nuffnang

Monday, February 28, 2011

LOVE STORY AKONI part 4

Maaga palang gising na ako, nakahiga lang ako at kung anu-ano na naman ang naiisip. Ano kaya isusuot ko? Anu kaya sasabihin ko pagkaharap ko na pamilya ng magiging asawa ko? Anu kaya ang magiging reaction nila pagnakita nila ako? Ma-star struck kaya sila o masuka? Parang nasa Ferris wheel na naman ang utak ko sa mga oras na ‘yun, kaya bago ako mahilo ay bumangon na ako pagkatapos kong magkamot ng puwet.

Magsisimula na kaming mamanhikan sa pamilya ng girlfriend ko. Syempre kabado ang lolo niyo, ganun pala ang feeling, parang natatae ka na hindi, parang nasusuka ka na hindi, therefore, parang natatae ka na nasusuka (That’s philosophy 101), weird.

Pagkatapos kong maligo magbibihis na ako, kinalat ko lahat ng mga damit ko, hinanap ko ang pinaka-pamatay na porma. Halos lahat ko na maisuot pero hirap talaga akong pumili, kaya naramdaman ko na naman si batman, tenteneneneennntenneeennnnn. Take charge ulit ako kay batman, bahala na siya.

Nag-txt ako sa girl friend ko,

“We are coming, tatlo kami, bring it on!!!"

Ako ‘yung klaseng tao na walang kakaba-kaba sa dibdib, walang hiya nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko e, malakas daw ang appeal ko sa masa, madaling makagaanan ng loob, magaling daw ako mag sales talk at mambola, "daw" lang yan ah. Pero noong nasa tapat na kami ng kanilang gate, nag-slow motion ang mundo ko, naririnig ko ang lakas ng paghinga ko at nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sobrang kaba, napapikit ako, pinagdaup ang mga palad ko at humiling sa diyos...

“Diyos ko po, please sana po magmukha akong si Coco Martin kahit ngayon araw lang po, ameen!”.

Pina-welcome kami, maganda ang approached nila sa amin, lahat naka-smile, naramdaman kong mabubuti silang tao, kaya nawala ang kaba na nararamdaman ko. Lumakas ang aura ko, bumalik ang tiwala ko sa aking sarili. Lalo na noong magkita ang mommy niya at tita ko, magkakilala pala sila noon pa. Nagulat ako sa aking nakikita, parang close na close ang dalawa, pati ang lola niya. Naupo nalang ako sa isang tabi, ang pamamanhikan ay nauwi muna sa kamustahan, kinuwento nila sa akin kung bakit sila magkakakilala pero nalimutan ko na, hindi ko nai-recorded dahil nagkakagulo ang mga brains cells ko that time.

Pagkatapos ay umuwi kaming masaya ako, “MISSION ACCOMPLISHED.” Naggaranteya ang tita ko na pasok ako sa banga. Ang saya ko sa oras na ‘yun, pakiramdam ko nagustohan ako ng kanyang pamilya, hindi ko alam kung bakit nila ako nagustohan, baka binigay ng diyos ang hiling ko kanina. 

Makalipas ang isang araw, nabalitaan ko sa girlfriend ko na tumagilid ang situation nang malaman ng ibang angkan niya ang pamamanhikan namin, against sila sa akin, sa amin dalawa, syempre hindi ganun-ganun lang kadali makakapasok sa kanilang angkan. Hindi kasi ako katanggap tanggap sa kanila, kung anu man ang rason nila, nauunawaan ko, syempre iniisip din nila ang makakabuti sa anak nila lalo na sa kanila. Iba kasi ang gusto nila para sa girlfriend ko.





Part 5
Itutuloy…

Sunday, February 27, 2011

Sini-cheesy kita

Ilan beses akong nakipaglaban sa pag-ibig

kaya maraming beses akong nasaktan,

Matagal na panahon akong nakipaglaro sa pag-ibig

kaya marami akong nasaktan.

Nang dumating ka sa buhay ko

tumigil na si kupido sa kakapana sa akin puso,

At sumibol sa aking puso ang tunay na pag-ibig

na walang hahangarin kundi cheesy-hin ka.

Nagtagumpay ako higit pa sa aking inaasahan

naging maliwanag ang aking mundo,

at nagsimulang matupad ang aking mga pangarap

dahil sa sobrang pag-cheesy mo sa akin.

Pinapangako ko din na wala akong ibang cheesy-sihin

kundi ikaw lamang habang buhay,

Ikaw lang ang mamahalin at cheesy-sihin ko palagi

hangga't may cheese pa sa mundo.


Break it down, YOH!!





Saturday, February 26, 2011

Busy

Test ink test!

Okay, bago ang lahat gusto kong sabihin muna sa inyo na............................................................namiss ko kayooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!joke,hehehe. Pero dahil sabi nila "Joke is half meant", totoong namiss ko kayo...ng kalahati.

At dahil sa namiss ko kayo ng kalahati, bibigyan ko kayo ng halik galing sa akin, hahahaha, pero dahil ulit sa hindi ko alam kung anong klaseng halik ang gusto niyo, magbibigay ako ng listahan ng pagpipilian niyo, kayo na ang bahalang pumili ng "halik ko" na nababagay sa inyo.

Pumili ng isang halik lang, bawal ang mag-double dahil may bayad na 'yun.

1. Mwah!!
2. Tsup!!
3. Slurpssss...
4. Paxxx!!
5. muahpaxxx!!
6. *for adult kiss only*
7. eow

Isang araw akong hindi nakapag-online pero feeling ko ay parang isang taon na. Sobrang dami kong namiss na mga post niyo, ang dami ko tuloy nitong babasahin bukas sa office, hehehe. Sana bukas wala ang boss ko o sana antokin siya buong araw, sana wala siya sa mood, sana walang ipagawa sa akin, at sana....amen!

Thursday at Friday ang day off namin, ibig sabihin Saturday nag-uumpisa ang weekdays namin. Kaya kung dyan sa atin sa pinas at sa ibang lugar ay "I love you Sabado at I hate you Monday", dito sa amin ay "Ang kyut mo Thursday at ang chaka mo Sabado", pero 'yung mga nasa government lang at sa malalaking kompanya ang may dalawang araw na day off, karamihan dito ay Friday lang ang day off nila, kaya "I landi you Friday" 'yun iba dito, hehehe, araw ng paglalandi.

Naging tatlong araw ang day off namin ngayon, wala kaming pasok ngayon sabado dahil dumating na ang hari ng Saudi last week galing sa pagamotan ng Morocco ata 'yun, inoperahan daw doon at  gumaling na daw sa kanyang sakit at dahil daw sa dasal ng kanyang mga tao na gumaling, nag-declared siya ng walang pasok sa araw ng Sabado. Ganun daw dito, kapag malubha ang sakit ng hari at gumaling siya, nagde-declare daw ito ng isang araw na holiday, lalo na daw kapag namatay ang hari, dahil isang linggo daw ata ang walang pasok, parang naiisip ko ang iniisip mo ah, bad yan, hahaha, long live the king.

