nuffnang

Wednesday, May 11, 2011

Blog-ibig page19

last 3 pages nalang....



bakit...?

Sumang-ayon, naghintay at umasa ako sa plano ni Kamil na hahanap ng tamang pagkakataon para hiwalayan si Musingan. Ayos lang sa akin na dalawa kaming kasintahan niya. Basta ang importante sa akin ay mahal niya ako, kahit maryoon akong kalaro sa kanyang puso.

Lumipas ang maraming araw, wala parin nangyayari sa sinasabi niyang makikipag hiwalay siya kay Musingan. Parang ang nangyayari ay sa papel (love letters) lang niya ako boyfriend at mahal, at sa realidad si Musingan ang boyfriend niya.

Minsan naiisip kong gibain ang pagmumukha ni Musingan, pagpalitin ang wetpaks niya at mukha niya, pero hindi ko magawa, dahil takot ako makipag-away, kasalanan ng mga magulang ko ito, hindi nila ako pinalaki na palaaway o basagulero.

Dahil sa amateur pa ako sa pag-ibig, hinayaan ko nalang ang lahat, hindi ko alam ang gagawin ko para maging akin lang siya. Hindi na ako tumatambay sa school, after ng class diretso na ng bahay at hindi na ako nagpunta ng school noong linggo ng wika at Nutrition days.

Bakit pa? Ayaw kong nakikitang lagi niyang kasabay si Musingan. Masasabi kong isa akong hangal at bobo dahil pinabayaan ko sila, ‘yun ang pagkakamaling nagawa ko dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya. Umasa akong siya mismo ang pupunta sa akin, pero huli na ang lahat tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Musingan at nalubog na sa kumonoy ng kadiliman ang pag-ibig niya sa akin.

Lumipas ang maraming taon, 2090 na, hehehe. Lumipas ang maraming araw, patuloy parin ang mga lakad nila ni Musingan. Kahit anong ginagawa nila ay nalalaman ko, mapa-grupo, mapadalawa lang sila, mapa-public at mapa-private, nalalaman ko lahat, and when I say lahat, as in lahat, you know. Alam mo ba kung bakit?









Dahil pinsan ko si Musingan!



itsutsuLhuloy pa ng kaunti...

15 comments:

  1. kaloka ang revelation!
    mygawd!
    hayssssso may dalawang entries pa bago matapos ito?

    ReplyDelete
  2. takteng base yan. uso? lol. piz yanah!

    1.ikaw na ang martyr. ikaw na.haha
    2.sobrang oa mo pards. 2090? kaw na ulet.
    3.e ikaw naman pala e, nang-aano ka ng pinsan. ikaw na ulet 3x. lol

    ReplyDelete
  3. humayged!!! wata revelation!!!!!!
    hanip..babasagin talaga ung muka kua?! jajaja...

    ReplyDelete
  4. basagin na ang mukha!!!!!!harharhar!
    kaya pala..patay tayo dyan magkaribal pala kayong talaga! bagal mo kasi! ikaw na ang martyr tama si bolero! wahaahah!

    ReplyDelete
  5. My nalalaman ka pang 2090? Par ang oa. Kaya hawig kayo ni musingan, magpinsan pla kayo. Lol

    ReplyDelete
  6. haha.. may ganung level pa. pinsan mo pala si branded haha.. lalong nagiging kapanapanabik ah?:)

    ReplyDelete
  7. totoo ba un? pinsan mo si musingan o part lang ng fiction?

    ReplyDelete
  8. hehe....hangngang 2090 na pagmamahal kay kamil..

    ReplyDelete
  9. Yanah- base 1..hehe..oo dalawa lang ata..hehe

    BOLERO - ako na, oo ako na..salamat

    Lhuloy - sabi gigibain, hindi babasagin, ano akala mo sa akin basagulero? lels

    Iya - isa ka pa...gigibain..hay naku..haha mwah

    mama - hehe..paktay sila sa book 2..haha

    MOKS - ahahaha..ewan ko sayo

    Mayen - yes pinsan ko siya, second cousin...hehe...nalalapit na pagtatapos eh..

    Bino - si musingan hindi ko kaano ano, pero ung pino-portray ng rule niya ang pinsan ko..

    hehehe..arvin, korni lang un..hehe

    ReplyDelete
  10. OUch men! Wapak! tagos sa buto dahil pinsan mo pala si branded boy!

    hahayaan mo bang malubog sa kumunoy ang pag-ibig mo kay Kamil?

    ReplyDelete
  11. Si pinsan ang kinahibangan ng aking mahal. Patay tayo diyan.

    Parang di ko na kaya. dalawa kami sa buhay niya.at siya si pinsan ang lagi niyang kasama ano ito?

    di kita masisi kong mag hurumintado ka.

    abangan na lang.

    ReplyDelete
  12. hindi hindi maaari ito.. paano na sila.. char nadala ba.. hahaha

    ReplyDelete
  13. hnd ko na alm ang ahat g ngyayari . pero dis part. ang masasabi ko lang. eh hnd mo kelangn magalit kay musingan kasi wala nmn siyang ginagawa sayo. nagkataon lng na pareho kayo ng minamahal. hehe..

    ReplyDelete
  14. nalilito ako..fiction...non-fiction...fiction...non-fiction...fiction...non-fiction...fiction...non-fiction...fiction...non-fiction...fiction...non-fiction...

    parang kasinungalingan dapat paniwalaan ang dating...love triangle..square..o circle ata...mmhhh..nag-iisip pa din hanggang ngayun.... :)

    ReplyDelete