung kahit anong hilingin natin ay makukuha natin?

Ano kaya kung hindi na tayo makakaisip ng masama?

Ano kaya kung wala na tayong nakikitang panget na bagay, tao o lugar?

Ano kaya kung lahat ay libre?

Ano kaya kung hindi na natin kailangan ang salapi o kahit anong yaman?

Ano kaya kung bawat isa sa atin ay may sariling kaharian?

Ano kaya kung hindi na natin sinasamba ang diyos?

Ano kaya kung lahat tayo ay may powers?

Ano kaya kung puweding magkaroon ng maraming karelasyon at walang selos na nagaganap?

Ano kaya kung hindi na tayo napapagod?

Ano kaya kung hindi na natin kailangan pa magtrabaho?

Ano kaya kung itigil ko na ito?

Posible...

Kung mangyari ang lahat ng iyan, dalawa lang ang ibig sabihin. Patay kana at nasa paraiso ka, dahil doon ay puweding mangyari ang lahat ng mga "Ano kaya..."

haaayyy ano kaya kung matulog na ako? Ala una na eh.



Wednesday, March 23, 2011

Coincidence o destiny?

Paalala: Hindi ito debate tungkol sa coincidence o destiny, ito ay pasasalamat sa dalawang tao na naging kaibigan ko dito sa blog sphere.
Akoni na ang sobrang busy ngayon araw, kaya hindi ko muna naisulat ang next page ng “blog-ibig” ko, tinamad na kasi ako dugtongan dahil sa kapagoran ko ngayon.
Kung iyong mapapansin bagong bihis ngayon ang bahay ko, diba? Ang ganda noh? Kulay brown, parang brownies cookies lang, astig na masarap pa.
Gawa yan ng dalawang beautiful ladies choice friends ko, si KAMILA at IYA. Ang dalawang babae na unang naging friendship ko dito sa blog sphere. Lab ko na ata silang dalawa (chooossss), kasi sobrang bait nila at kulet din (choosssssss), everyday twits kaming tatlo, hahaha.
Minsan talaga may mga hindi ka inaasahan na biglang may makikilala kang tao dito sa mundo at magiging magaan ang loob mo sa kanila. Oo magaan ang loob ko sa dalawang babae na ‘yan!!! (Boses kontrabida)
Alam niyo ba kung bakit silang dalawa ang unang naging friends ko dito at nagiging close pa?
Kasi nasusulat ‘yan e…
“AKONILANDIYA”, ‘yan ang blog title ko, hindi ba? Kung iyon papansinin maigi at gagamitan ng kunting likot ng isip may mapapansin ka dyan. Titigan mo muna ng mga ilang minuto,
1
2
3
4
5
Oh okay na? may napansin ka? astig diba? Kaya sila ang unang naging friendship ko dito dahil nasusulat ang pangalan nila sa blog title ko, coincidence o destiny?
Explain natin ng maayos kung saan sa “AKONILANDIYA” ang name ni Kamil at Iya.
AKONILANDIYA, syempre “ako” ang nasa unahan dahil ako ang may-ari ng blog site na ito.
AKONILANDIYA, si Ila o Kamila ang unang babae na naging kakilala/friend ko dito sa blog sphere.
AKONILANDIYA, si Iyan naman ang sumunod na naging friend ko dito.
At sumunod na ang iba at susunod pa ang iba.
AKONILANDIYA
Ano sa tingin mo Coincidence o destiny?

Tuesday, March 22, 2011

Blog-ibig page3

Episode 1
Episode 2

Puppy love 3

First year high school, medyo naiitindihan ko na kung anong klaseng feelings ang nararamdaman ko kay Katie Lhuloy. Ganun nga ang ginawa ko, kung saan siya nag-aral, doon din ako pumunta at kami ay magkaklase na muli...ayyiiiiiiiii..

After 3 months, unti-unti nang nag-iiba ang feelings ko kay Katie. Hindi ko maitindihan kung ano ang nangyari, bigla kasi naiba ang feelings ko sa kanya. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay nawawala ang feelings ko sa kanya, nagagandahan parin naman ako sa kanya pero 'yung ganda na masarap sa mata pero walang kurot sa puso.

Siguro dahil sa nagkaroon na ng maraming kakompentensya ang kanyang kagandahan at katalinon sa school or siguro dahil sa sinasabi nilang panandalian pag-ibig, ang puppy love. Pero ang magandang nangyari ay naging magkaibigan kami, at nakakapag-usap na kami na hindi ko na nararamdaman maihi at matae.

