nuffnang

Thursday, February 17, 2011

Imbentor

Kasalukoyan ko ngayon tinatapos ang bagay na magpapatigil ng oras. Gusto kong matigil ang oras ngayon, as in now na (ala boy abunda). Masaya ako ngayon, walang nararamdaman na bad vibes, walang nakikitang panget na ka-room mate, at walang inalala na problema.

Kasama ko ngayon ang pinakamamahal kong babae sa planetang earth, ang babaeng pumapangalawa sa akin mahal na ina, ang babaeng pangalawa ng ulo ko, ang babaeng pang-apat ng tuhod ko, ang babaeng nagmamay-ari ng aking puri (parang nasabi ko na ito sa isang blog ko ah).

Sa buhay ng isang tao walang kasing sarap ang makasama mo ang mahal mo, wala kasing saya ang nararamdaman mo, gumagaan ang mundo mo, wala kang ka-proble-problema, kung mayroon man ay nagkakaroon agad ng solusyon. (Insert all cheesy lines)

Dalawang araw lang ang bakasyon ko sa kanya, sana matapos ko na itong iniimbento ko bago pa siya magising, para mapatigil ko na ang ikot ng mundo, mapatigil ang oras, kahit isang araw lang.



9 comments:

  1. IM HAPPY FOR YOU anak kasi kasama mo ang daughter in-law ko now, sana nga tumigil ang oras para habang buhay kayong nanjan sa kinalalagyan niyo ngyn..hehe! have fun!!! :))

    ReplyDelete
  2. mama, wag naman forever, ayaw ko naman ma-trap kami sa panahon to..hahaha..isa or dalawang araw ayos na..

    ReplyDelete
  3. eh cheezzyy nga yan parekoy ahehehe...

    ReplyDelete
  4. Wow! dami mu alam!!!

    ang cheesy mo!! haha!!
    pero nakakabilib huh?!!

    Sana may ganyan din akong boylet.. haha!!

    ReplyDelete
  5. naks..balentayms pahabol ba ito??

    sana ako din makasama ko na ang mahal ko..

    ReplyDelete
  6. nyaks humahabol sa balentimes o.. hahah ok go with the flow lang.. wahehhe

    ReplyDelete
  7. masaya lang aketch,kaya naisip kong what if puwedi kong gawaan ng paraan ang mapatigil ang oras..hehehehe..salamat guys sa pagdalaw dito sa aking pader..toinks

    maldita::::mayroon din, tingin2x k lng sa paligid mo..:P
    kamila::::masaya at masarap ang ganun feelings ditba?
    kiko idol::::love month parin naman e..hehe..pwedi pang maging cheesy..

    ReplyDelete
  8. naks naman.... astig... pahingi ng imbensyon mo... pwede ba yan upgrade sa time machine... ehehhehe...

    ReplyDelete
  9. I love reading through a post that will make men and women think.
    Also, thank you for allowing me to comment!

    my homepage ... Dragonvale Cheats

    ReplyDelete