nuffnang

Thursday, February 10, 2011

Tulala...


Kani-kanin kanina lang, binosohan ko itong blogsite ko para magbasa at mamboso trips sa mga “pinapalo” kong mga bloggers at sa mga “pinapalo” din nila. Hobby ko na ngayon ang basahin ang mga bagong entries nila, pero kalimitan nahihiya akong mag-iwan ng komento kasi bago lang ako sa larangan ng tsenes na itech at saka nahihiya ako hindi ko pa kasi sila kilala matchyado, hehe, kaya sa mga pinapalo kong bloggers, akala niyo lang tulala lang ako dito palagi, pero hindi niyo alam “I am following you, be careful” (devil’s laugh).


Alam ko hindi mo na itatanong kung bakit tulala ang title nitong entry blog ko, pero kahit hindi ka magtanong sasabihin ko.

Tinulala kasi ni KAMILA bangs ang umaga ko ngayon, binigyan ako ng pagkilala sa kanyang pakulo sa blogsite niya, ang MAPAGMAHAL BLOG AWARD para daw sa tsenes love month na ito.

Sumali ako sa pa-contest niya, ito ang unang beses kong maglakas loob na ibahagi ang blog ko sa ibang tao sa mundo ng BLOGGING. Dati kasi ang mga kaibigan ko, ako at ang kukote ko lang ang pinapabasa ko sa mga blogs ko, mahiyain kasi akong tao (sa mga hindi ko kakilala), pero sabi ng mga friends ko palakaibigan daw ako, sweet at delicious pa.

Teka, napapalayo na ang kwento ko, hahaha. Ipinoste na ni kamila ang mga wagi sa kanyang pakontes at isa ako sa mga waging wagi, dahil special award ang nakuha ko, ibig sabihin special kami, hahaha. Unang parangal sa akin ito bilang isang blogger, maliit pero para sa akin kasing taas ni Yao ming ng NBA, wag na kaseng taas ng langit kasi korne na un, si Yao Ming kasi pagpinagtabi kami nun, langit na ang taas sa akin, haha.

“Stop, look at listen” ang blog entry ko, hindi ko alam tula pala ang naisulat ko, hahaha, pero kaninang basahin ko ulit, napansin ko nga parang tula nga, ang galing ng mga hurado, akala ko kasi Rap na kanta, hehehe. Kaya ayun, TULALA AWARD ang special award ko, cooooooollll…at ang galing nila mag-isip.

Natutuwa at masaya ang naramdaman ko dahil bukod sa may award na ako, special pa at may mga magiging kaibigan pa akong bloggers.

Maraming-maraming salamat KAMILA at sa mga hurado, hindi niyo alam kung gaano niyo pa pinalakas ang self confidence ko para magsulat pa ng mga tsenes blogs, thank you. Thank you din sa family ko for always supporting me, kay mommy and to my wonderful lady, sa mga sponsors, at specially to GOD, sa floor directors namin, sa manager ko, sa mga fans. I love you all, LOL and FOL (Farting Out Loud).


Oo nga pala, CONGRATS sa lahat ng NAGWAGI at sa lahat ng sumali!


TULALA AWARD





12 comments:

  1. Nyahaha.. huy THANK YOU AKONI sa pagsali.. super naapreciate ko talaga.. at madami sumali.. nakawin mo yung PIC BADGE nung award... sayo yun...... :)

    ReplyDelete
  2. congrats parekoy, at nga pala, welcome sa mundo ng blogging.. ako din ganayan noong una.. 3 months pa lang ako dito hehehe..

    salamat din nga pala sa pagpalo.. :)

    ReplyDelete
  3. hahaha..ayun ohhh ------->
    nasa gilid...

    ReplyDelete
  4. Thank you parekoy, sana nga lang tumagal ako..haha..good luck sa akin (crossed finger).

    ReplyDelete
  5. Ahhh nakuha mo na pala... hahahaha!!! Salamatttttt madami

    ReplyDelete
  6. wapak na wapak pati ang speeech ah...prang beckymon lng...jejeje...congratz ulit Akoni!

    ReplyDelete
  7. hahaha...karamihan kasi sa mga friendship ko dito mga bekimon, jejemon at demon..LOL..thank you sa pagboso...

    ReplyDelete
  8. congrats!

    apir!

    ni follow na po kita :))
    natawa naman ako sa "delicious pa!"
    haha!!

    ReplyDelete
  9. congrats... bukas libre ka sa cafeteria... Broasted daw ang handa.. sabi ng cook...

    ReplyDelete
  10. apir maldita..thank you sa pagpalo, beware i am going to follow you..haha...un ang sabi ng mga friends ko..haha

    musingan: putcha, sinabi mo yan..hindi ako magbabaon.

    ReplyDelete
  11. tayo palang dalawa ang may special awards, :) congrats

    ReplyDelete