                                                                               -Wakas-

Unang sibol ng pag-ibig: Siya nga


Marami na akong nagugustohan na mga babae lalo na sa mga klasmets ko, isa na rito si Iya_khin. Pero lihim na pagtingin lang ako dahil ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko at kaklase ko, ayaw kong tuksuhin nila.

Isang araw wala ang first period titser namin, kaya habang nagkakagulo sa loob ang mga klasmets ko na makukulit, ako naman ay nakatayo lang sa may pintuan namin. Takaw-pansin ko ang babaeng naglalakad patungo sa kabilang section, napatitig ako sa kanya at napasigaw ang isip ko.

"Wooowwww...Ang ganda naman niyaaaaaa.."

Pero wait, pamilyar sa akin ang babae na ito. Pilit kong kinalikot ang akin utak para hanapin ang alaala kung saan ko unang nakita ang magandang babae na nakikita ko. Napalingon siya sa akin, siguro napansin niyang naka-kunot-noo ako dahil nga sa pag-iisip ko, kaya natawa siya at nginitian niya ako. Huwaw, ang ganda ng ngiti, muntikan na akong mapasigaw ng "ta'aaaaahhoooooooo....".

Nagulat ako sa akin nakita dahil bago siya pumasok sa kanyang klasrum ay nag-usap muna sila sandali ni Katie Lhuloy.

"Huuuwaaaaattttt, magkakilala sila?" sa isip ko.

Pagkatapos noon ay biglang may naalaala na ako,

"SIYA NGA!!!" pabulong kong sigaw.

Siya si babaeng mestisahin, 'yung transferee sa school namin noon elementary pa ako. Oh em ge, sobra akong nagandahan sa kanya, lalo pa siyang gumanda, at dalagang-dalaga na si nene.

Hindi ko alam, pero kakaiba na naman ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nadidiligan ng kanyang kagandahan at matamis niyang ngiti ang seed ng pag-ibig sa akin puso.


Itutuloy....

Monday, March 21, 2011

Blog-ibig page 2

Episode 1

Puppy love 2

Grade five, nagkahiwalay kami ng section ni Katie Lhuloy. Sobrang nalungkot talaga ako, gusto kong ipaalam sa titser ko na lilipat sana ako sa kabilang section kung saan nandon si katie, pero hindi ko kaya. Madalas o araw-araw ay nale-late ako sa first period namin dahil dumadaan muna ako sa room nila Katie, ganun din kapag recess time lagi siya inaabangan sa may pintuan. Naging ganun na ang routine ko sa school, araw-araw umaasa na ngitian man lang ako ni Katie.

Hanggang sa isang araw ipinatawag ni titser si mama, para isumbong ako. Bakit daw ako laging late sa first period e ako daw ang isa sa pinakamaagang pumasok school, lagi daw ako una sa flag ceremony, isinumbong ako na may pinupuntahan daw ako after ng flag ceremony, tama nga siya. Pinupuntahan ko nga ang babaeng nagtanim ng seed ng pag-ibig sa puso ko.

Haist! pahamak talaga sa puppy love life ang titser ko. Pero for the sake of puppy love, pinagalitan man ako ni mama hindi ko parin tinigilan ang ginagawa ko, patuloy ko parin pinagmamasdan at pilit inaalam ang feelings na nararamdaman ko kapag nakikita ko si Katie. Basta ang alam ko, masaya ang araw ko kapag nakikita ko siya, tumutubo na ata ang seed ng pag-ibig sa fresh na fresh at walang kagalus-galos kong puso.

Sa kalagitnaan ng taon, mayroon na naman bagong dating na transferee sa school namin at magka-klase kami. Sa pangalawang pagkakataon, humanga na naman ako sa isang babae. Pero dahil may Katie Lhuloy na ako, hindi ko siya pinapansin. Ang tumatak lang sa aking isipan ay maputi siya, matangkad, bilog ang mga mata, magaling manamit, malinis, at hangbango niyahahahaha, in short, mestisahin.

Pero may plano ata ang mestisahin na mag-aral sa lahat ng school sa buong Pilipinas, dahil mga tatlong buwan lang ata ay umalis na naman sa school namin, lumipat na naman daw, kalokray siya.

