Dahil sa wala pa akong naiisip na kalokohan, gawa ng hindi ako makapag-isip dahil sa "Worries" ko, kwentohan ko muna kayo, isa itong guni-guning ligaw lamaang. Matagal na rin ito sa desktop ko, now ko lang napansin, last year ko pa ata ito naisulat, Ngiyahahaha este hahaha.
Si Bruno
Si bruno, isang lalakeng patapon ang buhay, ulilang lubos, basagolero, at halang ang bituka. Pang-aagaw ng kung anu-anong bagay na pweding ibenta ang ikinabubuhay niya, isa siyang snatcher, kaya labas masok narin siya sa kulongan. Nakaugalian niyang tuwing alas 7 ng gabi ay magronda sakay ng kanyang motor para maghanap ng mabibiktima.
Sa kanyang pagroronda, may naispatan na naman siyang bibiktimahin, isang babaeng naglalakad mag-isa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, pinaharurot agad ang kanyang motor papunta sa babae. Pagkatapat niya sa babae ay biglang inagaw ang kanyang bag. Nakalayo na siya, kaya tumigil muna siya sa isang kanto at pangiti-ngiting sinisilip ang laman ng bag ng babae. Habang tinitingnan niya, may nakita siyang mga pulis na nagroronda sa di kalayuan, nataranta siya kaya pinaharurot na naman niya ulit ang kanyang motor. Nagulat ng bigla siyang lumiko sa isang kanto, may nakasalubong siyang sasakyan din kaya nawalan siya ng kontrol, pero hindi siya nabangga ng kotse dahil nakaewas siya.
Si Justin
Anak OFW, kaya halos lahat ay nasa kanya. Isa siyang babaero, mayaman, at may pagkamatigas ang ulo at mainitin. “ohh baabbyy..babyyy..ooohhhh…” Kumanta siya habang minamaneho niya kanyang sasakyan, kakahatid lang niya sa kanyang girlfriend 20 minutes ago.
“Ooohh baabbyyy…baabbbyyy…ooohhhh...my babbyy…babyyy...aaahhh” hirit na naman niya, habang kumakanta siya biglang nagring ang kanyang telepono, pero sinulyapan lang niya. Patuloy parin siya sa pagkanta, pero ring parin ng ring ang kanyang telepono kaya nainis tuloy siya, naiistorbo ang moment niya. Bago pa siya tuloyan mabad-trip, dinampot niya ang kanyang telepono na nasa kabilang upuan. Pagbalik ng kanyang paningin sa daan ay nagulat siya dahil biglang may sumulpot na motor sa kanyang harapan, nataranta siya at nawalang ng balanse, bigla niyang nailiko sa tabi ang kanyang sasakyan, napanganga siya bigla sabay tadyak sa preno dahil may batang nakatayo…tulala si Justin habang nasa kamay parin niya ang telepono at tumutunog parin.
Si Charice
Isang simpleng babae, pangarap niyang makapag-abroad, kaya nga kursong Nurse ang kinuha niya. Kakahatid lang sa kanya ng kanyang boyfriend kaya naglalakad siyang parang nasa ulap, pangiti-ngiti siyang naglalakad nang biglang may dumaan na motor at hinablot ang kanyang bag, nabigla siya sa mga pangyayari. Ilang minuto bago siya natauhan, saktong may dumaan na police, nagsisigaw siyang tinawag ang mga pulis, nireport niya ang mga pangyayari, “kami na ang bahala” sabi ng pulis. Umuwi na siya ng bahay, hindi parin makapaniwala sa nangyari, naalala niyang tawagan ang kanyang boyfriend para magsumbong, hindi sinasagot ang telepono, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, wala parin sagot sa mga tawag niya, nainis siya. Naisip niyang hindi niya titigilan hanggat hindi sinasagot ng boyfriend niya ang mga tawag niya.
Si Sarah
Isang studyante, kakarating lang galing school, nanonood ng paborito niyang palabas sa kanilang sala. Nagring ang ang kanyang telepono, ang tatay niya “Sarah, sabihin mo sa nanay mo, gagabihin ako ng uwi, magpapatrol kami, may tinutugis kaming snatcher”. “opo ‘tay”. Nagutom siya, kaya naisipan niyang bumili ng pancit canton sa labas. Patalastas pa kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay, nagmamadali siyang tumawid iniisip ang pinapanood niyang palabas dahil after five minutes matatapos na ang patalastas. Pagtawid niya ng kalsada, biglang nagsigawan ang mga tao sa kanyang paligid.
WAKAS