nuffnang

Saturday, March 26, 2011

Gusto ko

Magiging mabuting ama kaya ako?

'yan ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing naiisip kong malapit na akong maging ganap na ina, nakakakaba pala. Punong puno ako ng mga plano para sa kanya, excited na talaga ako sa kanyang pagdating.

Sana 'wag muna magunaw ang mundo sa darating 2012 dahil gusto ko siyang makasama ng matagal, gusto ko siyang makitang lumalaki, gusto ko siyang bigyan ng mga magagandang payo, hahahaha, gusto kong umakyat sa stage sa graduation's day niya, gusto ko siyang turuan ng mga diskarte sa buhay, gusto ko siyang maging mabuting tao, gusto ko siyang maging matakotin sa diyos, gusto ko siyang mapalo, at gusto kong maging ama.

Sa tingin mo magiging mabuting tatay na ba ako?











21 comments:

  1. BAAAAAAASSSSEEEEE! :)

    why not diva? go lang ng go! keri yan akoni...
    wag mo lang naman sana agawin yung dede nya(that doesn't sound right)..hehe

    ReplyDelete
  2. Base sa mga gusto mo, i'd say yes. =)
    Excited na rin ako para sa yo!

    ReplyDelete
  3. OO kung yan ang mga gusto mo para sa kanya alam ko magiging mabuting ama ka. Ang swerte ng baby at mahal mo siya at marami kang gusto para sa kanya.

    yung mga bagay na gusto mo para sa kanya sana malaman niya pero ang higit sa lahat iparamdam mo sa kanya na mahal at tanggap mo siya.

    Naiiyak ako! Ewan ko ba. Basta usapang ama at anak nakakaiyak.

    hehehe! You're the best!

    ReplyDelete
  4. nakaktuwa yung picture, ibalik mo yung gatas ng baby...nagmahal pa naman gatas dito sa Pinas. Balik mo yan, huhuhu

    ReplyDelete
  5. hahaha.. kahapon pinagmamasdan ko toh e.. caption pa nga e "Palit muna kami ni baby ng iniinum... hahaha..magpapaantok daw e, ako naman magpapatibay ng buto..you know..hahaha".. haha.. EPIC!
    Tingnan mo si Baby wala na sa wishu, sama n ng tingin sayo! hehehe

    ReplyDelete
  6. sweet naman.. i'm sure magiging mabuting daddy ka. wala nang mahihiling pa ang isang anak kung ganyan ang magiging daddy nya. wag mo na lang syang papaluin. hehe.. pagalitan mo na lang pag nagkamali at explain kung bakit ka nagagalit. mas lalaki syang mabuti tao pag ganun.

    sana maging maayos ang panganganak ng wife mo and maging super healthy ng babay mo!

    ReplyDelete
  7. wow sa post na ito.Usapang soon to be father.

    ReplyDelete
  8. dapat hard yung pinapainom mo. wahaha.

    ReplyDelete
  9. magiging mabuting ama ka... mangyayari yun.. basta ba maging mabait ka lang...

    ReplyDelete
  10. yun oh! magkakajunior na! hehehehehehe... congrats parekoy!

    ReplyDelete
  11. Wow sweet namn ng mga comments niya, parang gusto ko tuloy magdrama..haha..

    tabian - iba ang naisip ko don..hahaha

    Pinay - salamat, kinakabahan lang ako..hehe

    Sey - Salamat, malapit na ang datin niya kaya kung anu-ano naiisip ko..hehe...ung picture, siya ang nakipagpalit sa akin..haha..

    mama - salamat mama..sana mapanindigan ko ang pagiging mabait..hehe

    Jhengpot - hahaEPIC, lashing na si baby...haha..at kuha mo pa caption ko sa fb..haha

    Mayen - sweet naman comment mo, salamat..lahat positive dito ah. haha ung pagpalo kasama na un diba? hehe..pero sige try ko, parang gusto ko lang kasi..haha..salamat sana, sana.

    Diamond - heheh..excited lang.

    Bukal - haha..baby pa e, kaya lights lang muna.

    Empi - thanks yoh!

    Musingan - as always naman mabait ako..hallueerr..haha

    ReplyDelete
  12. Xp - thanks parekoy..excited na me..hahahahaha

    ReplyDelete
  13. Advance Happy father's day dude. Yes you will be a good pop.

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  14. congrats akoni... tatay na!

    hehehe

    nga pla ang agnd ang layout mo...

    paano ba gawin to gusto ko din gumawa

    ReplyDelete
  15. Denase - salamat dude. I will. ramdonshit..ganda ng title..haha

    Uno - salamat din...pinagawa ko lang ito sa iba..:))

    ReplyDelete
  16. hello po! ngayon lang po nakadalaw dito, kaya naisipan na din mag iwan ng koment! :) for sure magiging mabuting tatay po kayo, sa picture pa lang, kitang kita na. haha:)) joke!

    ReplyDelete
  17. BG - hahaha..sa palagay ko tama ka, may ebedisya ako na magiging mabuting ama ako...hahahha..salamat sa pagdalaw at pag iwan ng iyong bakas..hehe

    ReplyDelete
  18. yes... pakyut pa oh! ahahaha.. kawawa naman ung baby... nabubuang na ata ang ama nya.. ahahaha....

    goodlak sa pagiging father mo. naway tumino ka. hehehe... joke. kaya mo yan.

    ReplyDelete
  19. leorap - kaya nga tinatanong kung ano sa palagay mo kung magiging mabuting tatay ako?hahaha..matino ako, kita naman sa picture..haha.

    ReplyDelete
  20. sori late akoni, pero congratulations in advance. wow! tingin ko you'll be a very responsible father.

    ReplyDelete