Naging busy ako last friday dahil bumubuo kami ng isang organization dito sa Saudi, nagpapaplano kaming magkaroon ng chapter dito ang MSUANS alumni (Mindanao State University), at isa ako sa mga founder, naks, hindi kapanipaniwala na gagawa ako ng isang seryosong gawain, hahahaha, akala tuloy ng mga MSU-alumni ay napaka-formal at seryoso kong tao, at walang ni isang libag na kalokohan sa katawan, hahaha.


Kung inyong mapapansin lahat sila ay nakatingin sa akin habang ako'y may sinasabi, parang iisa lang ata ang nasa utak nila, "What the f*ck?!"

Akoni nakapula














Friday, February 25, 2011

Parang ewan

Time check 12:35 am

Kararating ko lang galing sa labas, nagpahangin at nagpaalikabok lang ng kunti, pandagdag sa koleksyon kong alikabok sa akin baga. Siguro mga ilang taon pa ay magiging hallow block na ito sa loob ko, kaya siguro minsan nararamdaman kong bumibigat ang aking katawan.

Walang nangyaring kakaiba sa akin ngayon araw na ito, kaya wala rin akong maisip na magandang paksa na isusulat, kaya as usual sinusundan ko nalang ang aking isip ngayon kung ano man ang maisip.

Kapag dito sa bahay nahihirapan ako makakuha ng ideya sa utak ko. Ang dami kasing distraksyon dito, hindi tulad sa opis na ang boss ko lang ang istorbo sa akin doon.

So, saan na ba papunta ang sinusulat kong ito? Siguro tatawa nalang ako, hahahaha at hehehe o hihihi, at tatawa ka rin dahil parang "ewan" lang ako.

Ito rin ang gusto ko sa pagba-blog dahil kahit na anong maisip ko ay puweding kong isulat. Akoni eh, weh? Wala naman siguro sa rules ng pagba-blog na dapat ay may matutunan ang mga makakabasa sa isinulat mo, hindi ba? Sapat na 'yun masayang ang oras nila sa pagbasa nito, hahahaha, at napatawa mo sila dahil parang "ewan" lang ang blog mo, at parang "ewan" ka rin syempre, hehehe. Natuto akong magsulat dahil lang sa pagbabasa ng mga walang kwenta at may sukling mga post. Dahil doon ay naisip kong ang pagbabasa ng mga ganitong post ay nakakadagdag kaalaman sa paraan ng pagsusulat, hehehe, ayun kay akoni. Ang mga ganitong parang "ewan" lang na blog ay nakakahasa ng utak at nakakabihasa sa pagsusulat, hehehe.

Time check 12:43 am

LOL, 8 minutes ang lumipas at wala parin akong maisip na magandang paksa, siguro hanggang dito nalang dahil baka sa susunod ay hindi kana pumunta dito.

One more, tawa nalang tayo, please? hehehehe (tawang lalake), shesheshe, (tawang babae).




Thursday, February 24, 2011

LOVE STORY AKONI part 3

Nag-ipon ako ng lakas ng loob, napapikit ako at nakita ko na naman si batman, kumakaway sa akin, alam mo na ang ibig sabihin nun. Kaya pumasok na ako, nakangisi akong lumapit sa aking tatay…


Akoni: ‘tay, gusto kong mag-asawa.

Medyo natagalan bago makasagot ang tatay, hindi ko alam kung narinig niya ako o hindi. Nilingon niya ang kanyang asawa na aking ina.

Tatay: kung may pera ka, bakit hindi?

Hindi ako kuntento sa aking narinig, I want more…

Akoni: mayroon naman po kahit papaano

Iniabot ko sa kanya ang sobre na naglalaman ng perang naipon ko sa loob ng isang taon at pitong buwan ko sa Saudi Arabi. Binilang niya saka tumingin ulit sa nanay ko na asawa niya. Sa mga oras na ‘yun, parang nauubusan na ako ng hangin sa aking katakamtakam na katawan. Naghahang ako, wala akong maisip, blanko ang utak ko. Nakatayong nag-aabang ng mga salitang pakakawalan ng tatay at nanay ko na asawa ng tatay ko, parang unti-unting nawawala ang spiritu ni batman sa aking isip, pakiramdam ko nasa harap ako ng hukuman at ako ang nasasakdal na naghihintay ng inahahatol. Sa mga oras na ‘yun tangin sarili ko lang ang aking maasahan upang makumbinsi ko ang mga magulang ko, nakita ko ulit si batman sa isip ko, naka-peace sign, sinyales na tinu-turn over na niya sa akin ang situation na ako na ang bahala. Habang ako’y nawawala sa aking sarili ay sumambat naman ang nanay ko na asawa ng tatay ko.

Nanay: No problem, you knew me son; I will give you everything I had in my life just to make you happy.

Pinagkita sa akin ang kanyang mga gold. Kumislap ang aking mga mata, pumalakpak ang aking mga tainga, bumuka-buka ang aking ilong, sumayaw ang aking mga kilay at kumutitap ang aking mga ngipin sa tuwa dahil sa mga makita at marinig kong supporta ng asawa ng aking tatay na nanay ko. Ngayon, ang tatay ko nalang ang kulang upang pati buhok ko sa buong katawan ay magsitindig sa sobrang kagalakan.

Tatay: kunti lang pala kulang sa’yo. Sige bukas isama mo ang dalawang tita mo at punta kayo sa bahay nila. Para malaman natin kung ano ang gusto nila. huwag kang mag-alala may makukuha ako sa banko.

Muntikan na akong himatayin sa mga narinig ko. Nakahinga ako ng maluwag, solve na ang isa sa problema ko, all out support sila sa akin lalo na ang nanay ko na asawa ng tatay ko. Tumawag ako sa magiging asawa ko, ibinalita ko sa kanya ang tungkol sa magandang balita na ‘yun, “Bukas, mamanhikan na kami.” Sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng tatay ko at ng nanay ko na asawa ng tatay ko. Lumabas muna ako, kinuha ang isang paketeng sigarilyo. Ang dami kong naiisip, sa sobrang dami ay hindi ko na maisip kung anu ang mga yun, nag halo-halo na at nag barbeque pa sa aking katawan. Kay bilis ng mga pangyayari, nagbreak muna ako, nag-isip. Nagsindi ako ng yosi, humitit ako, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin. Humitit pa ako ulit, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin, humitit na naman ako ulit, binuga sa mga lamok na aalialigid sa akin (repeat 2x then chorus).

