nuffnang

Thursday, March 24, 2011

Ano kaya...

ANO KAYA KUNG...



Ano kaya kung hindi na tayo mamatay?

Ano kaya kung hindi na tayo nagkakasakit?

Ano kaya kung hindi na tayo natatae at naiihi?

Ano kaya kung hindi na tayo bumabaho?

Ano kaya kung lagi nalang tayo in-love?

Ano kaya kung puwedi na tayong lumipad at mag-teleport?

Ano kaya kung kahit anong hilingin natin ay makukuha natin?

Ano kaya kung hindi na tayo makakaisip ng masama?

Ano kaya kung wala na tayong nakikitang panget na bagay, tao o lugar?

Ano kaya kung lahat ay libre?

Ano kaya kung hindi na natin kailangan ang salapi o kahit anong yaman?

Ano kaya kung bawat isa sa atin ay may sariling kaharian?

Ano kaya kung hindi na natin sinasamba ang diyos?

Ano kaya kung lahat tayo ay may powers?

Ano kaya kung puweding magkaroon ng maraming karelasyon at walang selos na nagaganap?

Ano kaya kung hindi na tayo napapagod?

Ano kaya kung hindi na natin kailangan pa magtrabaho?

Ano kaya kung itigil ko na ito?

Posible...

Kung mangyari ang lahat ng iyan, dalawa lang ang ibig sabihin. Patay kana at nasa paraiso ka, dahil doon ay puweding mangyari ang lahat ng mga "Ano kaya..."

haaayyy ano kaya kung matulog na ako? Ala una na eh.



21 comments:

  1. hahaha, gusto ko sagutin isa-isa pero baka maging mas mahaba pa nag comment ko sa post mo. Pero gusto ko ang mga Ano kaya mong tanong. Gusto ko din mangyari yung iba, kung pwede.

    Have a good night sleep. (-_-) ZzzZz!

    ReplyDelete
  2. andaming tanong. parang nalula ako sa kababasa. ehehehe

    ReplyDelete
  3. Ang daming ano kaya...


    anong powers kaya yon?

    ReplyDelete
  4. doon sa langit lang ito pwedeng mangyari..

    hey pls check my new post..thanks!!

    ReplyDelete
  5. ano nga kaya?

    pero sa totoo lang pag natuloy lahat ng yan dito sa mundong ibabaw... siguro boring. kase nagiging makulay ang buhay sa sinabawang gulay. lol. seryoso, ang mga kakulangan kase ang pumupuno sa atin, doon tayo natututo at nangangarap...

    ReplyDelete
  6. minsan naakakatakot isipin kapag nagkatotoo lahat yang tanong mong yan.

    pero ang pinakamgnda eh matulog k n nga lang. haha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  7. sa komento ko'ng ito, sigurado gising ka na. puro ka ano kaya! joke! hehehe pero tama ka na sa paraiso lang yan matutupad

    ReplyDelete
  8. Ano kaya kung kailangan ka kumaen ng vitamins araw-araw.. tapos yung vitamins Hershey kisses. Waaaah gusto ko yun.. hahahaha

    Pag puro happiness at perfect na ang buhay, wala ng thrill.. kaya ayuko nun.. okay lang bumaho, kumulot ang buhok.. at basta kahit ano pang kapangitan.

    ReplyDelete
  9. Ano kaya kung puweding magkaroon ng maraming karelasyon at walang selos na nagaganap? wwwwwaaaahhhhhhhh!!! di kinaya ng powers ko!!

    ayoko..selosa ako..oo..selosa...gusto ko ako lang.....

    powers? dito maraming may power!! wahahaha

    ReplyDelete
  10. Matulog ka na nga.bukas iba na ang mga tanong at may mga sagot na ang mga bloggers mo dito.

    happy weekend. weekend na dito sa Abu dhabi.

    ReplyDelete
  11. ano kya kung hindi mo ito pinost? ano kaya kung natulog ka na lang nang hindi ka masyadong maraming tanong? hehe..

    pero ang dami dun na gusto ko. sana ganun na lang.. hay..

    ReplyDelete
  12. Sey - hehe...edi kung sagot mo eblog mo..hehe..ang astig noh? kung nasa paraiso tayo.

    Nieco - hahaha..naghahanap lng ng kasagotan at nahanap ko naman.

    Mama - Yun mama ang point ng mga tanong ko..hehe..

    Empi- hindi ko pa alam dahil buhay pa ako..haha

    emmanuel - 'yun nga sinabi ko..hehehe.

    Bolero - Oo hindi dito naman sa mundo ang tinutukoy ko...hehe..doon lahat yan sa langit. malalim ang sinabi mo, cool.

    Kiki-hahaha paano namn nakakatakot e nasa paraiso ka na nga? hindi mo na kailangan, magtrabaho, libre lang, walang panget, walng madumi,etcetera

    Bino - hehehe..kakagisng ko nga lang. ano kaya kung...

    Kamila - hahaha...bibili ako ng isang dump truck na hershey kisses fave chocolate ko yan, mayroon pa ako dito, isang tabo..haha..sabi ko nga sa paraiso lang yan mangyayari. don puro na kaligayahan habambuhay, ayaw mo sa paraiso?

    Iya - hahahaha...mangyayari yan don..haha..wala nang inggitan o selosan na mararamdaman sa paraiso..hehe..anak ng...ibang powers yan ah..haha

    Diamond - ito kakagsing ko lang..haha..weekends na din dito sa amin sa saudi..happy weekends to you.

    Mayen - kung hindi ko ito pinost? hhmmm may mga tanong na minsan hirap sagotin..haha

    -mangyayari lang mga yan sa langit. :)

    happy weekends sa akin at sa iba. :)

    ReplyDelete
  13. halaka...bat nwala ung kinoment kowhz!?

    well ulitin ko nlng...sbi ko dun...ano kaya mgging reaksyon mu kung lahat ng tanong mu ay ngkatotoo...something like that...jejejeje

    ReplyDelete
  14. hmmmm...hindi ko alam Katie Lhuloy, ung nga rin sana itatanong ko sayo e, bakit wala kang comment e online ka naman...hehe..

    anyway, reaksyon ko? magiging masaya ako dahil ibig sabihin patay na ako at nasa paraiso na. something like that..hehe

    ReplyDelete
  15. ang cute ng question mark na tao, parang ako lang..hahahha,, napaka-kumplikado ng mga tanong Dong akoni,kya ayaw kong sagutin,hehehe.pano kaya kung itanong namen ni katie lhuloy sa aming mga Korean students tong mga questions nato???..hahhaha..I can imagine..:D

    ReplyDelete
  16. ang lahat ng ano kaya ay puwede sa pelikula,hehe..o kaya sa komiks..

    ReplyDelete
  17. ano kaya ang magandang isagot dito sa mga tanong na ito... dami na man kasi eh... ehehhe... anyway may mga tanong ka dyan na madalas yun din ang tanong ko sa buhay,, ehehhe... hayst...

    ReplyDelete
  18. nga pala.. maganda ang bago mong bakground.. nice,,, at yung banner...

    ReplyDelete
  19. o nice na yung blog mo chong.. hehehe..

    ReplyDelete
  20. Joey - lalake yan...hahaha..Oo tayo na ang kyut..hehe..haha.sige itanong niyo..LOL..

    Arvin - paraiso ang tinutukoy ko..hehe

    Musingan - Cool diba? hehe..

    kiko - ty

    ReplyDelete
  21. ano0 kaya kung ano ka.....?

    ahhhmmm. ano nga ba ?...
    bahala ka na. hehehe....

    ReplyDelete