nuffnang

Tuesday, February 1, 2011

Stop, look and listen

Tumigil ka, tama na yang pinaggagawa mo, itigil na ang pagmamalupit, itigil na ang pagkawawa sa sarili, itigil na ang diskriminasyon, itigil mo na ang mga yan. Hindi mo ba alam kong anong buwan ngayon? Tigilan na ang kasamaan, mag hilamos at maghugas kana, panahon na para sumaya, panahon na para linisin ang ating pagkatao.
Tingin ka sa bandang kaliwa, tingin ka sa bandang kanan, lumingon sa may likoran, at tumingala ka sa langit, wala ka bang nakikitang kakaiba? Hindi mo ba nakikita ang kislap sa iyong paligid? Tama na ang pagbubulag-bulagan, buksan mo ang iyong mga mata. Ilang buwan ka nang nababalot ng dilim, huwag mo palampasin ang pagkakataon na ito.
Wala ka bang naririnig? ang hangin ay kumakanta, ang kaluskos ng iyong pagkatao ay sumasabay, pakinggan mo ang awit ng pagbabago at Pagkinggan mo ang bulong ng pagmamahal. Makinig ka sa bulong ng iyong puso, sa sinasabi ng iyong utak, hindi mo ba naririnig? Nag-uusap sila at nagkakamabutihan na, ikaw lang ang hinihintay na makinig sa kanilang mga bulong.
Tumigil ka,
tumingin ka,
at makinig ka,
ang buwan ng pagmamahal ay nandito na!



3 comments:

  1. Weeeeehh.. madaming salamat sa pag-iwan ng entry!!!! :)

    ReplyDelete
  2. tumigil ka din! hahaha...joke! peace tayo!

    ReplyDelete
  3. hahaha..potjheng, ito na sisimulan nang tumigil..haha..tanx...

    thanks din kamila, subok lang, walang personalan..bagong blogger lang ako.hehe

    Mommy: thank you always..

    ReplyDelete