Kaya ko na bang panindigan ang bagong hamon sa aking buhay? Kaya ko na bang maging lalakwe sa magiging pamilya ko? kaya ko na bang kontrolin ang sarili ko sa mga tuksong nagkalat sa planetang ito? Kaya ko bang bigyan ng magandang buhay ang magiging pamilya ko? Kaya ko bang maging tapat at karapat dapat sa aking asawa? Handa na ba akong isakripisyo ang sariling pangangailangan ko para sa magiging pamilya ko? punong puno ako ng mga tanong sa gabing iyon.

Itutuloy…


(Sorry sobrang haba)

Wednesday, February 23, 2011

Mga pagkain pampasaya

Katatapos ko lang mag-lunch, grabeness itech, thanks GOD nabusog na naman ako. Kaninang umaga "Ngiti" ang kinwento ko sa inyo at sa sarili ko. At ngayon, may follow up dyan sa ngiti, ano ang kahulugan kapag nakangiti ka? pure ngiti ah, hindi ngiting aso lang. Masaya, hindi ba yan ang nadarama mo tuwing ikaw ay nakangiti o nangingiti?

At dahil sa nabusog ako doon sa mga kinain kong pagkain (syempre pagkain ng tao) kanina, paghahaluin natin ang "Masaya at pagkain".

Ayun sa mga eksperto na taga batibot, may mga pagkain daw na nakakapagbigay ng kasiyahan sa atin katawan. Syempre, sino ba naman ang hindi sasaya kapag nakakain at nabusog? parang ewan lang,hahaha.

Anyway, ito ang mga pagkain pampasaya ayun sa mga eksperto at kay AKONI.



1. Kanin, Wheat Bread at Spaghetti - Mayayaman sa Carbohydrates, ang carbohydrates na makukuha dito ay nagpapasaya ng atin mood ayun sa atin bubuwit. Hindi ba masaya ang mga bata/tayo kapag kumakain ng spaghetti?. Ang carbohydrates kasi ay nagpapataas ng atin SEROTONIN levels, na nagpapakalma ng atin emosyon. Kaya ugalin laging kumain ng mainit na kanin at mga pagkain mayayaman sa carbohydrates, para laging kalmado.


2. Gatas - Nagtataglay ito ng bitamina at amino acids na nagpapaganda din ng atin mood, pati narin sa atin kutis. Ang gatas ay nagpapadami din ng atin SEROTONIN sa atin katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant. Kaya pala hindi naDEDEpressed ang mga sanggol/bata at mga bagong kasal.




3. Matatabang isda tulad ng dilis, hehe, joke. tulad ng tuna at sardines - Ang mga ito ay nagtataglay ng mataas na OMEGA - 3 fish oil. Alam natin lahat na ang omega 3 ay maganda sa puso, pampababa pa ng kolesterol. Pinatataas din nito ang serotonin sa atin utak, kaya laging happy-happy to the max ang arte.




4. Chocolate - Ito ay pinapataas niya ang atin Endorphins sa katawan. Ang endorphins ay pinsan ng dolphins, hehehe, joke ulit. Ito ay hormone sa atin katawan na nagpapasaya sa atin, ito ang hormones na lumalakas kapag tayo ay in-love chuva.




5 Basta - Malamang hindi mo alam ito, pero sa lahat ng pagkain ito ang paborito ko, ang basta. Basta makakain, hahaha. Basta makakain kainin lang para sumaya.

Pagkatapos mong kainin yan, tataba ka na, tapos magkakaroon ka ng bilbil, magiging dalawang ang baba mo, magiging bolang kristal ang mukha mo, tapos malulungkot ka na naman.

At kapag malungkot ka dahil tumaba ka, gawin mo ulit ang tips na ito, kumain ng mga pagkain pampasaya.

Magiging masaya ka ulit, pero pagkatapos tataba ka pa ulit, malulungkot ka na naman, kakain ka na naman ng mga pagkain pampasaya, tataba ka pa lalo, malulungkot ka na naman, kakain ka nanaman ng mga pagkain pampasaya....(continue until fade)

Ngiti

Kakarating ko lang sa office ngayon. Wala pa si boss kaya makikipaglokohan lang muna ako sa akin sarili dito sa blogsite ko.

Napapangiti ako ngayon, dahil naisip ko ulit na talagang naiiba ang panlasa o kinahuhumalingan ng mga tao. Dati kasi, facebook at pacland sites agad ang binubuksan ko bago ang iba, ngayon blog site ko na ang inuuna ko, pag-open ko click na agad sa "NEW POST", yun na, bira na ng bira, hahaha, kaya minsan ang gulo ng blog ko dahil wala nang edit-edit pa, kaya pasensya na.

Katamtaman ang klima ngayon, hindi malamig, hindi naman mainit. Nangingiti ako kapag nakikita ko ang sikat ng araw na tumatagos sa may bintana ko ngayon, na parang nakadungaw at pinagmamasdan ako. Hindi ko alam pero parang sinasabi sa akin na "Maganda ako AKONI, maganda".

Pinikit ko muna ang aking mga mata, sinubukan ko kung ano ang aking makikita. Nangiti ako ulit, dahil isang AKONI ang nakita ko na nakangiti, maganda ang mood ng loko.

Na-realized ko, matagal ko na palang kilala ang aking sarili, hindi ko lang mapansin dahil kadalasan ibang tao ang pinagtutuunan ko ng pansin. Ngayon nagbalik na sa akin alala ang lahat, mula pa pala noong mabuo ako sa sinapupunan ng nanay ko ay kasama ko na ang aking sarili, at sigurado ako hanggang sa huling hininga ko, kasama ko parin ang aking sarili. Kaya walang ibang nakakakilala sa akin sarili kundi AKONI, nakakangiti hindi ba?

Mula ngayon, dalawa na kami ng aking sarili ang maglalakbay dito sa mundong ibabaw. Walang iwanan, walang traydoran, at walang lokohan. Nakakangiti talaga.

Teka, magbe-breakfast na ako, magbe-breakfast na nakaNGITI.

Tuesday, February 22, 2011

Akoni

Time check 2: 23 pm. Kung gaano ako naging busy kaninang umaga, kabaliktaran naman ngayon hapon, dahil SUPEPBORED WITHOUT WINGS ako, hindi ako makalipad sa pagka-bored ko. Kasalanan ulit ito ng boss ko dahil kung hindi sana niya pinagawa sa akin ang lahat ng trabaho dito sa opis, di sana ay hindi ako nababagok ng ganito, haynaku, ang mga boss talaga, kahit kailan, tks...tsk...tsk...