Namroblema ako noong graduation day namin, hindi dahil sa ako ang naka-assigned para mag-pray sa stage kundi namroblema ako dahil magkakahiwalay na kami ni Katie, gusto kong alamin kung what school siya mag-aaral ng kanyang high school.

Dahil desperado na ako, naglakas loob akong tanongin siya. Wala nang klase noon, nagpapractice lang kami para sa amin graduation ceremony.

Lumapit ako sa kanya, habang nakaupo siya mag-isa.

"Katie, saan school ka mag-aaral ng high school?"  Diretsahan kong tanong sa kanya na parang ikinagulat pa niya. Sa mga oras na 'yun, pakiramdam ko ay naihi na ako sa akin salawal, ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at panlalamig ng buong katawan ko.

"Ha?!! sabi ni mommy sa (Insert name of school) daw ako." sagot niya sa akin na nakatitig parin sa akin, dahil sa titig niya hindi ko na kinaya, kaya bago pa ako matae sa harapan niya ay umalis na ako bigla. Hindi ko alam kung nagalit siya o hindi sa ginawa ko, pero kung alam lang niya sana.


Itutuloy...


Note: Ipapaalam ko sana, kung puwedi kong magamit ang mga pangalan niyo para sa mga tauhan ng kwento ko, hehehe. Salamat

CONGRATS SA LAHAT NG GA-GRADUATE, GOOD LUCK SA INYONG LAHAT!

Thanks to Katie Lhuloy



Sunday, March 20, 2011

Blog-ibig

Puppy love

"Bye...anak, I love you." sabi ni mama matapos niya ako ihatid sa gate ng school namin.

Grade 4 ako noon, at hatid sundo parin ako ni mama, lagi parin niya ako inaalagaan at binabantayan. 10 years old na ako sa time na 'yun, sa edad na yan ay nagsimula na akong makaramdam ng tinatawag na libog pag-ibig.

Nagkaroon ako ng crush, transferee siya, unang kita ko palang sa kanya ay nagkagusto na ako o humanga sa kanya. Hindi familiar sa akin ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya at tuwing nakakatabi ko siya, basta masarap ang feeling.

Dalawa o tatlong beses na ako naliligo araw-araw, laging nakasuklay ang buhok at makintab dahil sa pomade ni lolo, may kusa na akong maglinis ng akin katawan. Madumihan lang ako ng kunti ay ligo na ako agad, kaya ganoon nalang ang tuwa sa akin ni mama dahil hindi na niya ako kailangan pang bungangaan at kaladkarin sa banyo para paliguan.

Siya si Katie, maganda, matalino, maputi, bilog ang mga mata, at ang ffooowwlah-foowwllah ng kanyang mga labi. mwah!

Magaling siya magbasa, kaya kapag tinatamad ang titser namin, siya ang tinatawag ni titser para turuan kami magbasa, in front. Ako naman dahil sa gusto kong mapansin ni Katie, lagi ako nagbo-volunteer.

Kinikilig ako kapag binubulong niya sa akin ang mga tamang letra, parang boses lang niya ang naririnig ko sa akin mundo. Pinagpapawisan ako at parang nanghihina kapag nahahawi ko ang malalambot niyang kamay at lagi ako nakatitig sa mapupula niyang labi, haaayyyyy, I am so inspired that time sa akin pag-aaral. Dahil doon, sa pagtatapos ng eskwelahan nasabitan ako ng medalya sa unang pagkakataon.


Itutuloy...

Saturday, March 19, 2011

Agree

Araw ng sabado ngayon, umpisa ng working days namin dito sa Saudi. Nakakatamad pagganitong Sabado, nakakaantok. Kung pwedi lang sana iwasan noh? hay naku, makakain nga lang ng spanish bread.

Tayong mga tao sadyang may mga bagay na gusto natin iwasan o maiwasan, agree? Isa na dito ang masaktan, agree? Syempre sino ba naman kutong lupa ang nag-eenjoy sa sakit at pait na nararamdaman niya, agree? Edi para na siyang tanga-ewan-gago-epal-kupal-satdapak-sanamagan, agree?

Lahat tayo ay naghahangad ng kaligayahan at kasaganaan o kapangyarihan dito sa planetang so called Earth, agree? 'Yung iba pa nga dadaanin sa masamang paraan makamtan lang ang hinahangad, kahit itanong mo pa sa Ampatuan, agree?

