nuffnang

Tuesday, February 8, 2011

Mga ka-kornehan AKONI sa pebrero

1. Alam mo ba kung bakit dapat share tayo sa lahat? Dahil iisa lang ang mundo natin.
2. Sana magunaw na ang mundo dahil excited na akong makasama ka sa kabilang buhay na walang hanggan.
3. Huwag kang magtataka kung minsan bumibigat ang mundo mo, ipapaalala ko lang sa’yo, dalawa tayo sa mundo mo.
4. Alam mo ba ang pagkakaiba ng LOVE at LUST? Ang LUST hindi makapaghintay, ang LOVE nakakapaghintay.
5. Minsan kailangan mong maging mahina para lumakas.
6. Parang pagkain din ang pag-ibig, paano mo malalasahan kung hindi mo titikman? parang ‘yung ginawa ni Eba at Adan?
7. Walang matigas na puso sa haplos ng tunay na pag-mamahal.
8. Ang pag-ibig ay parang malalim na swimming pool, kailangan marunong ka lumangoy para hindi malunod, pero kung hindi ka talaga marunong lumangoy, huwag kang mag-alala nandito lang ako magsisilbing salbabida mo.
9. Matagal na panahon ko hinanap kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig hanggang sa dumating ka.
10. Mahal kita, dead or alive.

2 comments:

  1. doon na ako sa number 10...hahaha

    ReplyDelete
  2. nyahahaha.. ano yan? amnesia girl.. lol.. pero the best ang love at lust.. lol lang

    ReplyDelete