Buti nalang may blog site na ako ngayon, may napagti-tripan na ako sa tuwing ganito ang situation ko, na walang magawa kundi kumunsumo at mag-aksaya ng oxygen at carbon dioxide dito sa mundo.

Akala ko hindi ko magugustohan dito, kasi nga nahihiya ako noong una na ipabasa sa ibang tao ang mga sinusulat ko, puro kasi kalokohan at mga guni-guni, pero mali ako dahil ngayon ay "I so love this na, huah, huah, huah, huaaaahh...(ala Kris Aquino)", at buti nalang hindi ako namatay sa maling akala na 'yon.

Ngayon, puwedi ko nang isulat at e-post dito ang kahit na anong kalokohan ang maisip ko, kahit na anong guni-guning ligaw sa utak ko, dahil alam ko maiitindihan ako ng mga magbabasa na tulad ko rin, mahilig magsulat.

Akoni ang klaseng tao na hindi nagsasabi ng mga saloobin, sinusolo flight ko ang aking problema, halos lahat ay kinikimkim ko nalang sa loob ng pangromansang dibdib ko, ibig kong sabihin ay hindi ako nagkukwento ng mga personal kong life sa ibang tao. Pero ngayon nandito na ako sa blogshpere, "baka" puwedi na akong magbuhos ng ihi mga saloobin ko dito, ng mga chuva at tsenes ko sa buhay.

Hindi ko alam kung paano ko edi-describe ang aking sarili, kung ano ako at kung sino ako? ayaw ko kasing nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, nakakahiya kasi, dahil wala akong bubuhatin bangko. Oo, wala akong maipagmamayabang kundi ang mga mahal kong mga kaibigan at pamilya, sila ang tangin maipagmamayabang ko sa inyo.

Pero ulit, ngayon medyo nakikilala ko na ang aking sarili, sa pamamagitan ng mga sinusulat ko.

BURP

Kahit kailan talaga istorbo sa buhay opisina ang mga boss na 'yan, hehehe. Jucie ko ang tamis, SUPERBUSY WITH KAPA ako kanina, daming pinagawa. Late na tuloy ako nakapag-online, haynaku.
11:10 am ngayon dito, kaya hindi ko alam kung pang breakfast itong kakainin ko o pang lunch. Kasalukoyan kumakain ako ngayon ng kape at umiinom ng spanish bread. Pautang ina, ang sarap, parang gumagaan ang pakiramdam ko at bumabalik ang normal aura ko kasabay nito ang pagbigat din ng tiyan ko.

Teka, ismiyuski, kailangan ko munang ilabas ang pagkain ng mga bulati at uod sa ilalim ng lupa, yaks!

*After 10 minutes*

Burp!

Sa bibig yan galing ah. Kanina panay burp ng "lagosan ng pakain"  (in wholesome word, puwet) ko sa katawan. Napansin ko tuloy, pagkatapos pumasok ng pagkain sa "Pasokan ng pagkain" (bunganga/bibig) ay nakakadighay ka, sinyales na busog ka na at nasarapan ka. Tapos mga ilang sandali o oras ay iba na naman ang didighay, ito ang ay ang "lagosan ng pagkain" o in wholesome word, ito ay ang puwet, sinyales na may lalabas na hindi matanggap-tanggap ng iyong katawan. How cool hindi ba? parang daanan lang ng train, may signal...

Napaisip ako ulit, kaya mo bang pagsabayin ang pag-utot at pagdighay? ung sabay talaga,

Burrrrp............sabay....vvvvvvvvRrrrRRrrRrooooooooootttttttttttttt.......

Ito ngayon ang bagong challenge ko sa akin sarili, ang pagsabayin ang pagdighay at pag-utot. Malay mo, wala pang nakakagawang nilalang nito sa buong sanlibutan, eh di malalagay pa ang pangalan ko sa history,sa libro ng kakaiba at mga genius sa kalokohan.

Monday, February 21, 2011

Epal na paniki

Isa sa ugaling gusto ko sa isang Pilipino ay ang pagiging "Marunong magpasalamat". Kagabi ng gabi habang ako'y nagda-drama sa mga sinusulat ko, ay saglit pinutol ng isang paniki ang aking moment. 

Biglang umakyat ang pangalan niya sa blog roll ko o sa mga pinagnanasaan ko. Nakuha niya ang attention ko kaya sinundot ko ang name niya at ito ang naging reaction ko...

"woooaaaahhh!!!!!!!!!!!!!OMG (ayy so gay)...what the EF?!!!sobrang galing Paniki, super love it (ayy so gay din)..Ang Cool pare, gusto ko din si The flash. Ang galing ng pagkagawa mo...salamat, nakapasok na ako sa lungga mo."

Iyan ang naging reaction ko kahit e-check mo pa sa kanyang POST

Dahil sa sobrang kagalakan ko ay nakalimutan ko nang magpasalamat sa kanya, diretso ko na kasing ginawang background ang ginawa niya para sa akin. 

Oo, siya ang may kasalanan kung bakit parang HELL na itong bahay ko, pulang pula at nag-uumapoy. Pero ayos lang, dahil peborit ko ang kulay pula at saka mahilig ako maglaro ng apoy. Peborit ko din kasing fiction charater si The Flash pumapangalawa siya kay BATMAN, at the flash din ang tag name ng peborit kong boxer na si Nonito "Filipino the Flash" Donaire Jr., kaya sakto at swak na swak na walastik ang napili niyang Superhero para sa akin.

Nalaman kong hindi lang pala epal si batman, kundi napaka-sweet at thoughtful niyang paniki. Masaya akong naging kasama o bahagi ako ng kanyang Justice League at masaya akong may tatak na ako sa kanyang batcave.

Maraming salamat kikomaxXx sa kaepal mo.


EFFORT NI BATMAN PARA KAY AKONI


Madilim kong mundo

Gusto kong sumigaw ngayon, gusto kong murahin ang mundo at mga nilalaman nito. Aaaaaaaaaaaahhhhh..........!!!!!

YOU PACKING SHEEEEEEEEEETSSSS!!!!!


Patawad, nais ko lang lumuwag ang dibdib ko kahit kunti, nais ko lang ilabas ang puot na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Nais kong maging masaya, nais kong maging malaya, at nais kong maging totoo sa nararamdaman ko ngayon, pero hindi pa ako handa, hindi ko pa magawa, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito.

PAUTANG INA!!! Hindi ko magawa ang lahat ng iyan dahil isa akong hangal sa madilim at hangal kong mundo.


Nabubuhay ako na puno ng hinanakit sa planetang ito, puno ng kalungkotan, puno ng pagtatampo, puno ng mga katanongan kay hirap sagotin, at puno ng galit at puot.

Paano ko mabubuo ang aking sarili kung mayroon akong pinagtatakpan, tinatago at pinipilit na ibaon sa limot? Pero hindi ko pa rin maiwasan ang katotohanan.