Minsan magulo ang pagkakaitindi natin sa mga bagay-bagay sa atin paligid, agree? Halimbawa kung alin ang tama, kung ano ang mali, o kung alin ang tamang daan na dapat natin tahakin, agree? Naisip ko, parang Sudoku at crossword puzzles ang buhay, alam mo ang mga games na 'yan, agree? mga paborito ko yan libangan, parang ganun kasi ang buhay natin, pipilitin maging perpekto para sa huli tama ka at hindi nagkamali, agree?

Nakakalungkot nga lang dahil sa realidad, kahit anong pilit mo maging perpekto ang buhay mo ay lagi parin may mali, agree? Mga pagkakamaling dumadaan o nadadaanan ng buhay mo dito sa earth, agree? Pero habang tumatagal ang pananatili natin sa planetang ito, lumalalim din ang pagkakaintindi natin sa atin buhay, agree?

Minsan may mga pagsubok na nararanasan natin na muntikan na tayong magbaril sa dibdib o minsan gusto na natin sumuko dahil pagod na tayo, nasasaktan na tayo at nahihirapan na sa sariling pagkakamali, pero hindi parin natin magawang sumuko, agree? Kasi kailangan parin natin ipagpatuloy ang drama ng atin buhay dito sa mundo at umasa parin na may pag-asa pang darating sa atin buhay, agree?

Sabi nga ng bus driver namin, "Parang pagtakbo daw ang buhay, kapag nagkamali ka sa iyong hakbang siguradong madadapa ka, pero madapa ka man kailangan mo parin bumangon para magpatuloy, agree?"

Ang importante, hindi ka sumuko, itinuloy mo ang laban, hindi ka man nagtagumpay at least iiyak ka na walang pag-sisisi, iiyak ka nalang dahil ganoon talaga ang naging kapalaran mo, kahit ginawa mo na ang best mo, agree?

Alam ko, lahat ng mga pinagsasabi kong ito ay alam na ninyo, hindi ako nagmamagaling, likas lang kasi sa atin mga tao ang pagiging makakalimutin, at dahil tao ako makakalimutin ako, kaya pinapaalalahanan ko lang ang aking sarili, ang sarili ko mismo, nasa sa'yo na yan kung nakarelate ka o hindi, agree?

11: 44 am na, gutom parin ako, agree?

Tanong: Ilang beses nabanggit ang salitang "agree"?

Friday, March 18, 2011

Akoni-akoni-akoni

"Bakit Akoni?" tanong ni tabian much.

Matagal ko nang naiisip na e-blog ang tungkol sa name ko na "Akoni", pero nakakaligtaan ko lang, na-reminded lang ako ni tabian much kahapon don sa comment na iniwan niya sa blog ko.

Sa totoo lang screen name ko lang naman ang Akoni e, ang totoo ko talagang pangalan ay Bruce Wayne, yeah! You read it right, Bruce Wayne, you know.

So, Bakit Akoni?

Ganito yan, tatlo kaming magbabarkada, as in we are best of friends. Kapag magkasama kaming tatlo, naku, rumble sa kalokohan ang dating at laugh trip.

Sample kalokohan namin? 

Isang araw sa Canteen, umorder kami ng tatlong soft drinks at "hindi ko matandaan". So, naunang ibinigay sa amin ang tatlong softdrinks na FANTA, at habang hinihintay namin ang order namin na "hindi ko matandaan", umandar na naman ang kalokohan namin sa katawan, nagkatitigan kaming tatlo na parang iisa lang ang naisip, napagtripan namin ang fanta, nilagyan namin ng black pepper, gatas, toyo, toothpick at kung anu-ano pang nasa ibabaw ng lamesa. Syempre, ininom namin, aba!!! putcha-ang-tae-ng-lasa, hahaha, halos masuka na kami, hahaha.

'Yong isa sa amin ay sobrang payat, lagi namin tinutukso at tinatawag na Anthony Pagti (payatot). Pero hindi dyan nagsimula ang name ko na "Akoni", pinapahaba ko lang itong entry ko, hahaha.

Itoni nani, katuwaanni langni naminni nani lagyanni ngni "ni" sani duloni angni lahatni ngni sasabihinni naminni, gets mo? hehehe..Oo mas nauna pa kami sa mga jejemon gulohin at paglaruan ang Alphabet natin, hindi nga lang sumikat ang sa amin.

