nuffnang

Sunday, March 13, 2011

Ang kapatid ni Rodel


Magkapatid si Rodel at Dennis, 6 years old si Dennis at 22 years old naman si Rodel, hindi normal na bata si Dennis dahil may kapansanan ito, special child. Hindi matanggap ni Rodel na abnormal ang kanyan bunsong kapatid.



Isang araw, umalis ang kanilang mga magulang, ipinagbilin nila kay Rodel na bantayan ang kanyang kapatid. Hindi na nagsalita si Rodel at umalis narin ang kanilang nanay at tatay.

Pagkalipas ng ilang oras ay may nakitang kabayo si Dennis sa labas,


“Uyaaaaa…rrr….ooodddeeddd’’llll…annooopp…ppppooooo…eiiiiieeiiieeyyooooonnnn..?” 
pautal na tanong ni dennis habang nakadungaw sa bintana. 

Hindi pinapansinin ni Rodel ang kanyang kapatid, pero paulit-ulit pa rin sa pagsasalita si dennis, nairita na si Rodel sa ingay ng kanyang bunsong kapatid, naiistorbo ito sa paglalaro ng poker sa facebook. Nilapitan niya si dennis at itinulak sa bintana, nahulog at namatay.


Paliwanag niya sa kanyang magulang, hindi niya napansing nahulog si Dennis.
 
Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-abroad si Rodel, nabalitaan din niyang buntis ang kanyang nanay, kaya natuwa ito, nanalangin na sana ay normal ang maging kapatid niya.


Pagkalimpas ng 6 na taon, bumalik na si Rodel sa kanila. Mag-aanin na taon narin ang kanyang kapatid at excited na itong makita, dahil normal na ang kanyang kapatid.

Sa ilang araw na pananatili ni Rodel sa kanila ay naging close sila ng kanyang kapatid, lagi silang magkasama at masaya.

Isang araw, tinawag si Rodel ng kanyang bunsong kapatid.

“Kuya Rodel hali po kayo dito, tingnan po ninyo ung rainbow ang ganda…” natatawang sabi ng cute na kapatid ni Rodel habang nakadungaw sa bintana.

Nilapitan ni Rodel ang kanyang kapatid at tiningnan ang itinuturo nitong rainbow.


“Oo nga, ang gandaaaaa…woooowww..ganda talaga noh?” sabi ni Rodel

Pagkatapos magsalita ni Rodel ay biglang tumakbo ang bata sa kanyang kwarto, na ipinagtaka naman ni Rodel. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at tinanong kung bakit bigla nalang siya tumakbo.

“Bunso, bakit ka tumakbo?” pagtatanong ni Rodel

“Kasi po baka itulak niyo po ako ulit” sagot ng kapatid ni Rodel.

21 comments:

  1. ganda ng pagkakasulat mo..reincarnation ang nangyari..

    ReplyDelete
  2. magaling ka..bilib ako sa sinulat mong ito..

    ReplyDelete
  3. waaaaaah..nakakakilabot naman yun... pero super bow naman ako dun sa mga marunong magpalaki ng ganun.. I mean.. I mean... super taas ng pasensya nila... bow na bow..

    ReplyDelete
  4. wwaahhh..ini-edit ko pa...haha

    Arvin - thank you arvz..fan din ako ng mga sulat mo..ang deep at daming aral..

    Kamila - kaya nga, saludo ako sa kanila...may kinakapatid akong ganun

    ReplyDelete
  5. parang hindi ikaw to.. naligaw ata ako ng blog. ahaha

    ReplyDelete
  6. hahaha rap...wag kang mag-alala nasa tamang daan ka..hahaha

    Kiko - hahaha ka din.

    ReplyDelete
  7. hala mumu!!! reincarnation? bad si kuya!!

    ReplyDelete
  8. hala.... nagbabalik ang kapatid.

    ansama nung kuya ng bata

    ReplyDelete
  9. nakakagulat.ang lufet ng ending.

    ReplyDelete
  10. sa ginawang asal ni ROdel tila siya ang wala sa tamang pag-iisip. hay buhay.

    ReplyDelete
  11. ano na nangyari sa rainbow at kabayo?

    ReplyDelete
  12. Iya_khin - parang ganun nga..hehe..super bad..pero hindi ako yan ah..haha

    Khantotantra - una, nahihirapan ako bigkasin ang screen name mo..haha..ansama nga, pero hindi ako yan..haha, hindi rin ako ang bata..hehe

    Diamond R - nanggugulat lang ako..hehe

    Bino - Oo pre,galing mo..

    Musingan - ung rainbow syempre tumakbo ng tumakbo tapos ang kabayo nawala din dahil umambon.

    ReplyDelete
  13. may ganon na ah hehe.. galing parekoy ah..

    dpat ng kabahan si reodel nito... :)

    magandang araw parekoy

    ReplyDelete
  14. katakot ahaha. horror story, anu kaya reaksyon ni rodel don?

    ReplyDelete
  15. waaahhhhh! katakot! Kulba my HEART, kurog my FEET!!..hahahaha! kung ako si rodel, tatakbo ako!!!..hehee.. whew! nice story! Dong akoni..:D

    ReplyDelete
  16. halaka! naalala ko tuloy nung huminto ako ng pag-aaral, ako ngalaga ng sis ko baby pa sya non at accidentaly syang nalaglag sa bintana..she's still alive and kicking! literally! jeje...

    nice story...nkakatkot naman sya ngayon..!

    ReplyDelete
  17. Siguro nahimatay si Rodel noong sinabi ng kapatid niya yon. :-D

    ReplyDelete
  18. Istambay - thanks pare...haha...baka maging special child na si rodel dahil masisiraan ng ulo...haha

    mama - hindi niya gagantihan..hehe..magpapakamatay na si rodel dahil sa ginawa niya, makokosensya na siya..

    Kraehe - Hello kraehe, kayo na magbibigay ng reaksyon, depende sa paniniwala niyo sa justice..hehe

    JOEY - oh my joey, hows your weekends? salamat, wag mong pangarapin maging si rodel..haha..baaaaaaaa!!!may akoni dyan sa likod mo, haaallaaa!!

    Lhuloy - oh my lhuloy my titser..how is you? Buti nalang fine lang sis mo, at good sister ka, good titser pa.

    EMPI - iba naisip ko sa sinabi mong hinimatay,hahaha..ang bading ng dating ni rodel kung ganun..lol.tnx

    ReplyDelete
  19. malalim ang pinaghugutan ng sinulat mong ito..

    ReplyDelete
  20. huwaaah, nagulat naman ako sa ending ng kwento mo!

    pero diba, wala naman talagang secret na hindi nabubunyag?

    ReplyDelete