Ayaw kong ibunyag sa madlang mapanghusga sa kapwa ang aking mga hinaing at hinanakit sa planetang ito. Malupit ang mga tao, kaya mas gugustohin ko nalang manatiling ganito kaysa pagpiyestahan ng mga taong makikitid ang utak.

Ang mga galaw ko ay laging may limitasyon, pati ang kalayaan mayroon sana ako. Laging nag-iingat sa panghuhusga at mangungutya ng mga taong tingin sa sarili ay perpekto at napakalinis, na kung mananalamin naman ay baka humiwalay bigla ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan dahil sa hindi matanggap ang kasamaan nakatago din sa kanyang pagkatao, puro dungis ng iba ang kanyang tinutugis, hindi muna maghugas ng sariling dungis.

Kasalanan ko naman na maging ganito, maging ganitong trato sa akin. Dahil naduduwag ako, wala akong lakas ng loob para lumabas dito sa dilim na matagal nang panahon nakabalot sa akin. Naduduwag akong mailantad ang katotohanan, puro dilim na lang ang nakikita ko sa akin pagkatao.

Natatakot akong mawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay, ang mga malalapit kong kaibigan, mga taong nagtitiwala sa akin, ayaw kong mabigo, ayaw kong mapag-isa. Mahirap magpanggap na masaya, parang sakit ng pag-ibig ang dulot sa akin, sumasakit pero hindi mo alam kung paano gagamotin, kung saan gagamotin at kung kailan maghihilom

GUSTO KO MAGING MASAYAAAAAAAAA..............! (Insert tears)


Director: CUT!!!! Okay, good take AKONI, good acting.

Akoni: Thank you direct.
.

Ngorks

Time check: 12:40 AM

Kabilin-bilinan sa akin ng nanay ko "Kapag wala kang magawa, maglaba ka nalang", how caring diba? Kanina wala akong magawa, at dahil masunorin akong anak, naglaba nalang ako.

Lumalalim na ang gabi at ready na ako magpalunod, pero parang hindi pa dumadating ang "antok" na maglulunod sa akin. Kaya ito habang hinihintay ko, nag-iisip ako ng kung anu-anong guni-guning ligaw.

Kabilin-bilinan sa akin ng tatay ko "Gawin mo na ang lahat, huwag ka lang mag-drugs", how sweet diba? At dahil masunorin akong anak, kung anu-ano nalang ginagawa ko sa buhay ko, maliban nalang sa mag-drugs, bahala kana mag-isip kung ano ang mga "Kung anu-ano nalang" na 'yun.

Wait, nandito na ang "antok", nakadapo na sa akin ulo, nilulunod na ako sa lalim ng gabi. blog!blog!blog!blog!blog!-nalulunod na ako.

zzzzngorkzzzz

Sunday, February 20, 2011

Oka tokatatan

Awwwoooo...baah!! Bulaga!!!
natakot ka?
hindi?
sige ito nalang...
baahh!!! Pokwang!!!
natakot ka noh?


Lahat ng tao ay may kinatatakotan, halimbawa takot sa multo, takot sa nanay o tatay, takot sa dilim, takot sa asawa, takot sa salamin, takot sa panget na kapitbahay, takot sa adik, takot sa takot, at kung anu-ano pa matapos lang.


Mahilig din ako mag-isip ng kung anu-ano, tulad mo. Mapangarapin, kagaya mo, parang ikaw lagi din ako nag-iisip ng mga "sana, kasi, ganun, bakit, kaya pala", at kung anu-ano pa matapos lang.


Dahil sa parehas tayo, marami din ako mga kinatatakotan, pero hindi ko sasabihin lahat dahil natatakot ako. Kagabi, nag-movie marathon ako, nakatatlo o apat ata akong pelikula, pero alam mo yung nakatitig ka lang sa palabas tapos parang wala don ang utak mo? hindi ko alam kung naranasan mo din 'yun o praning lang ako kagabi.


Ngayon nandito ako sa office, pilit kong inaalala kung ano mga pinanood ko kagabi, pero ni isa man lang ay wala akong maalala, kahit title, promise, peksman, madapa ka, weird, nakakatakot. Naisip ko tuloy sabay isip din sa kanta ni fafa Piola Piolo Pascual na "Ang buhay ay parang sine", agreed ako sayo girl ay pare, parng sine nga ang buhay, may drama, may comedy, may horror, may romance, may triller, may rated X/R at kung anu-ano pa matapos lang. Saan kaya dyan sa mga kategorya belong ang buhay ko?


Kung pelikula ang buhay ko, hanggang saan kaya aabot ang kwento ko? Happy ending kaya? May kabuluhan kaya o may mapupulot na magandang aral ang mga nakakapanood sa akin? Magiging box office hit kaya? mabobored sila ba sa akin? matatawa o maaaliw? magagandahan? hanggang ilan kaya ang mga susubaybay sa kwento ng buhay ko?


Natakot tuloy ako, natakot ako baka bukas, mamaya, o ngayon na ay matapos ang pelikula ko (buhay ko). Natigilan muna ako sandali, napapikit at napadasal, humihingi ng katawaran sa taga paglikha para doon sa mga sekreto namin dalawa na mga nagawa kong kasalanan. Kumabog ang puso ko para sa aking mga mahal sa buhay, hindi pa ako handa.


Parang pelikula ang buhay, dahil wala tayong karapatan piliin ang  magiging kataposan ng sarili natin kwento. Dahil, tauhan lang tayo, hindi tayo ang writer ng buhay natin, nasa taas siya, siguro puwedi mag-suggest kung aapprobahan niya. At bilang isang character, kahit anong pilit natin gawin o gustohin ang ibang role (na hindi sa atin) kapag hindi sinang-ayonan (diyos) at kapag hindi 'yun ang naka-assign sa atin, hindi talaga puwede.


Nakaupo ako ngayon sa harap ng computer ko, nakanganga habang nagta-type. Ang daming mga nakakatakot na katanongan ang nasa isip ko. Hanggang kailang kaya ang storya ng buhay ko? lahat nang nandito sa mundo, pangyayari, tao o mukhang tao, hayop o mukhang hayop, pati narin nararamdaman at kung anu-ano pa matapos lang, ay may kataposan. Pero kailan? paano kung ayaw kong matapos ang role ko sa buhay? puwedi kayang mag karoon ng din sequel? ano kaya ang nakain ko kanina?


Natatakot ako. Ikaw natatakot ka rin  ba? natatakot ako, natatakot ako, natatae na ako.



FATHER AND SON

Now I'm teary eyed because of this story, I wanna share it with you guys. This is good and it is best at the end, It makes me think...I really love this story, its inspired me.