Pero hindi rin namin natagalan ang ganyan pagsasalita, ang sakit sa dila at ulo. Ang nangyari nalang ay kapag sasagot kami or tatawag kami sa phone.

Halimbawa:

Ako: Helloni?!

Tinawagan: Sino 'to?

Ako: Akoni, sinoni?

Mula noon, naging expression na namin ang "Akoni at sinoni", at ngayon ay ginagamit ko na as my screen name ang "Akoni" dahil naaalala ko ang dalawang best friends ko.

The End.

Se7en facts

So, it finally happened— I've been tagged by MAYEN the author of Clicks and Cuts to write seven random fuck facts about my self. So it's about time to shake things up with something personal.






The rules are:

1. Thank the person who gave you this award.
2. Share seven facts about yourself in the post.
3. Pass on the award along to 7 other worthy bloggers.
4. Tag seven people at the end of your post by leaving their names and the links to their blogs.
5. Let them know they’ve been tagged.

The following are selected se7en facts from a brainstorm.

1. I hate horror movies. I love romantic-comedy movies.
from google





2. I eat toothpaste when I was a kid.
form google



3. I am not afraid of the dark, the dark afraid of me.
from google




4. I’ve been a bad lover.




5. I don’t go out without wearing a cologne or a perfume.
from google





6. I am not so good at describing my self.
from google





7. Now you know.
from google




There you have it. Now I have to tag the people I admire: All the bloggers I am following, I am tagging all of you guys. LOL

It’ll be such a treat if any one of these bloggers will actually do this.

I want to say Thank you to Mayen for giving me this award (Insert tears). Mayen, thank you for giving one to me, you're so sweet. :)

Thursday, March 17, 2011

Kagat ni MASTER

Magtatlong buwan na akong nagba-blog, natanong ko tuloy ang aking sarili.



-Hoy…sarili ko, certified blogger na ba ako? Marami na akong naisulat na blogs at naipost sa loob ng tatlong buwan, full pledge blogger na ba ako? Pagtatanong ni akoni.



-Hindi ko alam, sabay tayong pumasok sa mundo ng blogging, diba?” sagot ng aking sarili.



-Oo nga noh? Salamat- sagot ni akoni.



-Bakit hindi mo nalang tanongin ang mga kaibigan mong bloggers na mas nauna sa’yo? Ang “the elders” ika nga, imbes na ako ang tanongin mo. Nagmumukha ka lang tangang-kyut. pagsesermon ng aking sarili.



Tandang-tanda ko pa noong araw bago ako matuto magsulat, nag-umpisa ito isang gabi ng November 2010.

Wala akong magawa kaya lumabas muna ako, nagsindi ng sigarilyo at naupo sa isang madilim na sulok, hindi ko alam kung ano ang trip ko sa gabing ‘yon.



Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ko na rin pundohan ng usok ang aking baga, kaya naisip ko matulog na. Tahimik ang buong paligid, tumayo ako at sinulyapan ang aking relo, alas dose na pala ng hating gabi. Papasok na sana ako, nang biglang may umakbay sa akin.
Magkasabay ang pagkagulat ko at ang sakit na naramdaman ko, may tumusok na matalas sa leeg ko, putcha kinagat ako ng isang bampira.



Ang sakit, pero parang hindi naman niya sinipsip ang dugo ko, pakiramdam ko pa nga dinadagdagan niya ito, dahil may nararamdaman akong dumadaloy  na parang tubig sa mga ugat ko na namumula sa matatalas niyang pangil na kabaon sa leeg ko. Ramdan na ramdam ko na kumakalat ito sa buong katawan ko.

Tangin yun lang ang naaalala ko sa gabing ‘yun. Hanggang sa isang araw pagkagising ko, may nakita ako na sulat sa ibabaw ng side table ko.



Binasa ko…



Akoni,



Kung binabasa mo na ito, ibig sabihin ay isa ka nang blogger. Isinalin ko sa iyong dugo ang kapangyarihan na makapagsulat, ang kapangyarihan magkaroon ng imahe ang mga guni-guni at mga kalokohan sa utak mo, sa pamamagitan ng papel o sa mga makabagong teknolohiya. Nakita kong maraming kalokohan at mga guni-guning ligaw dyan sa utak mo at sayang lang kung hindi mo ito ilalabas. Maganda man ito o hindi, nakakatuwa man ito o hindi, at least may masasabi kang galing mismo sa ideya mo at matatawag mong sariling iyo. Makakatulong din ito sa’yo, sa utak mong may pagkabobo.

