nuffnang

Monday, February 28, 2011

LOVE STORY AKONI part 4

Maaga palang gising na ako, nakahiga lang ako at kung anu-ano na naman ang naiisip. Ano kaya isusuot ko? Anu kaya sasabihin ko pagkaharap ko na pamilya ng magiging asawa ko? Anu kaya ang magiging reaction nila pagnakita nila ako? Ma-star struck kaya sila o masuka? Parang nasa Ferris wheel na naman ang utak ko sa mga oras na ‘yun, kaya bago ako mahilo ay bumangon na ako pagkatapos kong magkamot ng puwet.

Magsisimula na kaming mamanhikan sa pamilya ng girlfriend ko. Syempre kabado ang lolo niyo, ganun pala ang feeling, parang natatae ka na hindi, parang nasusuka ka na hindi, therefore, parang natatae ka na nasusuka (That’s philosophy 101), weird.

Pagkatapos kong maligo magbibihis na ako, kinalat ko lahat ng mga damit ko, hinanap ko ang pinaka-pamatay na porma. Halos lahat ko na maisuot pero hirap talaga akong pumili, kaya naramdaman ko na naman si batman, tenteneneneennntenneeennnnn. Take charge ulit ako kay batman, bahala na siya.

Nag-txt ako sa girl friend ko,

“We are coming, tatlo kami, bring it on!!!"

Ako ‘yung klaseng tao na walang kakaba-kaba sa dibdib, walang hiya nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko e, malakas daw ang appeal ko sa masa, madaling makagaanan ng loob, magaling daw ako mag sales talk at mambola, "daw" lang yan ah. Pero noong nasa tapat na kami ng kanilang gate, nag-slow motion ang mundo ko, naririnig ko ang lakas ng paghinga ko at nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sobrang kaba, napapikit ako, pinagdaup ang mga palad ko at humiling sa diyos...

“Diyos ko po, please sana po magmukha akong si Coco Martin kahit ngayon araw lang po, ameen!”.

Pina-welcome kami, maganda ang approached nila sa amin, lahat naka-smile, naramdaman kong mabubuti silang tao, kaya nawala ang kaba na nararamdaman ko. Lumakas ang aura ko, bumalik ang tiwala ko sa aking sarili. Lalo na noong magkita ang mommy niya at tita ko, magkakilala pala sila noon pa. Nagulat ako sa aking nakikita, parang close na close ang dalawa, pati ang lola niya. Naupo nalang ako sa isang tabi, ang pamamanhikan ay nauwi muna sa kamustahan, kinuwento nila sa akin kung bakit sila magkakakilala pero nalimutan ko na, hindi ko nai-recorded dahil nagkakagulo ang mga brains cells ko that time.

Pagkatapos ay umuwi kaming masaya ako, “MISSION ACCOMPLISHED.” Naggaranteya ang tita ko na pasok ako sa banga. Ang saya ko sa oras na ‘yun, pakiramdam ko nagustohan ako ng kanyang pamilya, hindi ko alam kung bakit nila ako nagustohan, baka binigay ng diyos ang hiling ko kanina. 

Makalipas ang isang araw, nabalitaan ko sa girlfriend ko na tumagilid ang situation nang malaman ng ibang angkan niya ang pamamanhikan namin, against sila sa akin, sa amin dalawa, syempre hindi ganun-ganun lang kadali makakapasok sa kanilang angkan. Hindi kasi ako katanggap tanggap sa kanila, kung anu man ang rason nila, nauunawaan ko, syempre iniisip din nila ang makakabuti sa anak nila lalo na sa kanila. Iba kasi ang gusto nila para sa girlfriend ko.





Part 5
Itutuloy…

12 comments:

  1. my favorite love story.. anak share ko lang sa lahat ah, hehe! sana ok lng sau, hingi sana ako ng permission knina pero naka idle ka..

    mga ka blog: alam niyo itong love story ni akoni na-featured ito sa GMANEWS.tv.com proud mom lang ako.. hehe abangan niyo to, super cute na love story.

    ReplyDelete
  2. hanggang ilang part kaya ito?... ahahaha

    ReplyDelete
  3. WAAAAAAAAH? GMA NEWS TV.. shet sikat pala... padikit nga..baka sumikat din me!! hahaha..

    wala talagang madaling bagay noh? Hay.. nandun na kala mo okay na..tapos ayan may mga tutol pa pala... harrruuuu

    ReplyDelete
  4. mama - thank you. sige okay lang sa akin...hehe..

    Leonrap - hanggang may cheese pa sa mundo..haha

    Kamila - blog site lang un ng GMAnews.tv noh...parang ganito lang.

    -Oo nga e, ma-curve talaga ang buhay.akala mo diretso na un pala biglang liliko nalang.

    ReplyDelete
  5. huwwwaatttttt! GMA?!! pare apir-apir tayo!! ikaw na ang sikat!! pacanton ka naman o!!

    ReplyDelete
  6. hala! sana ipublished u n pu agad ung continuation nito ksi nakakasuspens! jejeje...

    hinanap ko pu ung artcle nyu sa GMAnews anu pu b titulo nyo dun...?!

    ReplyDelete
  7. hahaha..Iya-khin, sharing of story lang un ng mga OFWs..

    Lhuloy - nasa tab na pinoy abroad..naman..hindi ko tinago kasi link..hehe..dito mo nalang basahin..haha

    ReplyDelete
  8. gusto ko tong storya ah. in fairness galing ah

    ReplyDelete
  9. waheheh hanggang sa kasalan ba ang part na ito...

    ReplyDelete
  10. tuwa na ako biglang may kabig sa huli! abangan ang susunod na kabanata...

    ReplyDelete
  11. Thanks bino...trying hard lang dude..hehe...nagpapakaseryoso lang minsan..hehe

    Kikomaxx..Oo ata..haha

    Sean - hello..may susunod pa naman e

    thank you all guys..hehe

    ReplyDelete
  12. ganda naman ng love story na ito.At magaling ka mag kwento Akoni.Makulay.

    ReplyDelete