I am teary eyed from laughing so hard...hahahahahaha...ngiyahahahha..mwahahahahha..hahahaha.wahahahaha...bwahahahahahhaha....I almost peed myself..hahaha



BUS

Bago mo ito basahin ay ipikit mo muna ang iyong mga mata, dahil magmumura ako. Okay, ready kana?


PUTANGAMANGFUCKFACEMADAPAKASANDANDTHEBEACHESSANAMAGAN!!!
(Repeat 3x, then exhale, inhale)


Nalulungkot ako ngayon, naghihirap ang aking kalooban. Nawawala ang isang bagay na napakahalaga sa akin, na naglalaman ng mga bagay na napakahalaga sa akin. Dobleng pahirap at kalungkotan ang nadarama ko ngayon, parang double dead karne lang sa mga palengke.


Nawawala ang USB ko (Insert sad face), ang 8GB kong USB (Insert sad face). Nakakalungkot dahil 'yun ang unang USB ko (Insert tears), more than 2 years na sa akin 'yun. Noon nasa pinas pa ako, naiinggit ako sa mga taong naglalakad na may nakasabit na USB sa kanilang leeg.


"Ano 'yan?" tanong ni akoni sa kaibigan may nakasabit sa leeg


"ahh..ito? USB pare, ito ngayon ang uso" sagot niya kay akoni


Isa ako sa mga tumatangkilik ng mga nauuso sa atin, kaya hindi mapakali ang katawan yummy lupa ko na hindi makuha kung ano man ang nauuso.


2008, nagkaroon na ako sa wakas ng USB. May maisasabit na ako sa aking leeg pag-uwi ko ng pinas. Inalagaan ko ito, hindi ko nilagyan ng mga porn videos dahil baka kako malasin, biruin mo yung sakripisyo ko? tiniis ko 'yun.


*Crying Out Loud* Noong isang araw *hikbi*, minalas ang USB ko. Nawala, tinangay ng BUS ang USB ko, nahulog o naiwan ko sa BUS ang USB ko, hindi ko alam. Wala akong magawa kundi namnamin ang bigat ng kalooban ko at e-turtore ang aking sarili, kailangan kong magsisisi upang hindi maulit.


"Oo, sorry na akoni. kasalanan ko na, hindi sana mawawala kung hindi ko dinala sa biyahe at hindi sana mawawala kung sa bulsa ng maong ko nilagay, umaamin na ako, kasalanan ko na ang lahat"


May sentimental baliw kasi sa akin ang USB ko na nawala sa BUS. Lahat ng mga importanteng files ko ay nandoon sa katawan niya, mula resume, picute-pictures, at kung anu-ano pang mga abubot ko. Lalo na mga sinulat kong mga kalokohan na blogs at mga guni-guning ligaw na kwento, na hindi ko pa nae-po-post ay nandoon lahat, wala akong back up files, ang galing ko noh?


Ngayon wala na ang USB ko, wala na ang ibang pinaghirapan kong naka-saved don, tangnan BUS na un tinangay ang USB ko, 2012 na ba? ang tagal naman.

Saturday, February 19, 2011

Selda

Pagkatapos ng dalawang araw pagtatampisaw sa swimming pool ng pag-ibig, ako ngayon ay nakaahon na at nagbabalik, nandito na ako ulit sa aking selda, ang selda ng realidad. Oo parang nakakulong ako dito, sa mdaling araw ay kailangan bumangon ng maaga at maghanda dahil dadating ang susundo sa amin para dalhin kami sa amin trabaho, at sa paglubog ng araw kami ulit ay susundoin upang ibalik sa amin mga selda (kwarto).


Ganyan ang routine ng buhay ko/namin dito, trabaho na may mabahong ka-office mate, bahay na may ka-kwartong mula-ulo-mukhang-paa, trabaho, bahay. Parang buhay lang ng mga nasa bilibid, sa madaling araw ilalabas sila para magtrabaho at sa paglubog ng araw ay ibabalik ulit sila sa kani-kanilang mga selda.


Tulad din ng mga nasa bilibid, nagbibilang din kami ng mga araw, nagmamarka ng mga petsa sa kalendaryo, at nililista ang mga gagawin sa aming paglaya (bakasyon).


Tulad din ng mga nasa bilibid, marami din mahahalagang araw at okasyon ng mga mahal namin sa buhay ang hindi namin nadaluhan.


Tulad din ng mga nasa bilibid, umiiyak din kami sa gabi kapag namimiss namin ang aming mga mahal sa buhay.


Kaming mga OFW ay mentally at emotionally nakakulong, bawat araw na dumadaan ay nangangarap kung kailan kami lalaya, kung kailan namin makakasama ang mga mahal namin sa buhay na hindi na namin sila kailangan pang iwanan.


ka-kusa,


AKONI

Thursday, February 17, 2011

ANNOUNCEMENT

Ikinalulungkot ko ang masamang balita sa inyo, may mga namatay at namamatay na mga langgam ngayon at kasalukoyan pong dumadami pa ang bilang ng mga biktima. Oo, kami ang may kasalanan kung bakit madaming namamatay na langgam ngayon.


Hindi ko naman masisisi ang aming sarili dahil ngayon lang kami nagkita ulit ng mahal ko, ngayon lang nagkasama after a months tapos dalawang araw pa.


Kaya na-pasobra ang sweetness namin, kaya ayun sa sobrang tamis namin sa isa't isa ay madaming nasawing mga langgam, na-sobrahan sila sa tamis kaya nagka-diabetes na sila, na naging sanhi ng kanilang kamatayan. :P












ITO ANG EKSENA NA HINDI KINAYA NG MGA LANGGAM

Imbentor

Kasalukoyan ko ngayon tinatapos ang bagay na magpapatigil ng oras. Gusto kong matigil ang oras ngayon, as in now na (ala boy abunda). Masaya ako ngayon, walang nararamdaman na bad vibes, walang nakikitang panget na ka-room mate, at walang inalala na problema.

Kasama ko ngayon ang pinakamamahal kong babae sa planetang earth, ang babaeng pumapangalawa sa akin mahal na ina, ang babaeng pangalawa ng ulo ko, ang babaeng pang-apat ng tuhod ko, ang babaeng nagmamay-ari ng aking puri (parang nasabi ko na ito sa isang blog ko ah).

Sa buhay ng isang tao walang kasing sarap ang makasama mo ang mahal mo, wala kasing saya ang nararamdaman mo, gumagaan ang mundo mo, wala kang ka-proble-problema, kung mayroon man ay nagkakaroon agad ng solusyon. (Insert all cheesy lines)

Dalawang araw lang ang bakasyon ko sa kanya, sana matapos ko na itong iniimbento ko bago pa siya magising, para mapatigil ko na ang ikot ng mundo, mapatigil ang oras, kahit isang araw lang.