Welcome sa lahi ng mga bloggers

P.S.
Sana ay maging asset ka sa amin.

Kumagat sa’yo,
Bob Ong


Tuesday, March 15, 2011

zzzzzzzz

Time check: 11:00 pm

Blog muna bago matulog. *hikab*

Napapansin ko ang hahaba pala ng mga blogs ko, hahahaha *hikab*. Kaya ngayon, ako'y susulat ng maigsi. 

Isip muna ako ng magandang topic *Hikab*, haaayy wala akong maisip, bukas nalang ako mag-iisip ng magandang topic na isusulat.

Inaantok na ako, nararamdaman kong lumalabas na naman ang mga pangil ng gabi, kakagat na naman ang dilim. Pero sa lahat ng kagat, ang kagat lang ng dilim ang pinakagusto ko, dahil sa dilim ako'y nangangagat din, hahahaha *Hikab*.

Shet, ito na nararamdaman kong niroromansa na ako ng antok, nanghihina tuloy ako, napapapikit tuloy ang aking mga mata sa sarap. Kailangan ihiga ko na ito, sayang ang ligayang maidudulot sa akin ni antok, oooohhh yeeaahh..sige pa antok dahlin mo ako sa kandungan ni tulog, bilisaaannn moooooo.

Wwwwoowwww...aaaanngggg...ssss.....sssaaarraaa...ppppp....matulog.


Monday, March 14, 2011

DIARY

Dear diary,

Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kita kasi.

Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba?. Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.

Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.

Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!

P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.

(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)

Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!

Namimiss ka,
Akoni

Sunday, March 13, 2011

Ang kapatid ni Rodel


Magkapatid si Rodel at Dennis, 6 years old si Dennis at 22 years old naman si Rodel, hindi normal na bata si Dennis dahil may kapansanan ito, special child. Hindi matanggap ni Rodel na abnormal ang kanyan bunsong kapatid.



Isang araw, umalis ang kanilang mga magulang, ipinagbilin nila kay Rodel na bantayan ang kanyang kapatid. Hindi na nagsalita si Rodel at umalis narin ang kanilang nanay at tatay.

Pagkalipas ng ilang oras ay may nakitang kabayo si Dennis sa labas,


“Uyaaaaa…rrr….ooodddeeddd’’llll…annooopp…ppppooooo…eiiiiieeiiieeyyooooonnnn..?” 
pautal na tanong ni dennis habang nakadungaw sa bintana. 

Hindi pinapansinin ni Rodel ang kanyang kapatid, pero paulit-ulit pa rin sa pagsasalita si dennis, nairita na si Rodel sa ingay ng kanyang bunsong kapatid, naiistorbo ito sa paglalaro ng poker sa facebook. Nilapitan niya si dennis at itinulak sa bintana, nahulog at namatay.


Paliwanag niya sa kanyang magulang, hindi niya napansing nahulog si Dennis.
 
Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-abroad si Rodel, nabalitaan din niyang buntis ang kanyang nanay, kaya natuwa ito, nanalangin na sana ay normal ang maging kapatid niya.


Pagkalimpas ng 6 na taon, bumalik na si Rodel sa kanila. Mag-aanin na taon narin ang kanyang kapatid at excited na itong makita, dahil normal na ang kanyang kapatid.

Sa ilang araw na pananatili ni Rodel sa kanila ay naging close sila ng kanyang kapatid, lagi silang magkasama at masaya.

Isang araw, tinawag si Rodel ng kanyang bunsong kapatid.

“Kuya Rodel hali po kayo dito, tingnan po ninyo ung rainbow ang ganda…” natatawang sabi ng cute na kapatid ni Rodel habang nakadungaw sa bintana.

Nilapitan ni Rodel ang kanyang kapatid at tiningnan ang itinuturo nitong rainbow.


“Oo nga, ang gandaaaaa…woooowww..ganda talaga noh?” sabi ni Rodel

Pagkatapos magsalita ni Rodel ay biglang tumakbo ang bata sa kanyang kwarto, na ipinagtaka naman ni Rodel. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at tinanong kung bakit bigla nalang siya tumakbo.

“Bunso, bakit ka tumakbo?” pagtatanong ni Rodel

“Kasi po baka itulak niyo po ako ulit” sagot ng kapatid ni Rodel.