nuffnang

Monday, May 30, 2011

NOKIA



Dahil sa wala pa akong naiisip na kalokohan, gawa ng hindi ako makapag-isip dahil sa "Worries" ko, kwentohan ko muna kayo, isa itong guni-guning ligaw lamaang. Matagal na rin ito sa desktop ko, now ko lang napansin, last year ko pa ata ito naisulat, Ngiyahahaha este hahaha.

Si Bruno

Si bruno, isang lalakeng patapon ang buhay, ulilang lubos, basagolero, at halang ang bituka. Pang-aagaw ng kung anu-anong bagay na pweding ibenta ang ikinabubuhay niya, isa siyang snatcher, kaya labas masok narin siya sa kulongan. Nakaugalian niyang tuwing alas 7 ng gabi ay magronda sakay ng kanyang motor para maghanap ng mabibiktima.

Sa kanyang pagroronda, may naispatan na naman siyang bibiktimahin, isang babaeng naglalakad mag-isa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, pinaharurot agad ang kanyang motor papunta sa babae. Pagkatapat niya sa babae ay biglang inagaw ang kanyang bag. Nakalayo na siya, kaya tumigil muna siya sa isang kanto at pangiti-ngiting sinisilip ang laman ng bag ng babae. Habang tinitingnan niya, may nakita siyang mga pulis na nagroronda sa di kalayuan, nataranta siya kaya pinaharurot na naman niya ulit ang kanyang motor. Nagulat ng bigla siyang lumiko sa isang kanto, may nakasalubong siyang sasakyan din kaya nawalan siya ng kontrol, pero hindi siya nabangga ng kotse dahil nakaewas siya.

Si Justin

Anak OFW, kaya halos lahat ay nasa kanya. Isa siyang babaero, mayaman, at may pagkamatigas ang ulo at mainitin. “ohh baabbyy..babyyy..ooohhhh…” Kumanta siya habang minamaneho niya kanyang sasakyan, kakahatid lang niya sa kanyang girlfriend 20 minutes ago.
“Ooohh baabbyyy…baabbbyyy…ooohhhh...my babbyy…babyyy...aaahhh” hirit na naman niya, habang kumakanta siya biglang nagring ang kanyang telepono, pero sinulyapan lang niya. Patuloy parin siya sa pagkanta, pero ring parin ng ring ang kanyang telepono kaya nainis tuloy siya, naiistorbo ang moment niya. Bago pa siya tuloyan mabad-trip, dinampot niya ang kanyang telepono na nasa kabilang upuan. Pagbalik ng kanyang paningin sa daan ay nagulat siya dahil biglang may sumulpot na motor sa kanyang harapan, nataranta siya at nawalang ng balanse, bigla niyang nailiko sa tabi ang kanyang sasakyan, napanganga siya bigla sabay tadyak sa preno dahil may batang nakatayo…tulala si Justin habang nasa kamay parin niya ang telepono at tumutunog parin.

Si Charice

Isang simpleng babae, pangarap niyang makapag-abroad, kaya nga kursong Nurse ang kinuha niya. Kakahatid lang sa kanya ng kanyang boyfriend kaya naglalakad siyang parang nasa ulap, pangiti-ngiti siyang naglalakad nang biglang may dumaan na motor at hinablot ang kanyang bag, nabigla siya sa mga pangyayari. Ilang minuto bago siya natauhan, saktong may dumaan na police, nagsisigaw siyang tinawag ang mga pulis, nireport niya ang mga pangyayari, “kami na ang bahala” sabi ng pulis. Umuwi na siya ng bahay, hindi parin makapaniwala sa nangyari, naalala niyang tawagan ang kanyang boyfriend para magsumbong, hindi sinasagot ang telepono, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, wala parin sagot sa mga tawag niya, nainis siya. Naisip niyang hindi niya titigilan hanggat hindi sinasagot ng boyfriend niya ang mga tawag niya.

Si Sarah

Isang studyante, kakarating lang galing school, nanonood ng paborito niyang palabas sa kanilang sala. Nagring ang ang kanyang telepono, ang tatay niya “Sarah, sabihin mo sa nanay mo, gagabihin ako ng uwi, magpapatrol kami, may tinutugis kaming snatcher”. “opo ‘tay”. Nagutom siya, kaya naisipan niyang bumili ng pancit canton sa labas. Patalastas pa kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay, nagmamadali siyang tumawid iniisip ang pinapanood niyang palabas dahil after five minutes matatapos na ang patalastas. Pagtawid niya ng kalsada, biglang nagsigawan ang mga tao sa kanyang paligid.


