nuffnang

Sunday, February 20, 2011

BUS

Bago mo ito basahin ay ipikit mo muna ang iyong mga mata, dahil magmumura ako. Okay, ready kana?


PUTANGAMANGFUCKFACEMADAPAKASANDANDTHEBEACHESSANAMAGAN!!!
(Repeat 3x, then exhale, inhale)


Nalulungkot ako ngayon, naghihirap ang aking kalooban. Nawawala ang isang bagay na napakahalaga sa akin, na naglalaman ng mga bagay na napakahalaga sa akin. Dobleng pahirap at kalungkotan ang nadarama ko ngayon, parang double dead karne lang sa mga palengke.


Nawawala ang USB ko (Insert sad face), ang 8GB kong USB (Insert sad face). Nakakalungkot dahil 'yun ang unang USB ko (Insert tears), more than 2 years na sa akin 'yun. Noon nasa pinas pa ako, naiinggit ako sa mga taong naglalakad na may nakasabit na USB sa kanilang leeg.


"Ano 'yan?" tanong ni akoni sa kaibigan may nakasabit sa leeg


"ahh..ito? USB pare, ito ngayon ang uso" sagot niya kay akoni


Isa ako sa mga tumatangkilik ng mga nauuso sa atin, kaya hindi mapakali ang katawan yummy lupa ko na hindi makuha kung ano man ang nauuso.


2008, nagkaroon na ako sa wakas ng USB. May maisasabit na ako sa aking leeg pag-uwi ko ng pinas. Inalagaan ko ito, hindi ko nilagyan ng mga porn videos dahil baka kako malasin, biruin mo yung sakripisyo ko? tiniis ko 'yun.


*Crying Out Loud* Noong isang araw *hikbi*, minalas ang USB ko. Nawala, tinangay ng BUS ang USB ko, nahulog o naiwan ko sa BUS ang USB ko, hindi ko alam. Wala akong magawa kundi namnamin ang bigat ng kalooban ko at e-turtore ang aking sarili, kailangan kong magsisisi upang hindi maulit.


"Oo, sorry na akoni. kasalanan ko na, hindi sana mawawala kung hindi ko dinala sa biyahe at hindi sana mawawala kung sa bulsa ng maong ko nilagay, umaamin na ako, kasalanan ko na ang lahat"


May sentimental baliw kasi sa akin ang USB ko na nawala sa BUS. Lahat ng mga importanteng files ko ay nandoon sa katawan niya, mula resume, picute-pictures, at kung anu-ano pang mga abubot ko. Lalo na mga sinulat kong mga kalokohan na blogs at mga guni-guning ligaw na kwento, na hindi ko pa nae-po-post ay nandoon lahat, wala akong back up files, ang galing ko noh?


Ngayon wala na ang USB ko, wala na ang ibang pinaghirapan kong naka-saved don, tangnan BUS na un tinangay ang USB ko, 2012 na ba? ang tagal naman.

5 comments:

  1. kawawang akoni at kawawang usb..haist!

    2012? katapusan daw ng mundo sa year n yan ah, ayon sa movie.. hehe! sa movie lang noh..

    nakikiramay ako sa pagka wala ng USB mo..:(

    ReplyDelete
  2. may laman bang scandal yun? pag meron un malamang di na maibalik yun :)

    Bili nalang uli :)

    ReplyDelete
  3. -mama, nandon lahat ng storya ko..:(

    wala pare..ehehe...love ko kasi un, first sahod ko kasi un...hehe..

    ReplyDelete
  4. ahahah.... natawa lang ako, ewan ko kung bakit, pero kasi natawa ako sa mura dun sa itaas. ahahaha....

    bili k nlng ulli.. mura nlng USB ngayon. ^^

    ReplyDelete
  5. haha..ty rap..light palang yan hind ko maitodo kasi baka ma-MTRCB ako..hahaha...

    Oo bibili ako.hehe hanap ako ng kapareho niya.

    ReplyDelete