nuffnang

Wednesday, February 9, 2011

Ang pagtatagpo


Sa wakas, nahanap ko na rin ang aking sarili. Ilan taon ko din hinanap at kung saan-saan, hindi ko akalain na dito ko lang pala sa abroad matatagpuan ang ungas na ito. Nakikita ko ngayon ang aking sarili nasa loob ng kanyang opisina, ganun parin siya wala masyadong nagbago mukha lang ang maganda sa kanya, hahaha. Pero natatakot ako sa kanya, baka hindi niya ako tanggapin at hindi niya ako maitindihan. Magkaiba ang istado ng buhay namin, isa akong talonan, medyo winner na winner naman siya ng bongga. Natatakot ako para sa kanya baka kalimutan niya ako, baka hindi na siya lumingon sa kanyang pinanggalingan dahil sa kunting biyayang naabot niya ngayon. Shit hindi pwedi, kaya nga ako nandito para gabayan siya na huwag makalimut at manatiling katulad ko parin siya kahit na papaano.

Ilan taon, ilan taon na akong naghihintay. Ilan taon ko nang hinihintay na mahanap na ako ng aking sarili. Nasaan na kaya siya? bakit ang tagal niya? ano ba kasi ang pinaggagawa niya? maraming oras ang nasasayang, maraming opurtonidad ang nakakalagpas. Nandito ako ngayon sa loob ng aking opisina, iniisip ang aking sarili at humihiling na sana mahanap na niya ako, hanggang kailan ako maghihintay na mahanap ako ng aking sarili? Excited na akong ipakilala sa kanya kung sino ako ngayon, maipagmamalaki na niya ako ngayon, sasama ako sa kanya pag-uwi.

Nakasilip ako ngayon sa opisina ng aking sarili. Nakikita ko parang malalim ang iniisip, kailangan magkausap na kami ngayon at kailangan tanggapin niya ako. Nasa harap ako ngayon ng aking sarili, nagkatitigan kami.

Nandito na ang aking sarili. Nahanap na niya ako, nakatayo ngayon ang aking sarili sa akin harapan. Nakagtitigan kami.

Ako (Hinahanap ang sarili) at Akoni (Hinihintay ang sarili)

Ako:          Hi

Akoni:       hello

Ako:          kamusta kana?

Akoni:       Ito masaya, sa wakas nahanap mo na ako.

Ako:          Oo nga eh, hindi ko akalain dito lang pala kita mahahanap sa Saudi.

Akoni:       Pero ngayon nandito kana, hindi na tayo maghihiwalay pa, lagi tayo maglalaro.

Ako:          hahahahahaha…alam ko ang ibig mong sabihin, hahaha.

Akoni:       hehehe. Kamusta kana?

Ako:          Ito masaya dahil nahanap na kita, nakokosensya sa mga nagawang katarantadohan.

Akoni:       Nararamdaman ko nga. Bakit kasi?

Ako:          un ang nasa destiny ko e..haha

Ako:          Pero, tanggap mo ako, kahit na ano ako?

Akoni:       Oo naman, ako ay ikaw at ikaw ay ako, hindi kita kayang bagohin, nandyan kana, ikaw ang nakaraan ko. Ngayon magkasama na tayo, hindi na tayo maghihiwalay pa. magiging sandalan kita sa aking buhay, magiging isa ka sa inspiration ko.

Ako:          Anak ng…ang lalim mo ngayon magsalita ah

Akoni:       hehehe…people change, you know.


Ngayon nahanap ko na ang aking sarili. Hindi na kami ulit maghihiwalay pa. Kailangan niya ako at kailangan ko din siya.

Sa wakas nahanap din ako ng aking sarili. Sobrang saya ko ngayon, kailangan ko siya, dahil siya ang aking nakaraan, ako ang ngayon.

Ang susunod na mission ko/namin ay ang hanapin ang future na "kami".

Ikaw, nahanap mo na ba ang iyong sarili? 

itutuloy

3 comments:

  1. nyahaha... naku kinakausap mo sarili mo... masama na yan.. lol..

    ako? di.. di ko alam... kung nasan sarili ko.. hay..mahirap maghanap..papahinga muna ako sa paghahanap

    ReplyDelete
  2. hahaha...yan hobby ko. self talking ba..hehe..

    baka naman hindi mo na kailangan hanapin ang sarili mo? baka hindi nawawala..hehe.

    ReplyDelete
  3. makulit lang ang sarili mo mommy, kaya ganun..:P

    ReplyDelete