WAKAS



18 comments:

  1. astig! magkakarugtong ang kwento ng bawat karakter! bitin nga lang hehehe. pero this is still a nice post! :)

    ReplyDelete
  2. pabitin effect! puma-part 2!!! lol

    naalala ko yung movie na jologs dati nung high school ako...

    nice one akoni ^^

    ReplyDelete
  3. agree ako kay Bino :)
    pero nakakatuwa parin :D

    ReplyDelete
  4. galing naman ng konek konek... Ang galing talaga kapag umarangkada ang guni guni mong ligaw. sana may ganyan din ako guni guni. hehe..

    ReplyDelete
  5. connecting People magandang gawing short film ito.sa ibat ibang character at moments nila.

    ReplyDelete
  6. parang indie film yung dating. Mahusay ang pagkakarugtong ng kwento ng bawat karakter pero hindi naligaw ang konsepto buong buo. Galing. :)

    ReplyDelete
  7. Persovol.. LIKED!!!

    Sekenovol, kaya pala NOKIA.. connecting people. hehehe.. Brilliant!

    Turdovol, Ang ganda ng story.. Ang cute pa rin ni Justin ko. haha!! Me pakanta-kanta pa tlga ha. Lesson learned yan. Kapag nagda drive, wag intindihin ang cellphone para iwas disgrasya.. Hmm.. Nakapreno naman siya agad diba? So hopefully, okay yung bata.. si Sarah. :)

    Wait, si Charice ba yung GF ni Justin? Sana Leah na yang inilagay mong name. Wahaha!! Demanding?

    ReplyDelete
  8. naalala ko yung movie na JOLOGS dati...parang ganito ang estilo ng post mo...magkakadugtong ang estorya ng bawat karater! Kelan ang part 2?

    ReplyDelete
  9. wahihi chain of events. naalala ko yung movie "the curious case of benjamin button". the delay of the taxi and so on and so on until the accident hihi.

    ReplyDelete
  10. pusa - don ko nga nakuha ang idea..

    MOKS - don ko nga nakuha ang idea..walang part 2...masakit sa matress mag-isip ng kwento..

    LEah - anong sekenovol at turdovol, parang tubol eh..hehehe...sa susunod na storya leah ipapartner ko kay justin mo..

    Vin - thanks naman vin, kinilig ako

    Diamond - gawin natin? hehe

    Mama - nabasa mo na ito diba? hehe..may mga kunting pagbabago lang.

    Mayen - hehe naks naman..kilig much me sayou..thanks..

    Abby : thanks singer abby :)

    Whang - thanks, parang ganun nga..walang part yan..hehe

    Bino - Thank you always bino

    ReplyDelete
  11. @moks, uu nga noh, katulads ng jologs, lahat magkakakabit ang buhay.

    @akoni, pede ka ng script writer for movies. :D

    ReplyDelete
  12. Wala na bang kasunod? Bitin po eh!

    ReplyDelete
  13. Si bruno ay ang nang snatch kay charice na tinatawagan ang boyfriend na si justin, na siya naman ay nag sa soundtrip at si sarah yong batang nakita ni justin...... tama kaya ako? Lol

    ReplyDelete
  14. hahaha... lalabas pala pagkastory teller mo panahon ng worries.. o sige paramihin pa namin worries mo maganda kasi ang mga eksina.. pero sayang wakas na ata...

    ReplyDelete
  15. Kiko - hanggang dyan lng kaya ng utak ko...hehe..aktuli, madami na akong naisulat na story, pero kahit isa walang ending...haha

    Empi - tama, idagdag mo pa ito, ung pulis na sumaklolo kay charice ang tatay ni Sarah...hehe

    Anonymous - ayos ang bitin para balikbalikan..

    Khanto - aktuli ulit, parang ganun n nga sa jologs..hehe...hanggang dyan lang kaya ng utak ko, i need help..hehe

    ReplyDelete
  16. Hindi ako nag-skipread pramis. Idol mo pala si Charice

    ReplyDelete
  17. potah ka glentot, bakit ka nagpunta dito...?nahiya ako tuloy..isasara ko na tong blog ko...isa pa!!

    ReplyDelete
  18. kanina nung binasa ko si bruno, natawa ako akala ko bitin, may connect connect pala, kawawang sarah,kung nasagasaan siya. I'll be waiting for you here inside my heart...yan ang kanta sa burol niya.

    ReplyDelete