nuffnang

Wednesday, February 2, 2011

GUSTO KONG MAGKASALA...!!!!!!!!!!!!!


Gusto kong magkasala... Lagi ko iniisip ‘yan, araw-gabi. Hindi ako sigurado kung marami ang nangangarap na magkasala... rin tulad ko, pero disededo na akong magkasala... Ipagyayabang ko pa ito sa lahat ng mga kaibigan ko at sa lahat ng mga kamag-anak ko, gusto kong magkasala....

Hindi ko alam kung bakit ko ito pinapangarap. Siguro, dahil sa naghahanap din minsan ng kakaibang kaginhawaan ang aking katawan, gusto ko naman maranasan ng katawan ko ang magkasala..., gusto kong magkaroon ng pagpaparaosan ang aking katawan araw-gabi lalo na kapag walang magawa, kay sarap sa pakiramdam.

Masarap ang magkasala..., Dahil mararamdaman mong iyong-iyo ang mundo, iyong-iyo ang oras mo, ang iyong sarili, solo mo lahat ng kaginhawaang dulo’t nito, walang aagaw sa'yo sa sarap na mararamdaman mo. Sigurado akong hinding-hindi ako magsisisi kapag nagkasala...na ako, matagal ko na itong pangarap.

Ako’y humihiling sa hari ng sala. Ibigay ang hiling ng isang taong nangangarap magkasala..., hindi naman sobra itong hiling ko, huwag kang mag-alala maiitindihan ako ng ibang tao at magiging masaya para sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Sana, sana magkasala... na ako, amen!

Ikaw, ayaw mo bang magkasala... o kuntento ka na ba sa loob ng iyong kwarto? ayaw mong magkaroon ng masarap na tambayan at mapagpapahingaan? ayaw mong magkaroon ng sala set? ayaw mong may komportableng lugar para sa mga bisita mo? At ayaw mo bang may matambayan ka habang nanonood ng telebisyon at DVD?






masarap magkaroon ng SALA set lalo na kapag kumpleto. Masarap talaga magkaSALA set, hindi ba?



2 comments:

  1. LOL!!!!!!! HAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA...

    ADIK ka. hahahahhahaa anow ba!

    ReplyDelete
  2. lintik na magkasala na yan ang tagal kong maisip kong ano yan ilang bese p aulit ulit na gustong gawin yon pala ay sala set.

    bwisit. Hahahhhhhhhhha

    ReplyDelete