Wednesday, February 16, 2011

Sumbong kay kuya Eddie

Babala: Ang blog na ito ay RATED PG (Pweding Gagohin)


10:15 am, walang magawa dito sa office. Nakakainip, gusto kong sumulat ng blog entry ko pero wala akong mahuling ligaw na guni-guni sa utak ko, ang masakit pa don wala din magiling na kalokohan, kaya susundan ko nalang kung saan man ako dalhin ng aking ulirat.


Akala ko hindi totoo ang lyrics sa kanta ang “napakasakit kuya eddie…”, totoo pala, talagang napakasakit kuya Eddie ang situation ko ngayon, walang magawa. Pinipilit kong manghuli ng guni-guning ligaw pero wala talaga, mailap sila ngayon, karamihan ata sa brain cells ko ay tinatamad na din. Sinusubokan ko na naman gumiling ng kalokohan, wala pa din. Ano ang nangyayari sa akin kuya Eddie?

(Computer cursor) *3 minutes*

Napapa-blink din ako, minsan nakakatamad magtrabaho pero mas nakakatamad ang walang ginagawa, minsan nakakamiss maging palamonin, pero minsan nakakahiya na. Ganun ba talaga kayong mga tao? Mahirap minsan maitindihan kung ano ang gusto?

Alam mo kuya Eddie madalas kitang mabanggit,  Sorry ah, talagang napakasakit minsan kuya Eddie ang mga nangyayari sa buhay ko, kaya nababanggit kita.

Kuya Eddie, 7:00 am ang pasok namin sa work at ang oras ng sundo ng bus sa amin ay 6:45 am.

5:55 tuna ako gumigising kapag may pasok, 5 minutes para pakiramdaman kung gising na ba talaga ako. 6:00, bubuksan ko ang computer ko, magpapatugtog muna mga dalawa o tatlong kanta, pakikinggan ko habang nakanguso at nakatitig ako sa aking computer. 6:10, tatayo na at magkakamot ng pwet, kukunin ang towel, maliligo. 6:30, nilalamig na dahil kakatapos ko lang maligo, medyo lalakasan ang music habang nagme-make up ako. 6:45, tapos na ako mag-bihis matutulog na ako. Oo nga pala, advance ng 15 minutes ang mundo ko.

Kuya Eddie, sana po ay walang magalit sa makakabasa nito, alam ko pong walang kwenta ito, pero ganun po talaga ang mga tao, minsan may kwenta ang mga sinasabi at minsan walang kwenta, kaya quits lang palagi. Ngayon ang oras ko para magsabi o magkwento ng walang kwenta, ganun talaga ang layp, magulo.

Ang importante, maitindihan natin na hindi tayo pare-pareho kaya wag kang mag-expect sa ibang tao, huwag mong hanapin ang katalinohan mo sa kataohan ng isang nilalang, dahil ikaw yan at AKONI, hindi po ba kuya Eddie? Magkaiba tayo ng pananaw, magkaiba tayo ng gusto, magkaiba tayo ng trips, magkaiba tayo ng mukha, at kung anu-ano pa, kaya huwag mong husgahan ang isang tao dahil lang sa hindi mo gusto ang kanyang ginawa o ang kanyang panget na mukha, huwag mong kainisan ang isang tao dahil lang sa hindi mo siya gusto o dahil mas maganda siya sayo.


Ang masasalitype ko lang eh, piliin natin ang oras at situation kung kailan tayo mag-re-react na ipakita ang alindog kamandag natin, pero dapat parin ay palaging "Let’s make love baby, not hatred and war".

Alam kong imposible sa tao na hindi makaramdam ng pagkamunhi sa kapwa tao, kasing imposible ito ng paniniwala ng mga beauty contestant sa world peace, pero alteast subukan natin kontrolin ito o maitago, o kung hindi man, matuto tayo/akoni humingi ng pagpapasensya at pagpapatawad.

Kuya Eddie, ano na itong mga pinagsasabi ko parang hindi ko na mapigilan ang kamay ko sa pagtitipa dirediretso na, paano ko ito mapapatigil, parang may sariling buhay ang kamay ko at panay utos naman ang utak ko, kailangan ko na itong mapigilan, ora mismo....


STOOOOOOOOOOOOOOOP!!!! (Computer cursor)

Ang alamat ng itlog ng manok









Tanong: Saan galing ang itlog?
Sagot: Sa manok.
Tanong: Saan galing ang manok?
Sagot: Sa itlog.

So, alin ang naunang lumabas ang itlog o ang manok?

Ang tanong na “Just for fun” kapag walang magawa at nagkakasiyahan.

Itlog ang nauna kasi si Adam ay may itlog, at siya ang nauna sa mundo.

Manok ang nauna kasi manok ang tawag sa bird ni Adam noon, syempre hindi pa uso ang mga Conyo that time, and Adam don’t have the “balls” to be alone at that time, in tegelowg, wala siyang bayag o itlog para mabuhay mag-isa, kaya wish niya si Mudra Eba. So, mas nauna ang manok.

Ha!!! ewan…for a change, ito naman ang tanong ko.

Paano na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok? Sino ang nakadiskubre? Paano nadiskubre? Eh diba galing ito sa puwet ng manok kaya parang e-tinatae nito? Syempre noon hindi pa nadidiskobre na pwedi palang kainin ang itlog ng manok ay iisipin ng makakakita na tae un ng hayop (Manok) dahil nagmumula ito sa puwet, yaks.

Pero paano ba talaga na-diskobre na puwedi pala kainin ang itlog ng manok?

At ito ang bibigyan ko ng linaw sa inyo…dahil sa loko-loko ako, may nagiling na kalokohan at nahuling guni-guning ligaw sa utak ko tungkol sa “alamat ng itlog ng manok”.

Halika, maglokohan tayo. *sindi yosi*

Noong unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang-unang panahon, bago palang ang mga tao dito sa mundo niyo at wala pang saplot ang mga tao, may dalawang taong kweba na mag-BFF, si Uga-wogo at si WOhta-Wonga. Araw-gabi ay magkasama ang dalawa, kaya nagpagkakamalan silang may relasyon (noon pa uso na ang tsismis), panay harotan kasi ang ginagawa nila, pero dahil sa pagkakaibigan at closeness nila sa isa’t isa, hindi na nila pinapansin ang mga kumakalat ng tsimaks tungkol sa kanila, umiiwas nalang sila sa press people.


*Nag-uusap ang dalawang magbest friend sa kanilang tree house*

Uga-wogo: Basta pre, BFF parin tayo, kahit ano mangyari,okay?

Wohta-wonga: Oo naman tol, I wanna spend my lifetime loving you.

Uga-wogo: pre naman, that’s so gay…pwedi ba?!

WOhta-Wonga: ayy sorry, favorite song ko kasi ‘yun,hehe.

Uga-wogo: Gosshhhh...Sound track ng Zorro movie. OMG pre, ang galing ni Antonio Banderas.

WOhta-Wonga: Oo nga tol, haaayyy galing-galing niya sa ispadahan, as in, as out, and that bitch Catherine Zeta Jones, I don’t like her, duh.

Uga-wogo: Hoy pre, grabe ka naman. Hindi ko rin siya gusto, support nalang natin siya for our hero Zorro.

WOhta-Wonga: Sige tol, sabi mo e…

Laging masaya ang dalawang magkaibigan, wala silang dull moments, hanggang sa isang araw habang naglalakad sila, may nakita silang hayop (ihanin manok)…

Dumapa sila agad para bantayan ang nakita nilang hayop…

Uga-wogo: P’re ano kaya yan?

WOhta-Wonga: I think it’s a bird…

Uga-wogo: No, it’s a plane…

WOhta-Wonga at Uga-wogo (chorus): iiittttttttttttttsssss aaaa……Ewan!hahahahaha

Laugh trip ang magkaibigan habang nakadapa at binabantayan ang nakitang hayop. Hangang sa...

WOhta-Wonga: tol, tingnan mo ‘yun hayop na un oh, tumatae, hahahaha…

Uga-wogo: hahaha..Oo nga noh? Pero bakit ang ingay?

WOhta-Wonga: Oo nga e, kakaiba pala tumae ang hayop na yan, ang ingay. Putak ng putak.

Uga-wogo: wait pre, lumalabas na ang tae, ayuunnnn naaa…lumabas na, hahahahhaa…nahulog pre! Hahahaha, pero bakit kulay puti?

WOhta-Wonga: eh nahulog syempre, namuti, ikaw kaya ang mahulog, tingnan ko lang kung hindi ka rin mamutla.

Uga-wogo: Oo nga noh? Ang galing mo talaga.

Uga-wogo: ang galing talaga ng obserbisyon mo pre, akalain mong napansin mo yun?

WOhta-Wonga: iba ako e, alam mo na..You know me, akoni.

Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan taong kweba ay umalis na rin ang inahin manok, kaya pinuntahan nilang ang nakitang kakaiba na nagmula sa puwet ng isang hayop. dinampot ni Uga-wogo.

Uga-wogo: Pre, kakaiba talaga ang tae ng hayop na un oh…tingnan mo pre, matigas at kulay puti, parang bato.

WOhta-Wonga: Oo nga noh? Tol basagin mo baka may bato sa loob tapos lunukin mo at sigaw ka ng DARNA.

Uga-wogo: ulol! tae ‘to noh…nakita mo naman na galing sa pwet ng hayop na ‘yun, ibig sabihin ay shit! Shit ito, tanga!

WOhta-Wonga: Gago! may shit bang kulay puti? Ang layo ng hitsura niyan sa shit e, yan kulay puti, ang shit kulay ng mukha mo, hahaha. Sa palagay ko nakakain ang nasa loob niyan.

Uga-wogo: hahahaha…hay naku, ang tagal na natin magkaibigan, ngayon ko lang nalaman na ang tanga mo pala. Mayroon bang pagkain na nagmumula sa puwet ng hayop?

WOhta-Wonga: halluueeerrrrr, malay mo? Think deep, pwedi ba?!

Uga-wogo: sige nga patunayan mo na hindi tae ito, patunayan mo sa akin, basagin natin tapos kung may bato na nakakain sa loob, kainin mo.

WOhta-Wonga: Ano premyo ko?

Uga-wogo: bigay ko sayo lahat mga FHM magazine collections ko.

WOhta-Wonga: Okay deal.

Nag-isip muna si WOhta-Wonga ng ilang sandali…

WOhta-Wonga: Game…akin na! yes…basta mga FHM magazine mo ah

Uga-wogo: Oo may bunos pang masahe ko with laway.

WOhta-Wonga: YESSS!!!!

Dumambot ng maliit na  bato si WOhta-Wonga at pinukpok ang ibabaw…kaya nabutas ng kunti. Sinilip naman ni Uga-wogo …

Uga-wogo: Oh ano nasa loob, bato ba yan, ha? Matubig yan e, lusaw ang laman, bato ba yan? Ang bato matigas,Tanga.

WOhta-Wonga: eh hindi naman amoy tae ah…syempre fresh pa to kaya lusaw pa…wait natin titigas din yan.

Nilapag nila sa ibabaw ng malaking bato. Dahil sa sobrang init ng araw ay naluto ito.

WOhta-Wonga: Oh sino ngayon ang tanga sa atin? Sabi ko sayo, tingnan mo, matigas na.

Uga-wogo: okay tama ka don, ngayon kainin mo.

WOhta-Wonga: Watch me…

Binalatan muna ni WOhta-Wonga

Uga-wogo: Bakit mo binabalatan?

Wohta-wonga: Haalluuueerrrr, so dirty kaya.

Hindi na komontra si Uga-wogo, at kumagat naman ng kunti si Wohta-wonga

WOhta-Wonga: hhmmmm…ang sarap…ang sarap tol.

Uga-wogo: yaks, kumakain ng tae…

WOhta-Wonga: hindi nga, masarap nga..tikman mo masarap, promise…

Naghabolan ang dalawang taong kweba at nagharotan. Dahil sa sobrang panghaharot ni WOhta-Wonga kay Uga-wogo ay napilitan din tikman ni Uga-wogo.

Uga-wogo: Oo nga noh, masarap nga.

WOhta-Wonga: sabi sayo e, tara hanap pa tayo ng ganun hayop tapos abangan natin puwet niya.

Uga-wogo: pero teka, ano itatawag natin dito?  hindi naman pweding tae.

WOhta-Wonga: hmmm…sabagay tama ka, ang sagwa kung tae ang itatawag natin…nakakadiring kainin,yaks!

Sa kanilang pag-iisip kung ano ang itatawag nila sa nadiskubre nilang pagkain ay nakaramdam sila ng antok.

Uga-wogo: haayyy naku, ITULOG nalang natin to.

WOhta-Wonga: Naks ang galing mo ah…tama, ‘yun ang itatawag natin dito ITLOG nalang natin to, ang galing mo rin ah. ITLOG....hhmmm puwedi..mula ngayon ITLOG ang itatawag natin dito.

Uga-wogo: Ako pa?! you know me, AKONI. Apir!!

At nag-apir ang dalawang magbestfriend na taong kweba, gamit ang kanilang nguso. Apir! Mwah!!!


"Hindi lahat ng galing sa puwet ay tae" -Itlog


---THE END---

Paano kaya na-diskubre na puweding mainom ang gatas ng baka?